Forty-third Chapter: Christmas With You

1787 Words
Hinihintay kong magyaya ang mga kaibigan ko na maggala ngayong Pasko. Tanghali na rin naman at late na kaming lahat nagsigising dahil nga mga puyat kami kagabi. Pero wala kaming schedule na gala ngayon dahil may kanya-kanya silang mga plano ngayon kasama ang pamilya nila. Kaya heto ako ngayon at nagdo-drawing lang ng manga ko rito sa kuwarto ko. Nandito pa rin ako sa bahay ko. Dinala ko lang ang drawing materials ko para may pagkaabalahan ako. Chapter ten na ako sa shoujo manga na ginagawa ko. Eto muna inuuna ko kasi mas madali ito kaysa sa mga Fantasy ko na gawa. “Roma Cassandra!” Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pasigaw na pagtawag sa pangalan ko. Napapikit ako sabay buntonghininga, “Ano na naman?” tinatamad kong tanong sa taong bigla na lang pumasok sa kuwarto ko. “Nothing. I just wanna see you,” sagot niya. Pumunta siya sa kama ko at as usual, humiga na naman siya na para bang kanya ang kama ko. “Manggugulo ka lang ba ngayon? Wala ka bang ibang gagawin?” tanong ko. “Grabe naman sa manggugulo, Roma. Just like what I’ve said, I just want to stay here because I wanna see you. That’s it,” sambit niya. “Kumain ka na ba?” tanong naman niya. “Oo. ‘Yong natirang handa namin kagabi,” sagot ko. “Roma.” “Ano na naman?” “Labas tayo,” sambit niya. Lumingon ako sa gawi niya, “Ha?” kunot-noo kong tanong. “Saan naman tayo pupunta?” tanong ko. Nag-isip siya sandali bago magsalita. “I don’t know. Ikaw? Baka may gusto kang puntahan?” tanong niya. Nag-isip naman ako sandali. Wala rin namang kahit anong lugar na pumapasok sa utak ko. Isa pa, siguradong crowded ang lahat ng pasyalan ngayon dahil Holiday. “Wala akong maisip eh,” sambit ko. Ngumiti siya, “Okay then. Anywhere is fine with me as long as we’re together though.” Hinintay na lang niya ako sa sala hanggang sa matapos ako magbihis at mag-ayos. Naka-skinny jeans ako, tapos white printed t-shirt na pinatungan ko ng grey cardigan, at ‘yong low cut black and white Converse ko na sapatos. Paglabas ko ng kuwarto ay lumabas na kami matapos naming magpaalam sa mga kapatid ko. --- Nasa downtown na kami at na-stuck kami sa traffic. Fifteen minutes na kaming stuck dito at ramdam kong inis na si Caden kahit hindi niya sabihin. Halata naman pati sa mukha niya. “Holiday kasi kaya maraming tao ngayon ang nasa labas,” sambit ko. “Kaya nga eh,” sambit niya. “Saan kaya merong lugar na hindi gaanong matao ngayon?” sambit ko. Hindi ko kasi talaga trip ang mga lugar na matao. Naiilang ako na hindi maintindihan. “Sa hotel.” Nandilat ang mga tao kong tumingin sa kanya, “Ano?!” “Lugar na hindi gaanong matao. Sa hotel. Am I right?” sambit niya. Pinandilatan ko pa siya ng mata na pawang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “It’s a private place, so hindi matao ro’n,” sambit pa niya. “Seryoso ka ba?” tanong ko. “Do I look like I’m joking?” sambit niya. Parang automatic naman ang kamay ko na hinampas ang braso niya. “Aray! What was that for?” tanong niya habang pinandidilatan ako ng mata. “Gunggong ka ba? Hotel? Kung hindi ka ba naman sira ulo, Caden?!” inis kong sabi. Mayamaya ay humagalpak siya ng tawa. Habang ako naman ay seryosong nakatingin sa kanya. “You know what? Your facial expressions never fail to amuse me, honey,” sambit niya nang nakangiti. Umiwas naman ako nang tingin at dumako sa bintana. “Mag-drive ka na lang diyan,” sambit ko. “Pero kung gusto mo naman, okay lang din sa’kin,” sambit ni Caden. Nilingon ko siya at hinampas ulit, “Isa!” Tumawa na naman siya habang nagda-drive. Makalipas ang ilang minutong usad-pagong ng traffic ay sa wakas at lumuwag na rin ang kalsada. Napansin kong kabundukan at palayan na ang nadadaanan namin na matatanaw sa gilid nitong kalsada. Isang malawak na palayan sa paanan ng Bundok Makiling. Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ang paligid mula sa bintana. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang tanawin. --- Matapos ang higit dalawang oras na biyahe ay ipinarada na ni Caden ang sasakyan sa isang parking lot. Pagkatapos ay bumaba na kami ng sasakyan. Isang napakagandang tanawin ang bumungad sa amin pagbaba ng sasakyan. Tila natulala na ako sa makapigil-hiningang ganda ng paligid. “You like it?” tanong ni Caden. Tumango lang ako bilang sagot habang nakatitig pa rin sa lawa. Nagpunta kami ngayon sa isang park sa San Pablo kung nasaan ang tanyag na lawa nito – Sampaloc Lake. First time kong makapunta rito. Tunay ngang maganda rito gaya ng mga nakikita ko sa pictures. Lumapit pa kami sa railings kung saan ang nasa ibaba namin ay ang lawa. Sariwa at malamig ang simoy ng hangin dito at tanaw namin mula rito ang kabilang syudad na nasa kabilang bahagi ng lawa kahit na may kalawakan ito. Malinis din naman ang tubig kahit may iilan-ilang mga water lilies ang nakalutang. May mga Bangka rin na nakaparada sa gilid ng lawa. May mga tao rin namang namamasyal ngunit hindi ganoon karami. “So, what are we gonna do? Rent a boat? Rent a bike? O kakain muna?” tanong niya. Ayaw ko ng rent a boat dahil takot ako sa malalalim na tubig at ayaw kong malaman pa niya ‘yon. Busog pa rin naman ako para kumain. “Rent a bike tayo,” sagot ko. “Sure,” sambit niya tapos ay lumakad siya at siya namang sunod ko. Pumunta kami sa rentahan ng bike. Matapos niyang magbayad ay binigyan na kami ni manong ng tag-isang bike at helmet. Habang nagba-bike kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga nadadaanan namin. May mga nadadaanan kaming mga rebulto, at isa na ro’n ay isang rebulto ng isda. May mga nadadaanan din kaming stalls na nagtitinda ng pagkain at souvenirs. Mayamaya ay may nadaanan din kaming mga mangingisda na naghahakot ng mga nahuli nilang isda at isinasakay ang mga ito sa isang truck. Ang ruta ang paikot sa lawa. Kung kanina ay aspaltong kalsada ang daan, ngayon ay mabuhangin at mabato na. “Caden?” “Yes?” Nauuna lang siya nang kaunti sa’kin. “Iikutin talaga natin ‘to?” tanong ko. “Oo. Kung gusto mo at kung kaya mo naman,” sagot niya. Huminto kami sandali at pinagmasdan ko ang ruta. Ang layo pa sobra ng iikutin namin. Ilang kilometro pa! “Baka gabi na tayo matapos nito,” sambit ko. “Oo nga. Gabi na nga,” sagot niya tapos ay tumawa siya nang bahagya. Ang layo naman kasi talaga sobra ng ruta paikot sa lawa. Malamang, kilo-kilometro kaya ang lawak ng lawa na ‘to! “Gusto mong bumalik na?” tanong niya. “Sige,” sagot ko. Sumakay na kami ulit ng bike at tumungo na pabalik kung saan kami nanggaling kanina. Hindi kakayanin kung iikutin talaga namin ang lawa. Isa pa, nakakapagod ‘yon. Hindi ko kaya mag-bike ng mahabang oras. Mahigit limang oras siguro ang gugugulin namin sa pagba-bike para lang makaikot. Pero infairness, pinagpawisan ako sa pagba-bike na ‘to kahit hindi naman ganoon kainit ang panahon. Magandang exercise din. Mayamaya ay nagpasya kaming magpahinga muna. Kaya huminto kami sa ilalim ng isa sa mga malalaking puno rito. “You want something to drink?” alok ni Caden. “Sige,” sagot ko. “What do you want? Water? Juice? Or me?” sambit niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata sa huli niyang sinabi habang siya naman ay nangingiti-ngiti sa’kin. “Hindi ka kasama sa options. Hindi ka inumin,” sambit ko sabay irap. “Yes, I am not an option because I am your only choice. And I maybe not a drink, but I can hydrate your lips with my kisses,” sambit niya sabay lapit niya ng mukha niya sa’kin. Tinulak ko ang mukha niya papalayo sa’kin, “Puwede ba? Tigilan mo na ang kalandian mo, Caden. Nauuhaw na ako. Bumili ka na lang ng tubig.” Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang tinanggal sa mukha niya. “Atleast ikaw lang ang nilalandi ko,” sambit niya sabay tawa. “Caden!” saway ko. “Oo na po. Bibili na po, mahal na reyna,” sambit niya tapos ay umalis siya para makabili ng inumin. Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon ko sa magandang tanawin na nasa harapan ko. Huminga ako nang malalim para damhin ang sariwang hangin at dahan-dahan ko itong ibinuga. Ang gaan sa pakiramdam. Biking exercise, sariwang hangin, at magandang tanawin. Perfect. Ilang sandali lang ay biglang may nag-abot sa’kin ng isang puting plastic bag. Nakita kong si Caden ang nag-aabot no’n sa’kin. Nang abutin ko ‘yon ay naupo na siya ulit sa tabi ko at may hawak din siyang puting plastic bag na gaya ng binigay niya sa’kin. Hinalungkat ko ang laman ng plastic at nakita kong isang siopao at isang bote ng mineral water ang laman nito. Kinuha ko muna ang siopao na mainit-init pa. Kinuha ko rin ang sauce na kasama nito at nilagyan muna ito bago kainin. “Wanna watch the sunset?” sambit bigla ni Caden. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “The view of the sunset here was majestic. You won’t regret it. Isa pa, halos ilang sandali na lang din naman ang hihintayin natin,” sambit pa niya. Tumango ako, “Okay sige.” “Look, the sun is setting now,” sambit niya sabay tingin sa lawa. Napatingin na rin ako at namangha ako sa kagandahang nakikita ko. Papalubog ang araw sa tagpuan ng langit at lupa at nagre-reflect ang kulay orange na liwanag sa kalangitan at sa tubig ng lawa. Namalayan ko na lang na nakatayo na sa harap ko si Caden. Nang tingalain ko siya ay bigla naman niya akong niyakap. Sa gulat ko ay tila naestatwa naman ako sa puwesto ko at bumilis ang t***k ng puso ko. “Caden –“ Tapos ay lumayo na rin naman siya kaagad. Napansin ko namang nakatingin siya banda sa leeg ko habang nakangiti. Sa pagtataka ko ay napatingin na rin ako rito at kinapa kung anong meron. Napataas ang kilay ko nang nakapa ko ang hugis star na pendant ng kuwintas. Silver necklace na may pendant na maliit na silver star, tapos ay may maliit na bato ito sa gitna na parang diamond. “Merry Christmas, Roma,” nakangiting bati niya sa’kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD