bc

Heartless Husband

book_age18+
358.2K
FOLLOW
2.7M
READ
billionaire
possessive
contract marriage
love after marriage
arrogant
manipulative
powerful
CEO
bxg
heavy
like
intro-logo
Blurb

"When you're in my house, you follow my rules"

Malaki ang atraso ng nakakatandang kapatid ni Dana kay Franco De Asis. Franco was her sister’ sugar daddy. Pagkatapos kasi nitong lokohin ang lalaki ay nagnakaw pa ito ng milyon-milyong halaga sa pinagta-trabahuan nitong kompanya ang De Asis Empire—ang pag-aari mismo ni Franco. At ang pamilya niya ang ginigipit ni Franco sa naging kasalanan ng Ate niya.

At para hindi nito pagbayarin ang pamilya niya ay nagbigay ito ng kondisyon. Kailangan niya itong pakasalan. Pero tumanggi siya sa kondisyon nito. Ayaw ni Dana na maikasal sa lalaking hindi niya mahal, sa lalaking hindi niya kilala. Lalo na at triple ang agwat ng edad nila.

But Franco was heartless, noong tumanggi kasi siya sa kondisyon nito ay tinuloy nito ang paggigipit sa pamilya niya. So, she have no choice but to accept his condition. She agreed to marry him.

At sa araw ng kasal nila, ay nagulat siya nang makita niya ng personal si Franco. Akala niya ay matanda na ito, hindi pala.

Franco was young, handsome, tall and with oozing with s*x appeal. Iyon nga lang kapag tumititig ito sa kanya ay mababakas do'n ang disgusto. Ang tingin kasi nito sa kanya ay katulad siya ng Ate niya na mukhang pera. Kaya nangako siya sa sarili na babaguhin niya ang maling ekspresyon nito sa kanya. Pero hindi niya inaasahan na kahit na ganoon ang ugali ng asawa, kahit na iba ang pakikitungo nito sa kanya ay nahulog ang damdamin niya dito.

Ngayon ay hindi lang ang maling ekspresyon nito sa kanya ang gusto niyang baguhin. Gusto din niyang mahalin din siya nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KUMUNOT ang noo ni Dana ng pagkababa niya sa tricycle na sinakyan ay ang pagparada din ng isang kotse sa tapat ng bahay nila. At mula do’n ay bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas do’n ang isang lalaki. May dala itong brief case at sa tantiya niya ay nasa lagpas kwarenta anyos na ang edad nito. Nilapitan ni Dana ang lalaki nang makitang maglalakad ito patungo sa bahay nila. “Good morning po,” magalang na bati niya ng makalapit siya dito ng tuluyan. Huminto naman sa paglalakad ang lalaki at bumaling sa kanya. “Good morning,” ganting bati din nito sa kanya. “Dito ka ba nakatira?” Mayamaya ay tanong nito, sabay turo sa bahay nila. Tumango naman si Dana bilang sagot. “Opo. Dito ako nakatira.” Magalang pa din na sagot niya. “Ano pong kailangan niyo?”  Tanong niya, hindi kasi niya kilala ang lalaki. At mukhang dayo lang ito sa lugar nila dahil ngayon lang niya ito nakita. “Ako si Attorney Enriquez,” Pagpapakilala nito. “Pinadala ako dito ng De Asis Empire.” Pagkarinig ni Dana sa De Asis Empire ay biglang kumabog ang dibdib niya sa kaba. De Asis Empire ay ang kompanyang pinagta-trabahuan ng nakatatandang kapatid niyang si Doreen. Malaking kompanya ang De Asis Empire. Balita din niya na ang may-ari niyon ay majority stock holder ng malalaking kompanya gaya ng banking, oil, mining at airlines din. Weeks ago ay nakatanggap si Dana ng sulat. Hindi iyon simpleng sulat—isang subpoena para sa ate niyang si Doreen. Mula sa sulat ay nalaman niya ang ginawa ng ate niya sa kompanyang pinagta-trabahun nito. Nagnakaw ng milyon-milyon ang ate niya at kasabwat nito sa pagnanakaw ay ang boyfriend nitong accountant sa nasabing kompanya. Hindi niya inaasahan na magagawa ng ate niya ang magnakaw. Lalo na at ang alam niyang may relasyon ito at ang may-ari ng De Asis Empire. Ayon kasi sa mga tsismosang kapitbahay nila, pumatol daw ang ate niya sa matandang bilyonaryo—iyon ay ang boss nito para umahon ang buhay nito sa kahirapan. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya nila. Simpleng maybahay lang ang Mama niya at isang security guard naman ang Papa niya. Nagsikap ang mga ito para makapagtapos silang dalawa ng Ate niya sa pag-aaral. Nakatulong din ang pagiging scholar niya para makapagtapos siya ng nursing. Dalawang taon lang naman ang agwat ng edad nila ng ate niya. Twenty six siya at twenty eight years old naman ang Ate Doreen niya. Matayog ang pangarap ng ate niya, pagka-graduate kasi nito sa college ay lumuwas ito pa-Maynila at doon naghanap ng trabaho. Bihira lang din ito umuwi sa kanila. Paiba-iba ito ng trabaho hanggang sa nabalitaan niya na nagta-trabaho ito bilang sekretarya ng may-ari ng De Asis Empire. Noong una ay hindi naniniwala si Dana na magagawa ng Ate Doreen niya na papatol sa matanda, pero habang tumatagal ay napapansin na din siyang kakaiba dito kapag umuuwi ito sa kanila. Minsang umuwi kasi ito ay sakay ito ng isang mamahaling sasakyan. Minsan tinanong niya ito kung kaninong sasakyan iyon, nagalit lang ito sa kanya at sinabing huwag na siyang magtanong. At huwag niyang pakiaalam ang buhay nito. Mamahalin din ang mga suot nitong damit at bag. Pati na rin ang mga suot nitong alahas. Lalo na noong atakihin sa puso ang Papa niya, malaki ang kinakailangan nilang pera para operahan ito. At ito ang nagbayad sa pagpapa-opera sa ama at sa hospital bill din nito. Simula niyon ay naghinala na siya, sekretarya ang trabaho ng ate niya. At wala pang isang taon itong nagta-trabaho do’n pero paano ito magkakapera ng ganoong kalaking halaga? Paano ito makakabili ng mamahaling sasakyan at mga mamahaling gamit? At iyong hinala niya ay nasagot no’ng minsang naiwan ng ate niya ang cellphone nito sa kwarto niya. Nakita niya mula sa screen ng cellphone nito ang’ Daddy’ na tumatawag dito. Hinala niya ay ang sugar daddy nito iyon na si Franco. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng galit para sa ate niya. Okay lang sa kanya na pumatol man sa mayamang matanda ang ate niya. Buhay kasi nito iyon pero hindi lang niya nagustuhan ay iyong pagnanakaw nito sa taong nakinabangan nito at worst pa ay sumama pa ito sa ibang lalaki. Hindi ba nito inisip ang magiging reaksiyon ng mga magulang nila? Hindi din ipinaalam ni Dana sa magulang ang nangyari. Ayaw kasi niyang dagdagan ang problema ng magulang lalo na’t kagagaling lang ng ama sa hospital. Inatake kasi ito sa puso, at her father was half paralized. Mabuti na lang ay nakaligtas ito sa kamatayan. At baka atakihin na naman ito kapag nalaman nito ang pinaggagawa ng ate niya. At baka hindi nito kayanin sa pangalawang pagkakataon kapag inatake na naman ito. And she loves her father so much.  “Can I talk to your parents?” Mayamaya ay wika nito. Napakagat naman siya sa ibabang labi. “Pasensiya na po, pero hindi po alam ng magulang ko ang ginawa ng ate ko,” Sabi niya. Napansin niya ang pagdaan ng kalituan sa mukha ng kausap kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ako po kasi ang nakatanggap no’ng subpoena para kay Ate. At hindi ko po ipinaalam sa magulang ko ang tungkol do’n. Kagagaling lang po kasi sa ospital ng Papa ko. At baka po atakihin ulit siya kapag nalaman niya ang ginawa ng ate ko.” paliwanag niya sa kondisyon ng ama. “I understand you, hija. But Mr. De Asis is impatient man. He’s really angry at your sister. Kapag hindi nagpakita ang ate mo at hindi binalik ang milyong ninakaw, you have no choice kung hindi magulang mo ang magbayad sa ninakaw ng ate mo.” “Pero wala po kaming ganoong kalaking halaga,” wika niya. Saan naman nila kukunin ang 50 milyon, eh, kahit isang milyon nga ay wala sila. Walang trabaho ang magulang niya. At sapat lang din ang kinikita niya bilang isang nurse sa pribadong ospital sa pang araw-araw nila. “Wala na akong magagawa. I am doing my job. Binibigyan kayo ni Mr. De Asis na isang linggong palugit para makausap ang ate mo. Pero kapag hindi pa nagpakita ang ate mo, prepare the 50 milyon.” Wika nito, pagkatapos niyon ay nagpaalam na ang lalaki sa kanya. Kinagat naman ni Dana ang ibabang labi ng tuluyan ng nakaalis ang kotse ng lalaki. Bagsak ang mga balikat na naglakad siya papasok ng bahay nila. Nagulat pa siya no’ng pagbukas niya ng pinto ng bahay nila ay sumalubong sa kanya ang mama niya. “Sino iyong lalaki na kausap mo, Dana?” Tanong agad ng mama niya sa kanya. “N-nagtatanong lang po siya, Mama. Mukhang naligaw,” pagsisinungaling na lang niya. “Ganoon ba,” sabi na lang ng Mama niya. “Siya nga pala, nakausap mo na ba ang ate mo?” Mayamaya ay tanong ng mama niya sa kanya. “Tinatawagan ko siya pero hindi ko ma-contact ang numero niya. Ano nang nagyari kaya sa batang iyon.”   Napakagat siya ng ibabang labi. Wala talagang kaalam-alam ang Mama niya sa pinaggagawa ng ate niya. “Hindi... ko pa po siya nakakausap, Mama. Subukan ko pong tawagan si Ate mamaya.” Sabi niya dito. “Oh, sige. Kapag nakausap mo ang ate mo sabihin mo na tumawag siya sa akin.” “Okay po,” sabi niya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya na pupunta sa kwarto niya. Naglakad na siya patungo sa kanyang kwarto. Pagkapasok sa loob ay agad niyang inilabas ang cellphone at sinubukan niyang tawagan ang ate niya. Pero gaya na lang ng una niya itong tawagan simula noong malaman niya ang ginawa nito ay un-attended muli ang numero nito. “Argh, ano itong problemang pinasok mo ate,” hindi niya napigilang ibulalas sa kawalan.       PAGKATAPOS makipag-meeting ni Franco sa mga board of directors ng De Asis Empire ay tumayo na siya at naglakad na paalis ng conference room. Sumunod naman sa kanya ang secretary niya. Habang naglalakad siya ay nagsalita ang secretary ni Franco. “Sir you have an appoinment— Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng magsalita siya. “Cancel it,” putol niya sa sasabihin nito. “But Sir— Franco glares his secretary blankly and coldly. Napansin naman niya ang takot na bumalatay sa mukha nito. “I’m... sorry, Sir.” Hingi nito agad ng paunmanhin sa kanya, her voice is shaky, too. “I cancel your appointment.” Inalis niya ang tingin dito at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod naman ito sa kanya. Isa sa mga pinakaayaw ni Franco ay sinusuway ang utos niya. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng opisina niya ay binalingan ulit niya ang secretary niya. “Call Attorney Enriquez. Tell him that I wanted to talk to him now,” utos niya. “Okay, Sir.” Sagot naman nito. Binuksan na niya ang pinto ng opisina at pumasok na siya do’n. Umupo siya sa executive table niya at habang hinihintay na dumating si Attorney Enriquez ay nagbasa siya ng papeles na nasa ibabaw ng table niya. Makalipas ng ilang minuto ay may kumatok sa pinto ng opisina niya. Mayamaya ay bumukas iyon at pumasok ang secretary niya. “Sir nandito na po si Attorney Enriquez,” imporma nito sa kanya. “Set him in,” he ordered. Ibinaba niya ang papeles na hawak ng pumasok sa loob si Attorney Enriquez. Naglakad palapit si Attorney Enriquez sa kanya. “Good morning, Sir.” Bati nito. Tumango naman siya bilang sagot. Pagkatapos ay iminuwestro niya ang visitor chair sa harap niya. Umupo naman ito do’n. Sumandal naman siya sa swivel chair niya bago nagsalita. “Any update about Doreen and Mark?” Tanong niya. “According to the agent, they were trying their best to locate them. Tatawag daw sila kapag may balita na kung saan nagtatago ang dalawa.” Hindi naman napigilan ni Franco ang pagkunot ng noo sa narinig. “What about the family of Doreen? Ginawa mo ba ang pinag-uutos ko?” Inutusan kasi niya ito na puntahan ang pamilya ni Doreen at para warning-an din mismo ang mga ito sa ginawa ng anak ng mga ito. “Tanging kapatid lang ni Doreen ang nakausap ko,” sagot nito dahilan para lalong kumunot ang noo niya. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. “Pinigilan ako ng kapatid ni Doreen na kausapin ang mga magulang ng mga ito. Kagagaling lang daw sa ospital ang ama. At baka daw atakihin muli kapag nalaman nito ang pinaggagawa ni Doreen,” paliwanag nito. “Sinabi ko na din sa kapatid ni Doreen ang pinag-uutos niyo. Na kapag hindi nagpakita si Doreen ay ang magulang nito ang magbabayad sa ninakaw nito.” Tumango naman siya. “Okay, give me an update from time to time,” sabi niya dito. “Okay, Sir.” Sabi naman nito, pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito. Doreen was her secretary. Maganda si Doreen, maganda ang katawan at may inosenteng mukha. And she’s competent at her job. Maayos at pulido ang trabaho nito. Iba ito sa mga naging sekretarya niya na kulang na lang ay ibalandra ang katawan sa kanya.  She’s prim and proper. She was nice and kind, too. At humanga siya sa dedikasyon nito sa trabaho at sa pagmamahal nito sa pamilya.  Minsan na kasi niya itong narinig na may kausap sa cellphone. At base sa pakikipag-usap nito ay mukhang pamilya nito ang kausap kasi mababakas sa boses nito ang lambing at pangungulila. At doon siya humanga kay Doreen. Isa kasi iyon sa katangian na gusto niya sa isang babae.  He’s attracted with her. Matagal na din simula noong na-attract si Franco sa isang babae. At the age of thirty two, Franco never indulge himself into a serious relationship. Nagkaroon naman siya ng girlfriend but not a serious one. Well, hindi pa kasi niya nakikita ang babaeng seseryosohin niya kasi karamihan sa mga naging babae niya ay pera lang ang gusto sa kanya.  He’s a good catch, after all. He is good looking and rich. Ang gusto naman niya sa babae ay iyong hindi nasisilaw sa yaman niya, iyong tatanggapin siya bilang siya. Hindi dahil siya si Franco de Asis. So, sinubukan ni Franco na i-date at ligawan si Doreen. Dini-date niya ito sa mamahaling restaurant at sinubukan din niya itong bigyan ng mamahaling regalo pero iyong binibigay niya ay ibinabalik nito sa kanya. Hindi naman daw nito kailangan iyon at hindi naman daw ito materialistic na babae. Naisip ni Franco na ibang-iba talaga ito sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Hindi ito nasilaw sa pera niya. Franco continued to pursue her because he wants to have a serious relationship with her. Baka kasi ito na ang babaeng mamahalin niya. Umabot din ng isang buwan bago siya nito sinagot. Mabilis din nitong nakuha ang tiwala niya pero hindi niya alam na pinagnanakawan na pala siya nito at kasabwat pa nito ang accountant ng kompanya niya na si Mark. Kabaliktaran pala ng maamo nitong mukha ang pag-uugali nito.  At lahat ng pinapakita nito sa kanya ay isang palabas lang. At do’n din nalaman ni Franco na may relasyon pala ang dalawa at planado ang pagta-trabaho ni Doreen sa kanya. At pagkatapos ng mga itong makapagnakaw ng milyon-milyon sa kompanya niya ay tumakas ang mga ito. They both broke his trust. At isa sa pinakaayaw ni Franco ay ang mawala ang tiwala niya. Idagdag pa ang ginawa ng mga ito na pangloloko. And he was Franco De Asis—one of young CEO and billionaire. Walang gustong bumangga sa kanya dahil sa takot kung ano ang pwede niyang gawin. Pero nagawa pa ng mga ito na lokohin at pagnakawan ang kompanya niya? Kaya magbabayad ang dapat magbayad. Matitikman ng mga ito kung paano magalit ang isang Franco De Asis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook