NAGMULAT ng mga mata si Dana ng magising siya kinaumagahan. At bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dana ng pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang nakapikit na mukha ni Franco sa kanyang tabi. He's peacefully sleeping right at the moment. Bahagyang nakaawang ang mga bibig nito at naririnig pa niya ang mahinang paghilik nito. Ang isang braso naman nito ay nakayakap sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapatitig sa mukha nito. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ng mabuti ang mukha nito ng hindi siya naiilang. Hindi naman niya napigilan ang mapanguso nang makita ang gatla sa noo nito. Kahit na natutulog ito ay hindi pa din nito naalis ang ekspresyon nitong iyon. Gayunman ay hindi pa din nakakabawas sa ka-gwapuhan nito iyon. Sa totoo nga lang a