Twenty-eighth Chapter: The Challenge

1954 Words
Sinugod ako ng isang kaklase kong lalaki sabay pumorma na ako ng atake. Paglapit niya ay pinilipit ko kaagad ang braso niya at hinawakan ang damit niya sa bandang kuwelyo sabay balibag sa kanya. Napasigaw ang lalaki bilang pagdaing sa sakit na naramdaman niya. Dahan-dahan siyang tumayo. Nakangiwi ang mukha niya habang nakahawak sa balikat niya. Gano’n din ang ginawa ko sa iba ko pang kaklase na lalaki. At lahat sila gano’n ang sinapit. “Oh, sino nang susunod?” tanong ko. “Ikaw na!” “H-Ha? Hindi ah! Ikaw kaya.” “Ikaw na!” “Ayaw ko nga!” Uyu-uyuhan ng mga kaklase kong lalaki na natitira. PE class namin ngayon at tamang-tama dahil Aikido ang topic namin. Kaya naman lahat kami ngayon ay naka-karategi. Karategi ang tawag sa uniform na suot sa pagma-Martial arts. ‘Yong ang pang-itaas ay long sleeve na puti na naka-overlap. Tapos pants din na puti at may telang belt. Black belt ang akin bilang ako ang pinakamagaling sa klase. Nakapuyod ng high ponytail ang mahaba kong buhok para hindi ito maging sagabal. Nakahawan ang mga upuan sa classroom sa tabi at may nakalatag na malambot at malaking mat sa gitna. “Sir, ang unfair naman po. Bakit si Roma lang po ang nalaban sa girls? ‘Di ba dapat lahat sila?” reklamo ng isang kaklase kong lalaki. “Ayaw nga namin. Baka tsansingan niyo lang kami, ano!” sagot naman ng isang babae kong kaklase. “Sir, ang unfair!” reklamo ng lahat ng boys. Naka-cross arms ako habang nakatingin sa mga kaklase kong lalaki at pinanlilisikan sila ng mata habang nakangisi. “Nakakatakot si Roma!” “Halimaw siya, Sir!” “Ayaw na namin ng Martial Arts kung si Roma lang din!” Reklamo nilang lahat.  “Magtigil nga kayo. Kasama ito sa curriculum ninyo. Masusundan pa ‘yan ng Jujitsu, Judo, at Taekwondo. Kaya be ready na lang,” sabi ni Sir Manuel, ang MAPEH teacher namin. “Ayaw na namin, sir!” “Bigti na tayo!” “Mag-drop na lang tayo!” “Tanga, hindi puwede ‘yon!” Pag-angal ng mga loko-loko. Napailing na lang ako. Hay nako.  Bumalik na ako sa grupo ng mga babae sa klase namin. Boys vs. girls kasi ang naging labanan ng klase. Kaso malambot ang mga babae kaya ako na lang ang naging representative nila laban sa mga kolokoy naming boys sa klase. “Ang galing mo talaga, Roma!” “Ang lakas mo saka ang cool pa!” “Salamat sa pagtatanggol sa’min mula sa mga manyak na boys.”  Sambit naman sa akin ng mga kaklase kong girls. Nabigla ako nang abutan ako ni Mariya ng isang lollipop. “Para sa’yo. Ang galing ng ginawa mo, Roma,” sambit niya.  Si Mariya ang muse ng klase namin. At isa siya sa mga campus crush ng school namin. Mga nasa 5’5” ang height niya, payat, maputi, chinita, at kulot ang mahaba niyang buhok. Halos lahat ng mga lalaki rito sa lower section ay may crush sa kanya. Para kasi siyang prinsesa o kaya anghel na bumaba sa lupa. “Salamat,” sambit ko sabay tanggap ng lollipop. --- Last subject na namin at aawas na. Pero fifteen minutes na ang nakakalipas wala pa rin ang Values Education teacher namin.  “Absent na naman ba si Mam Lopez?” tanong ni Jacob. “Siguro. Wala namang bago. Twice a week na nga lang ang sched niya sa’tin madalas pa siyang wala,” sabi naman ni Ricco. “Sus. Kunwari pa kayo. Eh gustong-gusto niyo naman na wala siya para makapag-ingay,” sabi naman ni Eric. May point naman si Eric kasi sobrang ingay nga ng klase namin pag walang teacher. Habang ako eto, drawing lang nang drawing sa likod ng notebook. Bahala silang mag-ingay diyan. “Kanta na lang tayo,” sambit bigla ni Eric.  Pagtingin ko kay Eric ay may hawak na itong gitara. Dala pala niya ngayon ‘yong gitara niyang kulay itim. Sana all marunong tumugtog niyan. Ini-strum na niya ang hawak niyang gitara. Nakita kita sa isang magasin Dilaw ang ‘yong suot at buhok mo’y green Sa isang tindahan sa may Baclaran Napatingin, natulala sa iyong kagandahan. Naaalala mo pa ba no’ng tayo pang dalawa? ‘Di ko inakalang sisikat ka Tinawanan pa kita, tinawag mo ‘kong walang hiya Medyo pangit ka pa no’n Ngunit ngayon… Hey! Iba na ang iyong ngiti Iba na ang iyong tingin Nagbago nang lahat sa’yo, oh oh Sana’y hindi nakita Sana’y walang problema Pagkat kulang ang dala kong pera pambili Pambili sa mukha mong maganda… Pagkanta ni Eric habang nasabay kaming lahat sa kanyang pagkanta na para bang nasa concert niya kami.  Oo, ako rin. Nakikanta na rin.  “Hoy class F! Sinong class president niyo?!” Napatigil kaming lahat na natahimik nang may sumigaw na gano’n. Natuon ang atensyon naming lahat sa lalaking bigla na lamang pumasok ng room namin.  “Ako ang class president. Bakit? Anong kailangan niyo?” sambit ni Jana paglapit niya ro’n sa lalaki. “Kami ang Mariyanatics. At hinahamon namin ang section niyo sa isang palaro sa nalalapit na Sports Fest,” sabi ng lalaki. “Mariyanatics?” sabay-sabay na tanong naming lahat. “Oo. Kami ang official fans club ni Mariya Jem Rasgo dito sa school at ako si Aristoneo Ronaldopol Macaspac the Ninth, ang President ng fans club,” sagot ng lalaki. Nagtinginan naman kaming buong klase kay Mariya. Ano raw? Anong klaseng pangalan ‘yon? Dinaig ang scientific name. Spots Fest na nga pala next week kaya busy ngayon ang faculty, PTA officers at Student Council, pati na rin ang lahat ng org sa school. Buti na lang wala akong org na sinalihan, kung hindi busy rin ako ngayon. “Bakit niyo hinahamon ang section namin? Anong kinalaman nito kay Mariya?” tanong ni Jana sa lalaki. “Hinahamon namin kayo sa isang three-round na palaro. At kapag nanalo kami, makakatanggap kaming lahat sa fans club ng halik mula kay Mariya!” sambit ni Aris…ano nga ba ulit? “At kung ayaw namin?” tanong ni Jana. Tumawa si Aris, “Aba, e ‘di ayos dahil automatic panalo na kami.” “Ayaw ko!” sigaw bigla ni Mariya. “Makakatanggap na rin kami ng kiss mula sa’yo, Mariya aming prinsesa,” sambit ni Aris habang nagpapa-cute kay Mariya.  Napangiwi kaming lahat, Kadiri! “Ayaw ko sabi!” mangiyak-ngiyak na angal ni Mariya. “Sige. Ano bang mga gagawin?” tanong ni Jana. “Una, kailangan niyo kaming matalo sa basketball. Pangalawa, sa relay, at pangatlo, sa Martial Arts. Kaya galingan niyo na ang pagpili ng mga pambato niyo. At bilang patunay na tinanggap niyo ang hamon,” sambit ni Aris sabay may binigay itong papel kay Jana. “Pirmahan mo ‘to, Ms. Class President,” sabi ni Aris. Kinuha naman ni Jana ang ballpen sa bulsa niya at pinirmahan ang nasabing kasunduan. “So paano. Magkita na lang tayo sa Sports Fest at good luck sa inyo!” sambit ni Aris tapos tumawa siya na parang demon lord at umalis. “Ano nang gagawin natin?!” sambit ni Mariya habang naiiyak at natataranta. “Kumalma ka, Jem,” sambit ni Cheska na katabi nito. “Ayaw kong ibigay ang halik ko sa mga lalaking ‘yon o sa kung sino lang! Ayaw kong halikan ang lalaking hindi ko gusto,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Mariya. “Ano nang plano, Jana?” tanong ng iba naming kaklase sa aming president. “Uhm. H-hindi ko alam. Roma, puwede bang ikaw na bahala?” sabi ni Jana. Tapos ay bumalik na ito sa upuan niya. Napataas ang kilay ko sabay buntonghininga. Secretary lang ang posisyon ko rito pero ako rin nagawa ng trabaho ng President. Hay nako. Nagpunta ako sa unahan. Napakamot muna ako sa batok bago magsalita. “May naisip na akong gagawin,” panimula ko. “Ay wow. Winner, may naisip na agad,” sambit ni Niko, ang vaklushi kong classmate. “Syempre, si Roma ‘yan eh,” sabad naman ni Jacob sabay tawa. “Lahat ng lalaking basketball player, pumunta sa’kin at magpalista. Para malaman ko kung sino ang magiging first five, bangko, waterboy, first-aid team, o kung ano-ano pa,” sambit ko. “Okay, boss!” sambit lahat ng boys. “Sa relay race, kay Cheska kayo lumapit. Cheska, ikaw na bahala kung sinong sa tingin mo ang mabibilis tumakbo na may malakas ding stamina,” sambit ko. “Noted, madam!” sagot nito. “Isa pa pala. Isama mo ‘ko sa mga reserbang tatakbo. Para kung may ma-injured man o kung ano, papalitan ko,” bilin ko pa. “Okay, Roma,” sagot nito. “At sa Martial Arts naman, kahit ako na lang,” sambit ko. “Sigurado ka, Roma?” tanong ni Jacob. Tumango lang ako bilang sagot. “Kailangan nating magtulungan dito. Kikilos tayo ngayon bilang isa. Sama-sama nating tutulungan si Mariya. Maliwanag ba?” sambit ko. “Operation Save Mariya’s Kiss!” sabay-sabay nilang sabi. --- Pagkatapos kong ayusin ang listahan ng mga nasa basketball team namin ay lumabas na ako ng gate. Nakayuko lang ako habang naglalakad sabay bumuntonghininga ako nang malalim. “Hey, Roma.” Napahinto ako nang may taong humarang sa daan ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya. “Caden…” “Hey, what’s with that look? Mukhang pagod ka,” sambit niya habang hawak niya ang baba ko upang iangat ang mukha ko. “Ah. Hindi naman. May iniisip lang ako,” sambit ko. “Let’s talk about that at home. Come on,” sambit niya sabay hawak niya sa kamay ko at pumunta kami sa kotse niyang naka-park lang sa tabi. Pagpasok namin ng sasakyan ay nag-drive na siya. --- Pagdating sa bahay ay nagsara muna ako sa kuwarto para magbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay binuksan ko na ulit ang pinto. Pagpasok ni Caden ay siya namang bagsak ng sarili ko sa kama. “So, anong iniisip mo? May problema ba sa school?” usisa niya habang nakatayo siya sa harap ko. “Sports Fest na namin next week. At may isang grupo ng mga lalaki na hinamon ang section namin sa palaro para sa halik ng muse ng klase namin,” paliwanag ko. “Wow. That’s insane. Then?” sambit niya. “Ayon. Ako na naman ang nag-organize. Tinaggap ko ang responsibilidad na pigilan ang mga hunghang na ‘yon sa balak nilang paghalik kay Mariya. Kasali ako sa two rounds ng laro.” “Kabaliwan ba ang pag-take responsibility ko ro’n?” tanong ko habang nakatitig sa kisame. “Kindness will never be equal to stupidity. It’s not your fault if you’re kind, but it’s your fault for being stupid. You’re just kind. And not stupid, crazy, or whatever,” sambit ni Caden. “Natatakot ako na baka ma-disappoint ko si Mariya. Paano kung magkamali ako at matalo kami?” sambit ko. Humiga si Caden sa tabi ko. Nabigla ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya at siniksik niya ako sa dibdib niya at niyakap ako. “A-Ano bang ginagawa mo ha?” inis kong tanong sabay hampas sa dibdib niya. “Don’t overthink about everything that much. Just do your best, though I already know that you’re always doing your very best in everything that you do,” sambit niya tapos ay dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko. “It’s fine. Everything will be fine. But for now, just relax and take a rest. I’m just here. I’m always here for you, Roma.” Pakiramdam ko ay kumalma ang pagod na katawan at isip ko. Hanggang sa unti-unti nang bumigay ang mga talukap ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD