ISINARA ni Dana ang cabinet na inilaan para sa kanya ni Franco ng makakuha siya ng kanyang damit na ipamamalit niya pagkatapos niyang maligo. Nasanay kasi siyang maligo bago siya matulog sa gabi. Iisa lang din pala ang kwarto sa condo nito kaya magkatabi na naman silang matutulog. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya ng banyo na nasa loob ng kwarto. Ini-lock niya ang pinto ng makapasok siya ng pinto. Hindi naman siya kagaya ni Franco na hindi nagla-lock ng pinto kaya minsan napapasukan niya ito sa loob. Isinabit niya ang mga dalang gamit do'n. And then she undress all her clothes and she's now naked all over. Binuksan na din niya ang shower. At napaigtad pa siya ng maramdaman niya ang lamig ng tubig sa katawan niya. Nang mabasa lahat ng katawan niya ay kinuha niya ang kanyang sabon. M