NAPAKAGAT si Dana ng ibabang labi nang magising siya kinaumagahan ay ang mukha ni Franco ang namulatan siya. He is still sleeping right at the moment. Napatingin naman siya sa baywang niya nang makitang nakayapos ito sa kanya. Mukhang inakala pa nitong unan siya. Well, ganoon naman palagi. Kapag nauuna siyang nagigising ay lagi niyang nakikitang nakayapos ito sa kanya. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Franco. And she couldn't take her eyes off him. Kapag natutulog ito ay do'n lang siya nagkakaroon ng pagkakataon na pagmasdan ito ng mabuti na hindi naiilang. And right now, she wanted to touch her face but she was afraid of waking him up. Kaya nagkasya na lang siya na titigan ito. Hindi makapaniwala si Dana na ma-i-in-love siya dito, nasa kabila ng masamang pakikitungo nito sa kanya