Pagdating ko sa covered court, sinalubong ako nina Mariya at Cheska. Kasama rin sina AJ, Josephine, Evan, at Jeyra.
“Tara na, Roma,” aya sa’kin ni Cheska.
Tapos ay nagpunta kami sa bandang silangang bahagi ng school at nakita naming naroon ang karamihan ng mga tao. Nang makalapit kami sa section namin, nakita kong ang players ay naka-ready na sa starting line.
“Dahil wala tayong oval, ang magsisilbing racing track ay itong daan paikot ng school. Ang unang makabalik dito sa starting line na dala ang baton ay siyang panalo,” sambit ng emcee na naka-megaphone.
“Teka, paano makikita ang nagyayari sa ibang parte na paikot ng school?” tanong ko.
“May mga Student Council Officers na nakabantay paikot ng school. Sila ang magbabantay kung sakaling may violations man,” sagot ni Cheska.
“Ready…”
Nakapuwesto na ang dalawang players sa starting line matapos nilang mag-warm up.
“Set…”
Nakahanda na sila para sa pagbuwelo ng takbo.
“Go!” sigaw ng emcee sabay putok ng laruang b***l na may balang pulbura.
At pareho nang tumakbo ang magkatunggaling players habang hawak ang kanilang baton. Narito kaming buong klase para mag-cheer sa classmates naming players. At sa kabilang banda naman ay nagchi-cheer ang Team Mariyanatics. Desperado talaga silang makakuha ng halik kay Mariya.
“Roma,” bulong sa’kin ni Josephine sabay kalabit.
“Kasama mo pala si Sir Chester,” sambit niya.
“Ah oo. Nagulat nga ako nang pinuntahan niya ako, eh,” sagot ko.
“Ang pogi talaga niya, ano? Tangkad-tangkad pa. Kinis ng balat at mas maputi pa sa’kin. Chinito eyes, matangos ang ilong, pouty lips pa! Sabihin mo, Roma. Nililigawan ka ba ng isang ‘to?” usisa niya.
Pinandilatan ko siya ng mata, “Grabe, hindi ah!” sagot ko.
“Ehh?” Tapos ay lumingon siya kay Chester na nanonood ng event. Nasa pagitan nila akong dalawa.
“Sir Chester!” Nandilat ang mga mata ko nang bigla niyang tawagin si Chester.
Agad namang lingon nito, “Yes?” nakangiti nitong tugon.
Kinakabahan yata ako sa plano ng babaeng ‘to. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
“May gusto ka ba kay Roma?”
Nandilat ang mga mata ko’t napanganga pa, “Maria Josephine!” suway ko sa kanya.
Ngumisi si Chester, “Yes. I like her.”
Nandilat lalo ang mga mata ko sa naging sagot ni Chester.
Napatili sa kilig si Josephine sa sinabi ni Chester. Napasapo tuloy ako sa noo ko sabay iling. Abnormal talaga.
“So, nililigawan mo siya?” Nandilat ulit ang mata ko sabay kalabit kay Josephine. Para talagang baliw ‘tong babaeng ‘to.
“Yes. Willing to do everything just to make that girl fall in love with me,” sagot ni Chester habang nakatingin sa’kin.
Nagtitili na naman ang babaeng baliw sa kilig na parang abnormal. Hay nako. Napaiwas naman ako ng tingin kay Chester na nakatingin pa rin sa’kin habang nakangiti. Nahiya kasi ako bigla.
“Pero, teka. Paano si Caden? I-cancel mo na kaya ang engagement mo sa kanya at kay Chester ka na lang? Tutal, gusto ka naman ni Chester samantalang si Caden, si Kiara ang gusto!” bulong sa’kin ni Josephine.
“Naisip ko na rin ‘yan sa totoo lang. At nasabi ko na ‘yan kay Caden,” sambit ko.
“Oh, anong sabi ng younger Morgenstern?” usisa niya.
Bumuntonghininga muna ako, “Hindi siya pumayag. Ayaw daw niya,” sagot ko.
Nandilat naman ang mga mata ni Josephine, “Oh em gee. Huwag mong sabihing…?” Tapos ay hinampas niya ako sa braso kaya’t nagulat ako.
“Ikaw na talaga, Roma. Ikaw na talaga. Ang bukod na pinagpala sa babaeng lahat. Hindi ka ba nasasaktan?”
Napakunot ang noo ko sa tanong niya, “Ha?” tanong ko.
“Baka naaapakan ang buhok mo. Ang haba kasi eh,” sambit niya.
Napakunot-noo ako, “Baliw ka talaga,” sambit ko.
Nabigla ako nang bigla akong akbayan ni Chester at hinila papalapit sa kanya.
“Smile!” sambit lapit niya ng mukha niya sa’kin. Napatingin naman ako sa camera ng phone niya na nakatapat sa’min.
Nakita kong nakangiti siya kaya’t napangiti na rin ako kahit naiilang ako. Tapos ay kumuha siya ng tatlong shots ng picture namin. Tapos ay binaba na niya ang camera at tiningnan ang pictures.
“You’re really cute,” sambit niya habang tinitingnan ang pictures namin.
“We look good together, right?” Napataas ang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon.
“Aww. Ang sweet naman no’n, Roma. Hmm. Team Chester o Team Caden?” biro sa’kin ni Josephine. Tinaas-baba pa niya ang mga kilay niya sabay siko sa’kin.
“Roma!”
Napalingon ako sa humahangos kong kaklase na lumapit sa’kin.
“Ano ‘yon, Risa?” tanong ko.
“Naaksidente ‘yong fifth player natin. Na-sprain ang paa niya habang tumatakbo,” balita nito.
“Roma, okay lang ba na ikaw na ang papalit sa kanya?” tanong sa’kin ni Cheska.
“Pero ‘di ba may Martial Arts challenge pa si Roma pagkatapos nito? Baka mapagod lang siya,” singit naman ni Mariya.
“Sa bagay, tama ka,” sagot ni Risa.
“Wala bang ibang reserve?” tanong ko.
“Bad news, Roma. Umurong kasi sila,” sambit ni Cheska.
“Ha? Bakit naman daw?” usisa ko.
“Binalaan kasi sila ni Jana na kapag tumuloy sila, mapapahamak lang sila gaya ni Sherwin,” sagot ni Cheska. Si Sherwin ‘yong na-sprain ang paa na kailangan ng kapalit.
“Paanong mapahamak?” tanong ko.
“Baka, dayain o tambangan. Mga gano’n ba,” sagot ni Cheska.
“So, walang choice?” tanong naman ni Mariya.
“Sige, okay lang. Kaya ko naman,” sagot ko.
“Sure ka?” tanong nila sa’kin.
Ngumiti ako, “Oo naman.”
Lumapit ako kay Mariya ang tinapik nang marahan ang balikat niya.
“Let’s save your precious kiss,” sambit ko. Sinuklian naman ako ng matamis na ngiti ng aming muse.
Bago ako pumunta sa track ay nilapitan ko muna si Chester.
“Diyan ka muna. Kailangan ako sa field,” paalam ko.
“Magsa-substitute ka na?” tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
Inangat niya ang kamay niya tapos ay pinatong niya ‘yong sa ulo ko,”Be careful, okay? I’ll follow you just in case you need some help,” sambit niya sabay ngiti.
Tapos ay tumakbo na ako papuntang field dala ang baton na kailangan kong dalhin papuntang finish line. Nasalubong ko ang dalawa kong kaklase na akay si Sherwin dahil nga hindi ito makalakad dahil sa iniindang sakit sa paa.
“Magpahinga ka na. Salamat sa effort mo,” sambit ko kay Sherwin sabay tapik sa likod niya. Ngumiti lang siya sabay tango.
Tapos ay nagpunta na ako sa puwesto ko sa field katabi ang kalaban ko.
“Ready…set…go!” sigaw ng emcee sa kanyang megaphone sabay paputok ng improvise powdered g*n niya sa itaas.
Pagkatapos no’n ay agad na kaming tumakbo ng kalaban ko. Sa pagtakbo namin ay laging dikit ang laban. Minsan nauuna lang siya sa’kin ng kaunti, minsan ay ako naman. Masyadong malakas ang momentum ng takbo ko. Sana kayanin ng stamina ko.
Halos nasa kalagitnaan na kami ng race nang mapansin kong may dinukot siya sa bulsa niya. Naglabas siya ng isang supot ng napakaraming holen at sinaboy niya ‘yon sa paanan ko.
Sa taranta ko, hindi kaagad ako nakahinto at ang lakas pa ng momentum ko kaya hindi ako basta-basta makatigil.
Nabigla ako sa paghinto kaya’t nadapa ako at tumilapon sa kalsada.
“Roma!”
Napalingon ako kay Chester na siyang sumigaw. Akma siyang lalapit sa’kin nang umiling ako at itinaas ang hinlalaki ko bilang tanda na okay lang ako, kaya ko pa.
Labis na pag-aalala ang nababakas sa mukha ni Chester at pigil na pigil lang talaga siya sa sarili niyang lapitan ako dahil bawal din ‘yon sa rules.
Lumingon ako sa paligid ko at walang officers na nakabantay. Tsinempohan talaga ng tukmol na ‘yon na blindspot ‘to.
Bahagyang nakakalayo na ang kalaban ko habang dahan-dahan akong tumatayo. Sumakit ang dibdib ko dahil sa pagkakasubasob nito sa kalsadang gawa sa aspalto. May ilang gasgas din akong natamo sa braso ko.
Kahit nananakit ang mga binti at paa ko ay sinikap kong makatayo kaagad. Humakbang ako ng isa, tapos ay bumuwelo ako ulit ng takbo kahit napapangiwi ako sa sakit na nararamdaman ko sa bandang paa at binti.
Kaya ko ‘to! Mahahabol ko pa ang kalaban! Kailangan ko ‘tong ipanalo!
Lalo ko pang binilisan ang takbo. Pinilit ko kahit masakit. Nakangiwi ang mukha ko habang tumatakbo. Kumikirot kasi talaga. Pakiramdam ko pa may mahapdi sa bandang tuhod ko.
Ngayon, magkadikit na kami ng kalaban. Nakita ko ang pinaghalong pagtataka at gulat sa kanyang mukha nang makita niya ‘ko. Tapos ay ningisian ko lang siya.
“At ang nanalo ay ang…,” sambit ng emcee nang mapalit na kami sa finish line.
“Team Class F! Congratulations!”
Naitaas ko ang mga nakaikom kong palad paitaas. Tapos ay nagsitakbuhan papalapit sa akin ang mga kaklase ko habang sinisigaw nila ang pangalan ko bilang cheer dahil sa pagkakapanalo namin sa portion na ‘to.
Mayamaya ay napasigaw sila nang bigla akong natumba at napaupo sa lupa.
“Roma! Ayos ka lang ba?” pag-aalala nila.
“Oo, ayos lang ako. Medyo masakit lang ang mga legs at paa ko dahil sa pagkakadapa ko kanina,” sagot ko.
“Roma, tingnan mo! May dugo!” sambit ng isa kong kaklase sabay turo sa bandang kaliwa kong tuhod.
At nang makita ko ay nagdudugo nga ito. May mantsa ng dugo sa may jogging pants ko. Ito ‘yong mahapdi na nararamdaman ko kanina. Kaya pala. May sugat pala kasi.
Nagulat ako nang may bigla na lang akong buhatin ni Chester.
“Ch-Chester!”
“Where’s your clinic?” tanong niya.
“Katabi ng computer room na kahanay ng classroom namin,” sagot ko.
Buhat niya ako na ang isa niyang braso ay nasa baywang ko habang ang isa naman ay nasa mga alak-alakan ko. Nakahilig naman ang ulo ko sa bandang dibdib niya.
Nang makarating kami sa clinic ay inilapag niya ako sa isang kama ro’n. Tapos ay hinanap niya ang medicine cabinet at kinuha niya ang first-aid kit do’n.
Dahan-dahan niyang itinaas ang jogging pants ko sa kaliwang binti ko hanggang lumitaw ang sugatan kong tuhod.
Kumuha siya ng povidone iodine at nilagay ‘yon sa bulak at dinampi-dampi niya sa sugat ko.
“Mahapdi ba?” tanong niya.
“Konti lang. Pero kaya ko naman,” sagot ko.
Kaya naman hinipan-hipan niya ito habang dinadampian ng bulak na may povidone iodine.
Pagkatapos niya itong linisan ay tinapalan niya ito ng gasa. Kaya binaba na niya ang jogging pants sa legs ko.
Tumayo siya at umupo sa tabi ko, “Okay ka na ba?” tanong niya.
“Oo naman. Okay lang ako,” sagot ko.
“Today, I realized something about you,” sambit niya.
“Ha?”
“Hindi excuse sa’yo na nasaktan ka na para sumuko. You still try your best para maipanalo ‘yong contest. And that’s admirable,” sambit niya.
“Nangako ako kay Mariya na gagawin ko ang makakaya ko para maipanalo ang contest. Kaya ginagawa ko talaga ang best ko,” sagot ko.
“That’s admirable. And yet a bit stupid.”
Napataas ang kilay ko sa huli niyang sinabi, “Ha?”
“Puwede mo kasing ikapahamak ‘yon. Paano kung nabalian ka pala? Tapos pinilit mo? May chance na lalong lumala ang kondisyon mo,” sambit niya sabay duro nang marahan sa noo ko.
“Alam ko naman ‘yon. Pero hindi ko na ‘yon naisip no’ng mga oras na ‘yon,” sambit ko. Tapos ay pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kamang inuupuan namin.
“Ang alam ko lang, kailangan kong ipanalo ang laban kahit anong mangyari,” dagdag ko.
“I know you’re tired. You should take a rest,” sambit ni Chester. Ipinikit ko muna ang mga mata ko sabay hinga ng malalim.
Pagdilat ko ay nabigla ako nang makita kong nakahiga na rin si Chester sa tabi ko at nakatingin pa siya sa’kin kaya napasinghap tuloy ako.
Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang hini-hypnotize ako nito. Tapos ay dinampi niya sa pisngi ko ang kamay niya at napansin kong dahan-dahan niyang nilalapit sa’kin ang mukha niya habang nakatingin sa labi ko.
“Roma.”
Napahinto siya at napabangon naman ako sabay tingin sa gawing pintuan.
“C-Caden?”
Nakatingin siya sa’min habang naka-cross arms at nanlilisik ang mga mata habang umiigting ang panga.