Thirty-fourth Chapter: Runaway

2628 Words
Nasa school ako ngayon at third subject namin ngayon – Physics. Si Ma’am Virona ang teacher namin sa subject na ‘to. “So, bago ako umalis ibibigay ko na sa inyo itong mga long test papers niyo,” sambit niya sabay kuha ng isang kumpol ng papel sa loob ng dala niyang expanding envelop na green. Nag-long test kami sa lahat ng subjects no’ng isang araw. Periodical test na kasi namin sa January. December na next week at lahat kami ngayon ay abala sa pagpaplano para sa Christmas party. Pagkatapos no’n, two weeks na Christmas vacation. Excited na ‘kong mawalan ng pasok. “Highest score, forty-eight out of fifty. Martinez Roma Cassandra,” sambit niya sabay bigay sa’kin ng test papers. “Distribute this on your classmates. Thank you,” sambit niya nang nakangiti pagkaabot niya sa’kin ng mga papel. May extra pang oras kaya nagkukwento na lang si Ma’am pampatama. Habang ako naman ay dini-distribute ang mga papel na binigay sa’kin ni Ma’am. “Bakit kaya gano’n? Kahit anong gawin kong aral, mababa pa rin score ko?” Narinig kong sabi ni Sylvia sa katabi niya habang nakatayo ako sa aisle. “Luh? Anong sinasabi mo d’yan? Buti ka pa nga sampu lang mali mo, over passing score ‘yan dahil thirty ang passing. Ako nga twenty-seven lang score ko. Okay lang ‘yan, Sylvia,” sambit naman ni Amy na katabi niya. Hindi sa pagmamalaki, pero hindi talaga ako nagre-review kapag may exams. Gusto ko kasing subukan ang natutunan ko sa buong quarter. Sa stock knowledge lang ako aasa kumbaga. Every exams, matataas naman ang scores ko kahit sa ibang subject hindi ako ang highest. Wala naman problema sa’kin ‘yon. Pero tanging sa Science lang ako hindi napalya as highest scorer kaya naman ‘yon ang pinakamataas kong grade sa report card ko. Sapat na ang ninety-five, ‘di ba? --- Tapos na ang klase at uwian na. Paglabas ko ng pinto ng classroom namin ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Tapos ay sabay-sabay na kaming naglakad papuntang gate. “Sa wakas! Tapos na ang long test! Christmas party na,” masayang sabi ni Josephine. “Luh? Baka nakakalimutan mong may Periodical test pa pagbalik natin sa January?” sambit naman ni Jeyra. “Hay nako. Oo nga, ‘no?” sambit ni Phine. “Oh. Mukhang may sundo si Roma,” nakangising sambit ni AJ. Nakalabas na kasi kami ng gate ng school. Napatingin naman ako sa sinasabi ni AJ. “Oh, wow naman! Dalawa ang sundo mo. Sino kayang sasamahan mo?” natatawa na kinikilig namang sabi ni Josephine. Paano ba naman? Nandito pareho ang magkapatid na Caden at Chester na dala ang kani-kanilang sasakyan. Kapwa sila nakatayo’t nakasandal sa mga sasakyan nila na pawang naghihintay. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyanteng nalabas mula sa school. Nang nahagip na ako ng mga mata nila ay pareho silang ngumiti at kumaway sa’kin. “Pili na, Roma. Kanino ka sasama? Kay Mercedes-Benz?” sambit ni Evan sabay tingin kay Caden. “O kay Lamborghini?” At tumingin naman siya kay Chester. Naguguluhan akong pinalipat-lipat ang paningin ko sa dalawa. Sa totoo lang, nahihirapan ako kung kanino ako sasama kasi ayaw kong ma-disappoint ‘yong isa. Hindi naman ako puwedeng sumama sa kanila pareho dahil iisa lang ang katawan ko. Reject ko na lang kaya sila pareho? “Pasok ulit ako sa school,” sambit ko. Tumingin sa’kin ang mga kaibigan ko na mukhang nagtataka. “Bakit naman?” tanong nila. “Magbabanyo lang ako. Pero mauna na kayo. Bye!” sambit ko tapos ay tumakbo ako papasok ulit ng school. Sa kabilang gate ako dadaan. Uuwi na lang ako mag-isa. Bahala sila diyan. Bakit ba kasi nagsabay pa sila? Sa pagtakbo ko ay narating ko na ang north wing ng school kung nasaan ang isa pang gate. Tapos ay nakita kong may guard din do’n. “Padaan po, Manong Eman!” sambit ko sa guard. “Sige,” sambit niya tapos ay pinagbuksan niya ‘ko ng gate. Paglabas ko ay nagpasalamat ako sa kanya at isinara na niya ulit ang gate. Naglakad ako nang mabilis para makalayo-layo. Gusto ko nang umuwi. “Roma!” Napahinto ako nang may tumawag sa’kin. “Daniel?” Tumingin ako sa kanya nang huminto ang motor niya sa tabi ko. Tapos ay hinubad niya ang full-faced helmet na suot niya. “Nagmamadali ka ah?” usisa niya. “Ah oo. May tinatakasan lang,” sambit ko sabay tawa ng kaunti. “Gano’n ba? Gusto mong mag-ice cream tayo ulit?” alok niya. Napataas naman ang kilay ko, “Talaga?” “Oo. Freedom Park ulit. Pero this time, hindi na coned ice cream. ‘Yong solo pack na. Anong gusto mong flavor?” tanong niya. “Coffee crumble,” sagot ko. “Let’s go!” sambit niya sabay hagis sa’kin ng extra niyang helmet. Sabay kami nagsuot ng helmet tapos ay umangkas na ‘ko sa kanya. Sampung minuto lang ay nasa Freedom Park na kami. Nasa isang bench kami rito habang kumakain ng ice cream na solo pack. Coffee crumble ang akin samantalang rocky road ang kanya. “Kapag pagkain talaga magaling ka,” sambit niya. Nagkibit-balikat lang ako. “So, bakit ka nga pala tumatakas? Sinong tinatakasan mo? Mga pulis ba?” usisa niya. Pinandilatan ko siya ng mata, “Pulis? Hindi ako kriminal.” Bumuntonghininga ako, “Tinatakasan ko ‘yong…magkapatid.” “Ah okay. I know. ‘Yong fiancé mo at ‘yong kuya niya na parehong may gusto sa’yo,” sambit niya sabay tawa. “Can’t blame them though. Ganda mo kasi eh,” dagdag pa niya. Napangiwi na lang ako sabay iling. “Puwede ko bang malaman ang pangalan ng fiancé mo?” tanong niya. “Rendel Caden Morgenstern,” sagot ko. Pinandilatan niya ako ng mata, “Sinabi mo bang Morgenstern?” tanong niya na tila hindi makapaniwala. “Oo. Bakit?” “Ang pangalan ba ng tatay niya ay Michael Lacson Morgenstern?” usisa ni Daniel. “Oo. Bakit nga?” tanong ko. “Nako. Sobrang big time pala ng fiancé mo, ganda.” “Big time? Malamang, mayaman sila eh,” sambit ko. “Hindi lang kasi sila basta mayaman. Morgenstern clan ay isa sa most influential families sa buong Germany at worldwide,” sambit niya. Nandilat naman ang mga mata ko sa narinig ko. “Talaga?” tanong ko na tila hindi makapaniwala. “Yes! In fact, his grandfather was Samuel George Hoffman Morgenstern, one of the most influential and richest person in Germany and worldwide,” sambit pa niya. “Germany? German sila?” usisa ko. “Yes. Morgenstern’s are German. Samuel George Morgenstern is a German and his wife was a Filipina. Ilang beses na rin silang na-feature sa ilang business and luxury magazines. Their family was well-known in the world of business and politics,” sambit ni Daniel. Literal naman akong napanganga ro’n. Business and politics? “Teka, bakit hindi mo alam? Mapapangasawa mo ang apo ni Samuel George Morgenstern nang hindi mo alam? Hindi mo ba kinikilala ang fiancé mo, Roma?” sambit niya. “Hindi naman ako interesado eh. Saka ang alam ko lang talaga, typical na businessman lang si Sir Michael,” sambit ko. “Not-so-typical, Roma,” sambit naman niya. Nang maubos na ang kinakain naming ice cream ay tinapon namin ang container sa malapit na trash bin. “Hatid na kita,” alok ni Daniel. “Saka, makikiinom na rin ako. Nauuhaw na kasi ako, eh. Okay lang ba?” dagdag pa niya. Natawa ako nang kaunti, “Okay.” Nagsuot na kami ng helmet at pinatakbo na niya ang motor pagkaangkas ko. Habang nasa biyahe ay naalala ko bigla na hindi na pala ako sa’min nakatira ngayon. Napabuntonghininga na lang ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ‘yon? Wala na akong nagawa kaya itinuro ko na lang ang directions kung saan siya dapat dumaan habang nagda-drive siya. “Eto na bahay namin!” sambit ko tapos ay huminto siya. Sampung minuto rin ang drive hanggang dito. Matapos niyang iparada ang motor sa tapat namin ay bumaba na kami. “Oh. Eto pala ang bahay niyo. Not bad,” sambit niya habang nakatingin sa bahay namin. Simpleng bungalow house lang ito na kulay beige ang pintura. May pathway kami na gawa sa semento bago makarating ng kalsada. Tapos ay may garden kami sa magkabilang side ng bahay at may malaki at bakanteng lote kami sa likod. Pumasok na ako sa amin at kasunod ko naman si Daniel. Nadatnan ko sa sala ang mga kapatid ko na mga prenteng nanonood ng TV. “Ate!” sambit nila. “Anong ginagawa mo rito? Saka sino ‘yang kasama mo?” usisa ni Reine. “Bakit kung magsalita ‘yong kapatid mo parang hindi ka rito nakatira?” pagtataka ni Daniel. “Ah, ganyan lang talaga ‘yang batang ‘yan. Huwag mo na lang pansinin.” “Hello! Ako si Daniel!” “Upo ka muna ro’n. Ako na kukuha ng tubig mo,” sambit ko kay Daniel. Umupo nga siya sa isang bakanteng upuan. “Thanks, ganda!” Narinig kong sabi ni Daniel bago ako tumungo sa kusina. Mayamaya ay pinuntahan ako ng mga kapatid ko rito sa kusina. “Ate, sino naman ‘yang kasama mo?” usisa ni Rayver. “Kaibigan ko nga,” sagot ko. “Eh bakit nandito?” usisa naman ni Ryler. “Makikiinom daw.” “Infairness, Ate. Guwapings din naman itong Daniel na ‘to,” sambit naman ni Reine. Nasa 5’11” ang height ni Daniel sa tingin ko. Katamtaman ang pangangatawan niya at maganda rin ang tindig niya. Maputi at makinis rin ang balat niya. Oval ang hugis ng mukha niya. Matangos din ang ilong niya at makipot ang mapula niyang labi. May kaliitan ang mga mata niya at ang buhok niya ay naka-brush up pero may ilang hibla ng buhok ang nakalaglag sa noo niya. “Sana all, Ate napapaligiran ng mga pogi. How to be you po?” pang-aasar ni Reine. Pinandilatan ko naman siya. “Heh! Tumigil ka ngang bata ka!” suway ko sa kanya. Dinalhan ko na si Daniel ng isang pitsel ng malamig na tubig at isang baso. Pinatong ko ‘yon sa kahoy naming center table. Mayamaya naman ay may narinig kaming kumatok kaya naman pinuntahan ‘yon ng kapatid ko. Nagulat ako nang makita kong kasama na ng kapatid ko ang magkapatid na Morgenstern. “Sabi na nga ba nandito ka,” sambit ni Caden. “Oh, the Morgenstern brothers!” sambit ni Daniel sabay tawa. “At sino ka naman?” sabay na tanong ng magkapatid. “I’m Daniel ‘Pogi’ Mendoza. Manliligaw ni Roma,” sambit ni Daniel sabay pogi sign sa ilalim ng mukha niya. Kinunotan naman siya ng noo ng magkapatid. “No way,” sabay nilang sabi. Pinandilatan ko ng mata si Daniel. Tumawa siya, “Joke lang. Kaibigan ko si ganda.” “How come? Hindi ka naman mukhang kaklase ni Roma dahil mukhang matanda ka na,” sambit ni Caden. “Harsh mo naman, pare. I’m still young. I’m just twenty, ‘ya know,” sambit ni Daniel. Twenty? Same age pala sila ni Chester. “So, where did you met her?” usisa ni Chester. “Sa Cavite,” sambit ni Daniel matapos niyang ubusin ‘yong isang basong tubig. “Cavite? Kung taga-Cavite ka, anong ginagawa mo rito sa Laguna?” sambit ni Caden. “Ini-stalk ko si Roma.” Pinandilatan naming lahat siya ng mata. Tapos mayamaya ay tumawa siya. “Joke lang. Nandito kasi raket ko,” sagot niya. “How did you met her there?” usisa naman ni Chester. Tumawa si Daniel, “Nakita ko kasing naliligaw siya. Kaya tinulungan ko siya. At ang masama pa ro’n, napagbintangan pa niya ‘kong stalker at manyak. Saklap ‘di ba?” “Excuse me.” Natuon ang atensyon naming lahat kay Reine nang magsalita siya. “Ikaw si Daniel Jon Mendoza, ‘di ba?” usisa ng kapatid ko kay Daniel. “Oo. Bakit? Aba, kilala pala ako ng kapatid ni Ganda,” sambit ni Daniel. “Ikaw nga ito,” sambit ni Reine sabay pakita niya ng phone niya kay Daniel. Tila nagbago naman ang ekspresyon ng mukha nito. Parang namutla siya at hindi maipinta ang mukha niya. Mukha ring napalunok siya dahil nakita kong gumalaw ang Adam’s apple niya. “Ano ba ‘yan, Reine?” usisa ko naman sabay tingin din sa phone ni Reine. “Ferdinand Mendoza was still looking for his son, Daniel Jon Mendoza, who ran away from home six months ago,” pagbasa ko sa post. Tapos may kasama ring pictures ni Daniel do’n sa post. “You’re the son of Ferdinand Mendoza? He’s a prosecutor and at the same time, a businessman. He owns a transportation and airline company,” sambit naman ni Chester. Nandilat ang mga mata ko, “Totoo ba ‘yon ha, Daniel?” Nakayuko lang siya. Nakaikom ang bibig habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. Tumawa naman ng pagak si Caden, “So, you’re a runaway heir.” Tumawa naman nang pagak si Daniel, “Yeah. I’m running away from my destiny. Dad wants me to get married with a woman whom I don’t even know.” “I don’t wanna be engaged to an arranged marriage. Never,” dagdag pa niya. Nagkatinginan kami ni Caden tapos ay binalik din namin ang atensyon namin kay Daniel. “Ayaw kong magaya sa ate ko. He married a man whom she didn’t even know. So, she’s suffering from her marriage now. Hindi siya kayang mahalin no’ng lalaki dahil may ibang mahal ang asawa niya. And worse? Her husband is still having an affair to his other woman. Kahit pa may isang anak na sila, hindi pa rin siya kayang mahalin ng asawa niya,” paliwanag niya. Bumuntonghininga siya nang malalim at may ingay, “Naaawa ako sa ate ko. Ako lang nakakaalam ng struggles niya. She doesn’t want to ruin the name of her freaking husband kaya hindi siya nagsusumbong.” “I escaped. At si Ate Danica lang ang nakakaalam kung nasaan ako at tumutulong sa’king magtago para hindi ako matunton ng mga galamay ni Dad. Kaya kung saan-saan ako nakakarating at pumapasok ako ng iba’t ibang trabaho. Call center and at the same time singer in restobars. I need to support myself so I’m declining my Ate Danica’s financial help. I don’t wanna be a burden to her,” pahabol niya. --- Nakauwi na kami sa mansyon matapos umalis ni Daniel. Nasa kuwarto ako ngayon, nakabihis na ako ng usual kong pambahay na over-sized shirt at pajama. Nasa study table ako at nagdo-drawing ng character design para sa upcoming manga ko. Samantalang ‘yong tukmol naman ay nasa kama ko at busy sa phone niya. “Hindi ako makapaniwala sa revelation na ‘yon ni Daniel kanina,” sambit ko. “Alin? Na isa talaga siyang tagapagmana at tumakas siya dahil sa arranged marriage?” sambit ni Caden sabay tawa. “Ano kaya kung tumakas din ako no’ng meeting natin?” Natigilan si Caden at napatingin sa’kin. “Kaso hindi ko kayang gawin ‘yon. Hindi ko kaya iwan o takasan ang pamilya ko. Isa pa, saan naman ako tutuloy kung sakali?” sambit ko sabay iling at tumawa nang kaunti. “Same here. Even if I can, I just can’t run away. I never said no to my parents,” sambit naman ni Caden. “Bakit naman?” tanong ko. “Because I’m the perfect son,” kasuwal niyang sagot. Perfect son? Kaya ba siya ang heir ng mga Morgenstern, at hindi si Chester?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD