"So, dito natin siya i-i-stalk, gano'n ba?" inis kong tanong kay Caden habang nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya at naka-park sa harap ng isang mall. Mahigit isang oras na kaming naghihintay dito.
Naiinip na 'ko. Isa pa, gutom na 'ko at gusto ko nang umuwi! Ano? Darating pa ba 'yong Kiara na sinasabi niya?
"Andyan na siya," sambit niya bigla habang 'di maalis ang tingin sa unahan. Napatingin na rin tuloy ako kung saan siya nakatingin. Mabuti nama't dumating na 'yong Kiara.
"Saan?" usisa ko habang palinga-linga.
"There. She's Kiara." Tinitingnan ko na rin 'yong tinuturo niya.
"'Yong babaeng nakatayo sa tabi ng entrance?" tanong ko.
"Yeah. Siya nga," sagot niya.
"'Yong mala-diyosa sa ganda na 'yon?" tanong ko na pawang 'di makapaniwala. Tumango-tango naman si Caden bilang sagot habang titig na titig kay Kiara.
Ngayon, masasabi kong 'di ko masisisi si Caden. I mean, sino bang 'di magkakagusto sa babaeng gaya niya na may mala-dyosang ganda. Maputi, matangkad, balingkinitan ang katawan, at mahaba ang buhok niya na bahagyang kulot. Model ba siya? Artista? Beauty queen?
"Wow, Caden. Hashtag diyosa!" sambit ko nang may pagkamangha.
"I know right," pagsang-ayon niya.
"Teka, sandali," pag-iiba ko bigla.
"May kasalanan ka nga pala sa'kin," sambit ko pa sabay hampas ko sa braso niya.
"Ouch. At ano naman 'yon?" pagtataka niya habang hinihimas ang braso niyang pinalo ko.
"Bakit mo sinabi sa mga kaibigan ko na boyfriend kita? May toyo ka ba, ha?" inis kong tanong sa kanya.
"You know, Cassandra. 'Yon ang pinakamadaling sabihin. Alangan namang sabihin kong, 'I'm her fiance and I have to bring this to Cassandra, ‘cause my father told me, and all'?" paliwanag niya.
"Kahit na ba! Sana nakaisip ka pa ng iba pang dahilan," angal ko sabay irap.
"Eh, wala na 'kong naisip eh. Isa pa, don't you like it? You already have a hot and handsome boyfriend ng walang kahirap-hirap. Ano? Choosy ka pa?" pang-aasar pa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay sabay pinandilatan ko siya ng mata."'Di ka rin mahangin, ano?" pagsinghal ko.
"Isa pa, kadiri ka. Hot and handsome. Ulul. Kuwento mo sa bangs mong kulot!" pang-aasar ko sa kanya kahit hindi naman kulot ang bangs niya.
"Ayan na 'yong lalaking kasama niya," sambit niya bigla kaya't napatingin ako ulit kay Kiara. May lumapit nga sa kanyang lalaki. Matangkad, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, at 'di maipagkakailang may hitsura. Tapos nagbeso sila.
"Sino ba 'yan? Manliligaw niya?" usisa ko.
"I'm not really sure. Her friends said yes. Pero sabi ni Kiara, hindi naman daw. I don't know. By the way, that guy was Darwin. Kasamahan niya sa dance org ng school," sambit ni Caden.
"Pero manliligaw man niya 'yan o hindi, I'm still here just to make sure. Mahirap na," dagdag pa niya.
"Malamang, sa ganda ng Kiara na 'yan, nagpilahan ang mga karibal mo sa kanya, ano?" sambit ko.
Tumikhim muna siya. "Well...yeah," tugon niya sabay ngiwi.
"Pumasok na sila sa loob. Tara na," aya bigla sa'kin ni Caden tapos ay bumaba na siya ng sasakyan. Naguluhan naman ako kung kailangan ko bang sumama sa kanya o dito na lang ako.
Pero bigla niyang binuksan ang pintuan ko at hinila ako palabas. "What are you waiting for? Halika na. Kailangan natin silang sundan!" sambit niya sabay hila sa braso ko.
At hila-hila na niya 'ko ngayon papasok ng mall. Hayy nako, bakit ba 'ko napasok sa ganitong klaseng sitwasyon?
Pagpasok namin, nakita namin agad si Kiara at 'yong Darwin.' Di naman kami mapapansin kahit pa hindi kami kalayuan sa kanila.
"What the hell? Bakit kailangan ni Kiara kumapit sa braso ng kumag na 'yan?" pabulong na paghi-hysterical ni Caden na halatang gigil na gigil sa inis.
"Saan sila pupunta?" tanong pa ni Caden habang patuloy lang kami sa pagsunod sa dalawa na para na talaga mga stalker.
Nakita naming pumasok ang dalawa sa isang shoe store. Pero para 'di kami mahalata, huminto na lang muna kami dito sa tapat na katabi ng isang poste.
Habang kitang-kita namin ang pag-e-enjoy nina Kiara sa pagsusukat at pagpili niya ng mga sapatos, eto namang kasama ko...
Hays. Parang batang inis na inis dahil inagawan ng candy. Kulang na lang sugurin niya 'yong Darwin na 'yon.
"Why? Why it does have to be him? Bakit hindi ako ang niyaya ni Kiara lumabas? Bakit?" pag-iinarte ni Caden. Grabe.
"E bakit kasi babae ang magyayaya sa'yo? Ikaw kaya ang lalaki. Kaya dapat ikaw ang nagyayaya. Sira," inis na sambit ko sabay ekis ng mga braso ko.
"Tingnan mo kung gaano kasaya si Kiara na kasama siya. Her sweet smiles, her sexy laugh. Dapat ako ang nakaka-witness ng mga 'yan at hindi 'yang kulugo na 'yan!" paghi-hysterical pa niya.
Inikutan ko siya ng mata sabay buga, "Sino bang may kasalanan?" sarcastic kong tanong.
Humarap sa'kin si Caden, "I need to do something," seryoso niyang sambit.
"At ano naman 'yon? Susugurin mo sila at mag-e-eskandalo ka dito at sisigawan mo si Darwin ng 'akin lang si Kiara', gano'n ba?" tinatamad kong pamimilosopo sa kanya.
"Syempre hindi, 'no!" pagtanggi niya. Lumingon si Caden sa store at nakita namin na papalabas na sina Kiara at Darwin.
"Oh no," pagkataranta ni Caden. Sa taranta niya na baka makita siya ni Kiara at sa bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang na hinawakan ni Caden ang magkabila kong balikat at isinandal niya 'ko sa sulok ng poste na pinupuwestuhan namin ngayon.
Sumilay siya nang kaunti sa dalawa pagkatapos ay itinuon niya ang mga kamay niya sa pader na sinasandalan ko at inilapit pa niya sa'kin ang katawan niya!
"Teka, anong ginagawa mo?" inis kong tanong sa kanya.
"'Di nila tayo dapat makita, Cassandra," sambit niya. Sobrang lapit niya sa'kin. Kailangan ba talaga ganito? Hindi na 'ko makagalaw sa puwesto ko!
"Sobrang lapit mo kaya sa'kin. Kadiri ka!" inis kong sambit sa kanya habang pilit siyang tinutulak palayo. Kaso ang lakas niya. Parang 'di ko kaya.
"Sa tingin mo gusto ko rin gawin 'to? Magtiis ka muna. 'Di pa sila masyadong nakakalayo," sambit niya. Ramdam ko na ang hininga niya dahil sa lapit niya. Sobrang nakakailang na talaga 'to. Kadiri talaga!
"Ayan. Okay na," sambit niya matapos niyang sumilip ng kaunti.
"Medyo malayo na sila," sambit pa niya tapos ay lumayo na siya sa'kin. Hayy salamat naman. Sa wakas, nakahinga din ako ng maluwag.
"'Wag mo nang uulitin 'yon ah. Nakakadiri ka!" inis kong sambit sa kanya.
"Kadiri? Ang bango-bango ko kaya. Isa pa, mas malinis pa 'ko sa alcohol kaya 'wag ka," pagmamayabang niya habang inaayos ang sarili niya. Inirapan ko lang ang kayabangan niya.
Nagtungo kami ngayon sa food court dahil nandito 'yong dalawa. As usual pumuwesto kami ngayon sa isang table na 'di kalayuan do'n sa dalawa, pero 'di agad mapapansin. Mabuti na lang din at marami-rami rin ang tao rito.
"What the hell? Dito lang niya dinala si Kiara sa isang cheap na food court? Kuripot," pag-aamok ni Caden habang pasimpleng sumisilay sa dalawa.
Tumingin sa'kin si Caden na nakakunot ang noo at nakangiwi. Kaya't binigyan ko siya ng tinatamad na expression.
"Ano?" maangas kong tanong.
"Ang takaw mo pala, 'no?" pang-aasar niya sa'kin.
"Wala kang paki! E di gumaya ka," sambit ko naman habang patuloy na kinakain 'tong large cheese flavored fries ko.
"Hoy, baka nakakalimutan mo na ako ang nagbayad ng mga kinakain mong 'yan. Kain ka lang ng kain diyan. Ayaw mo 'kong tulungan dito para i-distract 'yong dalawa," reklamo niya.
"Sa totoo lang, out of my business na dapat 'to. Kaya dapat lang na pakainin mo 'ko bilang bayad na rin sa abalang dinulot mo sa'kin ngayon," katwiran ko.
Talaga naman eh. Dapat nasa bahay na 'ko ngayon. Nanonood ng anime, o 'di kaya'y mahimbing na natutulog. Hinila-hila pa kasi ako ng lalaking 'to para sa kalokohan niya. Bwiset.
"Aha!" Nabigla naman ako kay Caden.
"Ano naman 'yon?" usisa ko.
"May idea na 'ko kung paano ko sila idi-distract," sambit niya sa'kin nang nakangiti na para bang napakaganda ng naisip niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Curious ako, at kinakabahan din. Ano naman kayang kalokohan ang naisip ng kumag na 'to?