Ilang araw nang hindi napunta sa kuwarto ko si Caden para mambulabog, ni hindi rin nangungulit sa calls and messages. At hindi rin kami nagpapang-abot sa bahay.
Kaya naman ginamit ko ang pagkakataong ‘to para makapag-focus sa mga manga na ginagawa ko.
Pero minsan iniisip ko kung ano kayang ginagawa niya? Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Gano’n ba siya ka-busy para hindi magparamdam?
Natigilan ako sandali at napailing. Bakit ko ba siya iniisip? Kailan pa ako naging concern sa tukmol na ‘yon? Umayos ka nga, self.
Nasa school ako ngayon at walang teacher. As usual, ‘yong Values teacher namin, wala pa. Dalawa lang ‘yan. Either late lang siya o hindi na naman siya pupunta.
Bigla namang tumunog ang phone ko hudyat na may nag-chat. Agad ko naman ‘yong kinuha sa bulsa ko at tiningnan.
Messenger
Bridgette Clemente wants to connect with you.
“Sino ‘to?” tanong ko sa sarili ko habang nakakunot-noong tinititigan ang notif sa phone ko.
Pinunta ko sa message request ang messenger ko para makita ang nag-chat.
Bridgette Clemente:
Hoy! Ikaw! Are you the one whose flirting with Chester?!
Sumagot ka! Or else I’ll kill you, you motherfucking b***h!!!
Layuan mo si Chester!! Kung ayaw mong ubusin ko ‘yang buhok mong bruhang malandi ka!!!
Napakunot ang noo ko sabay ngiwi. Napaisip ako sandali. Teka, Bridgette? ‘Yong ex-girlfriend ni Chester?
Kin-lick ko kaagad ang Block. Ayaw ko ng g**o. Isa pa, hindi ko nilalandi si Chester. Siya ang nalapit sa’kin. Problema ng babaeng ‘to?
---
Tapos na ang klase at naglalakad kami ng mga kaibigan ko palabas ng school. Nagkukuwentuhan sila, habang nananahimik naman ako.
“Roma!”
Napatingin ako kay AJ nang tinawag niya ‘ko.
“Bakit?” tanong ko.
“Problema mo na naman?” tanong niya.
Umiling ako, “Wala.”
“Ayan ka na naman sa wala. Roma, kaibigan mo kami. ‘Wag mo sana kalimutan,” sambit niya nang may malumanay na ngiti. Ngumiti lang din ako sabay tango.
Nasa labas na kami ng school nang napahinto ako dahil may babaeng humarang sa’kin.
“So, you’re Roma Cassandra Martinez,” mataray na sabi ng babae.
Tiningnan ko ito, “Bridgette?”
“Hah! Mabuti naman at kilala mo ‘ko. At dapat naman talaga!” taas-kilay nitong sambit sa’kin.
Nakasuot siya ng itim na heels, tube dress na fuschia pink na hanggang hita at fit sa katawan.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo, “Ano bang nagustuhan sa’yo ni Chester? Hindi ka naman maganda! At mukhang hindi ka rin naman mayaman dahil sa isang bulok na public school ka lang nag-aaral!” mataray na sabi pa nito.
“Hoy, ikaw! Sino ka ba ha? Bakit mo inaaway ang kaibigan namin? Saka huwag mong matawag na bulok ang public school!” pagsingit naman ni Josephine.
“Huh! Kaibigan niyo kamo ang pobreng panget na ‘to?” mataray niyang sabi sabay turo sa’kin.
“Well, please tell to your bitchy friend na tigilan na ang panlalandi niya kay Chester and leave him alone,” seryosong sabi nito.
“Well, for your information, hindi niya nilalandi si Sir Chester dahil nililigawan talaga siya nito. Alam mo, miss, huwag ka masyadong pahalata na insecure ka. Walang gamot diyan!” pagtataray naman ni Josephine.
“What?! I can’t believe it! First of all, I’m not insecure, okay? There’s nothing to be insecure to this cheap girl! Besides, paano magkakagusto si Chester sa ganitong klaseng babae? Panget, pobre, baduy! Halos lahat ng nakarelasyon ni Chester, mga ka-level ko!”
“Ka-level mo? Isang basura na binalutan ng ginto?” pagtataray ni Josephine.
Susugurin na ni Bridgette si Josephine dahil napikon na siya rito. Hinarang ko kaagad ang braso ko at itinulak si Bridgette kaya’t napaatras ito.
“Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko. Ako ang kaaway mo, ‘di ba?” seryoso kong sabi at binigyan siya ng matalim na tingin.
“Ano? Lalaban ka na ba, ha?” paghahamon niya habang tinutulak-tulak ako. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya.
Hahablutin na sana niya ang buhok ko pero napigilan ko siya. Hinablot ko ang braso niya at pinilipit ito papunta sa likod niya.
“Ouch! What the hell are you doing?! It hurts!” reklamo ni Bridgette.
“Oo, mas maganda at mas mayaman ka kaysa sa’kin. Pero, hindi kita hahayaang manakit lalo na ng mga kaibigan ko. Panget at baduy man ako, hindi naman ako isang papansin at desperadang ex. Isaksak mo ‘yan sa utak mo kung meron ka ba no’n,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Roma!”
Napatingin ako sa tumawag sa’kin.
“Bridgette?” pagtataka nito.
“Chester! Oh my god! Look what this girl doing to me! Help me, please!” pag-iinarte ni Bridgette nang makita niya si Chester.
Bigla ko naman binitawan si Bridgette. At siya namang takbo papunta kay Chester at lumingkis.
“I’m glad that you came! She’s hurting me. I just wanna talk to her but she attacked me,” pagpapaawa nito.
Napaikot ko na lang ang paningin ko. Galing umarte ng babaeng ‘to. Artista ka?
“Why do you wanna talk to her?” tanong ni Chester sa kanya.
“Well, I saw your pictures with her so I want to confirm her relationship with you and all! Tapos sinugod na niya ‘ko ng gano’n!”
Napaikot na naman ang mga mata ko sabay iling. Ayos ah. Lakas maka-imbento ng kuwento. Hindi lang siya artista. Writer din siya. Grabe.
“Naku, Sir Chester! Huwag kang maniwala sa bruhang ‘yan! Sinungaling ‘yan! Siya ang sumugod kay Roma rito! Self-defense lang ang ginawa ni Roma,” sambit bigla ni Josephine.
“No! Don’t believe them, Chester! They’re lying!” kontra naman ni Bridgette.
“Bridgette,” sambit ni Chester.
“Yes, babe?”
“I know what happened,” sambit ni Chester. Napanganga naman ang bruha sa narinig niya.
“W-what?”
“Please leave. Right now. Don’t bother Roma anymore. Or else, I’ll bring you to police,” banta sa kanya ni Chester.
“No…babe, you can’t do this to me!” reklamo ni Bridgette na medyo basag na ang boses na tila paiyak na.
“Yes, I can do that to you. So next time, don’t bother her anymore. Roma wasn’t flirting me or even seducing me, or whatever. I just…I just love her. That’s it,” sambit ni Chester.
Pinandilatan siya ni Bridgette ng mata, “I f*****g hate you, Chester! Magsama kayo ng bitchesang ‘yan!”
At tuluyan nang nag-walk out si Bridgette nang may mga luha sa mata.
Nang tuluyang makaalis si Bridgette ay nilapitan ako ni Chester at hinawakan sa magkabilang balikat.
“Are you okay? Did she hurt you?” pag-aalala niya.
Umiling ako, “Hindi. Okay lang ako.”
“Hatid na kita?” alok niya.
---
Pagkatapos ng halos sampung minutong drive, nakarating na kami sa’min. Inihinto na ni Chester ang sasakyan sa tapat ng mansyon.
“Roma.”
“Hmm?”
“I’m sorry for what happened. Don’t worry, I won’t let it happen again,” sambit niya.
“Okay lang. Hindi ko naman iniisip na kasalanan mo. Isa pa, kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko,” sambit niya.
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil nang marahan. Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti.
Mayamaya ay lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa noo.
Paglayo niya sa’kin ay ningitian niya ‘ko.
Nagpaalam na ako sa sa kanya bago ako bumaba sa sasakyan niya. Umalis na rin siya ulit dahil babalik pa siya sa office.
Pumasok na ako sa loob at nagbihis kaagad ako ng pambahay sa kuwarto ko. Wala pang tao dahil maaga pa. Alas dos pasado pa lang ng hapon.
Pagkabihis ko ay pabagsak akong humiga sa kama at nag-cellphone. Tamang scroll lang sa newsfeed. Nagre-react ako sa ilang posts na nakikita ko, tapos pag nakakita ng meme, share ko na rin.
Mayamaya ay napahinto ako sa pag-scroll nang may nakita akong post na umagaw ng atensyon ko.
Rendel Caden Morgenstern was tagged in a post.
Kristin Garcia is with Rendel Caden Morgenstern.
Posts na pictures nilang dalawa sa Freedom Park sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. May hitsura ‘yong babae. Payat, maputi, chinita, at hanggang balikat ang buhok.
Ang saya-saya nilang dalawa sa pictures. Napahinga ako nang malalim tapos parang nanikip ang dibdib ko.
Eto pala ang pinagkaka-busy-han ng hunghang na ‘yon, ha? Nakikipag-date ba siya sa iba? Aba, magaling!
Tumawa ako nang pagak, “Ayos din pala ‘tong kumag na ‘to. Suma-sideline!”
Tumawa ulit ako nang pagak, “’Wag siyang makapasok-pasok dito mamaya.”
Nag-log out na ako sa f*******: at nagpunta sa anime site na pinapanooran ko. Manonood na lang ako, mabuti pa.
Habang nanonood naman ako, bigla namang tumawag si Caden. Napakunot naman ang noo ko tapos ay umirap ako sa kawalan bago sagutin ang tawag.
“Oh.”
“Hello, honey,” sambit nito sa kabilang linya.
Napangisi naman ako sabay igting ng panga. Honey your face.
“Bakit?” tanong ko.
“Pauwi na ako diyan. May gusto ka bang ipabili? Foods?” tanong niya.
Tumawa ako nang pagak sa isip ko.
“Ah oo sige. Bili mo ‘ko ng isang large-sized pizza. Ham, cheese, mushroom, at pepperoni lang dapat ang toppings at dapat thin crust. Isang medium sized milktea, large fries cheese flavored. At isang slice na rin pala ng chocolate cake,” sagot ko.
“Woah. That’s too much. Daig mo pa ang naglilihi.”
“Hindi ako naglilihi. Stress eating ang tawag diyan.”
“Stressed?”
“Oo, bakit? Hindi ba ako nai-stress?”
“No, I didn’t say that. Tell me, are you on your period?”
Nandilat naman ang mga mata ko, “Tama na satsat, okay? Kung ayaw mo bumili, e ‘di ‘wag.”
“Okay, okay. Bibili na po, mahal na reyna,” sambit niya bago ibaba ang tawag.
“Bahala ka diyan,” bulong ko sa sarili ko at tinuloy ko ang panonood ko.
Matapos naman ng limang episode ng anime na pinapanood ko ay bigla na lang pumasok si Caden sa kuwarto ko at nakita ko ngang dala niya ang mga request ko.
“Eto na po ang request niyo, mahal na reyna,” sarkatisko niyang sabi.
Tapos ay ipinatong niya ‘yon sa study table ko.
Ni-pause ko muna ang pinapanood ko at tumayo para tingnan ang mga binili ni Caden. Aba, tama lahat ng binili niya.
“Ayos ah,” sambit ko.
Kinuha ko ang isang box ng pizza at kinain ko ‘yon sa kama ko. Hmm! Ang sarap! Nanunuot ang lahat ng lasa ng ingredients ng pizza sa bibig ko lalo na ‘yong cheese.
Umupo naman sa tabi ko si kumag at napansin ko naman na nakatitig siya sa’kin habang nakangiwi.
“Oh bakit?” maangas kong tanong.
Umiling lang siya bilang tugon. Inirapan ko naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.
“So, kumusta naman?” tanong niya. “hindi ka na ba stressed?”
“Ah, okay naman. Ikaw?” sagot ko.
“Ha?”
“Mukhang busy ka nitong mga nakaraang araw.”
“Ah yes. We are working on a project right now,” sagot niya.
“Project? Ang project niyo ba ay dating?”
Napakunot-noo siya, “What?”
“Wala. Nevermind.”
“Dating? You assumed that I am seeing someone?” tanong niya.
“Hindi ba? ‘Yong Kristin ata ‘yon?”
Nakakunot-noo lang siya habang nakatingin sa’kin na mukhang naguguluhan.
“Nakita ko lang ‘yon sa f*******: kanina. May pictures kayo,” sambit ko habang kumakain pa rin ng pizza.
“Ah, si Kristin! Oo, blockmate ko ‘yon. ‘Yong project namin, per partners ‘yon. Naka-break lang kami no’n kaya nakapag-picture siya,” paliwanag ni kumag.
Tumango-tango lang ako habang nakain pa rin ng pizza.
“Wait, don’t tell me… you’re jealous?”
Napaubo naman ako sa sinabi niya dahil naramdaman kong nabulunan ako. Inabot naman kaagad sa’kin ni Caden ang milktea at humigop ako hanggang sa humupa ang pagkakabulon ko.
“Woah. Sinasabi mo diyan? Ako? Magseselos? No way,” sambit ko.
“My fiancée was jealous. How cute,” pang-aasar niya.
Tumawa ako nang pagak, “’Wag ka ngang assuming diyan. Hindi ako nagseselos. At never akong magseselos.”
“Then, why are you acting like that?”
Huminga ako nang malalim at nilapag sa mesa ang mga pagkain ko.
“Alam mo, brad. Inaalam ko lang. Kasi ang ang alam ko, si Kiara ang gusto mo. Tapos, engaged pa tayo… ‘Yon lang,” paliwanang ko.
“Talaga? ‘Yon lang?” tanong niya habang nakangisi sa’kin.
“Oo!”
Ngumisi pa siya lalo na kinaasar ko naman.
“Tama na—“ sambit ko sabay hampas sa dibdib niya pero nahawakan niya ang braso ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa’kin, “How cute.”
Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya. Namalayan ko na lang na nasakop na ng labi niya ang mga labi ko.
Napapikit na lang ako habang nararamdaman ang paghalik niya. Heto na naman ‘yong pakiramdam ng panginginig at parang nanghihina.
Nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang may nagkakarera sa loob. At kahit may aircon dito sa loob ay parang mabanas pa rin.
Habang lumalalim ang paghalik niya ay napakapit ako nang mahigpit sa damit niya. Habang ang mga kamay naman niya ay nasa likod ko.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang mga labi ko at nang idilat namin ang aming mga mata ay tinitigan niya ‘kong muli.
“Uhm. K-kuha lang ako ng tubig sa baba,” palusot ko.
Tumango naman siya na para bang natauhan na rin sa ginawa niya. Agad naman akong tumayo at lumabas ng kuwarto.
Paglabas ko ay napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko sabay hinga nang malalim habang nanginginig pa ang mga tuhod ko.
Natulala pa ako ng ilang sandali. Ano ‘yong nangyari kanina?