Thirty-first Chapter: The Beast of Class F!

2013 Words
“Anong ginagawa mo rito?” usisa ko kay Caden.  Kinikilabutan ako sa titig niya sa’min. Para siyang evil lord na nababalutan ng itim na aura. Napalunok tuloy ako. “Ako dapat ang magtanong, ‘di ba? Ano sa tingin niyong ginagawa niyo?” seryoso niyang sambit. Bumangon naman si Chester mula sa pagkakahiga niya. “Chill, bro. Nadala lang ako. She’s too pretty to resist,” nakangising tugon ni Chester sa kapatid. “I don’t wanna be rude because you’re my elder brother. But, would you please get out? Now. Remember, she’s engaged. With me,” seryoso namang tugon ni Caden sa kuya niya. Ngumisi si Chester, “Yeah. I know. But, also remember that she’s only engaged to you because of some sort of agreement, Caden. So, I still have a chance, right?” At seryosong nagtitigan ang magkapatid. Nakakaramdam na ako ng tension sa pagitan nila. Anong gagawin ko rito? Isang ringtone ng phone ang biglang bumasag sa katahimikan at nagpahupa ng tension sa pagitan ng magkapatid. “Hello?” pagsagot ni Chester sa phone niya. “Oh, Hello sir. Yes, I’m on my way now,” sambit pa ni Chester sa kausap niya bago ibaba ang phone. “I gotta go. Hinahanap na ako sa office. Be more careful next time, okay? See you later, Roma,” sambit ni Chester sabay tapik ng marahan sa ulo ko. At parang hangin lang na dinaanan nito si Caden palabas ng pintuan.  Nang tuluyan nang nakaalis si Chester ay nilapitan ako ni Caden at bigla niya ‘kong pinitik sa noo. “Aray! Para saan ‘yon?” inis kong tanong. “Magpapahalik ka kay Kuya? Really? Okay ka lang, Roma?” sambit niya habang pinandidilatan ako ng mata. “Malay ko ba? I mean, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako naka-react,” paliwanag ko. “Buti na lang pala dumating ako kaagad,” sambit niya. Tumingin siya sa bandang tuhod ko, “Nabalitaan ko ‘yong nangyari sa’yong aksidente habang nasa track ka kanina mula sa mga kaibigan mo. Okay ka lang?” pag-aalala niya. “Oo. Okay lang ako. Gasgas lang ‘yan. Hindi naman ‘yan nakakamatay,” sambit ko sabay tawa. Pinitik na naman ako ni Caden sa noo. “Oh, para saan na naman ‘yon?” inis kong tanong. “Para ‘yan sa pagpapa-picture mo kasama si Kuya,” sambit niya. “Ha? Paano mo nalaman ‘yon?” tanong ko. “Posted na siya sa f*******: ni Kuya at sin-end sa’kin ‘yon ng kaibigan ko. Kaya napasugod kaagad ako rito pagkatapos ng klase namin,” sambit niya. Ang bilis naman ni Chester. Nai-post niya kaagad ‘yon? “Kumain ka na ba?” tanong niya. “Hindi pa nga eh. Lunch na rin naman. Saka may isang oras pa bago ang last event,” sambit ko. “Tara, kumain tayo. Saan mo gusto?” tanong niya. “Hmm. Kahit saan sigurong pinakamalapit na kainan dito sa school,” sagot ko. “Teka, kaya mo na bang maglakad?” pag-aalala niya. “Oo naman. Ako pa,” sambit ko. --- Nakaupo ako ngayon sa isang two-seater table na katabi ng bintana rito sa fast food chain kung saan ako dinala ni Caden para mag-lunch. Siya na ang nakapila ro’n para um-order. Sinabi ko na rin naman sa kanya ang gusto ko, eh. Sa totoo lang, medyo nananakit pa rin ang katawan ko. Lalo na ang legs at paa ko. Pero, kailangan kong tiisin ‘to. Kailangan kong maging matatag hanggang sa huling bahagi ng contest. Mayamaya lang ay dumating na rin si Caden dala ang isang tray ng order namin. Tapos ay umupo na siya sa tapat ko. “Heto na ‘yong sa’yo. One piece chicken with rice, large fries, saka Royal,” sambit niya habang hinahain ang mga ‘yon sa harap ko. Tapos ay nagsimula na kaming kumain. “Hindi ko talaga makalimutan ‘yong nakita ko kayo ni Kuya. I just can’t believe it. Engaged ka nang tao tapos humaharot ka pa?” inis niyang sambit. Pinandilatan ko naman siya ng mata, “Grabe ka naman. Hindi ko nga alam, ‘di ba?”  “Isa pa, hindi naman ako nahalikan talaga ni Chester kaya ‘wag ka nang OA diyan, puwede ba?” dagdag ko pa. “Oo, at never kong hahayaang mangyari ‘yon. Remember that, Roma Cassandra,” sambit pa niya. Napailing na lang ako. Para siyang baliw na isip-bata. Bumuntonghininga siya nang may ingay, “Of all people, kapatid ko pa talaga? Si Kuya Chester pa talaga? What the heck,” reklamo niya. Inikutan ko lang siya ng mata sabay iling at tinapos ko na ang pagkain ko. --- Nasa school na ako para sa huling event. Nasa ladies’ room ako para magbihis ng karategi. Tapos ay pinuyod ko paitaas ang buhok ko. Paglabas ko ng ladies’ room ay naabutan ko si Caden na nakatayo sa kabilang sulok habang nakasandal at nakapamulsa. “Hoy,” sambit ko matapos ko siyang lapitan. “Hey, I’m worried. Kaya mo ba talaga?” pag-aalala niya. “Oo nga. Huwag ka nang mag-alala,” sambit ko. Nakatitig siya sa mga mata ko at bakas dito ang labis na pag-aalala. Iniangat niya ang mga kamay niya at inilapat ang mga ito sa mga pisngi ko. “Okay fine. I’m just here, if something happened to you, I will come running for you,” sambit niya. Pinisil niya ng marahan ang pisngi ko, “Okay?” Tumango lang ako bilang sagot. Tumungo na kami sa covered court dahil doon gaganapin ang last event. Nasa bleachers ang ilang estudyanteng manonood at nahagip na ng mga mata ko ang mga kaklase ko tapos ay nilapitan ko sila.  “Okay ka lang ba talaga, Roma? Kaya mo?” pag-aalala ni Jacob. “Oo naman! Ipapanalo ko ang event na ‘to. Para ko na ring naturuan ng leksyon ang mga tukmol na ‘yan,” sambit ko. Pumunta na ako sa gitna. May malaki at malambot na mat na nakalatag sa sahig at kaharap ko rito ang mga makakalaban ko. Lima sila at isa lang ako. “Ikaw lang ang kalaban namin?” usisa ng isa kong kalaban. “Oo bakit? May problema ba ro’n?” maangas kong sambit. Napakunot ang noo ko nang magtawanan sila. “At anong nakakatawa?” tanong ko. “Alam mo, miss. Mabuti pa, mas bagay sa’yo ang magsuot na lang ng dress at heels. Magpaganda, magpa-cute. Kasi hindi ka uubra sa ganito,” pangungutya ng isa sabay tawa. “Saka sa payat at liit mong ‘yan tingin mo kakayanin mo kami? Pumunta ka na lang sa parlor, mabuti pa,” pang-aasar naman ng isa sabay tawa nila. Kahit nakakainit ng ulo at dugo ang mga sinasabi nila sa’kin, nakuha ko pa ring ngumisi. “Sige. Tingnan na lang natin kung sino sa atin ang talagang nararapat na pumunta ng parlor,” walang emosyon kong sabi. “Hah. Mayabang ka ah,” sambit ng isa. Pagkasugod sa’kin ng isa ay agad kong hinila ang kuwelyo niya at binalibag siya. At gano’n din ang ginawa ko sa isa. Napahinto ako ng kaunti nang maramdaman kong kumirot ang braso ko. Hindi ko dapat ipahalata na nasaktan ako. Kaya ko ‘to. Sinipa ko sa mukha ang isa kaya natumba siya. Sinipa ko naman ang isa sa sikmura kaya’t tumilapon siya. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa’kin sa leeg mula sa likod. Nagpapambuno kami habang pumipiglas ako.  Nang makahanap ako ng tiyempo ay hinawakan ko siya sa kuwelyo at ibinalibag ko siya sa harap ko. Dumaing ang lalaki sa sakit na nararamdaman niya. Naramdaman ko bigla na nanginig ang mga binti ko. Kumikirot pa rin ang paa ko. Kaya ko pa ba? “Kaya ko pa!” sambit ko sabay suntok sa mukha ng isa. Tapos ay dinampot ko sa bandang kuwelyo ang isa at itinaas siya. Sabay hinagis ko siya sa mga kasama niyang papasugod sa akin kaya nagsitumbahan sila. Habang nakabulagta ang mga kalaban ko ay nagsimula nang bumilang ang referee. “One…” Pigil-hininga ang lahat. “Two…” Gumagalaw pa rin sila at nagtatangkang tumayo. “Three!” “Winner, Class F!” sigaw ng referee nang hindi na nakatayo ang mga kalaban ko. Napangiti ako ng mapalad sabay taas ng kamao ko sa ere. Tapos at masayang nagtakbuhan papalapit sa’kin ang mga kaklase ko. “Ang galing mo, Roma! Nanalo tayo!” Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagod at tinitiis ko ang sakit ng katawan na nararamdaman ko ngunit kinukubli ko ito ng mga ngiti ko ngayon. “Huwag niyong maliitin ang Halimaw ng Class F!” sigaw nila sa mga kalaban namin.  Halimaw. Bansag ‘yan sa’kin mula grade six ako. Lagi nila akong tinatawag na ganyan sa tuwing nasa top ako tuwing matatapos ang isang quarter. Tuwing highest scorer ako sa tests at quizzes. Tuwing magaling ang naging laro ko sa DOTA. At sa tuwing napapaaway ako dahil may mga bumabastos sa mga kaklase kong babae. Kaya naman, hindi ako na-offend kailanman sa bansag na ‘yan. “At dahil si Roma ang nanalo, sa kanya ko ibibigay ang prize!” sambit ni Mariya. Pagkatapos ay dinampi niya sa pisngi ko ang labi niya. “Congratulations, Roma! Ang galing mo,” sambit niya. Ngumiti lang ako bilang tugon. Tapos ay nagpalakpakan ang mga kaklase ko, sumunod naman ang audience. --- Matapos ng event ay agad akong tumakas at pumunta sa likod ng building namin. Tahimik kasi rito. Walang taong pumupunta. Regular naman itong nililinis ng utility aide ng school. Maliit na lote ito na nababalutan ng maiikling d**o at may ilang mga halaman. Umupo ako sa isang sulok at sumandal ako sa pader. Napayuko ako sa mga tuhod ko. Lalo kong naramdaman ang pagod at p*******t ng katawan ko. Nagtatago ako rito para hindi ito makita ng mga kaklase ko.  Magpapahinga muna ako sandali. Tapos ay babalik na ako ng classroom mamaya para kunin ang gamit ko at makauwi na ako. “Nandito ka lang pala.” Napaangat ako nang may narinig akong nagsalita. Si Caden pala. Inaabutan niya ‘ko ng isang bote ng mineral water. Nang tanggapin ko ito ay umupo siya sa tabi ko. “Nagtatago ka rito para hindi nila makita ang panghihina mo,” sambit niya. Nabigla ako sa sinabi niya kaya’t hindi ako nakaimik. Tama naman kasi siya.  “Ayaw mo talagang may makakita sa’yo sa tuwing nanghihina at pagod ka,” sambit pa niya. “Oo, tama ka. Gusto ko kasing tumatak sa mga isip nila na malakas ako. Walang kinatatakutan at walang kahinaan,” sambit ko tapos ay uminom ako ng tubig. “Pero, tao ka lang din. Natatakot din at nanghihina,” sambit niya. “Alam ko. Pero kung ikaw ‘yong inaasahan nila, hindi ka puwedeng magpakita ng pagod at kahinaan. Kasi magiging apektado rin sila. Baka mawalan sila ng pag-asa o kung ano man,” sambit ko. “Okay sige. Hindi na kita kokontrahin diyan. Pero next time, puwede bang huwag mong akuin lahat? Puwede ka namang magpatulong sa mga kaklase mo. Tandaan mo, kahit superhero ay may kahinaan din,” pangaral niya sa’kin. “But hey, I got envious to that Mariya when she kissed you,” sambit niya bigla. Natawa ako, “Baliw ka talaga.” “Can I kiss you?” tanong niya. Tumawa lang ako, “Sira ulo ka,” sambit ko. Natigilan ako nang mapagtanto kong nakatitig siya sa'kin. Napatitig na rin ako sa mga mata niya na tila nangungusap. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko. Dilat na dilat ang mga mata ko at nanginginig ang buong katawan ko at halos naestatwa na rin ako rito dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari.  Nang idiin niya ang halik niya ay napapikit ako. Napakapit ako sa damit niya at bumilis ang pintig ng puso ko na halos ito na lang ang naririnig ko. Talaga pa lang kahit ang isang halimaw ay may kahinaan din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD