Fourth Chapter: The Conflict

1402 Words
Lutang ang isip ko ngayon. Nagdi-discuss ang teacher ko pero walang pumapasok sa utak ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ‘yong sinabi sa’kin ng parents ko kahapon. Fiancé? Oo, binigyan nila ako ng fiancé! Halos sumabog ang puso ko kahapon dahil sa pinaghalong inis at pagkadismaya sa kanila. Hindi ako makapaniwalang sa kanila mismo nanggaling na mag-aasawa na ako. Pero alam niyo kung anong mas nakakadismaya? Ipapakasal nila ako ro’n sa Poncio Pilato na ‘yon dahil anak daw siya ng taong kinauutangan ni Papa. Oo, utang na naman. Walang kamatayang utang. Hindi ko alam kung gaano ba kalaki ang utang ni Papa sa taong ‘yon para mapilitan kaming gawin ‘to. Pero sabi ng parents ko nasa milyon na raw ‘yon at may chance na makulong si Papa. Kita niyo? Mukhang wala akong choice, ‘di ba? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko iimikin ang parents ko. Medyo masama ang loob ko sa kanila pero naaawa rin naman ako. Gulong-g**o ang utak ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko. "Ms. Martinez!" Nagulantang ako nang isigaw ng teacher ko ang pangalan ko. "Ano sa tingin mong ginagawa mo?" galit na tanong sa'kin ni Ma'am. Sa gulat ko, hindi na ako nakaimik at napatingin na lang ako sa desk ko. "Filipino ang subject natin ngayon at hindi Arts. Class, dismiss," sambit niya pagkatapos ay umalis na siya. Napatulala na lang ako sa drawing ko sa likod ng notebook. Gawain ko talaga mag-drawing pag nai-stress ako o kaya ay bored. "Roma!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Si Jacob lang pala. "Ano ba? Hindi mo kailangang sumigaw. Magkatabi lang tayo," inis kong sambit sa kanya. "Bakit ba?" tanong ko pa. "Anong bakit? Notebook ko kaya 'yang dino-drawing-an mo!" Pagkasabi niya no'n ay agad kong tiningnan ang notebook. Oo nga, 'no. Tapos ay ibinato ko sa mukha niya, "O ayan. Bakit kasi nakapatong sa desk ko?" iritable kong tugon. Nakita kong tiningnan niya 'yong drawing ko. "Kung gusto mo, punitin mo na lang," sambit ko. "Nagbibiro ka ba? Bakit ko naman pupunitin? Ang ganda kaya!" pagkamangha niya. E simpleng anime high school girl lang naman 'yong drawing ko. "Ang galing ng pagkaka-drawing mo. Tapos ballpen pa. Paano mag-drawing ng 'di nagkakamali gamit ang ballpen?" usisa niya habang sinisipat talagang mabuti 'yong drawing ko. "Hindi ko alam," tipid kong sagot. Totoo naman, eh. Nagagawa ko lang kasi 'yan kapag stressed o bored ako. Nagpanting naman bigla ang pandinig ko dahil sa narinig ko. "E 'di pakasalan mo!" Kaya't napatingin tuloy ako ng masama sa nagsalita. "Ayoko pang magpakasal!" sigaw ko. Gulat na napatingin sa'kin si Jacob, at 'yong nagsalita, si Eric. Nagtinginan sila at mukhang nagtataka sa inasal ko. "Anong problema mo? Si Jacob ang sinasabihan ko. Pakasalan niya kamo 'yong drawing mo. Maganda daw eh," paliwanag niya. Pakiramdam ko napahiya ako do'n. Hindi ko na lang pinahalata. Masisisi mo ba 'ko? Eh sa allergic ako sa salitang kasal at sa kahit anong may kinalaman doon. "Roma, request naman. Puwede mo ba akong ipag-drawing?'' sambit ni Jacob. Tiningnan ko lang siya. "Si Alleria, the Windrunner. Puwede ba? Please," sambit pa niya. "Sigurado ka? May bayad ang serbisyo ko baka akala mo," sambit ko. "Ano? Libre na lang," pagtutol naman niya. "Ungas. Wala nang libre sa mundo ngayon. Kung gusto mo, mangarap ka na lang. Libre 'yon," sambit ko naman. Napakamot lang siya ng ulo. "Sige na nga. Magkano ba?" tanong niya na mukhang napipilitan lang. "Singkwenta lang," sagot ko. "Ang mahal naman!" angal niya. "Black and white lang naman ang ipagagawa ko sa'yo eh. Sa isang 1/8 illustration board," dagdag pa niya. "Kung sa'yo ang illustration board, trenta na lang," tinatamad kong tugon habang tinitingnan ang mga kuko ko. "Deal," pagpayag niya. -- Habang naglalakad ako pauwi dito sa shortcut, nakatingin lang ako sa baba habang iniisip ang kalokohan ng mga magulang ko. Sabay bumuntonghininga ako nang may ingay. Tapos ay huminto ako. Gusto ko munang magpahinga. Mayamaya na 'ko uuwi. Umupo muna ako sa damuhan sa may gilid. Tapos ay tumingala ako sa asul na langit. Makalipas ang ilang sandali, nararamdaman kong may papalapit sa lugar kung nasaan ako. Yabag ng mga paa. Naalala ko tuloy 'yong nangyari sa'kin no'ng nakaraan. Hindi ko na ulit hahayaang mangyari pa 'yon. Pinakiramdaman kong mabuti 'yong yabag. Papalapit nga siya. Mula sa likuran ko. Ayan, malapit na siya. Kaya agad akong tumayo at lumingon. Nagulat ako sa kung sinong nakita ko. "Ikaw na naman?" sabay naming tanong sa isa't isa. 'Yong lalaki lang pala. Siya na naman? Napabuntonghininga na lang ako sa inis. "Lagi na lang tayo nagkikita. Nakatira ka siguro malapit dito, 'no?" sambit niya. "Ewan," bulong ko tapos ay umalis na lang ako. Badtrip ako. 'Wag niya akong kausapin. Isa pa, 'di ko naman siya kilala. Kahit pa niligtas niya 'ko no'ng araw na 'yon. Pagnakikita ko siya, lalo kong naaalala na mahina ako. Nakakainis. Pagkauwi ko, agad na akong nagbihis at sinimulan ang drawing na pinapagawa sa'kin ni Jacob. Tutal wala naman akong masyadong gagawin ngayon. At habang nasa mood pa akong gawin 'to. Habang nagdo-drawing ako, mag bigla na lang kumatok. "Roma." Si Mama pala. Dumungaw muna siya sa pinto bago tuluyang pumasok. "May kailangan po ba kayo, Mama?" tanong ko habang patuloy lang sa pagdo-drawing. "Anak, alam ko na...nabigla ka sa naging desisyon namin ng Papa mo. Hindi din naman namin gustong gawin 'yon eh. Kaya lang..." pagputol niya sa sinasabi niya sabay abot sa'kin ng dalawang letter sized brown envelope. Napahinto ako nang makita ko ang mga 'yon. Alam ko na kasi kung anong laman ng mga 'yon. "Ano na namang kaso sa kanya ngayon?" tanong ko. "Tingnan mo na lang," utos ni Mama. Kinuha ko 'yong isang envelope at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. "Paano siya nagkaroon ng kasong Perjury at Estafa? 'Di ba Sum of Money lang ang kaso niya?" pag-uusisa ko. Grade Five pa lang ako nang unang may nagpadala ng ganito sa bahay namin, sulat mula sa Municipal Trial Court. Noong una, hindi ko 'yon pinapansin kasi 'di ko pa alam ang tungkol dito. Sum of Money lang ang kasong nakalagay sa kanya. At ang nagsampa sa kanya ng kaso ay isang Lending company. Hindi ko na matandaan kung magkano ang utang namin ng mga panahong 'yon. Natigil ang pagpapadala ng nasabing sulat mula sa korte. Pero, noong Grade 8 ako, may nagpadala na naman. Ganoon pa rin ang kaso. Tapos natigil ulit. At ngayon nagpapadala na naman sila. At nadagdagan pa ang kaso niya. Pambihirang buhay 'to. "Ano naman 'to? Five million pesos?!" angil ko matapos kong mabigla nang mabasa ko ang kabuuan ng sulat. Napabuntonghininga ako sa inis, "Anak ng pating. Paano umabot 'to ng ganito kalaking halaga?!" sambit ko nang may inis. "'Yong ama mo kasi. Thirty years ago nagsimula 'yang utang na 'yan. Alam mo na, sugalero ang tatay mo. Naging kaliwa't kanan na ang naging utang niya. At no'ng halos 'di na niya mabayaran, tinatakasan niya 'yon. Malaki magpatong ng interes ang lending company na 'yon. Kaya ayan," paliwanang ni Mama. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. 'Di ko kayang magalit ng tuluyan dahil magulang ko pa rin siya. "So, anong kinalaman ng pagpapakasal ko dito?" tanong ko. "'Yong may-ari mismo ng lending company ang may gusto niyan. Kapalit no'n ay ang pag-urong ng mga kasong 'yan laban sa Papa mo. Ang ipakasal ka sa anak niya." Napataas ang mga kilay ko do'n. 'Di ko pa rin maintindihan? Bakit gugustuhin niya na makasal ang anak niya sa isang anak ng may utang sa kanya? Anong klaseng kokote meron siya? Sumasakit ang ulo ko. Ang g**o talaga. Napahagod ko na lang ang mga palad ko sa ulo ko. "Roma, alam mo naman na wala tayong pampyansa sa tatay mo pag nagkataon. At pagnakulong siya, sino nang bubuhay sa'tin? 'Di sapat ang sweldo ko bilang kasambahay sa inyong apat na magkakapatid. At kahit na makulong siya, babayaran pa rin natin 'yon," sambit niya. Sa g**o ng pag-iisip at sakit ng ulo ko, napapahimas na lang ako sa noo ko. "Gusto ko rin palang sabihin sa'yo na, gusto daw nilang makipag-meeting sa atin sa Sabado." Nabigla ako sa sinabing 'yon ni Mama, "Ngayong Sabado na?" Tumango lang siya bilang sagot at iniwan na niya 'ko. Napahilamos na lang ako ng mga palad ko sa aking mukha. Ano nang gagawin ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD