Iyak ako nang iyak. Walang tigil halos ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Punas lang ako nang punas dito gamit ang mga kamay ko.
“Roma.”
Pumasok bigla si Caden. Pero hindi pa rin ako natitinag sa pag-iyak at hindi ko rin siya pinapansin.
“Hey, why are you crying?” pag-aalala niya. Tapos ay hinawi niya ang mga kamay ko sa mukha ko. Hinawakan niya ang mga balikat ko at hinarap niya ‘ko sa kanya.
“What’s wrong?” tanong pa niya. Napansin ko na ang pag-aalalang nakabakas ka kanyang mukha.
Tinuro ko ‘yong netbook ko rito sa kama at tumingin naman siya.
“Iniwan na ni Kanade si Yuzuru. Kung kailan mahal na niya si Kanade, saka pa siya nawala,” sambit ko.
“Seriously? You’re crying over an anime? Akala ko naman kung ano na,” sambit ni Caden.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinahid ‘yon sa mga luha ko.
“Tumahan ka na nga. Nood-nood ka diyan ng tragic anime tapos iiyak ka,” sambit niya.
Singhot naman ako nang singhot pero tumahan na naman ako.
“Pasalamat ka maganda ka pa rin kahit umiiyak ka,” sambit pa niya.
Napatingin siya sa paligid ko, “Seriously, Roma? Cup noodles? Junk foods? Root beer? Don’t tell me, eto lang ang mga kinakain mo maghapon?” tanong niya.
Nakakalat kasi ang mga pinagkainan ko sa paligid. Pero lilinisin ko naman ‘yan pagkatapos kong manood dito eh.
“Tapos ano ba ‘yang suot mo? Hindi ka ba binabanas diyan?” tanong niya habang nakatingin sa suot ko.
Naka-pajama kasi ako. Tapos naka-blue na hoodie jacket pa ako at under nito ay t-shirt.
“Hindi. Isa pa, may aircon naman dito,” katuwiran ko.
“Tumayo ka na d’yan at maglinis ka na. Talaga naman ‘tong babaeng ‘to,” sambit niya sabay tayo tapos ay umupo siya sa kama ko.
Dinampot ko lahat ng kalat ng pinagkainan ko. At nilagay ko sa trash bin ng kuwarto ko. Tapos ay pumuwesto ako sa study table ko. Magdo-drawing ako kahit isang chapter lang.
“Hala. Wala na pala akong typewriting,” sambit ko. Tiningnan ko si Caden at mukhang busy siya sa phone niya. Kaya kumuha na lang ako ng jogging pants sa drawer ko at pumunta ako ng banyo.
Ako na lang mag-a-adjust. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Dito ako sa banyo nagpalit ng pang-ibaba ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kuwarto.
“O saan ka pupunta?” tanong ni Caden.
“Bibiling typewriting sa baba. Ubos na eh,” sambit ko.
“Samahan na kita?” alok niya.
Umiling ako, “’Wag na. Kaya ko na ‘to. Saglit lang pati ako.”
“Okay. Sabi mo, eh. Basta tawagan mo ‘ko kung kailangan mong sunduin kita or whatever, okay?” bilin niya.
Tumango lang ako tapos ay lumabas na ako ng kuwarto dala ang phone at wallet ko.
---
Mga fifteen minutes na lakad ang ginawa ko palabas ng subdivision bago ako nakasakay sa mismong sakayan.
Nang may dumaan na jeep ay sumakay na ako kaagad at nagbayad.
Wala pang ten minutes ay pumara na ako sa tapat ng bookstore na binibilhan ko ng typewriting. Isang bundle lagi ang binibili ko. Pinag-iipunan ko talaga ang pambili nito mula sa baon ko. Tapos feeling ko pa mas marami pa akong reject kaysa sa matinong drawing ko.
Paglabas ko ng store ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ‘to sa bulsa ko.
Caden: If you have some extra money, buy me an ice cream. Solo pack, rocky road. Bayaran na lang kita pag-uwi mo.
Napakunot ang noo ko. May extra ba akong pera? Parang wala naman.
Mayamaya’y namalayan ko na lang na tumilapon na ang phone ko sa daan. Nandilat na lang ang mga mata ko at napanganga.
Napatingin naman ako sa taong nakabangga sa phone ko kaya ito tumilapon at nakatingin din siya sa’kin. Tapos ay bigla siyang lumapit sa’kin at dinampot niya ako sa damit ko sabay hinila ako sa isang sulok na parang eskinita.
“Bakit mo ba ‘ko hinila rito?” inis kong tanong.
“Sshh,” senyas niya sa’kin.
Tapos may narinig kaming mga kumpulan ng tao na nagtatakbuhan.
“Sorry kung nasira ko ang phone mo. Hindi ko sinasadya. Babayaran ko na lang o kaya papalitan,” sambit no’ng lalaki.
Sumilip ako sa labas at nando’n pa rin ‘yong kumpol ng mga tao.
“Ikaw ba ang hinahabol ng mga ‘yan?” tanong ko.
“Aidan? Nasaan ka na? Aidan?” Naririnig kong sigaw ng mga kumpol ng tao na karamihan ay mga babae.
“Ikaw ba ‘yong tinatawag nilang Aidan?” usisa ko pa. Tumango lang siya bilang sagot.
“Bakit ka nila hinahabol?” tanong ko.
“Uhm…fans,” sagot niya.
Fans? Bakit? Sikat ba siya? Tinitigan ko siya nang nakakunot-noo.
“Artista ka ba? Model? Social media influencer?” usisa ko. Umiling lang siya bilang sagot. Napakunot lalo ang noo ko.
Tinititigan ko siyang maigi. Hindi pamilyar ang mukha niya sa’kin. Bakit gano’n? Wala na ba talaga akong malay kung sinong sikat ngayon?
Nakasuot siya ng pulang hoodie at halos matakpan na ng bangs ang mukha niya. Nabakas ang pagkailang sa kanyang mukha kaya umiwas siya ng tingin sa’kin at yumuko.
“Alam mo, pards. Hindi talaga kita kilala,” sambit ko. Nakita ko namang napakamot siya ng batok niya.
“Uhm…So, paano ko ba mababayaran ‘yong phone mo? O palitan ko na lang?” sambit niya.
“Ah. ’Wag mo nang intindihin ‘yong phone ko. Okay lang, hindi mo naman sinasadya. Basta ingat ka na lang sa susunod. Baka mamaya ‘yong masiraan mo abusuhin ka at pagbayarin ka ng malaki,” sambit ko.
“Siya nga pala, kung gusto mong makaiwas sa mga tao, deretsuhin mo ‘yang eskinita na ‘yan tapos lumiko ka pakanan,” pahabol ko.
Tapos ay iniwan ko na ro’n ‘yong lalaking pinaglihi yata sa bangs na Aidan daw ang pangalan.
---
Sa wakas ay nasa bahay na rin ako. Tapos ay dumeretso na ako sa kuwarto ko at pinatong ang bundle ng typewriting na binili ko sa table ko.
“The heck. Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi ma-reach ang number mo?” tanong ni Caden.
Pinakita ko sa kanya ang durog kong phone. Bukod kasi sa bumagsak ito sa kalsada ay napagsisipa pa ‘to no’ng mga fans na humahabol kay Mr.Bangs.
“What happened to your phone? Bakit durog na durog naman ‘yan?” tanong ni Caden.
“Wala. Nalaglag kasi,” sagot ko.
“Napaka-careless mo talagang babae ka,” sambit ni Caden.
Kinuha ko ang netbook ko at puwesto sa table ko. Nag-open ako ng f*******: at nag-scroll muna sa newsfeed ko. Mayamaya ako magdo-drawing. Tinatamad pa ‘ko eh.
Habang scroll ako nang scroll ay may nakakuha ng atensyon ko. Isang post mula sa music page na ni-like ko.
Nakita ko kasi ang mukha ni Mr. Bangs. Aba, singer pala itong si Mr. Bangs. Red Serenade ang bandang kinabibilangan niya.
Naisip kong i-search ang bandang iyon sa internet. May lumabas namang mga search results. At nakita kong member nga ng nasabing banda ang lalaking ‘yon na pinaglihi sa bangs. Nandito kasi ang pangalan niya at ang pangalan ng mga members ng banda.
Kin-lick ko ang pangalan niya kasi naka-blue naman ang sulat nito. Pag-click ko ay dinala ako nito sa profile ng nasabing artist.
Aidan Stephan Lustre. Stage name, Aidan.Position, Frontman/Vocals. Age, 29. Height, 5’6”. Nationality, Filipino. Civil status, Married. Pagbasa ko sa main info ni Mr. Bangs.
Matanda na pala siya at may asawa na.
“Hoy, bakit mo ini-stalk ang frontman ng RS, ha?” tanong ni Caden na kinagulat ko. Nakatayo na pala siya sa likuran ko.
“Siya kasi talaga ang nakasira sa phone ko,” sambit ko.
Napataas ang kilay ni Caden, “Talaga? Paano?” usisa niya.
“Ewan ko. Basta bigla na lang nangyari. Nasagi niya ang phone ko dahil sa pagtakbo niya para takasan ‘yong mga fans na humahabol sa kanya. Hindi niya siguro nakita ang daan kasi nakaharang sa mukha niya ang bangs niya,” sagot ko.
“Don’t tell me, kaya sila nandito dahil kinokontrata na sila ng UP Student Council para mag-perform sa Feb Fair?” sambit ni Caden.
“Feb Fair agad? November pa lang ngayon ah,” sambit ko.
“Gano’n talaga. Sikat kasi ang RS kaya marami silang appointment. Kaya dapat agahan na ang pagkontrata sa kanila kung gusto mo silang maging performer,” sambit niya.
“So, ibig sabihin may chance na mapanood sila ng live sa Feb Fair,” dagdag pa niya.
“Buti ka pa kilala mo sila. Ako kasi hindi eh,” sambit ko.
“Paano, puro anime kasi inaatupag mo. Kaya wala kang kamalay-malay sa mundo,” sambit ni Caden.
“Kasalanan ko ba ‘yon?” bulong ko.
“Ang performance na pinakatumatak sa fans nila ay ‘yong concert nila kung saan nag-propose ang frontman sa girlfriend nito na asawa na niya ngayon. I think it was a year ago or something? Basta medyo matagal na ‘yon. Naka-document naman ‘yon at uploaded ang footage no’n sa YouTube. Panoorin mo kung gusto mo,” sambit ni Caden.
Sin-earch ko ang YouTube channel ng Red Serenade at nakita ko nga sa mga uploaded videos nila ang sinasabi ni Caden. Tapos ay pinanood ko ‘to.
“Ano kayang title no’ng kantang kinanta niya para mag-propose?” tanong ko.
“The Sun and the Moon yata ‘yon. Tingnan mo sa description no’ng video,” sagot ni Caden.
Tiningnan ko nga at tama si Caden. Ang ganda naman no’ng kantang ‘yon. Magical at punong-puno ng emosyon ang naging marriage proposal ni Mr. Bangs sa asawa niya.
“Ano kayang feeling ng may nag-propose sa’yo ng kasal?” bulong ko. Hindi ko na kasi mararansan ‘yon dahil engaged na ‘ko. Deretso kasalan na.
Napasandal ako sa upuan ko at nakitang nasa likod ko na naman si Caden. Nakayuko siya habang nakatingala ako sa kanya. Mayamaya’y hinawakan niya ang mukha ko.
“Ang lambot pala ng pisngi mo. Parang marshmallow,” natatawa niyang sambit habang pinipisil niya ang mukha ko.
Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya sa mukha ko, “’Wag mo nga akong hawakan.”
Tinawanan lang niya ako. Baliw talaga ‘to kahit kailan.
“Trip mo talagang pagtawanan ako, ‘no?” sambit ko.
“Hindi naman. Ikaw kasi ang kaligayahan ko. Ayaw mo ba no’n?” nakangiti niyang sambit.
Napangiwi ako sabay iwas sa kanya ng tingin. Sira ulo talaga ang isang ‘to.