NAPAHIKAB si Dana habang hinihintay niya ang pagbabalik ni Franco sa opisina nito. May ka-meeting kasi ulit itong isang investor kaya umalis ito saglit sa office nito. Naiwan naman siyang nag-iisa do'n. Gusto naman na niyang umuwi dahil wala naman na siyang gagawin do'n pero ayaw naman niyang suwayin ang utos nito. Kanina pagkatapos nilang kumain ng lunch at nang makapagpahinga siya ay nagpaalam na siya kay Franco na uuwi na siya. Pero sinabi nitong mag-stay na lang siya do'n at sabay na daw silang uuwi na dalawa. Gusto naman ni Dana na mag-protesta pero baka magalit na naman ito. Ayaw na ayaw pa naman nitong kino-kontra ang gusto nito. Iyon ang isang nalaman ni Dana na pag-uugali ng lalaki. Lahat ng sinasabi nito ay dapat sinusunod, hindi kino-kontra. Kasi kapag ko-kontrahin niya ito ay