"SALAMAT po, Manong Danny." pasasalamat ni Dana kay Manong Danny ng pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse ng makarating sila sa mansion pagkagaling nila sa ospital. Ito pala ang naghatid kay Delia sa ospital kung saan na-confine si Joan para palitan siya sa pababantay. Ito din ang sumundo sa kanya pabalik ng mansion. "Walang anuman, Dana," nakangiting wika naman nito sa kanya. "Sige po," paalam na niya bago siya naglakad papasok sa loob ng mansion. Habang papasok siya ng mansion ay hindi na naman niya napigilan ang pagtibok ng puso ng mabilis. Hindi naman niya alam kung dahil ba sa kaba ba iyon o hindi? Siguro dahil sa kaba iyon, siya na din ang sumagot sa sariling katanungan. Makikita kasi ulit niya si Franco, at kapag nakikita niya ito ay naalala niya ang nangyari sa pagitan nilan