Papunta ako ngayon sa kuwarto ko. Galing kasi ako sa labas dahil ginala namin ni Chester si Miykal, tapos no'n ay nag-meryenda naman kami.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang datnan ko si Caden. Nandilat naman ang mga mata ko nang makita kong hawak niya ang baby photo album ko.
"Hoy, saan mo naman nakuha 'yan?" tanong ko.
"Just here. Sa mini bookshelf sa ibabaw ng study table mo," sagot niya habang nakatingin pa rin sa album.
May mini bookshelf ako rito sa study table ko sa bandang upper corner nito. Isang bakal na book stand ang sumusupota sa mga book na laman nito.
"Saka, anong ginagawa mo rito? Trespassing ka na naman," inis kong sabi.
"You're such a cute baby here," sambit niya habang nakatingin sa pictures ko no'ng baby.
"Babaeng-babae ka pala no'ng bata ka. Lagi kang nakasuot ng cute dresses tapos palaging nakapuyod ang buhok mo, minsan naman may suot kang cute headband or hairclip," sambit niya.
"Kaso bakit lagi kang nakasimangot? Bata ka pa lang attitude ka na. Cute mo pa naman," sambit pa niya sabay tawa.
"Hindi talaga nawawala ang bangs mo," sambit pa niya ulit nang may kasamang tawa.
Patuloy lang akong nakatingin sa kanya habang pinaniningkitan siya ng mata. Ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
"Roma?"
"Ano na naman?" inis kong tanong.
Tumingin siya sa'kin, "Where did you get that ponytail that you're wearing?"
Napaisip naman ako sa naging tanong niya. Tapos ay kinapa ko ang ponytail ko. Panali siya sa buhok na may design na malaking ribbon na kulay burgundy. Suot ko siya ngayon. Pinuyod ko ang mahaba kong buhok dahil mabanas.
Saan ko nga ba nakuha 'to?
"Sa pagkakaalala ko, bigay lang sa'kin 'to," sagot ko.
"Sinong nagbigay sa'yo?" usisa niya.
Napaisip ako sandali. Sino nga ba? Matagal na kasi 'yon kaya medyo limot ko na. Kakalkalin ko pa sa alaala ko.
"Ah, naaalala ko na. May nakilala akong batang lalaki noon na palaging nasa Carabao Park no'ng time na 'yon. Grade two lang ako noon. Pareho yata kami ng awas tapos palagi siyang kasama ng Papa niya.
Habang hinihintay kong matapos sa meeting si Papa, naglalaro kami no'ng batang 'yon. Hinihintay din kasi niya ang Papa niyang matapos din sa meeting," kuwento ko.
"Then? Nasaan na 'yong bata? Kilala mo pa ba siya?" tanong ni Caden.
"Sa totoo lang, hindi ko na maalala 'yong pangalan niya o kahit 'yong eksaktong hitsura niya. Mga isang buwan ko lang naman pati kasi siya nakasama. Pagkatapos niyang ibigay sa'kin 'tong ponytail, hindi na kami nagkita pa ulit," sagot ko.
"However, do you remember him calling you Cassy?" tanong pa niya.
"Bata? What's your name?" tanong sa'kin ng batang lalaki na lumapit sa'kin.
Nakatingin lang ako sa kanya na pawang nagtataka. Hindi ko siya sinasagot kasi hindi ko ugali makipag-usap sa hindi ko kilala.
"Cassy?"
Nagtaka ako nang banggitin niya ang palayaw ko. Ngunit napagtanto kong may nametag pala akong suot.
"Oo. Naalala ko na," sagot ko.
"Teka nga, bakit mo ba tinatanong ha?" tanong ko kay Caden.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Hinintay mo ba akong bumalik no'n, Cassy?"
Naguluhan ako at natulala.
"Teka. Huwag mong sabihing...ikaw 'yong batang 'yon?" tanong ko.
"Ako si Ren," sambit niya.
Ako si Ren. Ako si Ren. Ren.
"My name is Ren. Nice to meet you."
Napagdikit ko ang mga palad ko, "Tama. Ren. Ren ang pangalan no'ng bata!"
Pinandilatan ko siya ng mata, "Ikaw si Ren?"
Tumawa si Caden, "This is a mind-blowing coincidence. But yes, I am that Ren that you've met years ago. At masaya ako dahil iningatan mo 'yong ponytail na binigay ko sa'yo."
"Tama. Ikaw 'yong Ingliserong bata noon na kapag nagta-Tagalog, may accent," sambit ko sabay tawa.
"At ikaw naman 'yong cute na batang babae na sobrang mahiyain na ayaw akong kausapin," sambit niya.
"Natatameme ako noon kapag ini-English mo 'ko bigla," sambit ko.
"Sorry naman. Two years palang ako no'n dito sa Pilipinas. German at English lang ang kaya kong sabihin. Though, nakakaintindi naman ako ng Tagalog, pero hindi pa ako noon gano'n ka-fluent sa pagsasalita no'n," sambit niya.
"Hindi ako makapaniwala," sambit ko.
"Naalala kita dahil sa isang picture mo rito," sambit niya habang nakatuon na ang atensyon niya sa album at patuloy pa itong tiningnan.
"You even graduated elementary with honors," sambit niya. Nakita niya siguro 'yong picture ko no'ng grade six graduation na may sabit na medal. Fourth honor ako no'n.
"Ah oo," sambit ko.
Hindi ko 'yan malilimutan dahil muntik na 'kong mawala sa honor roll. Nakaaway ko kasi 'yong isa kong classmate na lalaki tapos no'ng napikon ako, sinapak ko siya sa mukha. Tinamaan 'yong bandang kilay niya kaya ayon, nagbukol at nagpasa.
Kinausap lang ako no'n ng adviser namin dahil ayaw niya akong ipa-guidance at nanghihinayang siya sa standing ko sa klase.
Nakita kong sinara na ni Caden ang baby photo album at binalik sa shelf. Tapos ay nagtingin-tingin na naman siya ro'n. Nakatayo pa rin ako malapit sa study table at sinusundan ko lang siya ng tingin.
"Puro Science books halos ang narito," sambit niya.
"Bigay lang 'yan ng mga kaibigan ni Papa. Mga pinaglumaan ng mga anak-anak nila," sambit ko.
May mga Encyclopedia kasi rito sa mini bookshelf ko. 'Yong mga paborito kong libro lang ang dinala ko. Panay tungkol sa Science – Earth Science, Chemistry, Physics, Biology, at Astronomy.
"Have you read all of these?" tanong niya.
"Oo. Grade five pa lang ako nang mapunta sa'kin ang mga librong 'yan. Binabasa ko sila kahit hindi ko gaanong maintindihan 'yan no'ng mga panahong 'yon," sambit ko.
"Let me guess your favorite," sambit niya tapos ay may kinuha siyang libro sa shelf.
"This Astronomy book. Am I right?" tanong niya.
"Oo, tama ka."
"Outer space. Astronauts. Space ships. Planets. Moons. Asteroids. Stars. Galaxies. And everything that you can find in the universe. You're interested in all of these things," sambit niya habang binubuklat ang libro.
"Alam mo ba, pangarap ko noon na maging isang Astronomer. Gusto kong maka-discover ng star o planet tapos ako ang magpapangalan. Interesado ako sa mga bagay na nasa kalawakan, kung gaano ba kalawak ang universe, at kung ano pa ba ang mga bagay na meron do'n. Weird, 'no? Interesado ako sa mga bagay na kailanman ay hindi ko mararating o maaabot man lang," sambit ko.
"You don't really need to do that, actually. Because there's a universe that was already inside you," sambit niya sabay ngiti.
Lumapit siya sa'kin at tumingin sa mga mata ko, "And I can see it through your eyes. It's beautiful."