Chapter 2

1921 Words
“EARTH to Dana. Dana to earth?” Napakurap-kurap si Dana ng mga mata ng pitikin ni Nadine ang noo niya. Napatingin siya dito. “You’re spacing out again.  May problema ka ba?” Tanong nito sa kanya Nagpakawala si Dana ng malalim na buntong-hininga. Nadine was her bestfriend. At maliban sa pamilya niya, isa din ito sa pinagkakatiwalaan niya. Kilala na kasi niya ito mula pa noong nasa elementarya pa sila. At baka kapag sinabi niya dito ang problema ay baka may maibigay pa itong suhestiyon. “Malaki ang problema ko, Nadine.” Problematic na wika niya. “May nangyari ba ulit kay Tito?” Tanong nito, mababakas sa mukha nito ang pag-alala. Umiling naman siya dahilan para kumunot ang noo nito. “Anong sinasabi mong problema mong malaki?”  Tanong muli nito. Nagpalinga-linga pa si Dana sa paligid. At nang makitang walang tao maliban sa kanilang dalawa ni Nadine ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Tungkol kay Ate.” Umpisa niya. “What about Ate Doreen?” “Na-ikwento ko naman dati sa `yo na pumatol siya sa boss niyang matanda, `di ba?” Na-ikwento kasi ni Dana kay Nadine ang tungkol sa nalaman niyang relasyon ng ate niya sa boss nito. Wala kasi siyang ibang mapagsasabihan niyon kundi ito lang. Ayaw naman niyang sabihin iyon sa magulang niya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. “Wala na sila ng sugar daddy niya?” Tumango siya. “So, anong malaking problema do’n? Hindi ba dapat masaya ka dahil wala na sila ng sugar daddy ng ate mo?”   “Ang problema ay nagnakaw si Ate ng milyon-milyon sa boss nito at kasabwat pa nito ang boyfriend nito.” “Ano?!” Bulalas ni Nadine, mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig at nalaman Agad naman niya itong sinuway. “Huwag kang maingay,” sabi niya. Tinutop naman nito ang bibig. “Sorry,” hingi nito ng paunmanhin. “At ang problema ko, kapag hindi nagpakita si Ate at hindi binalik ang perang ninakaw ng mga ito ay kami ang magbabayad niyon.” “Oh, god!” Bulalas ni Nadine. Mapapansin niya ang pagbakas ng hindi makapaniwala sa mukha nito. “Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Ate Doreen iyan.” “Ako din,” nanlulumong wika niya. “Alam ba nina Tito at Tita iyan?” Mayamaya ay tanong nito. Umiling naman siya. “Ayokong malaman nila ang ginawa ng ate ko. Alam mo naman na kagagaling lang sa ospital ni Papa.” “So, anong balak mo?” “I don’t know. Ilang beses ko ng sinubukan tawagan si Ate pero un-attended na ang numero niya. Mukhang nagpalit na siya ng numero. At wala naman akong pera na ganoong halaga.” Sabi niya dito. “At binigyan lang ako ng isang linggong palugit ng abogado ng boss ng ate ko.” Natahimik naman ang kaibigan. Mukhang nasa malalim itong pag-iisip. Pero mayamaya ay nagsalita ito. “Ano kaya kung personal mong kausapin ang boss ng ate mo?”  Suhestiyon nito. “Makiusap ka sa kanya baka maawa pa siya sa `yo. After all, ang ate mo ang may kasalanan at hindi kayo.”   “Paano kapag hindi siya nakinig sa akin?” “Paano naman kapag nakinig at maawa sa `yo? Walang mangyayari kung hindi mo susubukan, Dana. At wala namang mawawala sa `yo kung sakali. At least sinubukan mo.” Well, may punto naman ang kaibigan. Tanging pakikipag-usap dito ang paraan niya para masolusyunan ang pino-problema. Kahit na kasi anong gawin niya, kahit na umutang pa siya ng pera sa lending ay hindi pa din niya mababayaran ang 50 milyon. Nagpakawala na lang si Dana ng malalim na buntong-hininga. At sinabi sa kaibigan ang naging desisyon niya sa suhestiyon nito. “Kaya mo iyan, Dana.” Pagpapalakas nito ng loob. She just smiled. Yeah, kaya niya iyon.     HINDI mapigilan ni Dana ang makaramdam ng kaba pagkababa niya sa Taxi na sinasakyan.  Ramdam din niya ang pamamawis ng kamay habang nakatingin siya sa building ng De Asis Empire. Lumuwas si Dana patungo sa Maynila para kausapin ang may-ari ng De Asis Empire. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago siya naglakad papasok sa loob ng building. Lalo lang siyang kinabahan pagkapasok niya, lalo na sa lamig ng aircon na bumalot sa balat niya. Kahit na nakasuot siya ng cardigan ay ramdam pa din niya ang lamig. Nagtuloy-tuloy na si Dana sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa reception area. Sinabi niya ang sadya niya sa receptionist do’n at hiningan naman siya nito ng ID na agad naman niyang ibinigay. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya patungo sa may elevator. Binilisan niya ang paglalakad nang makitang sasara na ang elevator. Hinarang niya ang kamay sa pinto para hindi iyon tuluyang magsara. Akmang papasok siya sa loob ng elevator nang mapatigil siya ng mapansin ang lalaking sakay niyon. Nag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito at napansin niya ang nakakunot ang noo nito. Gayunman ay kahit na nakakunot pa din ang noo nito ay hindi pa din maitatangging gwapo ang lalaki. Mula sa makapal nitong kilay, sa ilong nitong matangos at sa labi nitong mapupula. Kulay itim din ang kulay ng mga mata nito. Matangkad at matikas din ito. He’s wearing a white long sleeve na nakatupi ang manggas niyon hanggang sa siko nito. Mula din don ay kitang-kita niya ang munting balahibo sa braso nito at ang ugat niyon. He’s beyond perfect, walang panama ang mga model at artista sa taglay nitong ka-gwapuhan. Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mga mata ng magsalita ang lalaki. “Are you coming in or not?” He asked her in a baritone voice. “Oh... sorry,” sabi naman ni Dana bago siya sumakay sa loob ng elevator. Lihim din niyang pinagalitan ang sarili dahil sa naging reaksiyon. Nakakita lang siya ng gwapo ay natulala na siya. Darn, nakakahiya. Baka kung anong isipin ng lalaki sa kanya. Tuluyan ng sumarado ang pinto ng elevator. Akmang pipindutin niya ang button ng mapatigil siya. Hindi kasi niya alam kung anong floor matatagpuan ang opisina ni Franco. Hindi niya iyon naitanong kanina sa receptionist. Mahina niyang binatukan ang sarili, pagkatapos ay lakas loob niyang nilingon ang lalaki na nasa likod niya. And she was caught off guard nang makitang nakatitig pa din sa kanya ang lalaki. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon nito, nakakunot pa din ang noo. “Hi,” sabi niya sabay taas pa ng kamay. “Ahm, pwede ba akong magtanong? Anong floor matatagpuan ang opisina ng may-ari ng building na ito?” Tanong niya, mukhang empleyado ito do’n kaya sigurado siyang alam nito kung anong floor. Napansin naman niya ang pagtaas ng isang kilay nito. Hindi din ito sumagot, sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. “Hello?” Untag niya dito nang hindi pa ito sumasagot sa tanong niya. “15th floor,” maikling sagot nito. Ngumiti siya. “Salamat,” sabi niya, tumalikod na siya dito at pinindot ang button kung saan ang opisina ni Franco. At mula sa kinatatayuan, kahit hindi siya lumingon ay ramdam pa din niya ang mainit na titig ng lalaki. It looks like he was checking at her. Tiningnan niya ang suot sa sandaling iyon, simple lang naman ang suot niya. Nakasuot siya ng fitted jeans, naka-sleeveless siya ng puti at pinatungan niya iyon ng kulay gray na cardigan. Naka-flat sandals din siya. Hindi tuloy siya makapakali sa kinatatayuan. Kinakabahan na nga siya habang pataas nang pataas ang sinasakyang elevator, dinagdagan pa ng gwapong lalaki na nasa likod niya. Kaya ang ginawa ni Dana ay humakbang siya paatras para mawala siya ng bahagya sa paningin nito. Pero hindi sinasadyang magdikit ang mga braso nilang dalawa ng lalaki. Hindi niya napigilan ang mapatingin dito ng maramdaman niya ang parang kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa simpleng pagkakadikit lang ng balat nila. Bumaling din ang lalaki sa kanya. At base sa reaksiyon ng mukha nito ay mukhang naramdaman din nito ang naramdaman niya. Inalis na lang niya ang tingin dito dahil hindi niya kayang tagalan ang klase ng titig nito. Nalulunod kasi siya sa mga titig nito at pakiramdam niya ay pati kaluluwa niya ay tinititigan nito. Nagpasalamat si Dana ng huminto ang sinasakyang elevator sa 15th floor. At nang bumukas ang pinto niyon ay dali-dali siyang lumabas ng elevator. At do’n lang niya inilabas ang pinipigilang hininga ng tuluyan siyang nakalabas. At bago pa sumara ang pinto ng elevator ay bumaling pa siya sa kanyang likod at napansin niya na nakatitig pa din ang lalaki sa kanya. Nawala lang ito sa paningin niya ng tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Napahawak sa kaliwang dibdib si Dana ng maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Hindi naman siya tumakbo para makaramdam siya ng ganoon. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na lang siya para hanapin ang opisina ni Franco. Nang may papasalubong na babae sa kanya ay kinausap niya ito. “Excuse me,” sabi niya. “Saan dito ang opisina ni Mr. De Asis?” Tanong niya. “Accounting Department ang buong floor na ito. Sa 20th floor naman matatagpuan ang opisina ni Sir Franco,” sagot naman ng babae sa kanya. “Oh,” tanging wika naman niya sa narinig. Mukhang hindi nagsabi ng totoo sa kanya ang lalaking nakausap niya. Sayang gwapo sana ito, sinungaling nga lang. Pwede namang hindi alam ng lalaki kung saan matatagpuan ang opisina ni Franco, Dana. Pagtatanggol pa ng bahagi ng isipan sa lalaki. “Okay, salamat.” Sabi na lang niya. Muling sumakay si Dana sa elevator at pinindot ang 20th floor. Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa 20th floor kung saan ang pakay niya. Nilapitan niya ang isang babae na nakita niyang naroon. Abala ito sa harap ng computer nito. “Excuse me, Miss.” Pagkuha niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin. “Yes, Maam?” “Hmm... my name is Dana. Pwede ko bang makausap si Mr. De Asis?” Sabi niya. “Do you have an appoitment with him, Ma’am?” Tanong nito. Kinagat naman niya ang ibabang labi, pagkatapos niyon ay umiling siya. “Wala. Pero pwede ko ba siyang kausapin?” “I’m sorry, Miss but Sir Franco is busy right now. May kausap siya ngayon.” “Hindi ko ba siya pwedeng makausap kahit maghintay na lang ako kung kailangan siya matatapos.” Pamimilit pa din niya. “Pasensiya na Miss pero hindi din nakikipag-usap si Sir kung walang appointment.” “Ganoon ba?” Sabi niya, mukhang wala talagang pag-asa na makausap niya ito ngayon. “Pero pwede bang magpa-set ako ng appointment sa kanya?” Tumango naman ito dahilan para mabuhayan siya ng loob. “Just give me your full name and your contact number.” Binigay naman niya ang hinihingi nito. Pagkatapos nitong maisulat iyon ay ang pagbukas naman ng pinto ng opisina ni Franco. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakasabayan niya kanina sa elevator. Napansin niya na saglit itong natigilan nang mapatingin ito sa dereksiyon niya. Inalis naman niya ang tingin dito at napatingin siya sa matandang lalaki na kasunod nitong lumabas sa pinto. Base sa porma at ayos ng matandang lalaki ay mukhang si Franco iyon ang pakay niya sa araw na iyon. Napansin din niya mula sa gilid ng mata niya ay tumayo ang babaeng kausap niya kanina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD