NAPATINGIN si Dana kay Joan nang maramdaman niya ang paggalaw nito mula sa pagkakahiga nito sa ospital bed. Mayamaya ay nagmulat ito ng mga mata, napansin niya na iginala nito ang mga tingin sa paligid bago tumuon ang tingin nito sa kanya. Nginitian naman niya ito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. "Kamusta ang pakiramdam mo, Joan?" tanong niya dito. Saglit itong hindi nagsalita. "O-okay naman na ako," sagot nito sa kanya, medyo groggy pa ang boses nito dahil siguro sa itinusok na anesthesia dito. Tama si Dana sa hinala na hindi simpleng ulcer ang iniindang sakit ni Joan, tama siya sa hinala na Appendicitis ang iniinda nitong sakit. Dahil noong nagpunta silang dalawa sa ospital para ipatingin ito sa doctor at matapos ang test na isinagawa dito ay sinabi ng doctor na may appendi