Chapter 4

2096 Words
NAGPAKAWALA muna si Dana ng malalim na buntong-hininga bago niya i-di-nial ang numero ni Attorney David. Pagkatapos nang mga nangyari sa pamilya niya ay nakapag-desisyon na si Dana na tanggapin na lang ang kondisyon ni Franco na pakasalan ito para hindi na nito ituloy ang pag-gigipit nito sa pamilya niya. Kaya niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para lang sa pamilya. She love her family so much at hindi niya kayang mawala ang mga ito sa kanya. Dahil ang buhay ng mahal niya sa buhay ay iisa lang at iyong kaligayan at kalayaan niya ay pwedeng magbago sa paglipas ng mga araw. Naka-ilang ring din bago sinagot ni Attorney David ang tawag niya dito. "Yes, hello?" Narinig ni Dana na sagot ni Attorney David mula sa kabilang linya. Saglit na kinagat ni Dana ang ibabang labi bago nagsalita. "A-attorney.." hindi din niya napigilan ang pagpiyok ng sariling boses. Tumikhim siya. "Hmm... pwede ko po bang makuha ang personal na numero ni Sir Franco?" Paghingi niya ng pabor dito. Matagal bago sumagot ang kausap. "I'm sorry. Pero hindi ko basta-basta binibigay ang personal na numero ng kliyente ko," sagot naman nito sa kanya. "Lalo na at wala iyong pahintulot mula sa kanya," pagpapatuloy na wika nito. "Please, Attorney. I badly need it. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa kondisyon na hiningi niya sa akin para hindi niya gipitin ang pamilya ko," pagmamakaawa niya dito. Wala naman siyang narinig na sagot mula dito. Tanging buntong-hininga lang nito ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Mukhang nag-iisip ito kung ibibigay ba nito sa kanya ang personal number ni Franco. Pero mayamaya ay nagsalita ito. "Okay," pagpayag nito sa hinihingi niya. "I'll just send to you his number." "Maraming salamat po, Attorney." Wika naman ni Dana dito. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya dito. Hinintay naman niya ang pag-forward nito sa hinihingi niyang numero ni Franco hanggang sa makatanggap siya ng text message galing dito. Sinave muna niya sa kanyang phonebook ang numero ni Franco. At bago niya tawagan si Franco ay nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili. Kinakabahan kasi siya sa sandaling iyon. Nang medyo kumalma at nagkaroon ng lakas ng loob ay idinial na niya ang numero nito. Nag-ring iyon pero walang sumasagot hanggang sa operator ang narinig niya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman niyang idinial ang number nito. Gaya ng una ay ring lang nang ring iyon. Busy yata ang lalaki o sadyang ayaw nitong sagutin ang tawag niya. Naisipan na lang ni Dana na padalhan si Franco ng text message. Naisip niya na baka hindi nito sinasagot ang tawag niya dahil unknown number ang tumatawag dito. To: Franco Good morning, Sir Franco. This is Dana Marquez. Can I talk to you? Pagka-send ni Dana sa message na iyon ay hinintay niya na mag-reply ito sa kanya. Pero sampung minuto na siyang naghihintay pero wala man lang siyang natanggap na reply galing dito. "Argh," naiinis na sambit niya, hindi din niya napigilan ang pagpadyak ng isang paa sa sahig sa inis na nararamdaman niya para sa lalaki sa sandaling iyon. Mukhang walang pag-asa na makausap niya ito ngayon. Ibinulsa na lang niya ang cellphone at bumalik na lang siya sa private room na kinaroroonan ng ama niya. Nang nasa tapat na si Dana ng pinto ng private room ng ama ay kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya bago pinihit ang seradura pabukas. Pagbukas ay nakita niya ang ama na nakahiga sa hospital bed. Samantalang ang ina naman ay nakaupo sa upuan sa gilid niyon. Gising ang ama sa sandaling iyon pero mababakas sa mukha nito ang paghihina at pag-alala. "Pa," tawag niya sa atensiyon nito. Lumapit naman siya dito at umupo sa gilid ng kama. "Kamusta po kayo?" Tanong niya dito. Bumaling naman ito sa kanya. "O-okay na ako," sagot ng Papa niya. Medyo tabingi pa ang boses nito dahil sa pagkaka-stroke. Pero naiintindihan pa naman niya ang pagsasalita ng Papa niya. "Ang iniisip ko lang ay ang Ate Doreen mo," mayamaya ay wika nito sa kanya. Kinagat naman ni Dana ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang kamay ng Papa niya at marahang pinisil iyon. " 'Pa, huwag niyo po munang isipin iyon. Baka mas lalong makasama sa kalusugan niyo," sabi niya dito. "Iyon nga ang sinasabi ko sa Papa mo, Dana. Pero matigas ang ulo niya," singit naman ng Mama niya sa usapan nila ng Papa niya. "H-hindi ko maiwasan ang mag-alala, Carolina. Ako ang ama, hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa mga anak ko." Hinaplos-haplos naman ni Dana ang kamay ng Papa niya. "Pa, naiintindihan ko po kayo. Pero pwede po bang saka niyo na lang isipin ang problema? Baka mas lalo lang sumama ang kalusugan niyo, eh." sabi niya. "Huwag po kayong mag-alala susubukan ko pong contact-in si Ate. At susubukan ko din pong kausapin si... Sir Franco para pakiusapan-- Hindi na natapos ni Dana ang iba pa sana niyang sasabihin sa Papa niya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Inilabas niya iyon sa bulsa ng suot niyang pantalon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita at mabasa kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. It was Franco de Asis. "Bakit, Dana?" Inalis niya ang tingin sa cellphone at inilipat niya ang tingin sa Mama niya nang marinig niya na magsalita ito. "Sino ang tumatawag?" Tanong pa nito ng magtama ang paningin nila. "Ah... kakilala ko lang po. Excuse lang po, Ma at Pa. Sagutin ko lang po iyong tumatawag," paalam niya sa mga magulang. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at naglakad na palabas ng kwarto. Nang nasa labas na siya ay sinagot niya ang naturang tawag. "H-hello." Lihim na pinagalitan ni Dana ang sarili ng dahil sa pagkautal. "What do you want to talk about?" tanong ng isang baritonong boses mula sa kabilang linya. Buong-buo ang boses niyon, at kung iisipin ay parang hindi pa matanda ang kausap niya sa sandaling iyon. "Magsasalita ka ba o hindi?" Wika ng kausap ng hindi pa siya nagsasalita, mababakas din sa boses nito ang iritasyon. Mukhang mainitin ang ulo ng lalaki. "I'm sorry." Hingi naman niya nang paunmanhin sa kausap. "You know, Miss Marquez. I'm busy person kung wala ka naman sasabihing importante sa akin ay mabuti na lang na patayin ko ang tawag. Sinasayang mo lang ang oras ko." Sa pagkakataong iyon ay mababakas na sa bosea nito ang galit. "May sasabihin akong importante," wika niya agad dito para hindi siya nito p*****n ng tawag. Mukhang tama si Attorney David noong sabihin nitong impatient man si Franco. Dahil talagang impatient ito. "What it is?" He asked her in a deep baritone voice. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "Tungkol sa kondisyon na hinihingi mo sa akin-- Hindi pa siya tapos sa sasabihin ng putulin nito ang sinasabi niya. "What about it? Hindi ba nakapag-desisyon ka na?" Kinagat ni Dana ang ibabang labi. "I change my mind. Pumapayag na ako sa hinihingi mong kondisyon. Pumapayag na akong pakasalan ka." Halos walang prenong pahayag niya. Kailangan niya iyong gawin para hindi na magbago ang naging pasya niya. Wala naman siyang narinig na sagot mula dito. Pero mayamaya ay nagsalita ito. "Okay," tanging sagot nito sa sinabi niya. Naghintay naman siya kung may idudugtong pa ito sa sinabi pero mukhang wala na kaya kinuha niya iyong pagkakataon para magsalita ulit. "Sir pwede ba- "Franco." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Ha?" "Call me Franco," sabi naman nito sa kanya. Her lips formed an 'o'. "So, were you saying?" "M-may gusto sana akong hinging pabor sa 'yo tungkol sa kondisyong hinihingi mo sa akin," umpisa niya. "Pwede bang i-sekreto natin ang tungkol sa kasal? A-ayoko kasing malaman nina Papa ang tungkol sa pagpapakasal natin baka kasi kapag nalaman nila ay baka atakihin ulit si Papa sa puso at baka kung anong mangyari pa sa kanya." pagpapatuloy na wika niya. Ipinagdasal din ni Dana na sana ay pumayag si Franco sa hinihingi niyang pabor dito. "Okay," sagot naman nito. Hindi naman niya napigilan ang mapangiti kahit papaano dahil pumayag ito. "Salamat Sir--what I mean is Franco," kabig niya bigla. "I'll inform you where and when is the wedding." "Okay." Tanging sagot lang naman ni Dana kay Franco. *** "SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Dana?" Tanong ni Nadine sa kanya ng i-kwento niya dito ang tungkol sa kondisyon na hinihingi ni Franco para huwag nitong gipitin ang pamilya niya at ang naging pasya din niya sa kondisyon na hinihingi ng lalaki. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Tandaan mo, hindi biro ang pagpapakasal. Kapag nagpakasal ka na ay wala na iyong bawian, " pagpapatuloy na wika nito sa kanya. Tama si Nadine. Gaya ng kasabihan ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay pwede mong iluwa. Kaya nga dapat pinag-iisipan at pinahahandaan iyong mabuti bago pasukin. Pero sa sitwasyon niya, hindi na niya iyon pinaghandaan, hindi na din niya iyon pinag-isipang mabuti. And she was desperate. Nagpakawala si Dana ng malalim na buntong-hininga. "Wala naman na akong pagpipilian, Nadine." sabi niya sa kaibigan. "Kailangan kong baguhin ang una kong desisyon dahil ayokong malagay sa panganib ang kalusugan ni Papa," pagpapatuloy niya. "Tingnan mo naman ang ginawa ni Franco sa 'min, sa trabaho ko noong tumanggi ako sa kondisyon niya." Dahil sa pagtanggi ni Dana kay Franco ay nawalan siya ng trabaho, balak pa nitong kunin ang bahay na tinitirahan nila. At hindi niya alam kung ano pa ang pwede nitong gawin sa pamilya niya dahil sa pagtanggi niya sa kondisyong hinihingi nito. At hindi na niya hihintayin ang posible pa nitong gawin kaya pumayag na siya sa kondisyon nito. Saglit na hindi nagsalita si Nadine. Sa halip ay nakatitig lang ito sa kanya. "Paano iyan, Dana? Paano iyong pangarap mo na maikasal sa lalaking mahal mo? At mahal ka?" Wika ni Nadine mayamaya. Kinagat naman ni Dana ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata niya sa sandaling iyon. Totoo, pangarap ni Dana ang maikasal sa lalaking mahal niya at mahal siya. Pangarap niyang magsuot ng isang wedding dress at maikasal sa simbahan. Pero mukhang hanggang pangarap lang talaga niya iyon. "May mga bagay talaga na hanggang pangarap na lang," sagot niya dito. "Siguro ay ito talaga ang nakatadhana para sa akin," pagpapatuloy niya. "I was hoping na maging okay ang lahat. At susubukan ko na lang na maging mabuting asawa kay Franco." At susubukan na lang din ni Dana na mahalin na din ito. Siguro mapag-aaralan din niyang mahalin ang lalaki. Kinagat ni Nadine ang ibabang labi nito. Pagkatapos niyon ay hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa hita niya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Hindi naman pinaghihinaan kita ng loob, Dana, ha. Pero paano iyon? Hindi mo pa masyadong kilala si Franco. Paano kapag saktan ka niya habang kasal kayo? Panigurado magsasama kayo sa iisang bubong." Sabi nito, mababakas sa mukha nito ang pag-alala. "Base nga sa kwento mong ginawa niya sa pamilya niyo ay parang wala siyang puso dahil hindi man lang niya ikinosidera ang kalusagan ni Tito Danny." "H-hindi naman siguro," sagot ni Dana kay Nadine. Sa pagkakataong iyon ay naging optimistic siya. Ayaw niyang mag-isip ng negatibong bagay. "Sana." wika naman ni Nadine sa kanya. "Basta lagi mong tatandaan, ha. Nandito lang ako. Kapag sinasaktan ka niya, sabihin mo sa akin. Tawagan mo agad ako. O hindi kaya ay isumbong mo siya sa mga police kapag sinaktan ka niya." Isang tango lang naman ang isinagot ni Dana kay Nadine. Ilang minuto pa silang nag-usap na dalawa hanggang sa magpaalam sa kanya ang kaibigan na babalik na sa trabaho dahil tapos na ang break nito. Sa halip naman na bumalik sa private room na inuukupa ng Papa niya ay inilabas niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang Ate Doreen niya. Baka sakaling sumagot ito at makausap niya at baka may chance pa siyang makawala sa napagkasunduan nila ni Franco, hindi pa naman huli ang lahat. But to her dismay, her sister phone is still unattended. Kaya naisipan na lang niyang padalhan ito ng message baka sakaling mabasa din nito iyon. To: Ate Doreen Ate kung mabasa mo ito ay sana magpakita ka. Harapin mo iyong kasalanan na ginawa mo. Huwag mong takasan. Kaming inosente iyong nagbabayad sa mga kasalanan mo. Kami nina Mama at Papa. Please... Ate magpakita ka na. Nagpakawala si Dana nang malalim na buntong-hininga nang ma-i-send niya ang message na iyon sa Ate Doreen niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD