NAGISING si Dana ng maulingan niyang may nag-uusap sa kanyang tabi. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Franco at isang matangkad na lalaki. "She's okay, her vital signs is okay. No need to take her to the ospital," narinig niyang wika ng lalaki kay Franco. Napatingin naman siya kay Franco napansin niya ang pagkakasalubong ng mga kilay nito sa sandaling iyon habang nakatingin sa lalaki. "If she's okay? Why she's still not awake?" Narinig naman niyang tanong ni Franco sa lalaki sa seryosong boses. Tumawa naman ang kausap ni Franco. "Of course. She's still sleeping," sagot dito ng lalaki. Akmang bubuka ang bibig ni Franco para magsalita ng mapatingin ito sa kinahihigaan niya. May nakita siyang dumaan na emosyon sa mga mata nito pero sa pagkurap ay naglaho iyon.