Sixteenth Chapter: School Play

1354 Words
"So class, we will be having a group activity for this grading," sambit ng aming English teacher. Nagbulungan naman ang mga kaklase ko dahil na-curious sila sa sinabi ni Ma'am. "It will be a role playing. Vi-video-han niyo siya to make it as a movie," dagdag pa niya. Napakunot ang noo ko sabay sapo rito. Ang iba ko namangkaklase ay excited sa gagawing project. "All leaders, please come here to choose what will be your movie to make." Pagkasabi no'n ni Ma'am ay tumayo na ako at lumapit sa kanya. Isa kasi ako sa limang leaders ng bawat grupo sa klase. May nakahandang limang papel na nakabilot si Ma'am sa kanyang kamay at pinabubunot kami do'n. Sabay-sabay kaming bumunot at binuklat ang papel. "The Princess and Her Angel?" sambit ko sa sarili ko.Ibinigay ko ang papel na nabunot ko kay Ma'am at ibinigay niya sa'kin ang script nito. Pagkatapos ay lumapit na ako sa grupo ko. Group five kami kaya kami ang last performer. "You have only one month to practice and prepare everything," sambit ng teacher namin. "Okay guys. Ang napunta sa atin ay The Princess and Her Angel. Ang gusto kong gumanap na Princess ay si Mariya," sambit ko. "Okay, Roma," sagot niya. Si Mariya ang muse ng klase namin. "Ikaw Pia? Gusto mo ikaw ang mag-Angel?" tanong ko sa isa kong kagrupo. "Sige. Walang problema, Roma," sagot niya. "Ako na ang director. Tapos 'yong iba ang production team. Kayo ang gagawa ng props, okay?" At sumang-ayon naman ang mga kagrupo ko. Pina-photocopy ko muna ang script mula sa ambagan namin para may kanya-kanya kami ng kopya. "Start na ng practice natin bukas," sambit ko. ---- "Hmm, may eksena sa balcony ng palasyo?" bulong ko sa sarili ko habang binabasa ang script. "Ano ba 'yan, Roma?" usisa ni Caden habang prenteng nakahiga na naman sa kama ko at kumakain ng nachos.  "Script ng play namin sa movie-making. Kailangan namin ng balcony at court room ng palasyo," sambit ko. "At ikaw naman," pinagtaasan ko siya ng kilay. "Nagkakalat ka na diyan ng chips sa kama ko!" bulyaw ko sa kanya. "Hindi ah. Tingnan mo pa," sagot naman niya habang ngumunguya pa. Napailing na lang ako. "Ano namang role mo diyan?" usisa niya. "Ako ang director," sagotko. "Pabasa nga ng script," aniya. Iniabot ko naman sa kanya ang script. Tapos ay binuklat niya ito. "May alam akong puwedeng pang-palasyo," sambit niya. "Talaga? Saan?" "Dito. Sa bahay." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Dito sa bahay niyo?" "Okay lang sa'yo?" tanong ko pa. "Yeah. Of course. Tulong ko na rin 'yan sa'yo for helping me save Kiara the last time." "Oh. Okay." --- "Dito talaga tayo magpa-practice, Roma?" usisa ng kaklase ko. "Oo," sagot ko. Lahat kaming magkakagrupo ay manghang nakatingala sa napakatayog na gate na kulay puti. "Palasyo nga yata ito," sambit naman ng isa. Isang Western-style na mansion kasi ang estilo ng bahay nila Caden. Sabado ngayon at ito ang una naming practice. Mayamaya'y may nagbukas sa amin ng gate. "Kayo pala. Pasok kayo," sambi ni Caden. "Roma! Ang guwapo! Para siyang prinsipe na nakatira sa palasyong 'yan!" sambit ng mga kaklase kong babae na kinikilig pa. Napakibit-balikat na lang ako sa kanila. Pagpasok namin ay hindi maiwasang mamangha ng mga kagrupo ko. Dinala kami ni Caden sa likod-bahay nila at nadatnan namin ang isang malawak na lote na mukha rin namang garden dahil nababalutan ito ng mga berde at maiikling d**o at may iilang mga bulaklak. "Puwede kayong mag-practice dito. Sabihin niyo lang sa'kin kung kailangan niyo na 'yong part na may balcony at court room," sambit niya. "Okay, honey?" dagdag pa niya sabay g**o sa buhok ko. Napasimangot ako dahil sa tinawag niya sa'kin. Parang tanga talaga. Tapos ay umalis na siya. Teka lang. Saan ko naman pagbibihisin ang mga karakter ko? "Diyan lang kayo ha? Hahanapin ko lang si Caden," bilin ko sa mga kagrupo ko. Pagpasok ko ay natigilan ako nang mapagtanto kong hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Caden. "Teka, saan ko naman dito makikita si Caden? Wala pa naman ding tao," sambit ko. Halos napalundag ako nang biglang may humawak sa balikat ko. "Ikaw pala 'yan, Chester," sambit ko. "Hello, Roma. What are you doing here? Looking for me?" biro niya sa'kin. "Ha? Ahm, hinahanap ko lang si Caden. May itatanong lang ako," sambit ko. Hindi ko alam kung bakit, pero magaan ang nararamdaman ako sa tuwing nakikita ko si Chester. Palagi siyang nakangiti at maaliwalas ang hitsura. "Ano bang itatanong mo sa kanya? Baka busy siya," sambit niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Para itong nangungusap at maganda rin ang ngiti niya. "Ahm...ano kasi..." nauutal kong sambit. Ano ba, Roma! Umayos ka nga. "Kuya. Roma?" Napalingon ako sa nagsalita. "Caden." "Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" tanong sa'kin ni Caden. "Sige. Maiwan ko na kayo," sambit naman ni Chester tapos ay umalis nasiya. "Saan sila puwedeng magbihis? Ishu-shoot nanamin 'yong first part," sambit ko. Naka-cross arms siyang nakatitig sa'kin habang naniningkit ang mga mata. "Ano?" tanong ko. "Bakit ganoon ka na lang makatitig kay Kuya? Ha, Roma?" usisa niya. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" "Akala mo hindi ko nakita 'yon?" sambit niya. "Hay naku. Ewan ko sa'yo. Sagutin mo na lang kaya ako," inis kong sambit. "Halika. Sumunod ka sa'kin. Ituturo ko sa'yo kung saan," sambit niya tapos ay nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako. --- Dinala niya ako sa isang kuwartong walang laman na malapit lang sa bakanteng lote. "Dito mo sila puwedeng pagbihisin. Dati itong guest room," sambit niya. "Okay. Salamat, Caden," sambit ko. "Kung may kailangan ka pa, tawagan mo na lang ako. Huwag ka nang pumasok sa loob at baka kung saan ka pa maligaw," sambit niya tapos ay umalis na siya. Pag-alis niya ay lumabas na ako at pinuntahan ko ang mga kaklase ko. "Mariya, Pia, halina kayo. Dalhin niyo na 'yong costumes niyo. Puwede kayong magbihis dito," sambit ko tapos ay dinala ko sila sa bakanteng kuwarto. --- "Okay, guys. Take one na tayo. The Princess and the Angel, take one. Action!" At kinunan na naming ang first take dito sa bakanteng lote. Si Mariya at Pia pa lang ang kailangan sa scene na ito. Mayamaya'y bigla silang natawa dahil nabulol sa linya niya si Pia. "Okay, cut muna. Ready for take two." "May linya basa script natin na wesheweshe?" sambit ng iba kong kagrupo habang nagtatawanan. After five takes ay sa wakas, nakakuharin kami ng maayos na eksena. "Okay, second scene. Prince and Princess na." At nagpunta na sa harap sina Mariya at Nash. "The Princess and the Angel, take one. Action!" "It's been a long time, Princess. But I can still remember how we met on that ball party that night." "Cut!" At nagtinginan sa akin ang mga kagrupo ko. "Bakit, Roma? Tama naman ang linya ni Nash, ah?" "Oo nga. Pero kulang sa feelings. Hindi puwede," sambit ko. Lumapit ako kina Mariya at Nash. "Paano ba, Roma?" tanong ni Nash. Napakamot ako ng batok, "Uhm, paano nga ba?" "Need some help?" Napatingin ako sa nagsalita. "Chester." Halos lumuwa ang mga mata ng mga kagrupo kong babaeng titig na titig kay Chester. Lumapit na rin siya sa amin. "Kanina ko pa kayo pinapanood. At masyado yatang mahigpit ang director niyo," biro niya. Napayuko na lang ako nang magtawanan ang mga classmate ko. "Okay, you must watch and learn," sambit ni Chester. "Para hindi na kayo mapagalitan ni Direk Roma," biro ni Chester sabay kindat. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Lumapit siya at tumitig sa mga mata ko. Halos mapalunok ako nang dahil sa ginagawa niya. "It's been a long time, Princess. But I can still remember how we met on that ball party that night." "How is it, Roma?" sambit niya. At saka lang ako natauhan sa pagkakatitig niya sa mga mata ko. "Ahm, oo. D-dapat gano'n ha?" nauutal kong sambit. Tapos ay bumalik na ako sa puwesto ko. Kinapa ko ang magkabila kong pisngi at naramdamang mainit ang mga ito. Napatingin ako kay Chester at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD