December 24, Christmas Eve ngayon. Nanonood lang ako ng TV sa sala kasama ang mga kapatid ko. Sina Mama at Papa naman ay namimili ng mga ihahanda namin sa Noche Buena.
Kararating ko lang dito kaninang umaga dahil kinausap ako ni Sir Michael na umuwi muna ako rito sa’min dahil mamayang hapon ang flight nila papuntang Germany. Doon kasi sila magpa-Pasko hanggang New Year.
Mayamaya naman ay may narinig kaming kumatok.
“Roma?” sambit ng kumakatok.
Nagkatinginan kami ng mga kapatid ko, “Hanap ka, Ate. Kaya ikaw na magbukas,” sambit ni Reine.
Tumayo naman ako at tumungo sa pinto.
“Chester.”
“Hi, Roma,” bati niya. Tapos ay pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa sala.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“I just wanna ask you to go out with me. Is it okay?” tanong sa’kin ni Chester.
“Uhm, oo naman,” sambit ko.
“Great. So, can we go now?” alok niya.
Nag-isip muna ako sandali bago tumango, “Okay, sige. Magbibihis lang ako.”
Tumayo na ako at pumasok sa kuwarto. Nagsara muna ako bago pumili ng damit na isusuot. Nagsuot lang ako ng pulang t-shirt, skinny jeans, high cut black and white Converse, at brown na Beret hat. Nagdala lang ako ng maliit na sling bag na kulay itim para lagyan ng phone at wallet, tapos ay lumabas na ako.
“Okay na ako,” sambit ko kay Chester.
Tiningala niya ako at binigyan ng matamis na ngiti.
---
Dinala niya ako sa isang coffee shop. Pagpasok namin ay marami-rami ang taong nandito.
“Naku, wala akong makitang available na upuan,” sambit ni Chester habang palinga-linga.
“May second floor naman ‘to, ‘di ba?” tanong ko.
“Yes. Sa taas na lang?” sambit niya.
Tumango ako, “Punta ako sa taas para humanap ng table,” sambit ko.
“Okay sige. Ako na lang pipila para um-order. Anong gusto mo?” sambit niya.
Napatingin ako sa menu board na nasa counter. May kalayuan kami mula ro’n dahil may kahabaan ang pila.
“Uhm, hindi ako makapili. Ano bang puwede?” tanong ko.
Natawa siya nang kaunti, “Sige ganito na lang. What do you want? Frappe, cold, or hot coffee?” sambit niya.
Nag-isip ulit ako habang nakatingin sa counter.
“Frappe na lang,” sagot ko.
“Food. What do you want? Desserts lang ang meron sila,” sambit ni Chester.
“Oreo cake?” sambit ko.
“Okay noted,” sambit niya.
“Sige, taas na ako,” paalam ko sa kanya.
Iniwan ko na si Chester sa pila at umakyat sa second floor ng café. Akala ko wala na akong makikitang bakanteng table sa dami ng tao pero masuwerte ako’t nakakita pa rin ako sa bandang dulo katabi ng glass wall.
Agad akong pumunta sa bakanteng table. Round table ito na gawa sa kahoy. Two-seater lang ito at ang upuan ay kulay grey, at malambot din ito dahil gawa ang sandalan at mismong upuan nito sa foam.
Umupo na ako at pinagmasdan ang paligid. Malamig dito dahil air-conditioned ang lugar. Wooden brown at black ang motif ng café. Pagtingin ko sa glass wall ay nakita ko ang mga sasakyan at tao mula sa ibaba sa labas na tila kasingliit na lang ng langgam.
Sa tingin ko matatagalan pa nang kaunti si Chester sa pila dahil may kahabaan ‘yon. Kaya naman nilabas ko ang phone ko para maglibang nang kaunti.
Bigla namang nagdagsaan ang messages sa group chat naming magkakaibigan nang buksan ko ang mobile data ko.
PULUBI CLAN
Josephine: sent a photo.
Picture na magkasama sila ni Evan sa bahay nila habang naghahanda para sa Noche Buena.
Josephine: Kayo? Send naman kayo ng pics kung anong ginagawa niyo ngayon. HAHA
Alicia Joy: sent a photo.
Si AJ naman ay kasama ang mga kapatid niya na nanonood ng TV habang nakain ng chips.
Myla Jeyra: sent a photo.
Si Jeyra naman ay nag-send ng picture na nag-aayos ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree nila kasama ang mga kapatid at pamangkin niya.
Josephine: Hoy, Roma! Ikaw? Send pics! Dali!
Natawa lang ako. Mayamaya ay nakita kong dumating na si Chester na dala ang orders namin at umupo na siya sa bakanteng upuan sa tapat ko.
“Here’s yours, young lady,” sambit niya habang hinahain ang orders ko sa tapat ko.
Naisip ko namang buksan ang camera ko at palihim na kinuhaan ng picture si Chester at ni-send sa GC namin.
Nag-wow reacts naman silang lahat sa picture ni Chester na ni-send ko.
Josephine: Ayiiee, Romaaa!! Taksil ka!! Alam ba ‘yan ni Fafa Caden?! ???
Roma Cassandra: ?????
Myla Jeyra: Wag mo kaming daanin sa emoji! Isa kang salawahan! ?
Alicia Joy: Hindi namin alam na playgirl ka pala ha. Ikaw Roma, ha. ?
Roma Cassandra: Mga sira ulo. HAHAHA ?
Josephine: Pero infairness! Ampogii ni Fafa Chester kahit stolen! ???
Tawa lang ako nang tawa sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan kong baliw.
“It seems like you’ve read something funny,” sambit bigla ni Chester.
“Ah oo. Mga kaibigan ko. Sa GC namin. Sorry,” sambit ko tapos ay binaba ko sa table ang phone ko.
Natawa siya nang bahagya, “It’s okay.”
“Gaano mo na sila katagal kaibigan?” usisa niya.
Nilunok ko muna ang ningunguya kong cake bago magsalita.
“Si Evan, since grade seven. Si Josephine, since grade eight, tapos sina AJ at Jeyra naman ay mula grade nine,” sagot ko.
“Oh. That’s great. I think they are great people like you. Kasi sa tingin ko, hindi ikaw ‘yong nakikipagkaibigan sa isang tao kapag alam mo na? Bad influence?” sambit niya.
“Ah oo. Sa totoo lang, hindi talaga ako friendly. Sila mismo ang lumapit sa’kin hanggang sa ma-realize kong kaibigan ko na sila,” sambit ko.
“At masaya akong nakilala ko sila,” dagdag ko pa.
Napansin ko naman ang pagtitig sa’kin ni Chester habang nakapalumbaba. Nakaramdam bigla ako ng pagkailang.
“B-bakit?” tanong ko.
Umiling siya, “You really like them, don’t you?”
Tumango lang ako bilang sagot.
“Halata naman. The way you look while you’re talking about them. You seem so grateful,” sambit niya.
Ngumiti lang ako sabay tango.
“How about me? Are you also happy that you met me?” tanong niya.
Nabigla ako sa naging tanong niya at nag-isip ako sandali.
“Oo naman. Naging mabuti ka naman sa’kin. Kaya…masaya rin ako na nakilala kita,” sambit ko tapos ay sumubo ako ng cake.
Napansin ko naman ang pagtitig na naman niya sa’kin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“Chester?”
Doon na lang siya natauhan, “Oh I’m sorry. I-I’m just happy for what you’ve said,” sambit niya habang nangingiti-ngiti.
---
Pagkatapos namin sa café ay nagpunta pa kami sa mall. Naglibot pa kami ro’n habang namimili siya ng mga ireregalo niya raw sa mga kaibigan niya.
Napapanganga ako sa mga presyo ng binibili niya. Siguro mga mayayaman din ‘yong mga kaibigan niyang ‘yon kaya ganoon na lang kamamahal ‘yong mga binili niya.
Sinasabi niya rin sa’kin kung para kanino ‘yong mga binili niya at tinatanong din niya ang opinion ko sa ibang mga items lalo na kapag pambabae.
Minsan napapakamot na lang ako sa batok ko kasi minsan hindi ako maka-relate gaya ng shade ng lipstick, amoy ng pabango, at alahas. Ano bang alam ko sa mga ‘yon? Ni hindi nga ako nagamit ng mga gano’n.
Ala singko na ng hapon nang natapos kami sa mall. Nasa kotse na kami at nagda-drive na siya para ihatid ako sa’min.
Makalipas ng kinse minutos ay nakarating na kami sa’min. Si Caden kaya? Ano kayang balita sa isang ‘yon? Para naman kasing kabute ‘yon. Lilitaw na lang bigla.
Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Chester.
“Wait.”
“Bakit?” tanong ko.
“I have something for you,” sambit niya. Tapos ay may kinuha siya sa backseat.
“Here. For you. Merry Christmas, Roma,” sambit niya nang may ngiti habang iniaabot sa’kin ang isang bagay na nakabalot sa Christmas wrapper.
Kahit medyo nahihiya ako ay tinanggap ko na lang ang regalong binibigay niya.
“Nag-abala ka pa. Eh wala naman akong regalo para sa’yo,” sambit ko.
“It’s okay. It’s enough for me that I have gone on a Christmas date with you. I am already happy with that, Roma,” sambit niya.
Nakatitig siya sa mga mata ko habang nakangiti. Napaiwas naman ako ng tingin dahil naiilang na rin ako.
“S-salamat, Chester.”
Pagbaba ko ng sasakyan ay nagpaalam na siya sa’kin bago siya umalis. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.
Nakita kong nagluluto si Mama sa kusina kasama si Reine tapos nasa sala naman sina Papa at ang mga kapatid kong lalaki.
Dumeretso ako sa kuwarto at binuksan ang regalo sa’kin ni Chester.
Nandilat naman ang mga mata ko at napanganga sa nakita ko pagbukas ko ng regalo.
“Isang nine by twelve inches na sketchpad. Isang set ng drawing pencils na iba’t ibang type. Pantasa, eraser, at meron ding isang set ng Unipin pens na iba’t iba ang size ng pen tips,” mangha kong sambit habang tinitingnan ang mga ito isa-isa.
---
Alas dose na ng madaling araw. December 25, Noche Buena. Masaya kaming nagsalu-salo sa hapag-kainan. Pagkatapos kumain ay nag-set up si Papa ng videoke at nagkantahan sila habang nanonood lang kami ni Mama.
Natuon naman ang atensyon namin sa biglang pumasok.
“Caden?” pagtataka ko.
“Merry Christmas!” bati niya sa’min.
“Merry Christmas, Caden!” bati naman ng pamilya ko sa kanya.
Tapos ay umupo siya sa tabi ko. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Trespasser talaga ang isang 'to.
“Akala ko ba flight niyo na kaninang ala sais ng hapon?” pagtataka ko.
“Oo nga. Pero hindi ako sumama,” sagot niya.
“Bakit naman?”
Nagkibit-balikat lang siya sabay ngiti.