TUMALIKOD si Dana para hindi niya makita ang dalawa, dahil habang nakatingin siya sa mga ito ay patuloy na naninikip ang dibdib niya. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya palayo sa mga ito. Humawak naman siya sa kaliwang dibdib para haplusin iyon. Until now, her heart ache. "Ma'am, okay na po ba iyan?" tanong ng saleslady sa kanya ng madaanan niya ito. "Hmm... oo. Pero balikan ko na lang," sabi niya. Ibinigay niya ang hawak dito, pagkatapos ay naglakad siya palabas ng boutique shop. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa comfort room sa nasabing mall. She was thankful dahil walang ibang tao na naroon. Lumapit siya sa may sink, binuksan niya ang gripo at naghugas siya ng kamay. Pagkatapos ay napatingin siya sa salamin na nasa harap niya. Napakagat siya ng iba