LUMABAS si Dana mula sa banyo na nakatapi lang ng tuwalya. Kakatapos lang niyang maligo ng sandaling iyon. Malakas ang loob niyang lumabas ng banyo na iyon lang ang tanging suot dahil alam naman niyang walang ibang papasok do'n. Pagkatapos niyon ay naglakad siya palapit sa cabinet para kumuha ng damit at underwear na isusuot niya. Binuksan niya ang cabinet. At kumuha siya ng underwear na isusuot ng matigilan siya nang makita ang isang underwear na hindi masyadong pamilyar sa kanya. Napakagat siya ng ibabang labi ng maalala niya kung kanino galing ang underwear na iyon. Iyon ' yon underwear na binili ni Franco para sa kanya noong nasa condo siya nito. Hindi lang iyon ang binili nito sa kanya, may kasama din iyon na bra at ilang mga damit. At lahat ng binili nito para sa kanya ay sakto sa