I am driving my car now to go to Roma’s house. At habang nasa daan ako, naisip kong huminto muna sa isang convenience store. I’ll buy something for that lady. I’m pretty sure that during this time, she’s giving all her time doing manga and forgetting to eat.
I parked my park at the vacant space on the parking lot at the front of the store. Pagpasok ko sa convenience store ay dumeretso kaagad ako sa steamer ng siopao at kumuha ng dalawa. Then got some bottle of fruit juice at the refrigerator.
Pagkatapos kong bayaran ang mga ‘to sa counter ay napahinto ako nang may tumawag sa’kin.
“Caden?”
I wrinkled my forehead while looking at him.
“Oh ikaw nga ‘yan! Fiance na hilaw ni Roma. Kumusta?” he greeted me gladly as he tap my shoulders after he reached me.
“Oh Roma’s friend, Evan. Right?” I said.
“Oo. Kumusta? Sa’n punta natin, brad?” he asked.
“Oh. Kila Roma,” I answered.
“Ooh. So, seryoso ka nga talaga ngayon kay Roma?” he asked.
“Yeah. Of course.”
“Halika, brad. Usap muna tayo sandali,” he said seriously.
Kahit nagtataka ay sinunod ko na lang siya. Naupo kami sa isang table sa tabi ng glass wall ng store.
“Brad,” he started then I looked at him.
“Alam natin pareho na kami ng girlfriend ko na si Josephine ay kaibigan ni Roma. Kaya ‘yong mga nangyayari kay Roma ay alam ko rin dahil kay Josephine. At nasabi sa’kin ng girlfriend ko dati na may kontrata raw siyang nakita sa mga gamit ni Roma. Kontrata na pag nagtagumpay kayo na maghiwalay ay babayaran mo ang utang ng Papa niya sa Papa mo,” he said.
I am just seriously listening to him while leaning my body towards the table and my elbows are placed on it.
“Yeah. I remember that contract. Ginawa namin ‘yon noong formal meeting namin as fiancés.”
“Brad, kasi si Roma. Kaibigan ko na mula grade seven kami. Matalino siya, at malakas. Pero sa kabilang banda, inosente pa rin ang babaeng ‘yon dahil never ‘yong nagkainteres sa mga lalaki. Nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin, Caden?” he seriously said.
I raised my eyebrows, “Yeah, I’m getting you.”
“Ngayon, kung balak mong samantalahin ‘yong kainosentehan niya, binabalaan kita brad,” he warned me.
I chuckled awkwardly, “I understand that you’re concerned to your friend and you trust me less, but I want to assure you that I’ll never do that and my intentions towards her are clear.”
“Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo,” he said.
“How did you two met?” I asked.
“Magkaklase kasi kami noong grade seven. Isa siya noon sa mga babaeng nakaupo sa pinakadulo ng classroom. Tahimik lang siya na para bang ayaw niya sa tao,” he said then he chuckled.
“Ako naman, nakaupo ako mga two rows away mula sa kanya. Oo, cute siya. Kaso parang nakakatakot naman siyang lapitan at kausapin. Parang anytime, ready siya manuntok,” he added then we both laughed.
“Tapos sa katagalan, napapansin na namin siya dahil halimaw ang isang ‘yon sa Science! Kung sa ibang subject, average level lang siya na gaya ng karamihan. Sa Science, brad. Hanep kayang-kaya makipagsabayan sa top one namin no’ng time na ‘yon,” he said and I could see the amazement through his eyes.
“Pero ‘yon nga. Snob pa rin ang babae. Pag wala kaming teacher, nagbabasa ‘yon ng libro o kaya naman may kung anong ginagawa sa notebook niya. Akala ko noon, ginagawa na niya ‘yong assignment kaagad. ‘Yon pala, nagdo-drawing lang,” he said.
“Interesting siya para sa’kin noon kasi lahat kami may mga kaibigan na, tapos siya loner pa rin. Kahit pa nakikita ko siya minsan kausap mga katabi niya, pero hindi siya ‘yong talagang close sa kanila? Gano’n,” he added.
“Nag-umpisa ako no’n sa pagbati-bati sa kanya kapag nakikita ko siya or nakakasalubong. Pero tinatanguan lang ako. Hindi man lang ngumingiti o kahit kaway lang. Kala mo naman ikakamatay niya ‘yon,” he said as he laughed.
Natawa na rin tuloy ako sa pagkukuwento niya. Even though I have known Roma lately, I already have an idea what she really like before.
“Hanggang sa kapag vacant o recess kami, nilalapitan ko siya sa puwesto niya para kausapin siya. Alam ko no’ng mga panahong ‘yon na naiinis siya sa’kin dahil makulit ako. Patuloy ko lang na ginawa ‘yon hanggang sa sabay na kami nagre-recess. Natutuwa ako kapag napapatawa ko siya kahit pa ang tipid ng tawa at ngiti niya at mas madalas niya akong sungitan.”
I chuckled. I can totally imagine her. Gano’n din kasi siya sa’kin.
“Ang tawag ko sa kanya noon ay Miss Einstein, dahil nga Science nerd siya. Tapos one time, nagkaro’n kami ng activity sa Science na by partners. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kay Roma kaagad ako. Syempre do’n na tayo sa matalino para safe. Praktikal lang,” he said then he laughed.
“Topic namin no’n ‘yong Food Web. Dahil nga bobo ako sa Science at sa drawing, hinayaan ko siyang gawin lahat. ‘Yong drawing visuals, saka ‘yong written report. E ‘di hayahay ako no’n. Pero ‘yon ang akala ko,” he said then I raised my eyebrows.
“May revenge pala sa’kin ang bruha. Ako pala magre-report no’n lahat sa unahan. Kapag tumanggi naman ako, tatanggalan niya ako ng credits. E ‘di wala akong grades kapag nagkataon. Kaya no choice ako, brad. Ako nag-report sa unahan kahit patanga-tanga ako kasi kahit ako hindi ko maintindihan ‘yong nire-report ko,” he said.
“Alam mo pa kung anong mas nakakainis? Habang nagre-report ako na mukhang tanga sa unahan, ‘yong bruha na ‘yon ay pangisi-ngisi sa dulo na akala mo naisahan ako,” he added then we both laughed.
That lady is a bit cunning too. What an evil. I just can’t help laughing, ‘cause I can totally imagine the thirteen-year-old her.
“Eto pa, one time naisip ko na subukan siyang landiin. Alam mo kung anong nakuha ko? Sakit ng katawan. Kapag bigla ko siya hinahawakan, pinipilipit niya braso ko. Kapag masyado naman akong malapit sa kanya at nainis siya, sinasapak niya ako. Panga pa ang tama, brad. Isang linggo ring masakit ‘yon,” he said while touching his jaw.
I have bitten my lips while imagining how strong her punch to be that painful. Poor Evan.
“Alam mo pinakamatindi? Guluhin mo na lahat, ‘wag lang ‘yong bangs niya. Kasi one time, na-curious ako kung anong meron sa noo niya at hindi na yata natanggal ang bangs niya. Tinangka ko siyang hawiin, pero mukha ko ang nahawi ng kamao niya, brad,” he said as he laughed.
“Gano’n kaimportante sa kanya ‘yong bangs niya,” he added as he shook his head.
“Pero, brad. Mabait naman siya. Kahit hindi halata sa karamihan. Kumbaga, pili lang kasi ‘yong pinapakitaan niya ng kabaitan niya. Kaya nga naging crush ko ‘yon eh,” he said.
I furrowed my brows, “What?”
“Crush ko si Roma noon. Alam niya ‘yon. Kaso tinawanan niya lang ako. Kala niya nagjo-joke lang ako. Pero hinayaan ko nang gano’n ang isipin niya. Saka crush lang naman talaga. Humahanga kasi ako sa mga cool na babae. Pero hindi gano’n ‘yong tipo kong maging girlfriend. Nakuha mo?” he said.
I nodded, “Yeah, I got you.”
“Baka kapag nagjowa ako ng gano’ng babae, bali-bali na katawan ko,” he joked.
“Kaya, brad. Kung seryoso ka na talaga talaga kay Roma, pakiusap lang. Panindigan mo. Kung hindi mo kaya panindigan feelings mo sa kanya, ngayon pa lang layuan mo na siya. Ayaw namin siyang makikita isang araw na iiyak tapos ikaw lang ang dahilan. Usapang matino ‘to, ha,” he said. And this time, he’s freaking serious. I can feel the sincerity through his eyes and his aura.
---
I finally arrived on Roma’s house. Pinapasok na ako ng kapatid niya at dumeretso na ako sa kuwarto niya.
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakayuko sa study table niya.
“Roma?”
I called her thrice but she’s not responding. Naisip kong silipin siya at nakita kong natutulog siya. Ipinatong ko na lang sa gilid ng table niya ang pasalubong ko sa kanya.
Then I stared at her while a smile was plastered on my face. She looks like soundly asleep. I slowly put my hand near her face and gently put away some of her hair covering her face.
The tigress looks like a cute little kitten when sleeping. I wonder if she already eaten but I don’t want to disturb her sleep either.
I just realized, she may not be my type of girl. But she did have gotten the piece of my heart. And hoping that one day, she’ll realize it.