Recess namin ngayon. Kagagaling lang dito nila Josephine at nagpaalam akong hindi ko sila mae-entertain ngayon dahil busy ako.
Kasalukuyan akong nagche-check ng mga notebook ng kaklase ko sa English kung kumpleto ang notes nila sa quarter na ‘to. Reference ko ang notebook ko dahil kumpleto ako sa notes at si Ma’am Espiritu mismo ang nag-check nito.
“Roma.”
Tiningala ko sandali ang tumawag sa’kin tapos ay binalik ko nang muli ang atensyon ko sa ginagawa ko.
“Ano ‘yon?” tanong ko.
Si Jana Tejano ang tumawag sa’king ‘yon. Nakatayo siya sa harap ko kasama ang dalawa niyang kaibigan.
Si Jana ang Class President namin at top two ng klase. At ang mga kasama naman niya ay sina Shaina Ybiernas, Class Vice President at top four, at si Inalyn Reyes, Class Treasurer at top eleven naman ng klase.
Class officer din nga pala ako. Ako ang Class Secretary.
“Bakit ka pinupuntahan dito ni Sir Chester tuwing break time?” tanong ni Jana.
Kilala nila si Chester dahil kung naaalala niyo, siya ang nag-seminar sa amin noon about business management.
Kahit nagtataka ako ay sinagot ko na lang siya. “Gusto lang daw niya makipagkuwentuhan sa’kin.”
“Balita ko magkapatid daw sila ng boyfriend mo. Totoo ba?” tanong pa niya.
“Oo,” sagot ko.
“Saan nag-aaral si Caden?” usisa naman ni Shaina.
“Sa UP,” sagot ko.
“Course niya?” tanong pa niya.
“Chem Eng,” sagot ko.
“Wow! Future engineer!” pagtili naman ni Shaina.
“Si Caden na six footer, makinis at maputi ang balat, matangos ang ilong, tapos ‘yong lips niya, naku! Kissable na mapula-pula! Tapos ‘yong maliliit niyang mata na kapag ngumiti siya parang nakangiti na rin ang mga ‘to! Hays, gano’n ba talaga kapogi ang mga taga-UP?” sambit ni Shaina.
“Ewan ko,” tipid kong sagot. Teka nga, bakit ba inuusisa ako ng mga ‘to? ‘Di ba nila nakikitang busy ako?
“Sabihin mo, Roma. Paano ka nakakuha ng gano’ng jowa? How to be you po?” sambit naman ni Inalyn.
Napailing na lang ako sabay buntonghininga ng malalim. Ewan ko ba sa mga ‘to. Gusto ko silang sabihan na nakakaabala sila pero ayaw ko namang maka-offend.
---
Awas na kami at nandito kami ngayon nila Josephine, Jeyra, at AJ sa waiting area sa labas ng Guidance office. Nasa loob kasi ngayon si Evan kasama ang iba pa niyang kaklase.
“Alam ko namang hindi ‘yon magagawa ni Evan. Kahit pa may pagkaloko-loko ang boyfriend ko, hindi siya gagawa ng kahit anong ikapapahamak niya,” sambit ni Josephine na halata mo ang labis na pag-aalala.
Nadawit sila sa issue ng nag-post sa public page nitong school ng stolen picture ng isang Science teacher. May caption ito na kinukutya ang nasabing teacher. At lahat ng nag-comment sa nasabing post ay pinatawag sa Guidance.
“Hindi ko nakita ‘yong post na ‘yon kasi na-delete ito agad. Ano bang comment ni Evan do’n?” tanong ni AJ.
“Ang comment lang niya do’n ay ‘HAHAHAHAHA XD’. ‘Yon ang sabi niya. Hindi ko na rin naman kasi nakita ‘yong post eh,” sagot ni Phine.
“Dapat kasi hindi na siya nag-comment,” sambit ko.
Mayamaya lang ay lumabas na ang mga nadawit sa issue, kasama si Evan.
“Oh ano? Anong sinabi sa inyo?” usisa naman agad ni Phine sa boyfriend niya.
Nagkamot muna ng batok si Evan bago nagsalita, “Pinalusot na naman ako. Kasi hindi naman daw gano’n kasama ‘yong comment ko. Ang nagka-record lang ay ‘yong mga nag-comment ng panlalait saka ‘yong mga nag-share ng picture,” sagot niya.
Nakahinga naman kami ng maluwag lalo na si Josephine. Tapos ay naglakad na kami papuntang gate ng school.
“Sa susunod kasi, huwag ka nang basta-basta magko-comment sa mga gano’ng post,” pangaral ni Josephine kay Evan.
“Sorry na. Eh kaso nakakatawa naman kasi talaga. Ang panget niya do’n sa pic. Nakapikit tapos ‘yong ngiti niya parang luluwa na ang bagang,” sambit ni Evan habang natatawa-tawa pa.
“’Yan ang napapala ng mga mapanlait na gaya mo,” sambit ni Jeyra.
“Pero kung kay Jeyra na picture ‘yon, hihikayatin ko pa ang lahat ng nasa page na ‘yon na i-share ‘yong picture at pagtawanan,” sambit ni Evan sabay tawa. Agad naman siyang hinampas ni Jeyra sa braso.
“Napakasama mo talagang buwisit ka,” sambit ni Jeyra kay Evan na tawa lang ng tawa.
“Roma, si Caden oh,” sambit ni AJ sabay turo niya sa gate.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa gawi ni Caden. Nakaupo siya sa waiting area na malapit sa gate. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.
“Hoy, bakit ka nandito, ha?” tanong ko.
“Susunduin ka,” sagot niya pagkatingala niya sa’kin.
“Wala ka na bang gagawin, o pupuntahan?” tanong naman niya.
“Wala naman. Uuwi na ako,” sagot ko.
“Good. Tara na. Nakakailang na. Kanina pa ako pinagtitinginan dito,” sambit niya tapos ay tumayo na siya.
Tapos ay lumabas na kami ng gate. “Aba, sino ba kasing may sabi sa’yong hintayin mo ‘ko? Eh kaya ko naman umuwi mag-isa,” sambit ko.
Tapos ay sumakay na kami sa kotse niya, “May two hour vacant pa ako. Gusto ko sanang umuwi muna. Kaya naisip kong sunduin ka para sabay na tayo. Ayaw mo ba no’n? Hindi ka na mahihirapang maglakad?” sambit niya tapos ay nag-drive na siya. Inikutan ko lang siya ng mata.
---
Pagdating namin dito sa mansyon ay kami lang ang tao dahil maaga pa. Dumeretso ako sa kuwarto ko.
Habang nasa banyo si Caden ay nagsara naman ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay. Oversized shirt at pajama lang ang lagi kong suot sa bahay.
Umupo na ako sa study table ko at siya namang dating ni Caden. Sanay na sanay na talaga siyang mag-trespass dito. Sumalampak siya sa kama ko at kinuha ang phone niya.
“Teka nga, bakit dito ka natambay? May sariling kuwarto ka naman, ‘di ba?” sambit ko.
“Nothing. I just don’t want to be alone,” sagot niya habang nakatutok pa rin sa phone niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagdo-drawing ng manga ko.
Tahimik lang ang paligid hanggang mayamaya ay napansin ko si Caden na nakatayo na sa gilid ng study table ko.
Sinilayan ko siya sandali at ibinalik muli ang tingin ko sa ginagawa ko.
“May kailangan ka?” tanong ko.
Mayamaya’y napansin kong may inilapag siya sa mesa ko na animo’y binibigay niya sakin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin dito.
Isang maliit na hugis square na box na kulay pula.
“Ano naman ‘yan?” tanong ko.
“Just open it.”
Kinuha ko nga ang kahon at binuksan. Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko.
“Singsing?” pagtataka ko.
“Yeah. A ring.”
Gawa ito sa silver na may maliit na diamond sa gitna. Mukhang simple lang pero mamahalin.
“Para sa’kin ‘to?” tanong ko.
Bumuntonghininga nang may ingay si Caden. Kinuha niya ang singsing at hinablot ang kaliwang kamay ko at doon niya sinuot ang singsing.
“This serves as our engagement ring,” sambit niya.
Nakatitig lang siya sa’kin habang hawak pa rin ang kamay ko. At nang mailang ako ay bigla kong binawi ang kamay ko sa kanya at inayos ang sarili ko.
Habang siya naman ay umiwas ng tingin at tumikhim.
“Saka mo na hubarin ‘yan pag cancelled na ang engagement natin,” sambit niya.
Tapos ay bumalik na siya sa puwesto niya sa kama ko at nag-cellphone na siya ulit. Sinipat ko ang singsing na nasa kamay ko. Tapos ay nagkibit-balikat ako.
Itinigil ko muna ang pagdo-drawing at naisip kong buksan muna ang net book ko at nagpasyang i-open ang f*******: ko. Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed hanggang sa may isang post na nakakuha ng atensyon ko.
Mula ito sa official f*******: page ng school namin. Stolen picture namin ni Chester sa labas ng gate habang nakaupo kami sa bench. At ang isa naman ay stolen picture namin ni Caden sa magkausap na tabi ng gate.
Binasa ko ang caption.
'The said girl in the picture was dating both of those guys in the pic. According to the source, those guys were related as brothers. The UP student and the Lyceum alumna.'
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tapos ay binasa ko ang comments.
‘Di ba siya ‘yong nasa section F ng Grade 10?
Kilala ko ‘yan. Siga ‘yan eh.
Boyish daw kuno pero kung lumandi wagas. Hahahaha
Ganyan naman style ng mga malalandi. Kunwari boyish para mapalapit sa lalaki. Jusq.
Parehong pogi ang tinira. Magkapatid pa. Nice ghorl!
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng sandamakmak na hate comments. Biglang bumigat ang dibdib ko. Anong gagawin ko?