Chapter 3

1713 Words
INAYOS ni Dana ang mahabang buhok bago siya pumasok sa loob ng restaurant. Pagkapasok ay agad siyang nilapitan ng isang staff at tinanong kung may reservation siya. Sinabi niyang mayro’n at sinabi niya ang pangalan na naka-reserved sa kanya. “This way, Ma’am.” Anang staff, sinamahan pa siya sa table kung saan ang reservation niya. Tinanong siya ng staff kung may gusto siyang order-in habang hinihintay niya ang ka-appointment niya. Sinabi niyang tubig lang at mamaya na siya o-order kapag dumating ang hinihintay niya. Iniwan naman na siya ng staff para kumuha ng tubig, hindi naman nagtagal ay bumalik ito dala ang hinihingi niya. Tiningnan naman niya ang oras sa suot niyang wristwatch. Maaga siya ng sampung minuto sa binigay na oras ng kausap niya. Nakatanggap kahapon si Dana ng tawag mula sa secretary ni Franco. At sinabi nitong gusto siyang makausap mismo ng lalaki. Sinabi sa kanya ng secretary nito kung kailan at kung saan sila magkikita ni Franco. Uminom ng tubig si Dana dahil pakiramdam niya ay natutuyan ng tubig ang bibig niya. Habang palapit nang palapit kasi ang oras ay kinakabahan siya. Hindi niya kasi alam kung saan patutunguhan ng pag-uusap nila. Pinagdasal nga niya na sana ay maganda ang kalalabasan ng pag-uusap nila ni Franco. Nag-practice na din siya kagabi kung ano ang sasabihin niya kapag nakaharap na niya ito, pero parang nag-blanko ang isip niya. Hindi na niya mataandaan ang prinactice niya kagabi. Sa pangalawang pagkakataon ay uminom na naman siya ng tubig. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin ng mula sa gilid ng mata niya ay napansin niya ang paghinto ng isang pigura sa harap niya. At nakita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. “Nice meeting you again,” anang lalaki sa kanya. “Attorney Enriquez,” banggit naman niya sa pangalan ng lalaki. Ang nasa harap kasi niya ay ang lalaking nagpakilalang ‘Attorney Enriquez’ noong nagpunta ito sa bahay nila. “Nice meeting you din po.” Ngumiti naman ito bago ito umupo sa harap niya. “Hindi makakadating si Mr. De Asis dahil busy ito. At ako ang ipinadala niya para makipag-usap sa `yo.” Imporma nito sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Maganda sana kung si Franco mismo ang makakausap niya para naman masabi niya dito ang lahat ng gusto niyang sabihin. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. May kondisyon na ibinigay si Mr. De Asis para hindi niya pagbayarin ang magulang mo sa ginawa ng ate mo.” Nabuhayan naman si Dana ng loob sa sinabi nito. Kung magagawa niya ang kondiyon na hinihingi nito, wala na siyang po-problemahin. Tumikhim siya. “Ano pong kondisyon ang ibinigy ni Mr. De Asis?” Tanong niya. Matagal bago nagsalita ang kausap. “You need to marry him,” wika nito. Her mouth fell and her eyes widened. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya o hindi. “Ano po ulit?” Tanong niya. “Kailangan mong pakasalan si Franco. Iyon ang kondisyon na ibinigay niya.” Ulit na wika nito. Bumuka-sara ang bibig niya. Pero mayamaya ay tumawa siya nang mahina. “Nagbibiro po ba kayo?” Hindi niya napigilang sabihin, baka kasi binibiro lang siya nito. “I’m serious, Miss Dana. And Mr. De Asis is serious about his condition he give to you.” Sa pagkakataong iyon ay tumigil siya sa pagtawa nang mapansin ang seryosong mukha ng kausap. Darn, hindi nga ito nagbibiro. Sumeryoso na rin ang ekspresyon ng mukha niya. “B-bakit... po niya ako gustong pakasalan? Hindi naman po niya ako kilala.” Hindi niya napigilan itanong. Attorney Enriquez shrugged his shoulder. “I don’t know, Miss Dana. Sinunod ko lang ang pinag-utos sa akin,” Sabi nito. Natahimik naman siya. Hindi kasi niya alam ang sasabihin dito. Nang hindi pa siya nagsasalita at nagsalita ito. “Mr. De Asis give you two days to think about his condition.” Sabi nito, pagkatapos ay may inilapag itong calling card sa tapat niya. “Call me if you have decision.” Pagpapatuloy na wika nito. “The sooner the better.” Kinagat naman ni Dana ang ibabang labi. Mukhang mas lumaki ang problema niya.     PAGPASOK ni Dana sa restroom sa pinagta-trabahuan na ospital ay isinarado niya ang pinto. Naglakad siya sa isang bakanteng cubicle at ini-lock niya iyon. Pagkaupo niya sa bowl ay agad na tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan habang kausap niya ang HR Manager ng pinagta-trabahuan na ospital. Pinatawag siya ng HR Manager kanina dahil gusto nitong makausap siya. Wala naman siyang ka-idi-ideya kung ano ang pag-uusapan nila. Kahit nga ang bestfriend na si Nadine ay nagulat din ng malaman nito na pinapatawag siya. At hindi niya inaasahan ang sasabihin sa kanya ng HR Manager, sa dami ng sinabi nito ay nag-sink in lang sa isip niya ay sinabi nitong tanggal na siya trabaho. Binigay na din ang huling sahod niya at ang separation pay niya. Tinanong niya sa HR manager kung may nagawa ba siyang pagkakamali kung bakit siya tatangalin pero ang sabi lang sa kanya ay utos daw ng nakakataas. Wala na daw itong magagawa dahil sumunod lang din ito. Sa totoo lang, kayang-kaya naman niyang ipaglaban ang karapatan niya lalo na at wala siyang ginawang masama para tanggalin siya sa kanyang trabaho. It against the law. Pero ayaw na din niyang dagdagan pa ang problema niya kung sakaling ilaban niya iyon. Mayamaya ay tumigil si Dana sa pag-iyak ng makarinig siya ng katok mula sa pinto ng kinaroroonang cubicle. “Dana, nandiyan ka ba?” Boses iyon ni Nadine. Pinunasan naman niya ang luhang namalibis sa pisngi niya. Kinalma din niya ang sarili. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya sa cubicle, sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kaibigan. “Totoo ba iyong nabalitaan ko?” Tanong nito sa kanya. Mukhang kumalat na sa buong ospital ang pagkakatanggal niya sa trabaho. Kagat ang ibabang labi na tumango siya. “Bakit daw?” Tanong nito. “Utos... daw ng nakakataas,” sagot niya. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. “Paano na iyan?” “Wala na akong magagawa kung iyon ang desisyon nila. Maghahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho.” Sabi niya sa kaibigan. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Dana, sa totoo lang kasi ay napamahal na sa kanya ang ospital na pinagta-trabahuan. Masakit para sa kanya ang umalis do’n. Ilang minuto din silang nanatili do’n hanggang sa napagpasyahan niyang umuwi na lang sa kanila. Pagdating ni Dana sa bahay nila ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng kaba nang makita ang isang ambulansiya na nasa tapat ng bahay nila. Agad siyang tumakbo papasok ng bahay, pero hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng lumabas ang isang staff ng ambulansya habang tulak-tulak ang wheelchair ng Papa niya. Kasunod niyon ay ang umiiyak na Mama niya. Agad niyang nilapitan ang Mama niya. “Anong nangyari, Mama?” Tanong niya, hindi na din niya napigilan ang mapaiyak nang makita ang kalagayan ng Papa niya at ang umiiyak na Mama niya. “Ang Papa mo,” Sagot nang Ina. Sinulyapan naman niya ang ama, she was thankful dahil may malay ito. “Sunod na lang po kayo. Ako na po ang sasama sa kanila.” Sabi niya, nang isakay ang Papa niya sa ambulansiya ay sumakay na din siya. Hinawakan ni Dana ang kamay ng ama at pinisil. “Pa, kaya niyo po iyan. Huwag niyong ipipikit ang mga mata niyo.” Wika niya, habang hinahaplos ang kamay ng ama at nagdadasal na sana makaligtas ang ama.     NAGPASALAMAT sa Diyos si Dana nang malamang ligtas ang ama niya. Mabuti na lang at nadala agad ito sa ospital. Hindi niya kasi kakayanin kung may masamang mangyayari dito. Nilapitan ni Dana ang Mama niya na tulala at tahimik na umiiyak. Umupo siya sa tabi nito. “Anong nangyari, Mama?” Bumaling sa kanya ang Mama niya. “May pumunta sa bahay na isang abogado,” wika nang ina. Kinutuban naman siya nang masama. “Kinausap kami ng Papa mo. Sinabi niya ang ginawa ng ate mo sa kompanyang pinagta-trabahuan niya. Hindi lang iyon, gusto pa nilang kunin ang tinitirhan natin bilang kabayaran sa ginawa niya.” Hindi naman napigilan ni Dana ang pagkuyom ng kanyang kamay. Hindi din niya napigilan ang makaramdam ng galit para kay Franco. Alam niya kasing ito ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Sigurado din siyang may kinalaman ito kung bakit siya tinanggal sa trabaho. Tumanggi kasi si Dana sa kondisyon na ibinigay nito sa kanya. Hindi kasi niya kaya ang hinihingi nito, hindi niya kayang pakasalan ito. Ayaw kasi niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal at sa lalaking hindi niya kilala. Hindi niya kayang magpakasal sa lalaking triple ang edad sa kanya, lalo na at alam niyang dating ka-relasyon iyon ng ate niya. Para sa kanya ay sagrado ang pagpapakasal, at gusto niya na ikasal siya sa lalaking mahal at mahal siya. Sinabi niya ang desisyon niyang iyon kay Attorney Enriquez ng tawagan niya ang calling card na binigay nito. Naalala pa ni Dana ang huling sinabi ni Attorney Enriquez sa naging desisyon niya. “Kung iyan ang desisyon mo. But prepare the consequences of your decision.” Mukhang iyon ang consequenses na sinasabi nito. Damn you, Franco. You’re heartless beast!  Wika niya sa isipan. Wala talaga itong puso, hindi man lang nito isinalang-alang ang kalusagan ng Papa niya. Mukhang wala dito kung mapahamak lang ang ama niya. Mayamaya ay napatingin siya sa Mama niya magsalita ito. “S-sabihin mo sa akin, Dana. Hindi ba ako naging mabuting ina sa inyo ni Doreen? Hindi ba kami naging mabuting magulang kung kaya’t nagawa ng Ate Doreen mo iyon?” Wika nito sa garalgal na boses Lumuluhang umiling naman siya. “No, Mama. Kayo po ang mabuting mga magulang sa buong mundo. Nagkataon lang ay hindi natin hawak ang iniisip ni Ate,” sabi niya. “Kaya huwag niyo pong isipin iyon.” Lalong napaiyak ang mama niya. Kinagat naman niya ang ibabang labi habang niyayakap ang ina. “Anong gagawin natin, Dana?” Tanong ng ina. Ipinikit ni Dana ang mga mata. Mukhang wala na siyang pagpipilian. Mukhang kailangan niyang bawiin ang naging desisyon niya.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD