Sixth Chapter: Treaty

1910 Words
Hindi ko talaga in-expect na ang taong 'to, ang magiging 'fiance' ko. Joke ba 'to? Hindi talaga ako makapaniwala. Nakaupo na siya sa harapan namin katabi ng tatay niya. "Remember me?" tanong niya sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin. "You know each other?" pagtataka naman ng tatay niya. "Oh well, siya lang naman 'yong ini- oww!" Pinutol ko na ang sasabihin niya nang sinipa ko ang binti niya. Pinandidilatan ko siya ngayon ng mata. Makuha ka sa tingin. "What I'm trying to say is, siya 'yong nakabanggaan ko sa CR sa mall the last day. Oo, 'yon nga," palusot niya matapos maka-recover at mukha na ring nagtataka ang parents namin. Mabuti na rin nama't nakuha niya 'yong ibig kong sabihin. "Ahh..." sabay-sabay naman na pag-react ng mga magulang namin. "Well, we are also here to talk about some details of Caden and Cassandra's marriage," sambit ng tatay niya. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing naririnig ko ang salitang 'yan. Napainom tuloy ako ng tubig. "I am planning for an engagement party for them," pagpatuloy pa ni Michael. "Engagement party? Kailan naman po?" tanong ni Papa. "It will be held next year. Siguro, after Cassandra's 18th birthday?" sagot ni Michael. Sa nakikita ko, mukhang pareho lang kami ng Caden na 'to na walang pakialam. "Kasi, gusto ko sanang makasal si Caden before he reach 21," dagdag pa niya. "Bakit naman po ang aga nito? Mga bata pa sila. Hindi ko akalaing uso pa ang fixed marriage. At sa anak ko pa nangyari," sambit ni Mama. "Well, it's my father's wish. That before the day he dies, he would witness his favorite grandchild getting married," paliwanag ni Michael. Nagkatinginan lang sila Mama at Papa. Grabe naman pala ang lolo nitong Caden na 'to. Mamamatay na siguro 'yon. Hala, ang sama ko ba? "Pero, bakit ang anak ko pa? Bukod sa...utang namin sa inyo?" tanong pa ulit ni Mama. Mabuti nama't naitanong niyo 'yan. Curious din ako eh. Ngumiti si Michael, "You will know about it later on," sagot nito. Napaikot ang mata ko sa kawalan. Pa-mysterious effect? Ayaw pa kaming deretsuhin. Aarte talaga ng mga mayayaman. Pero duda ako sa sinabi no'ng Michael. Pakiramdam ko may iba pang dahilan. Ayaw pa lang niyang sabihin. Nag-usap-usap ang tatlong gurang tungkol sa amin ni Caden habang kumakain ng mga pagkaing in-order namin. Mamahalin din ang mga pagkain dito kaya't mabuti naman at 'yong Michael ang sumagot sa lahat ng 'to. Hindi kami umiimik ni Caden dahil siguro nga pareho lang kami ng nararamdaman. Pareho naming 'di gusto ang nangyayaring 'to sa'min. Pareho lang kaming sinusunod lang ang gusto ng mga magulang namin. "As I end this meeting, I want you to know that I want Cassandra to live with us." Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Michael. "Ano?" sabay-sabay naming sabi. "Isipin niyo na lang na magiging practice 'yon nina Caden at Cassandra for their wedding," nakangiting sagot nito. Napahawak naman ako sa sentido ko sabay buga. Seryoso ba 'to? "Besides, for them to be comfortable with each other at mas makilala pa nila ang isa't isa before they get married." "But, Dad—" "O pa'no. I have to go. May appointment pa kasi ako. Thanks for coming today and nice meeting you," sambit ni Michael matapos niyang tingnan ang relo niya. Tapos nakipagkamay siya sa parents ko. "Caden, mauna na 'ko, okay?" paalam niya dito. "Y-yes, Dad." Tapos ay tuluyan na itong umalis. Tumayo na rin kami ng parents ko, pero si Caden ay mukhang 'di pa rin natitinag sa kinauupuan niya. "Wait." Napahinto kami nang sinabi niya 'yon. "May I have Cassandra for a while?" sambit niya. Napakunot-noo naman ako. Teka, bakit naman? Nagtinginan muna sina Mama at Papa. "May pag-uusapan lang po kami sandali," sambit niya. "Sige. Roma, mauna na kami ha? May trabaho pa 'ko," sambit ni Mama. Napatango na lang ako. Tapos ay sinundan ko na lang sila ng tingin hanggang makababa na sila ng hagdan. Ibinaling ko na ang tingin ko kay Caden. "Ano?" tinatamad kong tanong. "Have a seat," sambit niya sabay muestra ng kamay niya paharap. Kaya naman umupo ako ulit kung saan ako nakapwesto kanina. "Siya nga pala, mabuti't di mo tinuloy 'yong sinabi mo kanina," sambit ko. Napataas siya ng kilay, "Seriously? Matapos mong sipain ang binti ko? I got what you mean to say," sambit niya. "Good. Akala ko slow ka eh. So, ano?" maangas kong tanong. Ano bang kailangan sa'kin ng isang 'to? "Sa nakikita ko, hindi mo rin gusto ang kalokohang fixed marriage na 'to, unless you like me," sambit niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Ningitian ko siya nang pang-asar. "Asa ka. Hindi kita gusto, 'no. At tama ka nga, hindi ko nga gusto ang kalokohang 'to," maangas kong sagot sa kanya. Feeling siya masyado. Napalunok naman siya. "Okay. Good. I just want you to know na may magagawa ako para matapos ang kalokohang 'to." Bigla akong na-enlighten sa sinabi niya. "Totoo?" "Yup. Of course, you will help me to do this plan," sambit pa niya. Napakunot-noo ako. Na-curious ako bigla. "Sige. Ano 'yon?" usisa ko. Inilapit niya ang sarili niya at itinukod ang mga braso niya sa mesa, at seryoso niya 'kong tiningnan. Bumuntonghininga siya, "Okay. Here it goes. I have already a girl that I like," panimula niya. Tumaas ang mga kilay ko ang tumango-tango at hinihintay na magpatuloy siya. "Her name is Kiara. I liked her since in our sixth grade. At kung meron man akong gustong makasama habang buhay, siya 'yon at wala nang iba," dagdag niya. Ah...so madly in love pala itong kuya niyo. "O tapos?" "She doesn't know about my feelings for her." Napakunot-noo ako, "O tapos? Bakit ayaw mong sabihin?" usisa ko. "Kasi...ano." Napahimas siya sa batok niya. "Ahm..you know-" "Torpe ka," pagderetso ko sa kanya. Mukhang nahiya siya at umiwas ng tingin. Ahh...gano'n pala ang istorya nitong si kumag. 'Di ko talaga gets ang mga torpe. Ano bang nakakahiya sa pagsasabi ng feelings mo para sa isang tao? "So, anong kinalaman ko dito?" tanong ko. "I need your help to confess to her." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Ano? At bakit ko naman gagawin 'yon?" pagtataka ko. Bakit? Close ba kami? Isa pa, anong alam ko sa mga bagay na 'yan? Damay pa 'ko sa ka-torpehan niya. "Tutulungan mo 'ko, whether you like it or not. Dito nakasalalay ang kalayaan natin, Cassandra," pagmamatigas niya. "Ano bang mapapala ko sa pagtulong sayo, aber?" tanong ko. "Well, when we succeeded at naging girlfriend ko na si Kiara, we will let you go. Walang kasalang mangyayari sa pagitan nating dalawa. And not just that, babayaran ko ang five million pesos na utang ninyo sa company namin. How was that?" alok niya. "Give and take lang 'yan, Cassandra. You will help me, and I will pay you back," dagdag pa niya. Natigilan ako. Isip, Roma. May point ang isang 'to eh. Ano? Papayag na ba 'ko? Bigla naman siyang may inilabas na papel sa bag niya. "Ano 'yan?" tanong ko nang ilapag niya 'to sa mesa. "A treaty," sagot naman niya. "Treaty?" pagtataka ko. At kinuha ko 'to para basahin. "Oo. We need to sign there for security. Kasunduan 'yan sa pagitan nating dalawa na walang puwedeng makaalam nito na kahit sino, kahit pa ang pinakapinagkakatiwalaan mong tao. Dahil may possibility na masira ang plano natin and both of us will be dead. Clear?" paliwanag niya. Ayos ah. Mukhang planado niya talaga 'to. Ready talaga siya para sa araw na 'to. Hindi naman obvious na Boy Scout siya noon, 'no? "Wait. May kondisyon din ako bago ako pumayag sa treaty mo na 'to," sambit ko. "What?" Pagkunot ng noo niya. "Syempre, 'no. 'Di naman puwedeng basta na lang ako papayag diyan sa gusto mo. Ano ka hilo?" maangas kong sambit. Bumuntonghininga siya, "Okay, ano 'yon?" -- "What are we doing here?" tanong niya sa'kin. "Marunong ka ba mag-DOTA?" tanong ko. Nasa harap kami ngayon ng isang computer shop. "Oo naman. Bakit?" "Hinahamon kita ng isang one v one match. Kapag nanalo ako, magtatapat ka na ngayon mismo sa Kiara na 'yan, babayaran mo na ang five million at tapos na. Okay?" paliwanag ko. Napaisip siya, "And if you lose?" "Masusunod ang treaty mo. Pipirma ako at gagawin ko ang gusto mo. 'Yan ay kung matatalo mo 'ko," buong kumpiyansa kong sambit. Hindi ako basta-basta, 'no. Hindi ako naaawa sa kalaban ko. Pupulbusin kitang kumag ka. Ngumiti siya, "Sounds cool. Sige. May oras pa naman ako." Aba, mukhang confident ang loko ah. Ina-underestimate niya ba 'ko dahil babae ako? Puwes, nagkakamali ka, dre. -- "What the— Anak ng tokwa." Hindi maganda 'to. Hindi 'to katanggap-tanggap! "You lose...again," sambit niya sa'kin mula sa kabilang PC. Hindi talaga ako makapaniwala! Okay naman ang gaming strategy ko. Gamit ko rin ang best heroes ko, Mortred, Nevermore, at Invoker. Pero, ni isa, walang nagawa! Halimaw ang isang 'to. No way! "Isa pa! This time mananalo na 'ko!" angal ko. Hindi talaga ako makakapayag! Hindi talaga! Tumayo naman siya mula sa PC niya at lumapit sa'kin. Bumuntonghininga siya, "We almost spent one and a half hours in this game. At tatlong beses ka nang natatalo sa'kin. GG na 'to," sambit niya. "Isa pa, may appointment pa 'ko bukod dito. Anyway, nice game. You're impressive enough dahil napatay mo 'ko kahit apat na beses," dagdag pa niya. 'Di talaga ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin na natalo ako! Feeling ko naapakan na naman ang pride ko. Hamak niyo 'yon? Tinatapos niya ang game namin within 30 minutes with four deaths. Samantalang ako...dose! Twelve times niya 'kong napapatay sa loob lang ng trenta minutos na laro! Unbelievable! "Ano na? I think this is enough, right?" sambit pa niya. Tiningnan ko siya ng masama, "Oo na! Sige na!" Napilitan lang akong tanggapin ang pagkatalo ko. Ang bigat sa kalooban. Tapos ay ibinigay niya sa'kin ang treaty at ballpen at padabog akong pumirma sa ibabaw ng pangalan ko ng labag sa kalooban. "Great. So, see you around, Ms. Roma Cassandra Martinez," nakangisi niyang sabi na parang nag-aasar.  At iniwan na niya 'ko pagkakuha niya sa'kin no'ng papel. Gusto kong magdabog ngayon! Bwiset talaga! Bwiset! -- "O, andyan ka na pala, Roma. Anong pinag-usapan niyo ni Caden?" bungad agad sa'kin ni Mama pagkapasok ko pa lang. Nasa sala sila ng mga kapatid ko. "Wala. 'Di na 'yon mahalaga," tinatamad 'kong sagot. "Ate, guwapo daw si Caden. Legit?" usisa ni Reine. Inikutan ko lang siya ng mata, "Hindi!" inis 'kong sagot. "Ang guwapo kaya! Pati 'yong tatay niya..." sabi naman ni Mama sabay tawa. Napangiwi na lang ako sabay iling. Grabe. 'Di ko sila ma-take kaya pumasok na agad ako sa kuwarto ko. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Tapos ay kinuha ko ang phone ko sa bag ko. Bago pala siya tuluyang umalis, sin-ave muna niya ang number niya sa phone ko. At pina-save din niya sa'kin ang number ko sa phone niya. "Just in case na kailangan natin mag-meet. So be alert." Be alert niya mukha niya! Hmm, mapalitan nga ang pangalan niya dito. Nag-isip muna ako habang tinititigan ang number niya sa phone ko. Alam ko na! "Torpeng Engot. Ayan!" sambit ko habang nagta-type. Saved! Huh. 'Di ko matatanggap na natalo ako sa'yo. Magpapalakas ako para sa susunod na hahamunin kita ulit ng isang match, matatalo kita, Caden. Humanda ka sa'kin. Alam ko na. Makapag-DOTA na nga lang ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD