Nasa school ako ngayon at kakatimbre pa lang ng recess. Nakatukod ang mga braso ko sa arm rest ko habang nakahawak sa sentido ko.
‘Yong confession ni Chester, at ‘yong yakap ni Caden. Napabuntonghininga ako.
“Sumasakit ang ulo ko,” bulong ko.
Mayamaya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko. Kaya kinuha ko ‘to para tingnan.
Chester: I am outside. Can you come here?
Agad naman akong lumabas ng gate matapos kong mabasa ang text. At nakita ko nga ro’n si Chester na nakaupo sa isa sa mga benches.
“Chester.”
“Hi, Roma,” bati niya sa’kin nang nakangiti. Tapos ay umupo ako sa tabi niya.
“Kumain ka na?” tanong niya.
“Hindi pa. Kakain pa lang sana,” sagot ko.
Tapos ay may binigay siya sa’king supot na may tatak ng Jollibee. Nang tingnan ko ang laman nito ay nakita kong may large fries, burger, at regular coke sa loob.
“You like it?” tanong ni Chester.
“Oo naman. Thanks,” sambit ko. Tapos ay inuna kong kainin ‘yong fries.
“Ikaw? Kumain ka na?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tumango.
“Roma.”
“Hmm?”
“You already know that I like you, right?”
Napainom ako ng coke sa sinabi niya dahil muntik na akong mabulunan. Pinaalala niya pa sa’kin ‘yan.
“I just thought. What if, ako na lang ang fiancé mo?”
Napatingin ako sa kanya habang nandidilat ang mga mata.
“Caden and you don’t like each other. You don’t like him and he likes Kiara. What if, just break your engagement with him and take me instead? Tutal, pareho lang naman ‘yon. Kaya ko rin naman bayaran ang debts niyo because I am also a Morgenstern.”
Tapos ay hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng marahan.
“If you’re going to take me, I can pay your debts and also love you at the same time,” sambit niya. Tapos ay hinawi niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
“And I will make you fall in love with me so that you’ll never have any regrets for choosing me, Roma,” sambit pa niya.
Hindi na ako nakaimik o nakagalaw pa. Natulala ako. Literal. Binibigyan ako ni Chester ng choice. May point. Pero, papayag kaya ang pamilya namin?
“Anyway, don’t think that I’m pressuring you. I am just giving you options and still willing to wait for your decision. So you don’t have to worry. Okay?” sambit niya sabay ngiti tapos ay tinapik niya nang marahan ang ulo ko.
---
Pagkatapos ng klase ay agad na akong lumabas ng school. Marahan akong naglalakad habang nakayuko. Iniisip ko pa rin ‘yong sinabi ni Chester.
Seryoso ba talaga siyang gusto niya ‘ko? Pero bakit? Wala naman akong makitang magandang rason para magustuhan niya ako.
Pero, ang mas dapat kong isipin ay ‘yong choice na binigay niya sa’kin.
May point ‘yon. Hindi ba mas mabuting mag-settle sa isang taong mahal ka? Isa pa, posible naman sigurong mahalin ko rin si Chester, ‘di ba?
Kaysa naman na ikasal ako sa taong iba ang gusto.
“Psst! Roma!”
Napaangat ako at napalingon sa paligid ko. Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa motor at kinawayan niya ‘ko.
“Daniel?” Tapos ay nilapitan ko siya.
“Mabuti naman at naaalala mo pa ang pangalan ko,” sambit niya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Wala. Naggagala? Ikaw? Saan ka pupunta?” sambit niya.
“Pauwi na ‘ko,” sagot ko.
“Tara, ice cream tayo? Gusto mo?” alok niya bigla. Napakunot naman ang noo ko.
“Ice cream? Saan naman?” tanong ko.
“Sa Freedom Park lang. May convenience store do’n, ‘di ba? Ano?” alok niya.
Bigla niyang hinagis sa’kin ang isang helmet.
“Suot mo ‘yan at nang makaalis na tayo,” sambit niya tapos ay sinuot na niya ang full-faced helmet niya.
Pagsuot ko ng helmet ay umangkas ako sa big bike niya. Ang laki at ang taas ng motor niya. ‘Yong kagaya sa mga motor ng mga gangster at bad boy sa TV? ‘Yong bilog ang head lights. Nahirapan tuloy akong umangkas.
“Eto nga pala ang baby ko, si Jillian,” sambit niya.
“Ha?”
“Tinutukoy ko ‘tong motor ko,” sambit niya.
Aba. Pinapangalanan pala ang motor?
“Kumapit ka nang mabuti, Roma,” utos niya.
Humawak naman ako sa damit niya.
“Ganyan lang? Bahala ka,” sambit niya.
Tapos ay bigla niyang pinaharurot ang motor niya. Napasigaw ako dahil muntik na akong malaglag. Napayakap tuloy ako sa kanya nang ‘di sinasadya.
“Mag-ingat ka naman!” saway ko.
“Hindi ba sabi ko sa’yo kumapit kang mabuti?” sambit niya.
“Aba malay ko ba!”
---
Ilang minuto lang ay nasa Freedom Park na kami sa may UP. Nasa isang bench kami at kumakain ng ice cream na nabili ni Daniel sa convenience store dito.
“Hindi ko ine-expect na sasama ka sa’kin nang dahil lang sa ice cream. Pagkain lang pala ang pampain sa’yo para ma-kidnap,” sambit niya.
“Una sa lahat, hindi ako maki-kidnap dahil wala akong pera,” sambit ko.
“Hindi nga kidnap for ransom pero maganda ka at puwede ka pa ring pagkakitaan ng kidnappers,” sambit niya.
“Pangalawa, kaya kong makipagbasag-ulo at lumpuhin ang mga ki-kidnap sa’kin. At higit sa lahat, hindi ako natanggi sa libre. Kasi sabi ng kaibigan ko, basta raw libre, blessing ‘yon,” sambit ko.
“Wow. Ibang klaseng philosophy ‘yan, ah,” natatawa niyang sambit.
“Siya nga pala. Parang ang lalim ng iniisip mo kanina habang naglalakad ka, ah. May problema?” tanong niya.
Napabuntonghininga ako nang malalim. Hindi naman siguro masama kung maikuwento ko ‘to sa kanya, ‘di ba? Saka baka mabigyan pa niya ‘ko ng advice.
“May fiancé na ako,” sambit ko.
Nandilat naman ang mga mata niya, “Ano? Talaga? Pero bata ka pa, ‘di ba? Nasa high school ka lang. Bakit? Paano ka na-engaged?” sambit niya.
“Mahabang kuwento pero sabihin na nating dahil sa pera. Ganito, hindi ko gusto ang fiancé ko, at gano’n din siya sa’kin dahil may iba siyang gusto,” sambit ko.
“Then?”
“May kasunduan kaming dalawa na gagawa kami ng paraan para mabaliwala ang engagement. Tapos pumasok naman sa eksena itong kuya niya at nagtapat siya sa’kin na gusto niya ako. Kaya binigyan niya ‘ko ng choice na kung siya raw ang pipiliin kong pakasalan, hindi ako magsisisi kasi gusto raw niya ako,” sagot ko.
“Naisip kong may point siya. At ‘yon ang iniisip ko. Kung okay lang kaya ‘yon?” dagdag ko pa.
Nag-isip siya sandali bago magsalita, “Ganito, break mo na ang engagement. Tapos bastedin mo ‘yong kuya. At sumama ka sa’kin. Magpakalayo-layo tayo,” sambit niya.
Pinandilatan ko siya ng mata, “Sira ulo ka,” sabay hampas ko sa tiyan niya.
Napahawak siya sa tiyan niya, “Aray! ‘Yong abs ko,” daing niya sabay tawa.
“Just kidding. Pero eto seryoso, may point naman ‘yong kuya. Mahal ka niya at puwede mo siyang matutunang mahalin balang-araw. Kaysa naman sa mag-settle down ka sa isang taong may mahal na iba, ‘di ba? Pero, ikaw rin. Kung anong gusto mo,” payo niya.
---
Pag-uwi ko ng bahay ay dumeretso na ako sa kuwarto at nagbihis. Pagkatapos ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ‘to.
“Nag-chat si Kiara?”
Kiara Michelle:
Hi, Roma! ☺ How are you?
Roma Cassandra:
Okay lang. Ikaw?
Kiara Michelle:
I’m okay naman. Saka, tungkol pala sa sinabi mo sa’kin noon sa EK about Rendel having feelings for me.
Kinabahan ako. Sasabahin na ba niya sa’kin ang napag-usapan nila?
Roma Cassandra:
Anong tungkol doon?
Kiara Michelle:
He told me na totoo ‘yon. Crush niya ako since grade six kami. But, ‘yon lang daw ‘yon. May iba na raw kasi siyang gusto ngayon.
Nandilat ang mga mata ko sa sinabi ni Kiara. Seryoso? May iba nang gusto si Caden? Kailangan kong makausap ang lalaking ‘yan. Para malinawan ako kung anong susunod na plano namin ngayon.
Bigla naman bumukas ang pinto ko at niluwa no’n si Caden.
“Aba, mabuti naman. Tatawagan pa lang sana kita,” sambit ko.
“Why? Missed me?” sambit niya.
“Assuming. Mag-usap nga tayo. Sinabi sa’kin ni Kiara na may iba ka na raw gusto. Totoo ba ‘yon?” sambit ko. Tumango lang siya bilang sagot.
“So, anong gagawin natin ngayon?” tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.
Napakunot-noo ako, “Seryoso? Hay nako, Caden. Ewan ko sa’yo,” sambit ko.
“Isa pa pala, Caden.”
“What?”
“Gusto ko sanang i-cancel ang engagement, kung ayos lang,” sambit ko.
“What? Bakit naman?” tanong niya.
Bumuntonghininga ako nang malalim, “S-Si Chester na lang sana ang maging fiancé ko. Puwede kaya ‘yon?”
Napakunot ng noo si Caden tapos ay umupo siya sa tabi ko, “Bakit mo naman naisip ‘yan?” tanong niya.
“Kasi…binigyan niya ‘ko ng choice. Kaya niya raw ako mahalin at puwede ko rin siyang matutunang mahalin kung sakali,” sambit ko habang pinagkikiskis ang mga palad ko.
Nakatitig lang sa’kin si Caden at hindi ko mawari kung anong nasa isip niya.
“Ano sa tingin mo?” tanong ko pa.
Nakatitig lang siya sa’kin. Nakakailang na kaya!
“Ano na, Caden?” tanong ko.
Nakatitig lang siya sa’kin at hindi ko mawari kung anong iniisip niya. Pero mayamaya lang ay umimik din siya.
“Walang engagement na maka-cancel. At lalong hindi ka magpapalit ng fiancé. Ako lang ang fiancé mo. Ako lang, Roma,” seryosong sambit niya.
Nabigla ako sa sinabi niya. Natigilan ako at tila nanigas. Lalo tuloy akong naguluhan. Ano nang gagawin ko ngayon?