Nasa tapat na ako ng gate ng school namin. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Dahil do’n sa naka-post na ‘yon sa page ng school pakiramdam ko nakakahiya nang magpakita. Kinakabahan ako.
Napagkuyom ko ang mga palad ko sabay hinga ng malalim. Kaya ko ‘to. Issue lang ‘yon at hindi naman ‘yon totoo. Bahala na. Basta papasok ako sa school kahit anong mangyari.
Naglakad na ako papasok. At pagpasok ko pa lang, pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nasasalubong ko. At ang iba sa kanila ay nagbubulungan.
“Hoy, ikaw! Ayusin mo nga ‘yang lakad mo! Huwag ka nang magpaka-siga effect pa!”
“Oo nga! Buking ka na ng buong school! Malandi ka talaga!”
“’Yan ‘yong mga babaeng nasa loob ang kulo!”
Tapos ay may nagbato pa sa’kin ng nakalukot na papel. Tiningnan ko lang siya ng masama. Tapos ay naglakad na akong muli habang nakatingin sa paanan ko.
Pagpasok ko sa room ay pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. Tapos ay iniwasan din nila ako ng tingin at nakipagbulungan sa mga katabi nila. Umupo na lang ako kaagad sa upuan ko.
Hindi ko alam kung bakit na-post ‘yon sa page ng school. Ang alam kong admin ng page na ‘yon ay ang mga nasa Journalism club. Hinahayaan nila ang mga ganoong post na nakakasira ng pagkatao? Talaga? Kailangan kong alamin ang rason sa likod ng lahat ng ‘to. Humanda sa’kin ang nag-post no’n.
“Roma.”
Tumingin ako sa tumawag sa’kin. Si Jacob na katabi ko lang.
“Hindi kami naniniwala do’n sa post na ‘yon. Kilala ka namin. Kaya ni-report ko na ‘yong post na ‘yon kagabi,” sambit niya sabay tapik sa balikat ko.
“Ako rin, Roma. Ni-report ko rin ‘yong post na ‘yon,” sambit naman ni Eric na katabi ni Jacob.
“Nakita ko lang ‘yong post na ‘yon no’ng tinag ako ng girlfriend ko ro’n sa comments dahil alam niyang classmate kita. Nagtaka rin ako ro’n. Kaya ni-report ko rin,” sambit naman ni Ricco na katabi naman ni Eric. Magkakatabi kasi kami rito sa row sa unahan.
Ningitian ko lang sila ng tipid. Kahit pala may pagkabaliw ang mga ‘to, maasahan mo rin sa problema.
“Roma.”
Napatingin naman ako sa mga nakatayo sa unahan ko.
“Oh Cheska, Mariya,” sambit ko. Nabigla ako nang niyakap nila ako.
“Hindi rin kami naniniwala ro’n. Ni-report din namin ‘yong post na ‘yon,” sambit ni Cheska.
“Oo, Roma. ‘Wag ka mag-alala. Kaya mo ‘yan,” sambit naman ni Mariya.
Nang maglayo kami ay ningitian nila ako at bumalik na sila sa upuan nila na nasa likod ko lang. Hindi ko inaasahan ‘yon gayong hindi ko naman gaanong ka-close ang mga ‘yon kahit pa classmate ko sila last year.
Hanggang sa dumating na ang adviser namin at nagklase na kami.
---
Break time. Nakayuko lang ako sa arm rest ko. Wala akong ganang kumain at ayaw kong lumabas. Sobrang kalat na talaga ‘yong issue na ‘yon. Nananahimik lang ako rito tapos pagtitripan nila ako ng gano’n?
“Roma!”
Napaangat ako at tumingin sa gawing pintuan. Nakita ko sila Josephine kaya’t tumayo ako at nilapitan sila.
“Okay ka lang ba, Roma? Nakita ko ‘yong post,” pag-aalala ni Josephine.
“Okay lang ako. Matatapos din ‘to,” sagot ko.
“Sinubukan naming puntahan ‘yong Journalism club kanina pero ayaw nila kaming harapin. Kokomprontahin lang naman namin kung sino ang nag-post at anong motibo niya,” sambit naman ni Evan.
“Salamat. Pero okay lang. Kaya ko ‘to,” sambit ko.
“Ni-report na namin ‘yong post. Kaya matatangal na rin ‘yon,” sambit ni Jeyra.
“Matanggal man ‘yong post, nakatatak na naman sa isip ng lahat ng nakakita no’n na totoo ‘yon. At ‘yon ang inaalala ko,” sambit ni AJ.
May punto si AJ. Matanggal man ‘yon dahil sa report, nakatatak na rin naman sa isip ng lahat na gano’ng klase akong tao.
---
Awas na ako. Paglabas ko pa lang ng pinto ay may bumungad na agad sa’kin. May nagbato sa’kin ng itlog at tinamaan ako sa ulo. Hinawakan ko ‘to at naramdamang malagkit na ang ulo ko.
Mayamaya ay may nagbato na rin sa’kin ng mga papel at may nagsaboy rin sa’kin ng harina. Hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko.
Parang napako na ako sa kinatatayuan ko. Blangko na ang isipan ko. Ano kayang kasalanan ko at ginaganito nila ako?
Bumigat ang dibdib at paghinga ko. Napagkuyom ko ang mga palad ko at kahit pinagtatawanan ako ng mga tao sa paligid ko ay hindi ko sila pinapansin. Nakatingin lang ako sa paanan ko.
“Tama na ‘yan!” Boses ‘yon ni Jeyra. Naramdaman ko na lang na hinila nila akong apat palayo.
Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa may waiting area sa tabi ng gate.
“Roma, okay ka lang ba?” pag-aalala ni Josephine. Tumango lang ako bilang tugon habang nakayuko pa rin ang ulo ko. Naramdaman kong pinunasan ako ni AJ ng bimpo niya.
“Roma?” Isang pamilyar na boses.
“Caden,” sambit ni Josephine. Dumating pala si Caden. Hindi pa rin ako natitinag sa pagkakayuko ko. Wala na ako sa sarili, sa tingin ko.
“What happened here? Bakit ganyan ang hitsura niya?” usisa ni Caden.
Nilabas ni Josephine ang phone niya at may pinakita siya rito.
“Dahil sa issue na ‘yan, binu-bully si Roma ng buong school. Caden, gumawa ka ng paraan, please,” pakiusap ni Josephine.
“Sino ang admin ng page na ‘yan?” tanong ni Caden.
“Journalism club ang may control sa page na ‘yan,” sagot ni Jeyra.
“Saan ang office nila?” tanong pa nito.
“Samahan ka namin,” sambit ni AJ.
“No. Si Roma na lang siguro at nang malaman natin ang motibo behind that malicious post,” sambit ni Caden sabay hila sa braso ko kaya’t napatayo ako.
“Lead me to where that freaking Journalism club’s office,” utos niya sa’kin. Hindi ako umimik. Umuna lang ako ng lakad sabay sunod naman niya.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ninenerbyos ako. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Caden na hinawakan ang kamay ko.
“Relax. Let me handle this. I’ll take care of you,” sambit ni Caden.
Mayamaya ay nakarating na kami sa tapat ng office ng Journalism club. Walang alinlangang binuksan ni Caden ang pinto at pumasok. Nabigla naman ang mga taong nando’n sa ginawa niya.
“Who’s your f*****g President?” angil niya.
Nabakas ang takot ng mga estudyante do’n at tinuro nila ‘yong lalaking nakasalamin, kulot, at payat na nakaupo sa swivel chair.
“A-Anong kailangan mo sa’kin?” sambit no’ng lalaki na bakas ang takot sa mukha niya.
Paano ba naman? Nanlilisik ang mga mata ni Caden na parang handa siyang pumatay at nagngingit-ngit siya sa galit. Mukang mas galit pa siya kaysa sakin.
Lalo kaming nagulat nang damputin ni Caden ang lalaki mula sa kuwelyo nito.
“Tell me, are you the cunt who posted that f*****g issue?” seryosong tanong dito ni Caden.
Halos nakaluwa na ang mga mata ng lalaki at napalunok ito.
“A-Anong issue po?” tanong nito.
“The issue about that girl, that she’s f*****g dating the both of us brothers,” sagot ni Caden. Hindi umimik ang lalaki at parang nagdadalawang-isip pa siyang sumagot.
“Answer! Or else I’ll break your f*****g neck,” pananakot ni Caden.
“O-o-opo! Ako po ang nag-post no’n! P-pero nautusan lang po ako! Please, maawa po kayo sa’kin!” mangiyak-ngiyak na sambit no’ng lalaki.
“Delete that f*****g post now! Or else…” banta ni Caden sabay marahas niyang binitiwan ang lalaki.
“Sinong nag-utos sa’yo?” tanong ko.
“S-Si Jana Tejano po,” sagot niya.
Napataas ang kilay ko, “Seryoso?”
“O-opo. Napilitan lang ako i-post ‘yon kasi nangako siya sa’kin na magde-date daw kami pag ginawa ko ‘yon. Sorry, crush na crush ko kasi siya kaya ko nagawa ‘yon,” sagot no’ng lalaki.
Nag-atubili naman itong nagpunta sa computer at pinunta sa page ng school.
Ako naman ay nagmadaling lumabas at bumalik sa room. Mabuti na lang at naabutan ko pa siya. Cleaners nga pala siya ngayon.
“Jana.”
“Oh, Roma. May kailangan ka?” tanong nito.
“Alam ko na ang totoo. Na ikaw ang nag-utos na i-post ang issue na ‘yon,” sambit ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Tapos ay tumawa siya.
“Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi ko alam ‘yang sinasabi mo,” pagtanggi siya.
“Umamin na ang Journalism club President. Kaya please lang, ‘wag na tayong maglokohan pa,” sambit ko.
Hindi siya umimik at umiwas lang siya ng tingin sa’kin.
Tumawa siya nang pagak, “So? Eh ano naman kung ako? Anong gagawin mo? Bubugbugin mo rin ba ako? Sasampolan mo ba ako ng aikido moves mo?” pang-aasar nito.
Napagkuyom ko ang mga palad ko at pinaningkitan siya ng mata.
“Bakit? Bakit mo kailangang gawin ‘yon? Kung may problema ka sa’kin, sabihin mo sa’kin ng deretso. Hindi mo ‘ko kailangang siraan sa buong school!” sambit ko.
“Bakit kamo? Mula grade seven, ako palagi ang top one ng klase. Lahat ng classmates ko, humahanga sa’kin dahil ako ang pinakamagaling. Pero mula nang maging kaklase kita, nawala sa’kin ang lahat! Kaya ang tingin ko sa’yo ay isang malaking hadlang sa buhay ko!” pagngit-ngit niya.
Pinandidilatan niya ako ng mata at kitang-kita ko ang labis na galit niya sa’kin.
“Pero hindi kailangang dumaan sa ganito, Jana. Naninira ka ng pagkatao!” sambit ko.
Suminghal siya, “Dapat lang sa’yo ‘yan! Malandi ka naman talaga!” sigaw niya.
Isang malutong na sampal naman ang dinapo ko sa kanyang pisngi. Sinapo niya ang pisngi niya at sinamaan niya ako ng tingin.
“Hindi talaga ako nananakit ng babae. Pero sa tingin ko, dapat lang ‘yan sa’yo. Baka sakaling matauhan ka. Hindi rason ang inggit para apakan mo ang isang tao,” sambit ko.
---
Pag-uwi ko sa bahay, nag-log in ako sa f*******: at nakita kong burado na ang post.
Nag-post na rin ng apology ang admin ng page at inamin niyang hindi ‘yon totoo at may nag-utos lang sa kanya para gawin ‘yon nang hindi binabanggit ang pangalan ni Jana.
Napatingin naman ako kay Caden na prente na namang nakaupo sa kama ko habang nanonood sa phone niya. Maamo ang mukha niya pero kung magalit akala mo demon lord.
Hindi ko ine-expect na magagawa niya ‘yon para sa’kin.
Salamat, Caden.