Thirty-third Chapter: Shape of My Heart

1296 Words
Sabado ngayon at wala akong pasok kaya naman narito ako sa kuwarto ko at nagdo-drawing ng manga ko, as usual. Chapter five na ako ng manga ko na My Girl is a Vampire Witch. Ido-drawing ko na ang fight scene sa pagitan ng bida kong si Ashley at isang vampire demon. Uhm. Paano ko nga ba ido-drawing 'yon? Napahimas ako sa noo ko, eto kasi ang kahinaan ko sa pagdo-drawing ng manga – kapag may fight scenes o kaya kapag may powers. Hay nako. Sana all magaling mag-drawing. "Knock knock." Napatingin ako sa biglang nagsalita. "Hello, honey!" Binigyan ko ng dismayadong ekspresyon si Caden. Habang siya naman ay napakaaliwalas ng ngiti sa'kin. "Trespassing ka na naman," sambit ko. "Trespassing? I'm always doing this trespassing pa rin?" sambit niya sabay salampak niya sa kama ko. "So, have some new updates?" tanong niya. "Oo." Lumapit siya sa'kin at kinuha ang folder na nakapatong sa kaliwang bahagi ng mesa ko. "Eto ba 'yon?" tanong niya. "Oo." Bumalik siya sa kama ko at prenteng umupo ro'n habang binabasa ang manga na ginawa ko. Bakit kaya nagka-interes ang kumag na 'to sa manga ko? Maganda ba talaga 'yong ginagawa ko? O napipilitan lang siya na ma-appreciate 'yon dahil alam niyang wala namang magbabasa niyan at siya lang? "What's with the stare? You like me now?" Natauhan ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya. "Hindi ah. Feeling ka naman," sambit ko sabay iwas ng tingin. Tapos ay narinig ko siyang tumawa. Patuloy lang siya sa pagbasa sa manga ko na para bang sobrang interesado siya. "Caden." "Yes, honey?" "Bakit interesado ka sa manga na ginagawa ko?" Tinuon niya ang atensyon niya sa'kin, "Why did you asked?" "Uhm. Kasi, hindi ako professional. Drafts lang 'yang ginagawa ko. Hobby ko rin kasi ang pagdo-drawing. At ang paggawa ng manga ay inspired lang sa pagiging otaku ko. Nakakatawa lang isipin na nag-aaksaya ako ng panahong gumawa niyan pero ayaw kong ipabasa sa iba. Weird, 'di ba? Saka, published mangaka ka na pero nagtitiyaga ka sa ganyan," sambit ko sabay kiskis ng mga palad ko tapos ay tumawa ako ng pagak para itago ang nararamdaman kong low self-esteem. "What are you saying? You have a potential. Your story was great. I mean, the plot. It's nice and interesting. Maganda ang drawing mo. Your characters, mukha talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano mo sila i-illustrate." "And it's not weird. You're just doing the things that you love. That's why you're willing to invest time and effort for doing this, with or without an audience. Minsan talaga sa mga artist, hindi basta-basta nagpapakita ng artworks nila." "Before they publicized their works, naghakot pa sila ng balde-baldeng lakas ng loob at tiwala sa sarili. You know what I'm saying? Because artworks are part of themselves, reflection of their heart and soul. Kaya hindi ganoon kadali i-share sa public," paliwanag niya. "So, don't lose hope okay? Just continue what you are doing. Don't worry because you're not hurting anyone, anyway," dagdag pa niya. Aaminin ko, napahanga niya ako dahil sa sinabi niya. Dahil totoo naman 'yon. "Oh by the way, I have something for you," sambit niya tapos ay may iniabot siya sa'king puting paper bag. "Ano 'yan?" tanong ko. "Tanggapin mo na lang. Just see for yourself," sambit niya. At kinuha ko nga ang inaabot niya sa'kin. Pag tingin ko ay may laman itong kahon na kulay black at pink. Tapos ay kinuha ko 'to at inilabas sa paper bag. "Cellphone?" pagtataka ko. "Yeah. Nahihirapan akong kontakin ka. Kaya ibinili na kita," sambit niya. Samsung ang tatak na mukhang mamahalin ang model. Nang matapos kong i-set up ang phone ay nagpasya akong i-search kung magkano ang phone na 'to. Nandilat ang mga mata ko, "F-f-fifty thousand pesos?! Napakamahal naman nito, Caden!" "Mahal? It's just freaking fifty thousand, Roma. Hindi pa 'yan mahal. Wala pang million ang halaga niyan," sambit niya. Napanganga naman ako. Palibhasa kasi pinanganak na may gintong kutsara sa bibig kaya barya lang sa kanya ang ganitong halaga. Dalawa't kalahating buwan na 'tong suweldo ng tatay ko, kung walang tax at benefits na kinakaltas. Tumingin siya sa relo niya, "May pasok pa ako. I have to go." Tumayo na siya at lumapit sa'kin. "See you later, honey," sambit niya sabay pisil nang marahan sa pisngi ko at ngumiti. Tapos ay tuluyan na siyang umalis. "Tss. Makatawag ng honey, wagas. Lakas lang mang-asar." Umismid ako sabay iling. Tapos ay niligpit ko na ang mesa ko. Saka na lang ulit. Pagod na ako mag-drawing. --- May nararamdaman akong parang nakapatong sa bewang ko. Nang igalaw ko naman ang kamay ko, may nakapa akong malambot at mainit. Ano kaya 'to? Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa'kin. "C-Caden?" Natutulog siya sa tabi ko. Magkaharap kami sa isa't isa. At 'yong nararamdaman kong nakapatong sa bewang ko ay braso pala niya. Tapos 'yong nakapa kong malambot at mainit, pisngi pala niya 'yon. Anong ginagawa niya rito? Bakit katabi ko na siya ngayon? Anong oras na ba? Marahas kong inalis ang brasong niyang nakapatong sa'kin at agad akong napabangon. Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang iniisip kung paano nangyari 'to? Hindi ko pa rin maisip kung paanong nangyari 'to. Kinapa at tiningnan ko ang katawan ko. Normal naman. Pagkatapos ay tumingin ulit ako sa kanya. Dahil nakaharap siya sa'kin, hindi ko maiwasang matitigan siya. May kakapalan ang mga kilay niya na bahagyang natatakluban ng buhok. 'Yong mga mata niya, may kaliitan at double eyelids. Kapag ngumingiti siya, nangiti rin ang mga mata niya na mayroon ding mga pilik-matang may kahabaan. Matangos ang ilong niya. Makipot ang labi niya na kulay pink. Makinis ang mukha niya. Halos wala kang pores na makikita, clear skin ika nga. Litaw pa ang jawline niya na lalong nagde-define ng hugis ng mukha niya kahit bilugan at maliit ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin ang histura niya. Hindi ko naman kasi siya tinititigan o ano. Bukod sa features ng mukha niya, six feet tall din siya, well-built ang katawan, may magandang posture, at may mala-snow white na kutis. Kaya nakakakuha siya ng atensyon kahit saan. Akala nila model siya o artista. "Hoy, tukmol!" sigaw ko sabay hampas sa braso niya. Agad naman siyang napabalikwas sabay ungol nang malakas dahil sa sakit. "Bakit ba napakasadista mong babae ka?" sambit niya habang hinihimas ang braso niyang pinalo ko at nakakunot-noong nakatingin sa'kin. "Gunggong ka talaga, ano? Anong ginagawa mo rito? B-bakit nakatabi ka na sa'kin, ha?" inis kong tanong. Tinitigan niya lang ako sa mga mata, "A-ano?" naiilang kong tanong. "Hindi mo ba alam ba invasion of privacy 'yang ginagawa mo at harassment?" diin ko pa. Pinandilatan niya ako ng mata, "Grabe. Harassment agad?" "Bakit? Totoo naman ah. Bakit ka kasi biglang tumatabi sa'kin ha? Oo, fiancee mo 'ko pero hindi mo 'ko girlfriend o asawa," pangaral ko sa kanya. "Okay. Sorry if it made you uncomfortable. Hindi mauulit," saad niya at halatang sincere naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ito. "You know what? My heart flutters whenever I see you wearing our engagement ring," sambit niya. "It makes me feel that you're really mine and think that we're really getting married soon," dagdag pa niya habang pinipisil nang marahan ang kamay ko. Napatigil ako sabay ngiwi. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. "A-ano bang pinagsasasabi mo diyan? Huwag ka ngang mang-asar diyan at ibahin ang usapan," inis ko pang sabi. Pero tinawanan niya lang ako na kinakunot ng noo ko. "Hoy, ikaw ha. 'Wag mo na ulit basta gagawin 'yan. Hindi pa tayo mag-asawa!" suway ko. Ngumiti siya abot hanggang tenga, "So, tanggap mo nang magiging mag-asawa tayo?" Napangiwi ako, "H-hindi sa... Hays." Napapikit ako sabay sapo sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD