Pagbaba ko ng hagdan para umalis na papuntang school, nasalubong ko naman si Chester.
“Good morning, Roma,” bati niya.
Ngumiti lang ako bilang tugon.
Papalabas na ako ng pinto nang marinig ko siyang magsalita.
“See you later!”
Pero hindi ko na ‘yon pinansin pa.
---
Nandito ang klase namin sa AVR dahil may seminar daw about business management para sa mga pipili ng ABM next year. Required ito ng teacher namin kaya kahit wala akong planong kumuha ng ABM next year ay kailangan naming um-attend.
“Good morning, class.”
Halos lumuwa ang mga mata ng mga kababaihan dito nang makita ang lalaking dumating.
“Ang guwapo niya!”
“Ang hot naman niya!”
“Oh em gee!”
Tumawa lang ang lalaki. At maski ako ay hindi makapaniwalang siya ang magse-seminar sa amin.
“I am Chester Morgenstern, at ako ang magse-seminar sa inyo ngayon.”
Tapos ay tumingin siya sa’kin. Ningitian niya ako sabay kaway. Napatiningin naman sa’kin ang mga kaklase ko kaya’t napayuko naman ako.
Heto ba ang ibig sabihin niya kanina sa ‘see you later’?
---
Thirty minutes ang tinagal ng seminar at mukhang hindi naman nabagot ang klase namin dahil energetic mag-discuss si Chester. Idagdag mo pa ang karisma niya sa mga babae.
Pagkatapos ng seminar ay nagsilabas na kami ng AVR. Palabas na ako at naiwan naman si Chester sa loob at pinagkakaguluhan ng mga babae.
“Roma!”
Napahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko.
“O, Chester.”
“Uhm…enjoyed the seminar?” tanong niya.
“Oo naman. Hindi ka boring mag-seminar. Good job,” sambit ko sabay ngiti.
“I’m really glad to hear that from you,” sambit niya.
“Let’s grab some lunch?” alok niya bigla.
“Ah. Okay.”
Pumayag na ako tutal uwian na naman. At gutom na rin ako. Ngumiti naman siya bilang tugon.
Dinala naman niya ako sa pinakamalapit na fast food restaurant.
“Babalik pa ako sa office. Marami pa akong gagawin. I’ll just drop you off at our house,” sambit ni Chester matapos niyang lunukin ang kinakain niya at nagpunas ng tissue sa labi.
Tumango lang ako bilang sagot.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng fast food resto at sumakay sa kotse niya.
“Salamat sa libreng lunch,” sambit ko.
Natawa siya nang bahagya, “My pleasure.”
Pagpasok namin sa UP gate ay natanaw ko na parang may pamilyar na tao ro’n sa waiting shed.
“Chester.”
“Hmm?”
“Hindi ba sina Kiara at Caden ‘yon?” tanong ko.
“Where?”
“Ayun oh. Sa may waiting shed.”
Lumingon naman si Chester sa gawi kung saan ako nakatingin.
“Sila nga.”
“Bakit kaya sila nando’n?” tanong ko.
“It seems like they have a problem.”
Napatingin naman ako kay Chester dahil sa sinabi niya.
“Let’s ask them.”
Tapos ay iniurong ni Chester ang sasakyan niya ay ni-park niya ito sa tapat ng waiting shed.
Pagkatapos ay nilapitan namin sila Caden pagbaba namin ng sasakyan.
“Kuya,” sambit ni Caden matapos makita ang kapatid niya.
“Roma?” pagtataka naman niya nang makita niya ‘ko.
“What happened?” tanong ni Chester.
Umiiyak kasi si Kiara. Nahagugol siya habang nakatakip ang mga kamay sa mukha niya. Habang si Caden naman ay nakaupo sa tabi nito at hinahagod ang likod ni Kiara para kumalma.
“Hindi pa nagsasalita si Kiara. Pero alam ko kung sinong may gawa nito,” sagot ni Caden.
Halatang-halata ang pag-aalala sa mukha ni Caden. Niyakap niya ito kaagad at hinaplos ang likod upang kumalma ito.
“May ginawa ba sa’yo ang Marco na ‘yon?” galit na tanong ni Caden dito.
“Wala naman. Pinipilit niya lang akong sumama sa kanya. Mabuti na lang kasama ko ang friends ko at nag-iisa lang siya kaya’t naipagtanggol ako ng mga kaibigan ko kahit papaano,” sambit ni Kiara na medyo nanginginig pa.
“Walang hiya talaga ‘yang Marco na ‘yan,” galit at nanggigigil na sambit ni Caden.
“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.
“Nasa loob pa rin siya ng campus.”
Pagkasabi no’n ni Kiara ay nag-atubili na si Caden na pumasok ng campus.
“Sandali, Rendel!” pagpigil ni Kiara pero huli na ang lahat.
“Caden!” sigaw naman namin ni Chester.
“Kailangang mapigilan ko si Rendel,” sambit pa ni Kiara.
“Tsk. Caden is being reckless,” sambit naman ni Chester.
“Baka mauwi sila ni Marco sa pakikipagsakitan.”
“By the way, sino ka?” tanong niya sa’kin.
“Ako si Roma,” sagot ko.
“Hello, Roma. I’m Kiara. Nice to meet you,” nakangiti niyang sambit tapos ay nakipagkamay siya sa’kin. Napakaganda talaga niya.
“Teka, kailangan nating pigilan si Rendel!” sambit niya.
“Sige, tara,” sambit ko. Tapos ay magkasama kaming nagmamadali na lumakad ni Kiara papasok ng campus.
Malalaki at magagandang gusali ang nasa loob ng campus kahit pa may kalumaan na ang estilo ng mga ito. Ano pa bang aasahan mo sa isang century-old university?
Tapos parang mini-park or plaza ang entrance ng campus. Sa totoo lang, eto ang pangarap kong campus na mapasukan. Sa bagay, lahat naman ng estudyante ay pangarap nilang makapasok sa ganitong sikat na unibersidad.
“Ayun sila!”
Napatingin ako sa direksyon na tinuturo ni Kiara. Pinagtutulungan si Caden ng apat na lalaki! Tumakbo ako kaagad papalapit sa kanila at binigyan ng flying kick ang isa sa kanila na siyang ikinatumba nito.
“Roma?” pagtataka nito.
“May back-up ka pa ha? At babae pa,” pang-aasar ng isa sabay nagtawanan silang lahat.
“E ano kung babae ako?!” sambit ko sabay sipa ko sa sikmura ng isa sa kanila na siyang kinatalsik nito.
Niyakap ako ng isa mula sa likod pero sinuntok naman ni Caden ito sa batok kaya’t napabitiw din ito sa akin.
“Kaya ko na mag-isa ‘to. Bakit sumunod ka pa?” tanong niya.
“Sabi ni Kiara, sundan daw kita. At hindi ko matiis na makita kang lumalaban nang mag-isa,” sambit ko.
Hinila ako bigla ni Caden papalapit sa kanya tapos ay sinuntok niya sa panga ang lalaking nasa likod ko pala.
Sabay naman naming sinipa ang sikmura ng mga lalaki sa magkabila naming kaya’t lumupasay sila sa lupa.
Susugurin pa sana ako ng lalaking nasa likod ko pero natumba na ito bago pa makasugod.
“Chester.”
Siya pala ang nagpatumba ro’n sa lalaki.
“Roma. You okay?” pag-aalala niya sabay hawak sa mga balikat ko.
“Ah, oo. Okay lang ako.”
---
Nandito kami ngayon sa official hospital ng university sa isang bakanteng admitting room. Ginagamot ni Kiara ang mga sugat na natamo ni Caden.
“Salamat sa ginawa mong pagtatanggol sa’kin. Pero hindi mo na dapat ginawa ‘yon. Nasaktan ka tuloy,” pag-aalala ni Kiara.
“Wala sa’kin ‘to. Alam mo naman, ‘di ba? Pinagtatanggol na kita simula pa no’ng mga bata pa tayo,” nakangiting sambit ni Caden.
Matapos namin sa UH ay inihatid na ni Caden si Kiara sa klase nito.
“Oh pa’no. May klase pa ako,” sambit ni Caden.
“Salamat sa tulong, Roma. I didn’t expect that,” dagdag pa niya.
“Oks lang. Ang mahalaga, nakaganti ka ro’n sa bumastos kay Kiara,” sagot ko.
“So, mauna na kami. Ihatid ko lang si Roma sa bahay tapos babalik na ako sa office,” sambit ni Chester.
“Sige, Kuya.” Tapos ay tinapik ni Chester sa balikat si Caden bago kami umalis.
Lumabas na kami ng campus at sumakay na ako sa sasakyan ni Chester .
“Ang galing mo pala, ‘no?” natatawang sambit ni Chester habang nagmamaneho.
Tumawa lang ako na parang pilit at naiilang.
“Pero, hindi mo na dapat ginawa ‘yon. Nag-alala ako,” sambit niya.
Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa mansyon. Bababa na sana ako nang biglang hawakan ni Chester ang kamay ko.
“May sugat ka pala. Bakit hindi mo sinabi kanina? Nagamot sana ‘to sa clinic,” pag-aalala niya.
“Okay lang ‘yan. Malayo sa bituka. Isa pa, balak ko kasi na ako na lang mismo ang gagamot diyan,” katuwiran ko.
Agad bumaba si Chester ng sasakyan at pinagbuksan niya ‘ko ng pinto. Hinila niya ko papasok ng bahay namin na kaming dalawa pa lang ang tao bukod sa maids at butlers.
Pagdating namin sa sala ay pinaupo niya ako sa sofa.
“Manang,” tawag ni Chester sa maid nila.
“Yes, Master?”
“Pakidala naman dito ‘yong first aid kit natin.”
Agad naman siyang sinunod ng maid.
“Does it hurt?” pag-aalala niya.
“Medyo mahapdi. Pero parang wala lang din.”
Binigay na sa kanya ng maid ang first aid kit at umalis na ito. Nilinis niya ng betadine ang sugat ko sa kamay tapos ay tinapalan niya ‘to ng band aid.
“Bakit naman ayaw mong iba na lang ang maggamot sa’yo? Kahit ‘yong nurse man lang do’n sa clinic kanina?” usisa niya.
“Ayaw ko kasi nang may nakakakita na nasasaktan o nasaktan ako.”
Nabigla si Chester sa naging sagot ko. Hinaplos at sinipat niya ang kamay ko.
“Malambot, maliit, at makinis ang kamay mo pero ang lakas manuntok,” natatawa niyang sambit.
Natigilan ako at nakaramdam ako ng hiya.