Automatic na bumangon na ako mula sa hinihigaan ko. Alas kuwatro na ng umaga, ang araw-araw kong gising kapag may pasok.
Bigla ko tuloy naalala 'yong nangyari sa'kin noong isang araw.
Muntik na 'kong masaksak ng ice pick! Nang makita ko 'yon, nablangko ang isip ko. Kaya masasaksak na sana ako nang biglang may dumating.
Nahawakan niya 'yong ice pick at inagaw ito mula doon sa lalaki. Tapos ay sinipa niya ito sa mukha. One hit lang, lupasay na. Sino kaya ang lalaking 'yon?
Siguro nga medyo totoo ang pamahiin na lapitin ng disgrasya ang mga taong magbi-birthday.
Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko ang buong pamilya ko sa hapag-kainan.
"Happy birthday, ate!"
Sabay-sabay nilang bati sa'kin. Yeah, right. Today is my 17th birthday. Tumanda na naman ako. Ningitian ko lang sila bilang pasasalamat.
"Anong ganap?" tanong ni Reine.
Napataas ako ng kilay, "Ganap? Tss, gaya lang ng dati, wala. Lilipas din naman ang araw na 'to," sambit ko matapos kong maglagay ng sinangag at sunny side-up egg sa plato ko.
Wala silang alam tungkol sa nangyari sa'kin noong isang araw. Mag-aalala lang kasi sila. At wala talaga akong planong sabihin 'yon kahit kanino.
Ayoko ng may nag-aalala ng husto sa'kin. At lalong ayoko na may mag-isip na mahina ako.
As usual, maaga akong nakarating sa school. Agad naman sumalubong sa'kin ang mga kaibigan ko. Hinihintay nila ako sa tapat ng classroom ko.
"Happy birthday, Roma!" sabay-sabay na bati nilang apat sa'kin.
Ngumiti ako, "Salamat."
"Nagbi-birthday ka pala? Akala ko singaw ka lang eh," pang-aasar sa'kin ni Evan kumag.
Inirapan ko lang siya pero natawa din ako.
"Anong wish mo ngayong birthday mo?" usisa ni Phine.
"Wish? Hindi ko naman ugaling humiling eh," sagot ko.
"Ay gano'n?" sambit niya sabay pout. "Lovelife ayaw mo?"pahabol na tanong pa niya nang nakangiti.
Natawa ako, "Hindi rin. Isa pa, ang alam ko napag-usapan na natin 'to? Magbo-boyfriend lang ako kapag may boyfriend na si Jeyra." sagot ko.
Napangiwi naman si Jeyra sa sinabi ko. Totoo naman. Napagkasunduan namin 'yong tatlo last year, na magbo-boyfriend lang kami ni AJ pag nauna na si Jeyra. Mga kalokohan talaga.
"Naku, sigurado ako, tatanda kang dalaga niyan, Roma," tapos ay bumulalas ng tawa si Evan.
Tinapunan na naman siya ni Jeyra ng matalim na tingin sabay kurot sa tagiliran nito. 'Di namin naiwasang matawa nang umangal sa sakit si Evan. Sira ulo talaga.
Naalala ko tuloy ‘yong nangyari sa’kin no’ng isang araw.
Sasaksakin na ako ng ice pick. Nang biglang may dumating.
Isang lalaki. Hinawakan niya 'yong ice pick at nakipag-agawan doon sa lalaki.
Nang maagaw niya ito ay sinipa niya ito sa mukha. Agad naman itong bumulagta.
Nagkatitigan pa kami sandali kaya 'di ko pa nalilimutan ang hitsura niya.
Mukhang 'di nalalayo ang edad niya sa'kin. Matangkad siya. Ang tantsa ko, mga nasa 6 feet ang taas niya. Katamtaman ang pangangatawan, maputi, at chinito.
Agad ko siyang mamumukhaan kapag nagkita ulit kami.
"Miss, okay ka lang?" tanong niya.
Tumango lang ako bilang sagot. Mayamaya'y tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad.
Nakarinig ako ng buntonghininga mula sa kanya.
"Thank you ha? Thank you!" sarkastikong sambit niya.
Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko.
Gusto ko naman talaga magpasalamat, kaso ayaw lumabas mula sa labi ko ang mga salitang 'yon.
Hindi ko talaga ugaling magpasalamat sa mga lalaki. Ayokong nagkakaroon ng utang na loob mula sa kanila. Kaya nga nagpapalakas ako para 'di na 'ko umasa pa sa iba.
Naiinis ako sa sarili ko. Kung nagawa ko sanang mailigtas ang sarili ko. Siguro nga mahina pa 'ko. Kainis.
Mabilis na lumipas ang oras at awasan na naman. Paglabas ko pa lang ng pintuan ay sinalubong na nila ako.
"Anong plano natin?" tanong bigla ni AJ. Napakunot-noo naman ako.
"Birthday mo ngayon 'di ba? Celebrate naman tayo," sambit ni Jeyra.
"Celebrate?" kunot-noo kong tanong.
"Oo. Tara!" sambit naman ni Phine na mukhang excited.
Hinawakan ako ni Phine sa kaliwang braso at si AJ naman sa kanan. Tapos lumabas na kami ng school. Hinayaan ko na lang sila. They're my bestfriends after all. Kahit pa hindi ako interesado sa sarili kong birthday, gusto ko pa rin naman i-celebrate ang birthday ko kasama sila.
Wala namang masama, 'di ba?
Nagpunta kami sa isang mall. Malapit lang ito sa school. Mga sampung minutong lakad siguro. Mukhang gusto nila ng gala ngayon ah.
Una nila akong hinila sa isang boutique na naroon. Enjoy na enjoy magsukat at magtingin ng mga damit. Ako, tinitingnan ko lang ang mga presyo ng mga natitipuhan ko'ng damit. Mga simpleng t-shirt lang na wala gaanong design.
Sumunod naman ay arcade. Punuan doon sa may Tekken. Buti pa si Evan nakasingit doon at nag-e-enjoy na sa paglalaro. Nag-basketball na lang kaming apat. Pataasan ng points. Ang talo, siya manlilibre!
As usual, talo si Phine. Lambutin kasi. 'Di ko rin naman siya masisisi dahil sa aming apat, siya 'yong may 'lady-like' manner.
"Hala, ako 'yong talo. Wala naman akong pera," sambit niya.
"E bakit kasi sumali ka pa sa pustahan namin?" tanong naman ni AJ.
"E baka kasi isipin niyong KJ ako." sambit niya na parang bata.
"Kung wala kang pera, e di si Evan na lang. Tutal boyfriend mo naman siya eh," sambit naman ni Jeyra. Natawa naman kami ni AJ dahil napansin namin na nakangiting tagumpay itong kaibigan namin.
----
"Ngayon lang ako manlilibre ha. Pasalamat ka, Roma at birthday mo," sambit ni Evan na mukha talagang napilitan lang na ilibre kami.
Kuripot kasi talaga ang isang 'yan. O nagkukuripot lang talaga siya para may pan-date sila ni Phine.
Kumakain kami ngayon dito sa food court ng mall. Marami-rami din ang mga tao rito ngayon. At naghahalu-halo na ang ingay ng paligid kaya't mabuti naman at nagkakarinigan pa kami kahit papaano.
Matapos naming kumain ay nagpasya kaming magpunta sa department store. Eh window shopping lang naman ang ginagawa namin.
Habang busy na silang magtingin-tingin, nilapitan ko si AJ at sinabi kong magsi-CR lang ako. Tapos ay lumabas ako ng department store. Malapit lang ang CR dito kaya't nakarating agad ako.
Pagpasok ko ng ladies' CR, may napasukan naman agad akong bakanteng cubicle.
At dahil umihi lang naman ako, saglit lang at lumabas din ako. Paglabas ko naman ng cubicle, nagulat naman ako sa dami ng babaeng nandito.
Kaya pala ang ingay dahil sa mga nagtatawanan at nagchi-tsismisan. Halos lahat sila ay nagre-retouch dito. Wala talaga akong kahilig-hilig sa mga ganyan. Hindi lang talaga ako conscious sa mukha ko.
Paglabas ko ng CR, may nabunggo naman ako. Isang lalaking papunta naman sa men's CR.
"Ikaw?" sabay naming tanong sa isa't isa.
"Ikaw 'yong lalaki..." mahina kong sambit. Hindi ko inaasahan na magkikita kami dito.
"Oo. At ikaw naman 'yong babaeng 'di marunong mag-thank you." sambit niya na may pagka-sarcastic.
Napa-poker face na lang ako sabay iling at umalis. Alam kong 'di magandang ugali ang hindi pagsasabi ng salamat, pero ayoko talaga eh. Feeling ko maaapakan ang pride ko at lalo lang tatatak sa isipan ko na mahina ako kaya't nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya.
Pagpasok ko ng department store, nakita ko silang magkakasama sa isang tabi.
"Ano? Success ba ang pagbabawas?" nang-aasar na tanong ni Evan.
"Shunga. Oo. Pagbabawas ng tubig sa katawan," sambit ko.
"Roma. Ta-da!" sambit ni Phine sabay may ipinakita sa aking isang cellphone bling.
Kulay pink ito na bilog na nababalutan ng malambot na fur.
"Meron kami lahat nito!" sambit pa niya sabay pakita nila sa'kin.
Purple kay Jeyra, blue naman kay AJ, at black naman kay Evan!
"Uy, gusto ko 'yang kulay black!" pagde-demand ko.
"Ehh...ayoko nga. Walang gayahan ng kulay, Roma. Pumili ka ng sa'yo doon," sambit naman niya sabay turo sa may counter. Oo nga, naka-display ang mga ito sa tabi.
Nagsimula na akong mamili at sandali lang ay may napili rin ako. Aha, eto na lang red. Next fave color ko 'to sa black.
Dadamputin ko na sana nang biglang may humarang na kamay.
"Ikaw na naman?" sabay naming sambit. 'Yong lalaki na naman? Napabuntonghininga ang lalaki nang may ingay.
"Okay, ladies first," sambit niya pero halata ko namang napipilitan siya.
At dahil sinabi niya 'yon, kinuha ko na 'yong bling tapos ay tumalikod na 'ko para umalis.
"Thank you!" sarcastic niyang sabi.
Si Evan ang nagbayad ng bling ko. Regalo daw nila sa'kin 'to ngayong birthday ko.
Matapos naming gumala ay agad na akong umuwi.
Pagpasok ko pa lang ng bahay, nadatnan ko na sila Mama at Papa sa sala. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan.
"O, bakit ngayon ka lang? Ala una ang awas mo ah?" tanong agad sa'kin ni Papa.
"Kasama ko classmates ko. Naggala kami," sagot ko.
"E ikaw? Alas kuwatro pa lang ho ah. Awas na ho kayo agad?" tanong ko naman. 5:30 ng hapon kasi talaga ang uwi ni Papa.
"Ah...tungkol nga pala do'n, Roma..." sambit ni Papa. Nagtinginan muna sila ni Papa. Ang seryoso talaga ng dating nila. Parang kinakabahan ako ah.
May iniabot si Papa sa'kin na isang long folder. Kahit nagtataka, kinuha ko na lang 'yon. Binuklat ko naman ito at binasa ko ang laman nito. Mukhang personal data ito ni...
"Morgenstern, Rendel Caden Baltazar," pagbasa ko sa nakalagay na pangalan.
Eighteen ang edad...teka, walang picture?
"O, anong gagawin ko dito? Sino ba 'to?" pagtataka ko.
Nagkatinginan muna silang dalawa tapos ay bumuntonghininga si Papa.
"Siya ang magiging fiancé mo, anak," sambit niya.
"Ah...fiance."
Natigilan ako nang mapagtatanto ko ang narinig ko.
"Ano?! F-fiance ko?!"