Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at naaninag ko mula sa bintana na nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Nakahiga pa 'ko ngayon dito sa kama ko. Teka, anong oras na ba? Tiningnan ko ang phone ko na nasa ulunan ko.
Napabalikwas ako nang makita ang oras. 5:30 na agad?! Totoo?
Shit, male-late na ako! 3 a.m. na kasi ako natulog eh. Tinapos ko pa 'yong anime na pinapanood ko!
Agad-agad na akong bumangon at nagmadaling dumeretso agad sa banyo para maligo dala na ang towel ko. Mabuti na lang at may banyo na mismo itong kuwarto.
Five minutes lang ay tapos na 'ko. Matapos 'kong tapusin ng madalian ang morning rituals ko sa banyo ay agad na 'kong lumabas para magbihis.
Sinuklay ko nang mabilis ang basa kong buhok. Tapos ay dinampot ko na ang bag ko at kumaripas palabas ng pinto.
Pagbaba ko ng hagdan ay napahinto ako nang may tumawag sa’kin.
“Roma?"
Lumingon ako sa tumawag sa’kin. Si Sir Michael pala. Nasa dining table siya kasama si Caden at nag-aalmusal sila.
“Why are you in a rush? 6 am pa lang naman,” tanong niya.
“6:15 po kasi ang klase ko. Kaya male-late na po ako. Sige, alis na po ako,” paalam ko.
“Caden, ihatid mo si Roma sa school,” utos niya.
“What? No,” pagtanggi nito.
“Okay lang po,” sambit ko nang may pilit na ngiti.
“Hindi ko naman po kailangan ng tulong,” sambit ko habang pinandidilatan ng mata si Caden. Inirapan ko muna siya bago kumaripas palabas ng bahay.
Ang laki-laki naman kasi ng bahay na ‘to. Bago ka makalabas ilang minuto muna ang lilipas. Hay nako!
Isang mabilis na lakad ang ginawa ko habang tinatahak ang mahabang pathway.
Fifteen minutes na lang! Sana umabot ako on time!
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may narinig akong bumusina.
“Hop in,” utos ni Caden.
Kahit ayaw ko dahil si Caden ang driver, wala na akong choice kung ayaw ko talagang ma-late. Sumakay na lang ako sa passenger seat.
“Don’t ever think na may malisya ang paghatid ko sa’yo sa school,” sambit niya.
Napataas naman ang kilay ko sabay tawa, “Okay ka lang? Sino bang nag-iisip na may malisya? Isa pa, wala akong pakialam sa’yo, ano. Wala lang akong choice.”
Sa wakas nakarating na rin ako sa school. Bumaba na lang ako ng sasakyan at tumakbo papasok sa loob hanggang makarating ako sa mismong classroom namin.
"Good morning, Ms. Martinez."
Nakataas-kilay na bungad sa'kin ni Ma'am.
Parang napahiya naman ako dahil naunahan ako ng adviser ko na makarating sa klase. Isa pa, natuon ang atensyon ng buong klase sa’kin.
"G-good morning po," nauutal kong bati.
"Maupo ka na," utos niya.
Naupo na nga ako. Grabe. First time kong ma-late ngayong grade 10.
Habang lumilipas ang oras ng klase, walang pumapasok sa isip ko. Pa'no ba naman kasi, puyat na 'ko, gutom pa 'ko. Buhay nga naman. Great.
Hindi ako makapag-focus. Inaantok ako na ewan. Sana bumilis ang oras at mag-recess na agad!
---
And finally! After 123456789 hours! Recess na! Juskupo, ang sakit ng ulo ko. Sumabay pa ang sikmura ko kaya yumuko muna ako sa desk ko. Ano na naman bang meron sa araw na 'to?
"Cass!" Boses ni Phine. Ramdam kong nakatayo siya sa harap ko.
"Anyare sa'yo?" tanong naman ni AJ.
"Puyat ako. Gutom pa. Wala akong baon ngayon," nanlalambot kong sagot habang nakayuko pa rin.
Umangat na 'ko at bumungad nga ang tropa kong mga nakatayo sa harap ko.
"Anong gusto mo? Ibibili ka namin?" alok ni Phine.
"'Wag na. Hassle makipagsiksikan sa canteen, 'no," sambit ko. Palagi kayang siksikan sa canteen. Masyado kasing marami ang estudyante sa school na 'to eh.
“Itutulog ko na lang siguro ‘to. Mamaya na lang ako kakain pag-uwi,” sambit ko.
Tapos ay bumalik ako sa pagkakayuko. Naramdaman ko naman na may kamay na humahagod sa ulo ko. Sigurado akong kay Phine 'yon. Malambot at mainit eh. Lalo tuloy akong inantok.
Mayamaya lang ay narinig kong umirit si Phine.
"Waah! Roma!" Napabalikwas ako sa pag-irit ni Phine. Ano bang meron?
"Ano? Bakit? Anong nangyari? May sunog?" tanong ko na tila nagugulumihanan pa.
"May naghahanap sa'yo!" pagtili pa niya. Ano bang meron? Daig pa niya nakakita ng artista.
Nagtataka akong lumabas ng classroom. At nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa'kin.
"I-ikaw?" gulat kong tanong.
"Hi, Cassandra," bati niya sa'kin.
Si Caden?! Gulat at takang-taka akong nakatingin sa kanya.
"Sino siya, Roma? Ang guwapo!" kinikilig na pag-usisa ni Phine.
Tiningnan ko sila isa-isa. Si Phine at Jeyra ay nakatulala kay Caden na parang na-starstruck. Mukhang inis naman si Evan, at si AJ naman ay mukhang binagsakan ng malaking question mark sa ulo.
At mukhang nakakaagaw na rin siya ng atensyon mula sa ibang estudyante. Pinandidilatan ko siya ng mata, habang siya naman ay tinataasan lang ako ng kilay.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Heto. Baon mo," sambit niya sabay bigay sa'kin ng isang paperbag. Sinilip ko ito at nakita ko nga ang isang plastic food container.
"Hi, you must be Cassandra's friends?" bati niya bigla sa kanila.
"Ah…oo. Oo!" sagot nitong si Phine na parang baliw.
"So if you don't mind, may I have your friend for a while?" sambit niya nang nakangiti.
Tapos ay hinawakan niya 'ko sa braso at hinila sa isang tabi na medyo malayo kina Phine.
"O ano?" maangas kong sambit sa kanya.
"Bakit ba ikaw ang nandito ha?" inis ko pang tanong.
"Puwede ba? Akala mo ba gusto ko rin pumunta rito ha? Napilitan lang ako for Pete's sake! My Dad told me to do this so I have no choice. Napadaan ako sa office dahil vacant ko kaya ako ang napag-utusan. Pumayag na rin ako dahil may kailangan ako sa'yo," paliwanag niya.
Napakunot naman ang noo ko, "Anong kailangan mo sa'kin?"
Tumingin muna siya sa paligid, "May pupuntahan tayo mamaya."
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya, "Seryoso? At saan mo naman ako balak dalhin, aber?" pagtataka ko.
"I know that 1 p.m. ang awas mo. Hanggang 3 p.m. pa ang klase ko, so magkita tayo after my class. Sabihin mo sa'kin kung saan tayo magkikita mamaya," sambit niya.
"Sandali, sandali. Bakit nga at saan? Hindi naman puwedeng sumama na lang ako sa'yo basta-basta, 'no," pagtutol ko.
Bumuntonghininga siya, "Fine. I heard na may lakad si Kiara with some guy. And I want to follow her at sasamahan mo 'ko. Got that?"
Napataas ako ng kilay, "So, isasama mo 'ko sa pagiging stalker mo, gano'n ba?"
Hindi siya umimik habang nakatingin lang sa'kin. "So, gano'n nga?" tanong ko pa.
"Oo na. Gano'n nga. Stalker na kung stalker. And you don't have a choice but to be with me," pagdidiin pa niya.
"Teka sandali nga. Bakit kasama pa 'ko ha?" usisa ko.
"Remember our treaty? You will help me to win Kiara's heart. Kaya damay ka rito," sagot niya.
Napabuntonghininga ako nang may ingay. Wala naman akong choice eh. Hawak ako sa leeg ng kumag na 'to.
"Fine. Deretso uwi ako after school," sagot ko.
"Great. Susunduin kita around 3, 'kay?" Labag sa kalooban akong tumango bilang sagot sa kanya.
Paalis na sana si Caden nang bigla naman siyang pigilan ni Phine.
"Sandali lang, kuya!" tawag niya rito. Napahinto tuloy si Caden sabay lapit naman nila.
"Paalis ka na ba?" tanong ni Phine kay Caden na mukhang kumikislap-kislap pa ang mga mata. Baka nakakalimot siya na boyfriend na niya si Evan?
"Ah yeah. May klase pa kasi ako," sagot ni Caden.
"Puwede ba naming malaman ang name mo at kung kaanu-ano ka ni Cass? Boyfriend ka ba niya?" usisa niya rito.
Pinandilatan ko si Phine sa sinabi niya. "Josephine!" saway ko.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Caden, "Caden Morgenstern.”
Tapos ay tumingin siya sa’kin, “And what do you think?"
Pinandilatan ko naman ng mata si Caden.
"Yes, I am," sagot niya. Halos lumuwa naman ang mata at panga ko sa sinabi niya.
"Ano bang pinag--" Maghi-hysterical na sana ako nang pinutol 'yon ni Caden.
"Hayaan mo nang malaman nila, honey. Okay lang 'yan", sambit ni Caden habang nakaakbay sa'kin at nakangiti sa'kin ng ubod ng plastik!
Nagtiliian sina Phine at Jeyra, samantalang gulat ang nakita sa mga mukha nina AJ at Evan. Halos nanlumo naman ako dahil hindi ako makapaniwala.
Ano raw 'yon? Girlfriend niya? Sino? Ako?! Okay lang ba siya? Nababaliw na ba ang isang ‘to?
Nasisiraan na yata siya ng bait. Gusto niya yatang pagbali-baliin ko mga buto niya?
"Anyway, I have to go. Nice meeting you, guys," nakangiti niyang sambit sa tropa ko.
"See 'ya later, hon," nang-aasar niyang sambit sa'kin habang nakangisi bago tuluyang umalis.
Honey your face! Wala 'to sa usapan nating kumag ka! Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa sobrang pagkabwiset ko sa isang 'yon. Lagot ka talaga sa'kin mamaya, Caden!
"Roma Cassandra, mukhang marami kang dapat ikuwento sa amin mamaya," nakapamaywang na sambit sa'kin ni AJ.
---
"Ilang taon na si Caden?"
"Saan, paano, kailan kayo nagkakilala?"
"Paano naging kayo? Kailan pa?"
Grabe. Sunod-sunod ang birada nila ng mga tanong sa'kin na para bang nasa interrogation room ako. Awas na kami at naglalakad palabas ng gate.
"Wait! Wait! Isa-isa lang. Mahina ang kalaban," sambit ko.
"Saan kayo nagkakilala?" tanong ni Phine. Nakangiwi ako samantalang sila ay mga nakatingin sa'kin na mukhang hinihintay ang magiging sagot ko.
Ano bang isasagot ko sa kanila? Parang ang hirap naman kasi. Napahimas na lang ako sa noo ko. Hindi ko alam. Hindi ko na alam!
"Roma." Napatingin ako nang tinawag ako ni Jeyra. May itinuro siya sa bandang harap namin kaya tiningnan namin ang direksyong 'yon.
"Waah! Si Fafa Caden! Sinusundo ka, Roma!" kinikilig-kilig na tugon ni Phine. Nakatayo siya habang nakasandal sa sasakyan niyang naka-park habang naka-cross arms. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba...
Agad ko namang nilapitan si tukmol.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba mamaya pa?" tanong ko agad sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko pa lang.
"Well, wala na kaming prof ngayong hapon, kaya dumeretso na 'ko rito," sagot niya. Ramdam kong nasa likuran ko lang ang mga tropa ko.
"I'm here now to fetch you, honey," sagot niya habang nangisi-ngisi pa na parang nang-aasar.
Napakunot ako ng noo, "Ano?"