Seventh Chapter: Moving In

1918 Words
Tinatamad akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Ngayon kasi ako lilipat sa bahay ng mga Morgenstern. Muntik ko na 'tong makalimutan. “Kailangan ko ba talagang gawin ‘to?” bulong ko sabay buntonghininga. “Ate!” Napatingin ako sa pumasok sa kuwarto ko. Mga kapatid ko pala. “Kailangan mong tulong, Ate?” alok ni Reine. Sinamaan ko siya ng tingin, “Bakit parang masaya ka pa na aalis ako?” tanong ko. “Hindi naman sa gano’n,” nakanguso niyang sabi. Inirapan ko lang siya sabay iling at pinagpatuloy ang pag-iimpake.  Dadalhin ko lang na mga damit ay ‘yong mga ginagamit ko lang palagi. Mga paborito kong libro, anime DVD’s, at drawing materials ko.  “Ate, mayaman nga ‘yong mapapangasawa mo?” usisa naman ni Rayver. “Wala akong paki,” matamlay kong sagot. “Sumulat ka, Ate ha?” natatawang sabi naman ni Ryler. Ningitian ko siya nang pilit sabay irap. “Nandito lang ba kayo para asarin ako, ha?” tanong ko. “Hindi. Sabi kasi ni Mama bilisan mo raw. Kasi anytime pupunta na ‘yong sundo mo galing sa mga Morgenstern,” sagot ni Reine. “Pambihira,” tanging sagot ko na lang. “Anak, andyan na ‘yong sundo mo,” sabi ni Mama na biglang dumungaw sa pintuan. Nagmadali na akong isalpak sa maleta ko ang mga natitira ko pang gamit. Pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas dala-dala ang mga ito. Isang travel bag, dalawang maletang bag at ‘yong school bag ko. Paglabas ko sa sala ay may nakita akong lalaking nakatayo sa pintuan namin. Matangkad siya na mukhang nasa 5’11 ang taas, naka long sleeve polo siya na puti, vest na grey, at naka-necktie rin na itim, slacks at sapatos na itim.  Maamo rin ang mukha niya. Hugis almond ang mga mata niya, matangos ang ilong, at bahagyang makipot ang mga labi. Kayumanggi rin ang kulay niya, katamtaman ang pangangatawan, at maganda ang tindig. “Kumusta. Ako po si Earl, ang personal butler ni Master Caden at ako po ang napag-utusan ni Master Michael na sunduin ka, Miss Roma,” magalang niyang sambit sabay yuko. “Ang pogi ng butler,” bulong ni Reine at siniko ko naman siya. Nilapitan niya ako at dinala ang mga bagahe ko palabas ng bahay. Kasunod lang ako ni Earl habang kasunod ko naman ang mga kapatid at magulang ko. Tumambad naman sa amin ang isang mamahaling sasakyan na kulay itim na naghihintay sa labas. Doon sinakay ni Earl ang mga gamit ko. “Mag-iingat ka ro’n, anak ha,” sambit ni Papa at para namang tinusok ang puso ko nang mapansin kong maluha-luha ang mga mata niya. “Tatawag ka ha?” sambit pa ni Papa at pasimpleng nagpunas ng mga mata niya. “Opo, Papa.” Wala naman kaming choice sa ngayon. Ayaw na kaming pakawalan ni Michael. Sa bagay, hindi rin namin siya masisisi. Tatlong dekada na rin siyang tinatakasan ni Papa. “Tara na po, Miss Roma,” sambit ni Earl habang hawak ang nakabukas na pinto ng kotse at hinihintay akong sumakay. “Sige na, anak. Tawag-tawagan ka na lang namin,” sambit ni Papa. Tumango lang ako at sumakay na ako sa sasakyan. Pagsara ni Earl sa pinto ay sumakay na rin siya sa driver’s seat. Kumaway sa’kin ang pamilya ko habang nagpapaalam. Tanaw ko sila mula sa side mirror ng sasakyan hanggang sa maglaho na sila. Napabuntonghininga ako. Parang may nabakanteng space sa puso ko. Ngayon lang kasi ako malalayo sa pamilya ko. Naalala ko ‘yong sinabi sa’kin ni Mama dati. Thirty years na ngang tinatakasan ni Papa si Sir Michael. Hanggang sa nahuli si Papa ng mga tauhan nito no’ng mga nakaraang buwan. Pagkatapos, inamin ni Sir Michael kay Papa na matagal na niya kaming nahanap. Three years ago pa. Pero pinaobserbahan niya muna kami sa mga tauhan niya bago niya tuluyang ipahuli sa Papa at mapapayag sa kalokohang engagement na ‘to. Sa madaling sabi, iniwan ni Sir Michael na walang choice si Papa. --- Ilang sadali lang ay nakarating na kami sa paroroonan namin. Sa tingin ko eto na ‘yon dahil huminto na ang sasakyan. Sa loob ito ng Sacay Grand Villa, isang subdivision na hindi kalayuan sa subdivision namin. Pero ang lugar na ito ay puro pinakamayayaman talaga ang nakatira.  Habang nasa biyahe naman kami kanina ay nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ko ang bawat bahay na nadadaanan namin.  Ang lalaki ng mga bahay dito. Mga mansion talagang matatawag. Wala kang makikitang maliit at simpleng bungalow house. Puro mga two-storey o three tapos matatayog at malalaki. Iba-iba rin ang kulay ng mga mansyong nadadaanan namin. Lahat din may mga matataas na gate. Malalakwak na bakuran. Malinis ang paligid at tahimik. Wala kang makikitang mga pagala-gala o mga tambay. Pagbusina ni Earl ay biglang bumukas ang gate kahit walang taong nagbukas. Mukhang automatic ang gate nilang ‘to. Pagpasok namin ay automatic ding nagsara ito.  Tumambad sa’min ang isang mahawan na pathway. At sa gitna ng pathway ay may malaking fountain na may estatwa ng anghel sa gitna. Sa kaliwang bahagi ay nakaparada ang mga iba’t ibang uri ng sasakyan na mukhang mamahalin at dito niya ni-park ang sasakyan. Sa kanang bahagi naman ay isang ubod ng lawak na hardin. Naka-landscape ng maganda at maayos ang kanilang garden na puno ng iba’t ibang klase ng bulaklak at halaman. Pagbaba niya ng sasakyan ay ako naman ang pinagbuksan niya ng pinto at agad naman akong bumaba. Naglakad kami habang nasa unahan ko siya dala ang mga bagahe ko hanggang makalampas kami sa fountain. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko at mamangha.  Ilang sandali pa ay narating na namin ang mansyon ng mga Morgenstern. Matayog ito at pahaba ang disenyo. Dalawang palapag lamang ito ngunit malalaki siguro ang bawat kuwarto nito kaya napakalaki nitong mansyon na ito.  Kulay mustard yellow at white ang pintura ng kabuuan ng bahay. May mga balcony rin ito sa bawat silid sa second floor. Pumasok na kami sa garahe nito na may tatlong baitang na hagdan. Gawa sa puting marmol ang sahig ng garahe kaya naman medyo madulas ito at makintab.  Paglapit namin sa malaking pintuan na gawa sa matibay at makapal na kahoy na may mga ukit na disenyo ay binuksan ito ni Earl at pumasok kami. Pagpasok naming ay may isang babaeng siguro lampas kuwarenta na ang edad ang sumalubong sa’min na naka maid’s uniform. Kulay dark blue na long sleeved ang maid’s uniform na suot niya. Hanggang tuhod ang palda nito at puti ang apron na may ruffles naman ang nasa ibabaw ng uniform. “Ikaw pala, Earl,” bati niya sa’min nang may ngiti. “Manang Rosa,” nakangiting bati ni Earl dito. “Oh, siya na ba si Miss Roma?” usisa nito. “Opo, Manang.” “Welcome, Miss Roma,” bati nito sa akin. “Salamat po,” sagot ko. Isang ubod ng lawak na sala ang tumambad sa’min. Ang mga sofa ay kulay puti at mukhang malambot. Isang center table na gawa naman sa salamin ang nasa gitna nito. Kulay pula naman ang carpet na bumabalot sa puting marmol na sahig.  Kulay peach at puti naman ang mga dominant colors na narito sa loob. Ang malalaki nilang bintana ay may mga kulay puting kurtina. May mga malalaking vases at banga naman ang mga naka-display sa sulok-sulok ng sala. Mukhang mga antique at mamahalin. Mataas din ang ceiling nila na may nakasabit na malaki at makinang na chandelier. May aircon din na nakakabit sa may bandang itaas ng pader nila kaya medyo may kalamigan dito sa loob. Maaliwalas at sopistikado rin ang ambience ng paligid. Kaya naman nakakailang para sa mga gaya kong lumaki at sanay sa payak at simpleng bahay.   “Dalhin ko na kayo sa magiging silid niyo, Miss Roma,” sambit ni Manang Rosa. “Sige po.” Tapos ay nauna na siya sa paglalakad at kasunod lang niya kami ni Earl. May nadaanan kaming hagdan na korteng spiral. Ang hagdan ay gawa sa puting semento na may mga komplikadong disenyo, at ang mismong hagdan ay gawa naman sa makintab na pulang marmol. Isang mahabang hallway ang dinadaanan namin at panay paintings naman ang makikita mong nakasabit sa dingding. “Dito na po tayo.” Tapos ay may binuksang kuwarto si Manang Rosa at pumasok na kami. Pagbukas niya ng ilaw ay nanlaki ang mga mata ko sa mangha. Ang lawak ng kuwarto! Doble o triple pa yata ang laki nito kumpara sa kuwarto ko sa bahay. Puti at pink ang motif ng silid. King-sized bed ang nakalagay sa gitna na merong ubod ng lambot na foam, may anim na malalaking unan, at comforter na kumot. Ang design ng beddings ay floral na pink. Kumpleto na rin ito sa study table na kulay puti at sa ibabaw nito ay may study lamp. May aircon din ito sa bandang itaas na sulok ng pader. May vanity mirror din dito na kulay puti. May walk-in closet din. At sariling banyo. Meron ding kurtina ang malalaking bintana nito na tulad sa isang palasyo at kulay puti ang mga ito. “Mamayang hapon pa po ang dating ni Master Caden. May pasok po kasi siya ngayon,” sambit ni Earl. Oo nga pala. College student na pala ang isang ‘yon kaya kahit Sabado, may pasok. Nagkibit-balikat lang ako. Wala naman akong paki. “Maiwan na po namin kayo, Miss Roma. Kung may kailangan kayo, puntahan niyo lang po kami sa baba,” sambit naman ni Manang Rosa. Paglabas ng dalawa ay inayos ko na ang mga gamit ko. --- Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Napansin kong parang kulay orange na ang langit sa labas. Kinuskos ko ang mga mata ko at bumangon. Tiningnan ko ang oras at nakita kong ala singko pasado na ng hapon. Mukhang nakatulog ako sa pagod mag-ayos ng gamit.  Nauuhaw ako. Kaya naman tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Ang haba pa ng hallway na dinadaanan ko bago makarating sa hagdan. Pagbaba ko sa spiral staircase ay nakarating ako sa sala. Saan nga ba ang kusina rito? “Excuse me,” tawag ko sa nakita kong babae na naka-maid’s uniform din. Nagva-vacuum siya ng carpet. “Yes, Miss?” natatarantang tanong nito. Sa tingin ko mga kasing-edad ni Earl ang babaeng ‘to. “Saan po ang kusina niyo?” tanong ko. “Ah, deretsuhin niyo lang po ‘yan. Tapos kaliwa,” sagot niya habang tumuturo. “Sige. Salamat. Ano palang pangalan mo?” tanong ko. “Sunshine po, Miss.” “Okay. Salamat.” Tapos ay lumakad na ako. Sinunod ko nga ang sinabi ni Sunshine. Dineretso ko lang ang daan at nang may nakita akong paliko at kumaliwa ako. Agad ko namang nakita ang kusina dahil malawak ito. Parang kasinglawak na ito ng isang kusina sa mga official residences ng mga government leader. Kumpleto sa kitchenwares and kitchen appliances. Ang ref naman nila ay parang isang malaking aparador. May mahaba at malawak na mesa naman sa gitna nito kung saan puwedeng mag-ayos ng mga niluluto. Pagbukas ko ng ref ay tumambad sa’kin ang maraming pagkain at inumin. Maayos naman ang ref nila marahil may mga maid silang nag-aayos nito. Naghanap ako ng isang pitsel ng tubig. Kinuha ko ito at sinara ang ref. Kumuha naman ako ng baso mula sa isang cabinet. At uminom. “Hey.” Halos magulat naman ako sa biglang dumating. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa’kin. “Cassandra?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD