Twenty-fourth Chapter: Double Date?

1573 Words
Sabado ngayon at walang pasok. The usual, nasa kuwarto lang ako at nagdo-drawing ng manga ko. At the usual, nanggugulo ngayon dito ‘yong torpeng engot na si Caden. Pero lumabas siya ng kuwarto ko kanina at hindi ko alam kung saang lupalop siya naroroon. Napailing na lang ako habang patuloy pa rin sa ginagawa ko. Mayamaya lang ay napansin ko siyang pumasok sa kuwarto ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko siyang may bitbit na gitara. ‘Yong acoustic guitar na kulay pula. Umupo siya sa kama ko at mistulang tinotono ang gitara. “Hoy, anong gagawin mo d’yan?” tanong ko. “Malamang tutugtugin,” sambit niya. “Marunong ka?” tanong ko. Tumawa lang siya tapos ay ini-strum na niya ang gitara. Nabigla ako nang marinig ko ang pagkanta niya ko kaya’t napahinto ako sa pagdo-drawing ko. Kumakanta pala ang isang ‘to? ‘Yong boses niya deep and husky ang type, parang Boyce Avenue? Patuloy ko lang pinakinggan ang pagkanta niya habang natugtog siya ng gitara. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang matapos. “Hey.” Natauhan ako nang tinawag niya ako. “Bakit?” tanong ko. “Ningingiti-ngiti mo d’yan?” tanong niya habang natatawa. “A-Ako? Nakangiti? Ungas mo. Feeling ka naman,” sambit ko sabay ikot ng mata. Nakangiti ba ako? Tumikhim ako, "Anong title no'ng kinanta mo? Mukhang maganda, ah." "James Dean and Audrey Hepburn by Sleeping with Sirens." Tumango-tango ako, “Marunong ka pala maggitara at kumanta? Hindi halata,” sambit ko. Natawa siya, “May sarili kaming music studio dito sa bahay. Complete set ‘yon. Doon kami nagpa-practice ni Kuya. Drums naman ang kanya,” sambit niya. Napaawang naman ang bibig ko. “Wow. Talaga? Nasaan?” “I’ll bring you there some other day,” sambit niya nang may ngiti. Hindi ko alam na may gano’n pala sila rito sa bahay nila. Hindi ko kasi nililibot itong bahay. Nakakatamad. Masyado kasing malaki. “Pag may nag-alok sa’king mag-perform sa Feb Fair, tatanggapin ko,” pabiro niyang sabi sabay tawa. “Lol. Matagal pa naman ‘yon,” sambit ko. Feb Fair, dinadaos ‘yon sa mga UP Campus tuwing Valentine’s week. May mga rides. Maraming booths din doon ng mga laruan, souvenirs, pagkain, at kung anu-ano pa. May mga banda rin na tumutugtog tuwing gabi na parang concert. “Hmm. May naisip ako,” sambit ko. “Ano naman?” tanong niya. “Haranahin mo kaya si Kiara? Feeling ko naman maa-appreciate niya ‘yong gano’n,” sambit ko. “Magaling din kumanta si Kiara. Ewan ko lang kung maa-appreciate nga niya,” sagot niya. Singer din pala si Kiara? Wow naman. Maganda na, matalino pa, tapos multi-talented pa. Sana all. Siya ang definition of perfection. Samantalang ako, music lover ako pero walang talent sa music. Lalong hindi rin ako dancer. ‘Yon ang pinakaayaw kong gawin. Siguro nang nagpaulan ng ganda, talino, at talent ang langit, nagtatampisaw si Kiara. Ako naman, naambunan lang. Bigla naman may kumatok sa pinto. “Pasok,” sambit ko. Iniluwa ng pinto si Chester. “Hi, Roma,” bati nito sa’kin. “Chester.” Nabigla nang bahagya si Chester nang mapansin niya si Caden. Napansin ko naman ang pagseryoso ng mukha ni Caden nang tingnan niya ang kuya niya. “Are you free today?” tanong sa’kin ni Chester. Tiningnan ko muna si Caden na pinaniningkitan ako ng mata na para bang binabantayan niya ‘ko kung may masama ba akong gagawin. “Oo. Free ako ngayon. Bakit?” sambit ko. “Nice! Well, gagala lang naman tayo. Game?” sambit niya. “Sure.” “Oh, by the way.” Tapos ay tumingin siya kay Caden. “Tutal, nandito na rin naman si Caden, isama na rin natin siya,” sambit niya. “Talaga?” “Oo naman. Ayaw mo ba?” tanong niya. “H-Hindi naman sa gano’n. Okay lang,” sambit ko. “Nice. By the way, nasa baba na si Kiara. She’s waiting for us,” sambit niya. Nabigla naman kami ni Caden, “Ha?” Paglabas ni Caden ay nagbihis na ako kaagad. Eto na lang black t-shirt na may print sa gitna. Skinny jeans, at ‘yong black and white high-cut Converse ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko na ro’n sina Chester at Caden. Pati na rin si Kiara. “Hello, Roma!” bati sa’kin ni Kiara nang nakangiti sabay kaway. “Hello,” bati ko pabalik. “Teka, saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Chester. Ngumiti siya, “Basta. But I’m sure you will like it,” sagot niya. --- “Wow!” mangha kong sambit habang nakatingin sa lugar na pinuntahan namin. Isa’t kalahating oras din ang naging biyahe namin papunta rito. “You like it?” tanong ni Chester. “Oo naman!” sambit ko. Dinala niya kami sa Enchanted Kingdom. Pangarap kong makapunta rito! First time ko ‘to dahil bukod sa may kalayuan ito sa’min, eh wala ring budget ang pamilya ko para sa mga ganitong bagay. Hinawakan ni Chester ang kamay ko, “Let’s go?” sambit niya nang nakangiti. Tapos ay pumunta na kami ro’n sa may booth sa entrance at kinabitan kami sa braso no’ng bracelet na gawa sa papel bago pumasok. “Anong gusto mong unahin?” tanong sa’kin ni Chester habang ako naman nililibot ko ang paningin ko sa paligid at tila namamangha pa. “Carousel?” sambit ko. “Carousel? Ano ka, bata?” sambit naman ni Caden. “Ano ka ba? Gusto ko rin kaya ‘yan! Go tayo sa carousel,” sambit naman ni Kiara. Napakamot na lang ng batok si Caden. Natawa naman si Chester, “It’s okay. Hindi naman for kids only talaga ang ride na ‘yan. Let’s go,” sambit ni Chester sabay hila niya sa’kin. Nakahawak pa rin pala siya sa kamay ko. Dahil hindi naman gaanong mahaba ang pila ay nakasakay na rin kami. Nang nakasakay na ako mayamaya lang ay umandar na ‘to. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko habang nililibot ang paningin ko. Ngayon alam ko na ‘yong feeling ni Jodi noon sa Stairway to Heaven no’ng nakasakay siya rito. Wala na akong pake magmukha akong isip-bata. Basta masaya ako! “Anong gusto mong isunod?” tanong sa’kin ni Chester na katabi ko lang. “Ferris wheel?” sambit ko. “Okay,” sambit niya sabay ngiti. --- Nang nasa Ferris wheel naman kami ay nag-groupie kami nang huminto sandali ang sinasakyan namin sa pinakataas. Namangha ako sa ganda ng tanawin na nakita ko. Pagkatapos namin do’n ay sumakay naman kami ng Log Jam tapos ay nag-Anchor’s away naman kami. Hindi na maalis talaga ang mga ngiti ko at tawa din ako ng tawa dahil sa sobrang saya at excitement. Tapos no’n ay nag-Space Shuttle kami. ‘Yong mala-roller coaster ride. Grabe. Parang binabaligtad ang mga lamang-loob ko. Feeling ko pati utak ko isusuka ko na rin. Sigaw lang din kami ng sigaw ni Kiara gaya ng ibang nakasakay. Halos kumapit na nga siya kay Caden at papaiyak na. Gusto na raw niyang bumaba. Habang ako naman, nae-excite ako! “Umiikot ang paningin ko ah,” sambit ko. Naglalakad na lang kami ngayon dito pagkatapos namin sa Space Shuttle. “Feeling ko maiiwan ang kaluluwa ko sa ride na ‘yon,” dagdag ko pa. “Ako rin! Buti na lang hindi ako nasuka! Last ko na ‘yon, promise!” sambit naman ni Kiara. Natawa naman si Chester. “Nasaan ang CR dito?” tanong bigla ni Kiara. “Oh, samahan ko kayo,” sambit ni Chester. Nang nasa ladies’ room na kami, naiwan na lang sina Chester at Caden sa labas habang kami ni Kiara ay pumasok sa loob. Pumasok agad kami sa mga bakanteng cubicle. Umihi lang naman ako. Mabilis lang at lumabas na ako after ko mag-flush. Paglabas ko nando’n na si Kiara sa may salamin at nagre-retouch. “I’m hungry na,” sambit ni Kiara. “Ako rin,” sambit ko. “It seems that Chester was really into you.” Nabigla ako sa sinabi niyang ‘yon. “H-ha? Ano bang ibig mong sabihin, Kiara?” sambit ko. “The way he looks and smiles at you. Lagi din siyang nakahawak sa kamay mo or nakaakbay sa’yo,” sambit niya. Bigla ko naman naisip ang mga sinabi niya ay ngayon ko lang ‘yon na-realize. “I’ve known them since we're young. May mga naging girlfriend na rin si Chester before. But now, he’s different.” Tumingin sa’kin si Kiara, “He’s really taking you seriously.” Hindi naman ako makaimik dahil hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi niyang ‘yon. Teka, may naisip ako. Feeling ko ngayon ang tamang oras para sabihin ‘to kay Kiara. “Kiara, may sasabihin ako sa’yo,” sambit ko. “What is it?” usisa niya. Huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata. “May gusto sa’yo si Caden. Matagal na,” sambit niya. Nabakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. “A-Are you sure about that?” tanong niya. Tumango ako, “Oo, sinabi niya sa’kin ‘yon mismo. Kaso nuknukan siya ng torpe kaya hindi niya masabi sa’yo,” sagot ko. Mukhang hindi talaga makapaniwala si Kiara sa sinabi ko. “Okay. I will confront Rendel about that matter,” sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD