INILIBOT ni Dana ang tingin sa loob ng bulwagan. Hinahanap kasi niya kung nasaan si Franco. Iniwan kasi siya nito kanina no'ng may tumawag dito. At sampung minuto na ang lumipas noong iwan siya nito at hindi pa ito bumabalik. Gusto na nga niyang umalis at umuwi na. Sa totoo lang ay hindi siya nag-e-enjoy sa party kasi wala naman siyang kakilala na nando'n. May ipinakilala naman si Franco sa kanya kanina pero ayaw naman niyang kausapin ang mga ito dahil nakaka-intimidate ang mga itong kausap. At higit sa lahat ay nananakit na din ang mga binti niya dahil kanina pa siya nakatayo. Wala man lang kasing upuan na naroon sa bulwagan. Nagpakawala na lang si Dana nang malalim na buntong-hininga. Mayamaya ay napaayos siya ng tayo nang mapansin ang isang lalaki na naglalakad patungo sa dereksiyon