Ilang araw na akong hindi kinakausap at pinapansin ni Caden. Kapag nagkakasalubong kami sa bahay ay iniiwasan niya ako.
Ni hindi man lang niya ako tinitingnan. Hindi rin siya napunta rito sa kuwarto. Mula no’ng kinompronta siya ni Kiara dahil nga binuking ko siya.
Hindi ko alam kung anong detalye ng usapan nila, pero nagalit sa’kin si Caden. Ba’t ko raw siya pinangunahan. Kalahati ko ang nagsasabing tama lang ang ginawa ko.
Kumabaga, tulong ko na ‘yon sa kanya para umusad naman ang plano namin. At kalahati ko ay nagi-guilty dahil feeling ko naging pakialamera nga ako.
Hay naku. Bahala na nga. Kung ayaw niya ‘kong kausapin, e di ‘wag. Mas mabuti na nga ‘yon, walang asungot na aaligid-aligid sa’kin.
Nasa school ako ngayon at nakikinig sa discussion ng teacher namin. Pagkatapos nito ay recess na.
---
Recess na at nakatayo ako ngayon sa tabi ng pintuan habang nakasandal sa pader at umiinom ng juice na nasa karton.
“Hoy, Roma!”
Halos mapalundag ako sa gulat dahil sa tumawag sa’king ‘yon.
“B-bakit?” tanong ko.
“May problema ka ba? Ang tahimik mo ngayon. Parang ang lalim ng iniisip mo,” sambit ni AJ.
“Oo nga, Roma. Kanina ka pa ganyan. Okay ka lang?” tanong naman ni Josephine.
“Nag-away ba kayo no’ng fiancé mong hilaw?” tanong naman ni Evan.
“Ha? H-hindi ah. May iniisip lang ako,” palusot ko.
Hay naku. Bakit ko ba siya naiisip? Alam mo, self. ‘Wag ka nang ma-guilty. Wala kang kasalanan. Tama lang ‘yong ginawa mo. May pinirmahan kaming kontrata, ‘di ba? Na tutulungan ko siyang mapasagot si Kiara. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Kaya wala akong dahilan para ma-guilty.
Bigla namang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong dinukot sa bulsa ko. Baka si Caden na ‘to. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko kung sino ang tumatawag.
“Hello,” sagot ko.
“Hello, Roma,” sambit ni Chester sa kabilang linya.
“Napatawag ka?” tanong ko.
“I’m here outside your school. Puwede mo ba ‘kong labasin? May ibibigay lang ako sa’yo,” sambit niya.
Pagbaba niya ng tawag ay agad naman akong lumabas ng gate ng school namin. Nakita ko nga si Chester na nakaupo sa may bench. Tapos ay nilapitan ko siya.
“Chester.”
“Hi,” bati niya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos ay may dinukot siya mula sa bulsa niya. Binigay niya ‘to sa’kin.
“Ticket?” pagtataka ko habang tinitingnan ang papel na inabot niya sa’kin.
“I want to take you out for a dinner later. At diyan tayo pupunta. Ticket ‘yan para do’n sa performer nila mamayang gabi,” sambit niya. Ticket ito para sa isang bar and restaurant.
“Okay lang ba sa’yo?” tanong niya.
“Sige. Sasama ako,” sagot ko.
“Great. So, I’ll pick you up by seven,” sambit niya. Tumango naman ako bilang sagot.
---
Pag-uwi ko sa bahay ay syempre ako pa lang ang tao. Dumeretso ako sa kuwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nabigla ako nang makita ko si Caden na nakaupo sa kama ko. Ningitian niya ako tapos ay kumaway siya.
Pagkurap ko ay bigla siyang naglaho. Napataas ang mga kilay ko. Napailing ako nang marahas sabay kusot sa mga mata ko.
Nai-imagine ko ang lalaking ‘yon? Nababaliw na yata ako.
Nagbihis na ako ng pambahay. Tapos ay nilabas ko na sa bag ko ‘yong mga activity papers namin sa Physics para check-an.
Pinatong ko ‘to sa study table ko at umupo na ‘ko. Activity paper ko ang key to correction dahil perfect score ako.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Feeling ko kinakain ako ng guilt. Kasalanan ko ba talaga? Dapat ba akong mag-sorry?
Hindi. Hindi ka magso-sorry sa kumag na ‘yon, Roma. Hindi! Tinulungan mo lang siya dahil sa katorpehan niya! Tama lang ‘yon.
Pagkatapos kong mag-check ng mga papel, tinabi ko na ulit ang mga ‘yon sa bag ko. Tapos ay nilabas ko naman ang netbook ko.
Binuksan ko ‘to at nag-browse ako sa f*******:. Pag-log in ko ay nakita kong may notification ako.
Ryan Chester Morgenstern tagged you in a post.
Oh, mga pics namin sa Enchanted Kingdom. Naka-tag din sina Kiara at Caden. Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga pictures.
Tapos ay nakita kong dalawa pala ‘yong post ni Chester kung saan ako naka-tag. Tiningnan ko naman ‘yong isa pagkatapos ko rito.
Napataas ang kilay ko sa isang ‘to. Stolen shot ko kung saan nasa Ferris wheel kami at nakatingin ako sa tanawin habang nakangiti. At lalong nakapagpataas ng kilay ko ay ang caption nito na “ Beautiful view ♥”.
Napakunot ang noo ko. Bakit nag-post ng ganito si Chester? Anong ibig sabihin nito?
---
Narito na kami ni Chester sa bar and resto na nakalagay sa ticket. Pag-upo namin sa table na napili ni Chester ay um-order na siya ng pagkain.
Mayamaya lang ay tinawag na ‘yong performer. Mukhang hindi naman sikat ‘yong performer pero sure ako na magaling naman ‘yon. Ang nakalagay na pangalan sa ticket ay Daniel Mendoza.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas na ang performer mula sa backstage.
“Kilala ko ‘yon, ah,” sambit ko.
“Who? That performer?” usisa ni Chester.
“Oo.”
“Really?” sambit niya. Siya si Mr. Stalker ng Cavite. Nagtatrabaho siya rito bilang performer?
Sinakbit niya sa katawan niya ‘yong gitara at inayos ang mic na nasa stand. Mayamaya ay tumugtog na siya at kumanta. Alam ko 'yong kinakanta niya eh. Kung Wala Ka ng Hale, iyon 'yon.
Cool lang na medyo husky ang boses niya. Maganda rin namang pakinggan. Singer pala ‘tong stalker na ‘to.
Nang patapos na ang kanta ay napatingin siya sa’kin. At parang nabakas sa mukha niya ang gulat na para bang hindi niya inaasahang makikita niya ‘ko rito.
Pagkatapos niyang kumanta ay binigyan siya ng audience ng masigabong palakpakan, kasama na rin ako.
Tumingin siya ulit sa’kin at ngumiti. Bumaba siya ng stage tapos ay nilapitan ako.
“Ikaw pala talaga ‘yan Roma sungit,” sambit niya.
“Hindi ko rin inaasahan na ikaw ang mapapanood ko rito. Dito ka pala nagtatrabaho,” sambit ko.
“Sideline ko lang ‘to. Marami pa ‘kong raket bukod dito,” sambit niya habang natatawa.
Napansin naman niya si Chester. “Boyfriend mo?” tanong ni Daniel.
“Hindi ah. Kaibigan ko,” sagot ko. Wala namang emosyong makikita sa mukha ni Chester.
“Sana nagustuhan mo ‘yong performance ko,” sambit ni Daniel.
“Oo naman. Sana naging boses ka na lang,” pang-aasar ko.
“Grabe ka naman sa’kin. Sa guwapo kong ‘to?” sambit niya sabay tawa.
“Oh pa’no, maiwan ko na kayo. See you again, Ms.Sungit,” sambit ni Daniel sabay g**o sa buhok ko tapos ay umalis na siya.
---
Nasa labas na kami ni Chester at naglalakad-lakad. Ang langit ay puno ng mga bituin kahit may kakaunti itong mga ulap. Malamig din ang simoy ng sariwang hangin na nadampi sa aming mga balat.
“Chester,” tawag ko.
“Hmm?”
“Tanong ko lang. Tungkol do’n sa post mo na picture ko na may caption? Bakit ka nag-post ng gano’n? May ibig sabihin ba ‘yon?” usisa ko.
Huminto siya sa paglalakad kaya’t gano’n din ako. Tumingin siya sa’kin at ngumiti.
“Isn’t it obvious? I like you, Roma Cassandra.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.
“Ha?” tanging reaksyon ko.
Natawa siya, “I understand your reaction,” sambit niya.
“Uhm. Wait lang. Bakit? Paano? Kailan pa? I mean, bakit ako? Seryoso? Baka naman naguguluhan ka lang?” tanong ko.
Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala. Gusto ko siyang tanungin ng are you drugs?
“I don’t know. It just happened all of a sudden,” sambit niya.
“Look, I know it’s hard to believe and I understand. But it’s true. I’m serious, Roma,” sambit pa niya habang nakatingin deretso sa mga mata ko.
Napakunot ang noo ko kasi naguguluhan pa rin talaga ako. Ang hirap isaksak sa utak.
Hinawakan niya pareho ang mga kamay ko. “Don’t worry. I’m not in a hurry. So, don’t pressure yourself. ‘Kay?” sambit niya habang pinipisil nang marahan ang mga kamay ko.
---
Matapos naming makauwi ni Chester ay pumasok na kami sa loob. Alas nuebe na ng gabi at tulog na ang mga tao sa bahay dahil patay na lahat ng ilaw.
Umakyat na kami sa taas at nang makarating na kami sa tapat ng kuwarto niya at huminto kami.
“Good night, Roma,” sambit niya sabay ngiti.
Tumango lang ako at ngumiti bilang tugon. Tapos ay umalis na ako pagpasok niya sa loob ng kuwarto niya.
Pagdating ko naman sa kuwarto ko ay sinara ko kaagad ang pinto. Halos malaglag naman ang puso ko sa gulat dahil sa tumambad sa’kin pagbukas ko ng ilaw kaya’t napahawak ako sa dibdib ko.
“Caden?” kunot-noo kong tanong.
Nakaupo siya sa kama ko at nakatingin lang ito sa akin na blangko ang ekspresyon ng mukha.
Pagkatapos ko siyang titigan ay tumawa ako.
“Alam ko na. Imagination ko na naman ‘to, eh,” sambit ko.
Tapos ay nilapitan ko siya at dinutdot ang mukha niya.
Nabigla ako nang tabigin niya ang kamay ko, “What are you doing? Bakit mo dinudutdot ang mukha ko?” irita niyang tanong.
“Ikaw nga. Totoo ka? Hindi kita imagination?” tanong ko.
Nakakunot ang noo niya. Tapos mayamaya ay tumawa siya.
“Imagination? So, ini-imagine mo ‘ko?” sambit niya.
“Na-miss mo siguro ako,” pang-aasar pa niya.
“Huh. Mukha mo. Hindi kita na-miss, ‘no. Asa ka naman. Ang saya-saya ko nga kasi walang asungot na naaligid sa’kin,” sambit ko.
“Bakit ka nga ba nandito ha? Alam mo ba kung anong oras na?” tanong ko naman.
Tumayo si Caden at lumapit sa’kin. Nagulat ako nang bigla niya ‘kong yakapin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko na para bang nagwawala na ito sa loob ng dibdib ko.
Para na akong nanigas sa kinatatayuan ko pero ang buong katawan ko naman ay nanginginig.
“Nag-date na naman kayo ni Kuya,” sambit niya na parang may halong lungkot.
Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko nang higpitan pa niya ang yakap niya sa’kin kaya’t napakislot ako.
Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko dahil nararamdaman kong mainit ang pisngi ko.
“I miss you,” sambit niya.