Thirty-ninth Chapter: My Escape

1672 Words
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko dahil may naririnig akong parang tumutunog. Tiningnan ko 'to at nakita kong phone ko pala 'yon kaya pinatay ko. Kahit natulog ako, pakiramdam ko pagod pa rin ako. Lalo na kapag naaalala ko 'yong sinabi sa'kin ng kapatid ko kagabi sa phone. Nang i-check ko naman ang phone ko ay nakita kong may nag-notif naman na may na-receive akong email. Tapos ay kin-lick ko ito para buksan. Nang basahin ko ito ay nandilat ang mga mata ko. Nanalo ako sa isang promo sa isang hotel sa Tagaytay. Sumali ako rito via f*******: ilang linggo nang nakakaraan. Hindi ko naman ine-expect na mananalo ako rito. Three day vacation sa isang hotel nila ng libre. Take note, libre. Valid ang nasabing promo nila hanggang bago mag Pasko. I-print ko lang ang nasabing form dito patunay na nanalo ako tapos ipapakita ko sa manager ng nasabing hotel. Sinaksakan ko ang phone ko ng flash drive ko at ni-save ang file. Ipapa-print ko ito sa labas mamaya. Katatapos lang ng Christmas party namin tatlong araw nang nakakaraan. Kaya naman official na kaming naka-Christmas break. Balik na namin first Monday ng January. Tumayo na ako at nagpuntang banyo para maligo. Thirty minutes din ang nilagi ko sa banyo bago ako lumabas at pumuntang kuwarto para magbihis. Naka-mustard yellow t-shirt ako at skinny jeans, tapos white sneakers. Tahimik na ang bahay ngayon. Panay maids lang ang narito sa mansyon dahil nasa trabaho pa sina Sir Michael at Chester, habang si Caden naman ay nasa school. Kinuha ko ang backpack kong kulay itim at naglagay ako ng ilang damit at mga iba pang kailangan ko. Nilagay ko rin ang sketchbook ko at drawing pencils. Umalis ako ng bahay nang walang paalam. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tumakas ngayon sa mundo. Sa lahat. Gusto kong pumunta sa isang lugar na walang nakakaalam. Fifteen minutes akong naglakad palabas ng subdivision namin at sumakay ng jeep papuntang bus terminal. Habang nasa biyahe ay nakadungaw lang ako sa bintana habang nakikinig ng music. Matapos ang thirty minutes na biyahe sa jeep, nakarating na ako ng bus terminal at sumakay ng bus. Umupo ako sa bandang gitna malapit sa bintana. Nang napuno ang bus ay umandar na ito. Habang nasa biyahe ay inaantok ako pero hindi naman ako makatulog. Nakadungaw lang ako sa bintana habang may suot na earphones at nakikinig ng music. Matandang babae na parang lola ko na ang katabi ko kaya kampante naman ako kahit papaano. --- Dalawang bus ang sinakyan ko hanggang makarating ako rito sa Tagaytay. At mahigit apat na oras ang ginugol ko sa buong biyahe. Sa wakas ay nakarating na rin ako sa nasabing hotel. Napanganga naman ako sa ganda ng hotel na ito. Malaki at mataas ang gusali. Parang mansion ang style. Puti ang kulay nito at chocolate brown ang bubong. Bawat bintana nito ay malalaki na gawa sa salamin. May malaking swimming pool pa sa labas. Kulay blue ang tubig at mukhang malinis ito. Pero takot ako sa malalalim na tubig kaya sigurado akong hindi ako magsu-swimming. Nang makarating ako sa lobby ng hotel ay nagpunta kaagad ako sa front desk. Magalang naman akong in-entertain ng babaeng naroon. Pinakita ko sa kanya 'yong printed copy ko na patunay na nanalo ako sa promo nila. Tapos ay tinawagan nila ang manager nila. Umupo muna ako sa puting couch na naroon para hintayin sandali ang manager. Pinagmamasdan ko ang paligid. Malawak at malinis ang paligid. Puting-puti ang sahig. Halos kuminang na ito dahil sa kintab. Puti at brown ang kulay na nangingibabaw sa paligid. Halatang mahal ang accommodation rito kung hindi lang ako nanalo sa promo nila. "Excuse me." Napatingala ako sa taong nagsalita. "Roma?" Nandilat ang mga mata ko sa taong nakatayo sa harap ko. "D-Daniel?" "Anong ginagawa mo rito?" sabay naming sambit. "Nanalo ako sa promo ng hotel na three day stay. Ikaw?" sambit ko. "Obvious ba? Ako ang manager dito," sambit niya. Nandilat ang mga mata ko at pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Naka-business attire siya at 'yong usual niyang hairstyle. Infairness, bagay sa kanya ang suot niya. "Ano? Natulala ka na diyan. Guwapo ko, 'no?" sambit niya nang may nang-aasar na ngiti. "Ungas mo. Hindi ko lang inaasahan na ikaw ang makikita ko rito," sambit ko. Tumawa siya, "Congratulations, Ms. Roma Cassandra Martinez for winning in our once in a year promo of free staying for three days!" bati niya sa'kin. "Dahil friends tayo, ako ang bahala sa'yo rito," dagdag pa niya sabay kindat. Tumawa ako nang bahagya, "Okay, sabi mo eh." Tumayo na ako dahil dadalhin niya ako sa magiging kuwarto ko. Habang naglalakad kami ay napapansin kong tumitingin sa kanya ang mga babaeng nasasalubong namin. Mukha silang nai-starstruck sa kumag na 'to. Mayamaya ay sumakay kami ng elevator. Pinindot niya ang number five na button nang sumara ang pinto. "Halatang mamahalin ang hotel na 'to," sambit ko. Kaming dalawa lang ang narito sa loob. Tumawa lang siya nang bahagya. Napansin kong mukhang mayayaman 'yong mga taong nakita't nakasalubong ko. Samantalang ako, halatang commoner lang. Mayamaya ay bumukas ang elevator at lumabas si Daniel at siya namang sunod ko. Ilang sandali pa ay may kuwarto siyang binuksan. "Andito na tayo," sambit niya sabay pasok sa loob habang nakasunod lang ako. Nandilat ang mga mata ko at napanganga sa ganda ng ambience ng kuwarto. Beige, brown, at white ang kulay na nangingibabaw sa kuwarto. May isang queen-sized bed na may puting-puti na bedsheet, kumot, at apat na unan. May couch din na kulay puti malapit sa pinto bago mag kama na nakaharap sa isang malaking flat screen TV. Air conditioned ang kuwarto at may balcony. "Meron ka na ritong sariling kitchen at banyo," sambit ni Daniel. "Eto ang susi ng kuwarto at password ng wifi," sambit niya sabay bigay sa'kin ng susi at isang papel kung saan nakasulat ang password. "Kapag may problema or may kailangan ka, tawag ka lang sa number na nakasulat din diyan sa papel na binigay ko sa'yo," sambit ni Daniel sabay kindat. "Enjoy," sambit pa niya bago tuluyang umalis. Nang isara ni Daniel ang pinto ay agad akong nag-dive sa kama. "Wow! Ang lambot ng kama sobra! At ang bango ng beddings!" sambit ko habang nagtatampisaw sa kama. Mas maliit ito ng kaunti kaysa sa kama ko sa mga Morgenstern pero pareho lang ng feeling pag humiga ka. Katabi ng kama 'yong sliding door na gawa sa salamin pero may kurtina itong kulay puti. Tumayo ako at binuksan ang sliding glass door. Tumambad sa'kin ang balcony. May two-seater table dito sa gawa sa bakal na kulay itim at dalawang upuan na gawa naman sa rattan. Lumapit ako sa bakal na railings at hinawakan ito. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang sariwang simoy ng hangin habang nililipad nito ang mahaba kong buhok. Pagdilat ko ay napansin ko ang magandang view ng kalikasan. Lalo na ang Taal Lake. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang kagandahan ng paligid. Pumasok na ako sa loob at isinarang mabuti ang sliding door. Nakaramdam ako bigla ng gutom. Pumunta ako sa kusina. Kumpleto ang kitchen utensils. Binuksan ko ang ref at nakita kong walang laman. Pero kahit naman may laman yan, hindi naman ako marunong magluto. Paano kaya 'to? Kakain ako sa labas? May kainan bang malapit dito? Pumunta ako sa kama at kinuha ang papel na binigay sa'kin ni Daniel kanina. May telepono na nakalagay dito sa night stand at ni-dial ko ang number. Nag-ring lang ito sandali tapos ay may sumagot na. "Uhm, hello. Ako po 'yong guest niyo sa -" "Hello, Roma." Nabigla ako nang sabihin 'yon ng kausap ko sa kabilang linya. "Daniel? Ikaw ba 'yan?" "Yes, ganda. May kailangan ka?" tanong nito. "Uhm. Itatanong ko lang kung may malapit bang kainan dito. Pasensya na. Wala akong alam masyado sa lugar na ito," sambit ko. "Okay. Punta kang lobby. Meet me there. See you," sambit nito tapos binaba na niya ang telepono. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako kikitain sa lobby? Nagkibit-balikat ako. Bahala na. Nagsuklay lang ako ng buhok at lumabas ng kuwarto dala ang susi. Sumakay ako ng elevator para makarating sa ground floor. Saglit lang ay nakarating na ako sa lobby at naglakad-lakad hanggang sa natanaw ko na si Daniel na nakaupo sa couch doon. Tapos ay nilapitan ko siya. "Hoy, Mr. Manager." Tapos ay tiningala niya ako at ngumiti. "Tara, kakain tayo," sambit niya. "Saan naman?" tanong ko. "Basta. Ako bahala. Halika na," sambit niya sabay hablot sa kamay ko at lumabas na kami ng hotel. Nasa parking area kami at narito ang motor niya. Binigay niya sa'kin ang isang helmet at sumakay na siya ng motor at ni-start ang engine nito saka naman ako umangkas. --- Dinala niya ako sa isang restaurant na fifteen minutes away mula sa hotel. Kasalukuyan na kaming kumakain sa isang two-seater table na malapit sa bintana. Siya ang um-order ng pagkain at nagbayad. "Bakit mo nga pala naisipang sumali sa promo namin?" tanong niya. "Trip ko lang. Bored kasi ako no'n. Saka hindi sumagi sa isip ko na mananalo ako ro'n sa promo," sambit ko. "Bakit kasi walang kaninan sa hotel niyo?" reklamo ko. "Aba, hinahayaan namin kasi ang mga guests na sila ang magluto para sa sarili nila," sagot niya. "Eh paano naman 'yong mga gaya kong hindi marunong magluto at walang pambili ng lulutuin?" reklamo ko pa. "Hindi na namin kasalanan kung hindi ka marunong magluto. Coffee house lang ang meron kami. Saka, magkano ba dala mo papunta rito?" sambit niya. "Pamasahe lang. Back and forth," sambit ko. "Pulubi ka talaga," pang-aasar niya. Tapos ay binato ko siya ng lukot na tissue sa mukha at tumawa lang siya. "Teka, 'yong number na binigay mo sa'kin. Hindi 'yon sa reception, ano?" sambit ko. Tumawa siya nang bahagya, "Yeah. Number 'yon sa office ko. Huwag mong ikakalat, ha? Ikaw lang binigyan ko niyan." Kahit nagtataka ako kung bakit number niya ang binigay niya sa'kin ay tumango na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD