Thirty-fifth Chapter: That Should Be Me

2493 Words
Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng school. Cleaners pa kasi sina AJ at Jeyra. Tapos ‘yong magjowa na Evan at Josephine naman ay may lakad na kanila. May date siguro. Naalala kong wala na pala akong drawing pencil at eraser. Kaya naman pumunta ako sa bookstore na malapit sa school. Pagdating ko sa bookstore ay nagpunta kaagad ako sa section ng mga pens and pencils. Hinanap ko kaagad ‘yong type ng drawing pencil na gamit ko. Type 3B tapos isang pencil eraser. Nang makuha ko na ang mga ito ay pumunta na ‘kong counter at binayaran ang mga ito. Habang naglalakad ako sa sidewalk ay napahinto ako nang makita kong lumabas si Chester ng isang café na malapit lang sa kinatatayuan ko. Bukod do’n, may kasama siyang babae. Matangkad lang nang kaunti sa akin ang babae. Hanggang balikat ang buhok nito na kulay light brown. Bilugan ang mga mata nito na may mahahabang pilik, matangos ang ilong at medyo naka-pout ang lips na may pulang lipstick. Nakasuot ito ng sexy na pulang dress. Backless ang dress kaya’t litaw ang makinis na likod nito. Low neck din ito kaya’t medyo kita ang cleavage ng malulusog nitong dibdib. Spaghetti strap ang dress kaya’t litaw ang makikinis na braso ng babae. Hanggang hita ang haba ng dress na fit sa katawan kaya’t litaw ang makikinis na legs nito at ang mala-hourglass na hugis ng kanyang katawan. Black stilettos naman ang suot nito sa paa. “Ang ganda at sexy naman ng babaeng kasama ni Chester,” sambit ko sa sarili ko. Napatingin naman ako sa sarili ko. Suot ko ang school uniform ko na puting blouse na may checkered blue na kurbata. Checkered blue din ang paldang suot ko na lampas tuhod ng kaunti. White sneakers naman ang suot ko sa paa, dala rin ang aking itim na messenger bag. Nag-uusap ang dalawa na mukhang seryoso habang nakalingkis ang babae sa braso ni Chester. Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang sunggaban ng babae ang mga labi ni Chester. Napaisip tuloy ako kung sino ‘yon. Girlfriend niya? Pero wala naman siyang binabanggit. Isa pa, lagi niyang pinaparamdam na gusto niya ako. Napakibit-balikat na lang ako. --- Nasa kuwarto na ako suot ang pambahay kong t-shirt at pajama. Nasa study table ako pero nakatutok lang ako sa phone ko at scroll nang scroll sa f*******:. Ang study table ko ay katabi ng kama ko sa bandang kaliwa sa may ulunan. Habang may engot naman na prenteng nakabulagta sa kama ko habang nagse-cellphone din. Hiyang-hiya naman ako sa kanya na agawin sa kanya ‘yong kama ko. Sumagi naman bigla sa isip ko ‘yong sinabi sa’kin ni Daniel tungkol sa pamilya ni Caden. “Caden?” “Honey?” Napapasinghap ako sa tuwing tinatawag niya ‘kong ganyan. Kaya minsan pinipilit ko na lang baliwalain. “German ba talaga ang lolo mo?” tanong ko. Natuon naman ang atensyon niya sa’kin. “Yes. Pure blood German si Lolo Samuel,” sagot niya. “So…ibig sabihin half-German si Sir Michael at kayo naman ni Chester ay dual citizen?” tanong ko pa. “Yes, technically. May dual citizenship kami ni Kuya Chester. We are born and raised in Germany and living here in the Philippines,” sagot niya. “Paanong nangyaring Pinay ang napangasawa ng lolo mo?” tanong ko. “Lolo Samuel visited here just for a vacation when he met Lola Rosella. Maria Rosella Lacson is an epitome of beauty and daughter of a congressman and a haciendera. When they get married, they lived in Germany and had three kids,” kuwento niya. “So, may dalawa pa palang kapatid si Sir Michael.” “My dad was the middle child. Uncle Matteo was the eldest and Aunt Patricia was the youngest. Lolo Samuel sent Dad here in the Philippines to study college, and to manage our properties and business affairs here, until he met Mom. After they graduated, they get married and had their honeymoon in Germany. Then they had us. Our parents brought us here when I was seven,” kuwento pa niya. “Nagpapabalik-balik kami sa Germany every vacation from school. Kaso no’ng nag-high school na ako, bihira na kami makauwi ng Berlin,” dagdag pa niya. “Wait. Why are you asking about these things all of a sudden?” tanong naman niya. Pinungayan niya ako ng mata, “You’re now interested to me?” panunukso niya. Umiwas ako ng tingin, “Hindi sa gano’n. Uhm…ano kasi. Paano ba?” Napakagat-labi ako habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. “What if…What if lang naman, ano? What if…n-nagpakasal nga tayo? Anong mangyayari? I mean…ugh. Nevermind,” sambit ko sabay ikot ng mata at huminga nang marahas. Tumawa naman si Caden, “Bukod sa magiging official Mrs. Morgenstern na kita, dadalhin kita sa Germany after our wedding and stay there for atleast three years para makakuha ka rin ng German citizenship. So technically, magiging dual citizen ka na rin,” sagot niya. Natigilan naman ako at napaisip. Parang ang cool naman no’n. Magiging German citizen ako kahit wala akong German blood. Cool. “Why asked? Tanggap mo nang ikakasal tayo soon?” nakangisi niyang tanong. “H-hindi ah. Assuming ka naman,” depensa ko. “Despite the privileges, it so pressuring to be a Morgenstern. Just because we’re a noble family,” sambit niya. Nandilat naman ako’t napanganga sa sinabi niya. “Ano ‘yon? Noble family? Kayo?” paninigurado ko. “Yes. Teka, hindi sa’yo nabanggit ni Mendoza?” pagtataka niya. Umiling ako, “So…noble family nga kayo?” tanong ko pa. “Yes. Lolo Samuel is holding the nobility title, Count. He’s freaking Count Samuel George Hoffman Morgenstern,” sambit niya. Nobility title ay nauso noong sinaunang panahon sa Europe. Ang mga angkan na nagtataglay ng nobility title ay nakakatanggap ng halos kapareho ng antas ng pagkilala sa mga royal blood. Ngayon, kahit hindi na Monarchy ang government type ng ibang bansa ro’n, kinikilala pa rin ng lipunan nila ang mga Noble clans, lalo na kung makapangyarihang tao ka at nanatili ang impuwensya ng pamilya niyo. Napanganga’t natulala naman ako ro’n. Buong akala ko typical na rich kid lang ‘tong si Caden. Pero higit pa pala ro’n. Nakakaloka. “Lolo is a German Count, kaya naman…” sambit niya. “Kaya naman ano?” tanong ko. Napakagat-labi siya sabay iling, “Nevermind.” Parang may gusto siyang sabihin pero hindi na lang niya tinuloy. Pero hindi ko na siya inusisa kung ano man ‘yon. --- Ala siyete na ng gabi. Tapos na kami maghapunan at nandito ako sa kuwarto ko at nanonood ng anime sa netbook ko habang nakahiga sa kama. Narinig ko na lang na may kumatok sa pinto. “Pasok!” Iniluwa naman ng pinto si Chester. “Ikaw pala, Chester,” sambit ko sabay pause ng pinapanood ko. Umayos ako ng upo at pinatong ang netbook sa kama. “Good evening,” bati niya sa’kin. Tumango lang ako at ngumiti. “May kailangan ka ba?” tanong ko. Pinagmasdan ko ang suot ni Chester.Naka-sweatpants siya na itim at naka-t-shirt na puti na pinatungan niya ng itim na cardigan. “Are you busy?” tanong niya. “Ah hindi naman. Okay lang. Bakit?” “Because I miss you and I wanna see you. Let’s have a stroll?” sambit niya. Tapos ay lumabas na kami at naglakad-lakad na kaming binabaybay ang kalye naming kami lang ang tao. Tanging ihip ng hangin at huni ng mga kuliglig lang ang maririnig. Street lights naman ang nagbibigay liwanag sa daan. “Uhm. Okay lang ba sa’yo ‘to?” tanong ko. “What do you mean?” tanong niya. “Kasi…baka malaman ng girlfriend mo,” sambit ko. Napakunot naman ang noo niya, “Girlfriend? Who told you that I have a girlfriend?” Napakamot ako sa batok ko, “Wala. Nakita lang kita kaninang tanghali na lumabas ng isang café. May kasama kang babae. Tapos…h-hinalikan ka niya.” Nagulat ako nang tumawa siya, “Ahh. Si Bridgette? No, she’s not my girlfriend anymore.” “Anymore?” pagtataka ko. “She’s my ex-girlfriend. We broke up a year ago at ngayon gusto niyang makipagbalikan sa’kin,” sambit niya. “She’s just too desperate that’s why she do that,” dagdag pa niya. Mayamaya ay napansin kong huminto si Chester kaya’t huminto rin ako. “Let’s have a sit there?” alok niya sabay turo sa swing. May mini park para sa mga bata rito sa lugar na ‘to. Pinagtag-isahan namin ang dalawang swing. “Siguro nagsisisi ‘yong Bridgette na iniwan ka niya kaya nakikipagbalikan siya sa’yo,” sambit ko bigla. Tumawa ng kaunti si Chester, “Nah. I’m the one who left her.” Pinandilatan ko siya ng mata, “Eh?” “Siya ang pinakahuli kong ex. You know what, let me tell you something,” sambit ni Chester. “I used to be a womanizer. Before.” Lalo akong nandilat sa ginawa niyang pag-amin. Bigla ko tuloy naalala ‘yong naging bilin sa’kin ni Caden na mag-ingat daw ako sa kuya niya. Eto siguro ang ibig niyang sabihin. “I used to be a happy-go-lucky, womanizer guy. Since I reached high school, napabarkada ako. I came to the point that I’m ditching classes just to get drunk with my friends." "At do’n din ako natuto na patulan ang mga babaeng nagbibigay motibo sa’kin. I never loved them, honestly. I just wanna have fun, making flings. I don’t want to commit. Kapag gusto na ng babae ng seryosohan, do’n ko iniiwan,” kuwento niya. “I’m such an asshole, right?” sambit niya sabay tawa ng pagak. “Naging gano’n ako until college. Kaya naman sobra ang disappointment sa’kin ng parents ko lalo na si Dad. Hindi niya maiwasang ikumpara sa’kin si Caden. I’m the stubborn son while Caden is the perfect one." "Despite that, never akong nainggit o nagkaro’n ng sama ng loob sa kapatid ko. Choice ko naman maging ganito at walang ginagawang masama sa’kin si Caden, so why, right?” Hindi ako umiimik pero naririnig at naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi ni Chester. Sa tingin ko, hindi nga siya galit kay Caden. Pero, siguro may sama naman siya ng loob sa parents niya dahil mukhang mas pinapaboran nila si Caden. Kaya nagrebelde siya ng ganyan. “Si Bridgette, naging girlfriend ko siya noong fourth year college ako. She’s a beautiful and an elegant woman. She’s also smart and came from an elite family." "So I thought what if I try to be serious on this one? So yeah, I tried. I focused on her and our relationship. Then no’ng one month na kami, I decided to introduce her to my family.” “Tanggap siya ng family ko dahil nga disente naman siyang babae. And I’m glad about that. Until, one day nanlamig na siya sa’kin after that. Nagtataka ako pero kapag tinatanong ko siya, lagi niyang sagot ay pagod lang siya or wala sa mood. I believed it.” “Then, one day Caden confronted me. Bridgette was flirting Caden. She keeps on calling and sending messages to him na hindi naman pinapansin at pinapatulan ng kapatid ko. Nainis na raw kasi si Caden kaya sinabi na niya sa’kin. Type pala niya kapatid ko,” kuwento niya sabay tawa ng pagak. Ano ba ‘yan? Boyfriend na niya si Chester pero nilalandi pa rin niya si Caden? Anong klase ‘yon? May gano’n pala talagang mga babae? Sayang naman siya. Balewala ang ganda niya kung gano’n ang ugali niya. “I confronted Bridgette about that. At first, syempre tinatanggi niya. Pero pinakita ko sa kanya ang evidences ko. And from there, I broke up with her. She keeps on being sorry and begging for me pero nah, ayaw ko na." "Ilang buwan after namin ni Bridgette, I focused on my career. Na-realize kong nakakapagod na rin naman makipaglokohan. Saka graduating na rin kasi ako no’n, kaya kailangan ng more focus. After graduating, nag-work kaagad ako sa isa sa mga company ni Dad. Three months na akong nagtatrabaho sa kanya nang marinig kong nag-uusap sila ni Mom,” sambit niya sabay tingin sa’kin. “They’re planning on engaging Caden on an arranged marriage. Nagulat ako no’n, so I decided to investigate. No’ng walang tao sa office ni Dad, hinanap ko ‘yong file about Caden’s soon-to-be fiancée. And I found a folder on his table containing your basic personal information without any picture of you, so wala talaga akong idea how you look like,” kuwento pa niya. “I searched for your name on social media. It wasn’t hard to find because you’re using your full name. Then I saw your profile. Though that time, I wasn’t sure if it was really you. But hey, I thought that if it’s really this girl, she’s cute,” sambit niya sabay tawa nang bahagya. “Nabasa ko rin sa sheet na ‘yon ang school na pinapasukan mo so I decided to go there, secretly waiting for you. And then, I saw you. So, I confirmed from myself na ikaw nga ‘yong Roma Cassandra Martinez na nakita ko sa social media at ang soon-to-be fiancée ni Caden.” “It might sound crazy but after I saw you, I can’t get you out of my mind. So I decided to keep on coming back to your school to wait for you after your class every time I’m free. Just to see you. Sometimes you’re alone; sometimes you’re with your friends. And do you know what I’ve realized?” sambit niya. Hindi pa rin ako makaimik. Tumingin lang ako sa kanya. “Sana ako na lang ang nasa posisyon ni Caden. Kung naging mabuting anak lang sana ako, ako sana ang fiancé mo. Besides, I’m the eldest. So, ako dapat ‘yon. Kaso naging pasaway ako. Nakakapanghinayang. So yeah, I’ve known you before you’ve met Caden, and nobody knows,” sambit pa niya. “You never saw me on those times that I am watching you from afar, slowly falling in love with your smile. And now that I had the chance to be close to you, I would like to use this opportunity to prove my feelings for you,” sambit niya ulit. Halos hindi ako makaimik dahil hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Ibig sabihin, kilala na niya ako bago pa kami magkakilala. “Bakit? Bakit sinasabi mo sa'kin lahat ng ‘to?” tanong ko. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko tapos ay tinitigan niya ‘ko sa mga mata, “I’m in love with you, Roma. I honestly love you. And if ever that I have a chance, I want you to know me better.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD