NAPATINGIN si Dana sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama ng tumunog ang message alert tone no'n. Kinuha naman niya ang cellphone para tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya. Hindi niya napigilan ang mapakurap nang makita ang pangalan ni Franco sa screen ng cellphone niya sa sandaling iyon. Ito kasi an napadala ng message sa kanya. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya kung bakit ito nag-text? Eh, sa mahigit isang linggong pagsasama nila ay hindi ito madalas mag-text sa kanya. Ni-hi o hello nga ay wala siyang natatanggap. Hindi naman siya umaasa. Sino ba naman siya sa buhay nito? Eh, wala nga itong pakialam sa kanya. Para ito ay isa lang siyang hangin na dinadaanan lang nito. Ilang sandali pang nakatitig si Dana sa hawak na cellphone hanggang sa binuksan niya ang