"WHAT took you so long-- Hindi na natapos ni Franco ang iba pa nitong sasabihin nang mapatitig ito sa mukha niya. Hindi naman napigilan ni Dana ang mapakagat sa ibabang labi habang sinasalubong niya ang mainit na titig na pinagkakaloob nito sa kanya sa sandaling iyon. Nang makabawi ay tuluyan na siyang sumakay sa loob ng limousine. Tumabi din siya ng upo dito. "S-sorry kung natagalan. Hindi ko kasi napansin ang oras," hingi niya ng paunmanin dito, halos hindi din siya makatingin ng deretso sa mga mata nito dahil hindi niya matagalan ang init na titig na pinagkakaloob nito sa kanya sa sandaling iyon. Hindi din niya maiwasan ang magtaka, dati-rati kasi ang lamig ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Pero iba ngayon. Pero gayunman, malamig o mainit na titig nito ay iisa lang ang epekto