Seventeenth Chapter: My Angel

1138 Words
"Ano?!" Napasigaw ako dahil sa nabasa kong text mula kay Pia. Narito ulit kami sa malawak na garden nina Caden at nagshu-shoot ng mobie na project namin sa English. "Bakit, Roma?" usisa nila. "Si Pia. Hindi makakapasok ng ilang araw dahil may sakit daw siya. Isang linggo na lang at deadline na," sagot ko. Nabakas ang alinlangan sa mga mukha namin. "Sino nang magiging Angel niyan?" pangamba nila. Ilang minuto kaming natigilan para mag-isip kung sinong ipapalit kay Pia. "Ang dapat na papalit kay Pia ay 'yong sa ulo na rin ang lahat ng linya sa script," sambit ni Duke, ang cameraman namin at ang video editor. Habang nag-iisip ako ay napagtanto ko na nakatingin sa akin lahat ng kagrupo ko. "Ano?" tanong ko. "E kung ikaw na lang kaya, Roma? Tutal ikaw ang mas nakakaalam ng lahat. Sa ulo mo rin ang buong script," sabi ng isa. "Ha? Hay naku. Ayaw ko. Hindi ako marunong umarte," sambit ko. "Sige na, Roma. Kukunan ko' yong mga eksena ni Pia ulit na na-shoot na, ako na ang bahala sa editing. Tapos may isang linggo pa tayo para kunan 'yong mga nalalabing eksena," sambit ni Duke. Tinitigan ko muna sila ng ilang sandali. Paano na 'to, Roma? Hindi ako marunong umarte pero mukhang no choice kami. "Okay sige. Pumapayag na ako," sambit ko. Gagawin ko 'to alang-alang sa grupo ko. Naawa ako sa mga pagmumukha nila na parang binagsakan ng langit at lupa. At para namang nabuhayan ng pag-asa ang mga kagrupo ko. Pumasok na ako sa bakanteng kuwarto na tinuro sa amin ni Caden at kasama ko ang glam team ng grupo na siyang nag-aayos sa mga gumaganap sa play. Una ay sinuot ko ang spaghetti strap cocktail dress na kulay puti. Hanggang tuhod naman ang haba ng palda nito. Sinunod ko ang puting flat shoes. Tapos ang headband naman na may halo. Hinayaan lang nilang ilugay ang mahaba kong buhok. Pagkatapos ay inayos na nila ang mukha ko. Foundation, konting blush-on, at lipstick. Aaminin kong hindi ako gaanong komportable dahil hindi naman ako mahilig maglagay ng mga ganito sa pagmumukha ko. At ang huli ay sinuot ko ang angel wings. Paglabas ko ay tiningnan kaagad ako ng mga kagrupo ko. "Wow..." manghang sambit nila. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa mga titig nila sa'kin. "Bagay pala maging anghel sa'yo, Roma?" sambit ni Duke. "'Di ba, Nash?" dagdag nito. Tumango lang naman ito. Nagulat naman ako nang biglang dumating ang magkapatid na Caden at Chester. Mistulan namang natulala sa akin ang dalawa. Anong problema ng mga ito? "It looks good on you. You look pretty," sambit ni Chester. Napaiwas lang naman ng tingin sa akin si Caden. Pakiramdam ko naman ay uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Chester. At tyinaga nga ng grupo namin ng ilang araw na kunan ang mga eksena ni Pia na pinalitan ko. Mahirap pero kailangan. Minsan pa nga, gabi na naming nakukunan ang ilang eksena para lang matapos namin on time. --- "Group one, four, and five lang ang nakapagpasa ng project on time. How about two and three? May bawas na sa grade ang late," sambit ng teacher namin. Buti na lang on time namin natapos ang project. "Marunong ka naman palang umarte," sambit ni Duke na katabi ko lang. "Hindi naman. Dala lang ng pangangailangan," biro ko. Mayamaya ay recess na. As usual, nakaabang na naman ang tropa ko sa pintuan ng room namin. "Congratulations sa project niyo, Roma!" bati sa akin ni Josephine. "May acting skills ka pala?" ani ni AJ. "Napanood niyo?" tanong ko. "Oo naman. Pareho lang tayo ng English teacher, 'di ba? Pinapanood niya sa'min ang project niyo," sambit ni AJ sabay tawa. "Hi, Roma." "Chester? Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ko. "I just want to see you. May I have you for a while?" sambit niya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na pawang hinihingi ang permiso nila. Sinenyasan lang nila ako na okay lang. At mukha na naman silang natulala kay Chester. Dinala niya ako sa labas ng gate ng school kung saan naka-park ang sasakyan niya. "What do you want for snack? May gusto ka ba?" alok niya sa'kin. "Ahh, wala naman. Okay lang ako," sagot ko. Tapos ay naglakad ulit kami. Hanggang makarating kami sa convenience store. Um-order siya ng dalawang chocolate ice cream. "For you," sambit niya sabay abot sa akin ng ice cream. "Thank you." Umupo kami sa bench na katapat ng store at doon kinain ang ice cream. "So, you're my brother's fiancee," sambit niya bigla. "Ah oo." "May balak ka ba talagang pakasalan siya?" tanong niya. Natigilan ako sa naging tanong niya. "Uhm, ano kasi... Paano ba?" Hindi ko naman sa kanya puwedeng sabihin ang naging kontrata namin ni Caden dahil nangako ako sa kanya na sa aming dalawa lang 'yon. "Okay lang kahit hindi mo muna sagutin. I just want to know you better. If it's okay with you," sambit niya. "Oo naman. Naiintindihan ko dahil kapatid mo siya, Chester," sambit ko. "No. Not just that." Nilapat niya ang palad niya sa ulo ko. "You will know about it soon." Isang katahimikan ang bumalot sa amin habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bumilis yata bigla ang pintig ng puso ko. --- Pauwi na ako galing school at nagpasya akong tumigil muna sa isang park na nadadaanan ko pauwi para magpahinga sandali. Umupo muna ako sa damuhan at inilapag ko ang bag ko sa tabi ko. "Minsan talaga ang weird no'ng si Chester," sambit ko sa sarili ko. Ipinatong ko ang mga siko ko sa tuhod ko at inilagay ko ang baba ko sa mga palad ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. "Ang ganda ng sunset. Alam ko na!" Kinuha ko ang charcoal pencil at ang sketchbook ko sa bag ko. Ido-drawing ko ang sunset. "Roma sungit?" Nabigla ako at napatingin sa tabi ko. "Ikaw na naman?!" "Hi, Miss sungit. Akalain mo, nagkita na naman tayo ngayon," sambit ni Daniel. Umupo siya sa tabi ko,"Sketchpad?" "Oo. Obvious ba?" "Nagdo-drawing ka? Patingin naman," sambit niya. "Ayaw ko nga." "Sige na, please..." pagmamakaawa niya. "O ayan," sambit ko sabay bigay sa kanya ng sketchbook ko. Tapos ay nagsimula na siyang buklatin ito. "Wow. Mahilig ka pala sa anime, 'no?" mangha niyang sambit. "Ang ganda naman ng mga 'to, Roma. Puwede mo ba akong turuan?" sambit niya. "Seryoso?" "Oo naman. Kahit mukha akong nagjo-joke, seryoso ako sa sinasabi ko," sambit niya. "Hmm. Hindi talaga ako nagtuturo. Pero sige pag may time ako." "Yes! Thank you. Teka, hanggang kailan mo pa balak mag-stay dito? Pagabi na. Hindi ka pa ba uuwi?" Inilagay ko na ang sketch pad ko sa bag ko. Sinakbit ko na ito at tumayo. "Uuwi na ako," sambit ko. "Sige. Ingat. See you next time!" Tapos ay umalis na si Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD