Eighteenth Chapter: New Found Friend

1906 Words
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Weekends naman kaya wala akong pasok. Binuksan ko ang netbook ko at pinunta sa f*******:.  Isang beses lang sa isang linggo ako magbukas ng sss. Hindi ako mahilig mag-browse sa social media. Mas gugustuhin ko pang mag-anime marathon maghapon kaysa rito.  “Oh, may friend request.” Kin-lick ko ito at nabigla ako sa nakita ko. Ryan Chester Morgenstern sent you a friend request. Si Chester? In-add ako? Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Tapos ay kin-lick ko ang accept. Tapos ay may nakita ako sa suggested friends. Kiara Michelle Rivera. In-add ko siya. Sana i-accept niya ‘ko. Ilang sandali lang habang nag-i-scroll ako sa newsfeed ko ay may nag-pop na notification. Kiara Michelle Rivera accepted your friend request. Napangiti naman ako. Ini-stalk ko naman agad ang profile niya. Freshmen siya sa University of the Philippines, sa course na Communication Arts.  Ang ganda niya sa lahat ng pictures niya. At lahat ng pictures niya, pinakamataas ang 3K reacts. Pinakamababa na ang five hundred. Samantalang ako, 10 likes lang, masaya na. Sa bagay, hindi naman marami ang friends ko. Wala pang four hundred ang friends ko. Puro kaklase, kakilala, at kamag-anak ko lang ang mga ‘yon. Hindi rin ako mahilig mag-selfie. ‘Yong profile picture ko nga halos isang taon na. Anong palit-palit?  Mayamaya naman ay may nag-pop na namang notification. Rendel Caden Morgenstern sent you a friend request. Napataas ang kilay ko. In-add ako ni torpeng engot? Hmm. Sige, accept natin. Kawawa naman. Sayang effort niyang i-add ako. Ni-log out ko na ang f*******: ko at pinatay ang netbook. Tumayo na ako at nagpuntang banyo para maligo. Mga thirty minutes ako sa banyo, pagkatapos ay pumunta akong kuwarto para magbihis. Nang tapos na ako ay lumabas na ako sa kuwarto at lumabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay napahinto ako nang may tumawag sa’kin. “Hoy.” Nilingon ko naman siya. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Gagala lang diyan sa tapat. Boring eh,” sagot ko. “Gano’n ba. Sama ako,” sambit ng kumag na si Caden. Napataas naman ang kilay ko, “Ikaw ang bahala.” “Wait lang,” sambit niya tapos ay pumunta siya sa likod-bahay. Mayamaya ay dumating na siya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong dala niya. “Wow. Ang cute naman niyan,” sambit ko nang may pagkamangha. “Siya si Miykal, isang Alaskan Malamute,” sambit ni Caden habang hawak ang leash ng aso. Mukha siyang wolf. Malaki siya at may makapal at fluffy na balahibo na kulay puti at may shades ng black. “Puwede ko ba siyang hawakan?” tanong ko.  “Sure.” Dahan-dahan kong nilapat ang kamay ko sa ulo ng aso at hinimas ito. Mukhang mabait naman siya at nagustuhan niya. Sabay na kami lumabas ni Caden ng gate kasama si Miykal at naglakad-lakad sa kalsada.  “Roma.” “Ano?” “Gusto mo ba si Kuya?” Pinandilatan ko naman siya ng mata, “Sinasabi mo?” “Well, if you like him, I’ll just give you a warning.” “Ano naman ‘yon?” “Beware of my brother. He’s not really that good in handling woman’s heart.” Nakatingin lang ako kay Caden at mukhang hindi naman siya nagbibiro. “Rendel!” Lumingon kami sa nagsalita. “Kiara.” Dala niya rin ‘yong aso niyang shih tzu. “Hello, Miykal!” bati niya ro’n sa aso ni Caden. Tapos ay tumingin siya sa’kin, “Wait. Roma, right?” “Ah oo,” sagot ko. “Bakit magkasama kayo?” usisa niya. Halos mataranta naman kami ni Caden sa tanong niya, “Ah…ano kasi…” “Baby!” Tumingin kami sa taong paparating mula sa likuran ni Kiara. “Chester.” “Oh, Hi, Kiara,” bati nito. “Hello,” bati ni Kiara pabalik. Lumapit sa’kin si Chester sabay akbay, “Hey, I’m looking for you.” Napataas naman ang kilay ko, “Ha? Ba’t naman?” “Wait. Don’t tell me…” sambit ni Kiara tapos ay napaisip siya. “Roma is your girlfriend?” Nagulat kaming tatlo sa naging turan ni Kiara. “Yeah, she is.” Nagulat ako sa naging sagot ni Chester. “So, maiwan na muna namin kayo. Excuse us,” paalam ni Chester tapos ay dinala na niya ako papalayo habang nakaakbay pa rin. “I’m sorry,” sambit niya bigla. “’Yon lang ang naisip kong palusot para hindi na siya magtanong. Ayaw ni Caden malaman ni Kiara na engaged na siya,” paliwanag pa niya. Tumango-tango naman ako, “Okay.” “Don’t worry. We’ll just pretend in front of Kiara. Okay?” Tumango ako, “Okay.” --- Nakarating na ako sa mall na sinabi ni Kiara. Nasa tapat ako ng entrance habang hinihintay siya. Palinga-linga ako sa paligid at tingin nang tingin sa relo ko. Niyaya ako ni Kiara lumabas thru chat kaninang umaga. After five minutes, dumating din siya. “Hello, Roma!” bati niya nang may magandang ngiti. “Hi,” bati ko naman. Pinagmasdan ko siya mula ibaba. Naka-wedges siya sa paa. Litaw ang well-manicured nails niya na kulay pink ang nail polish.  Tapos naka-floral skirt siya na hanggang hita ang haba kaya litaw ang magaganda at makikinis niyang legs, at naka-pink na polo blouse siya na may ribbon sa dibdib.  Ang cute niya magdamit. Samantalang ako, naka-high cut na black and white Converse, skinny jeans, saka plain t-shirt, at itim na cap. Lalo tuloy akong nailang. “So, where should we go first? Kakain? Magsha-shopping? Or sa parlor?” tanong niya. “Uhm…ikaw ang bahala,” sagot ko nang may nakakailang na ngiti. “Okay! Sa parlor muna tayo. Let’s go!” aya niya sakin sabay hablot sa braso ko papasok ng mall. “Kailangan ba talaga natin mag-parlor?” tanong ko. Naglalakad kami ngayon sa loob ng mall habang nakakapit pa rin siya sa braso ko. “Uh-huh,” sagot niya sabay tango.  “Bakit? Ayaw mo ba?” tanong naman niya. Napasinghap ako nang Makita ko ‘yong pagpungay ng mga mata niya. “H-hindi naman sa gano’n. Hindi lang kasi ako sanay sa gano’ng klaseng lugar,” sagot ko. “Gano’n ba. Okay lang ‘yan, Roma,” sambit niya. Hindi talaga ako nagpapa-parlor. Isang beses sa dalawang taon lang ako pumupunta d’yan para lang magpa-trim ng buhok ko at ipaayos ang bangs ko. Bukod do’n, wala na. Mayamaya ay may pinasukan na kaming parlor. Nilibot ko ang paningin ko. May mga nagpapa-manicure, pedicure, foot spa, at nagpapaayos ng buhok. Napatingin naman ako bigla sa sarili ko sa salamin. Hindi talaga ako gano’n ka-feminine gaya ng ibang babae. Wala pa namang nagsasabi sa’king panget ako, pero hindi ko rin masabi sa sarili ko na maganda ako. “Roma!” Nalipat ang atensyon ko kay Kiara nang tinawag niya ‘ko. Tapos ay lumapit ako. “Roma, this is Kuya Leo, the manager and owner of this parlor. And Kuya, this is Roma, my new friend,” pakilala niya sa’min. “Hello, Miss Roma. Nice to meet you,” bati sa’kin no’ng Kuya Leo na kahit bading siya ay panlalaki pa rin ang suot. Medyo may edad na rin ito.  “So, anong sa inyo ngayon, Miss Kiara?” tanong ni Leo. “The usual. Gano’n na rin para sa friend ko,” sambit ni Kiara. “’Wag niyong babawasan buhok ko, ah,” sambit ko sabay hawak sa buhok ko. Natawa naman pareho sina Leo at Kiara. “Hair treatment lang ang gagawin natin sa buhok mo, Miss Roma. Don’t worry,” sambit no’ng Leo. Pina-assisst na kami ni Leo doon sa mga staff niya. Magkatabi lang kami ng upuan ni Kiara. Unang ginawa ang buhok namin. May pinahid silang kung ano. Tapos ay nilagyan niya ng shower cap. Habang nakababad ang buhok namin ay may nagma-manicure naman sa’min. First time kong magpalinis ng kuko. Sinabi ko do’n sa manikurista na colorless ang nail polish na ilagay. Nagpa-foot spa rin kami tapos may libre pang head massage. Ang sarap! Nakaka-relax! Pagkatapos ng lahat ay binanlawan na ang ulo namin. Tapos ay tinutuyo na ito ng blower habang sinusuklay.  Pagkatapos ay lumabas na kami ng parlor. “Anong feeling, Roma?” tanong niya habang naglalakad kami. Dito pa rin sa loob ng mall. “Nakaka-relax. Lalo na ‘yong foot spa at massage,” sambit ko habang hinahaplos ang buhok ko. Iba kasi siya ngayon. Lightweight at malambot. May pinasukan naman kaming clothing shop. Nang tiningnan ko ang mga presyo ay halos kapusin ako ng hininga. Pinakamura na ang five hundred pesos na isang simpleng blouse. Kuntento na kasi ako sa tigsisingkwenta na damit sa ukay.  Binigyan ako ni Kiara ng mga damit na gusto niyang ipasukat sa’kin. Tinatanggihan ko kapag backless, low-back, labas ang cleavage, spaghetti strap, at ‘yong sobrang ikli at hapit ang palda. Sa lahat ng pinili ni Kiara ay eto lang ang medyo natipuhan ko. Off-shoulder na blouse na kulay baby blue tapos maong na short na hanggang hita ang haba. “Oh ‘di ba? Ang ganda,” sambit ni Kiara habang nakatingin kami sa body mirror. Pagkatapos ay pumunta naman kami sa isang restaurant.  “Bakit nga ba ako ang naisip mong yayain ngayon?” tanong ko kay Kiara habang kumakain kami. Nilunok muna niya ang kinakain niya bago magsalita. “I want to know you better,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. “Bakit?” tanong ko. “How did you met those two? I mean, the Morgenstern siblings?” usisa niya. Napahigop ako sa straw ng juice na katabi ko. Kung alam lang niya kung bakit kami nagkakilala at nagkasama ng mga ‘yon. Hays. “Besides, girlfriend ka rin ni Chester,” sambit niya. Napangiti lang ako nang pilit sabay tango. Muntik na rin naman akong masamid do’n. Napaisip ako ng magandang palusot. “Dahil sa DOTA,” sagot ko. “DOTA? Ah yeah. That online game? Oo nga. Adik rin diyan si Rendel. So, naglalaro ka rin no’n?” tanong niya. Tumango ako. “Oo. Nagkakilala kaming tatlo sa isang tournament,” sagot ko. “Wow. Ang astig mo pala,” sambit niya sabay tawa. Ngumiti na lang ako bilang tugon. “Matagal na kayong magkakilala ni Caden, ‘di ba?” usisa ko naman para maiba ang usapan. “Ah yeah. Since fourth grade, magkaklase na kami. We both came in Brent International School. Tapos magkapitbahay din kami. Magkakilala na rin ang parents namin. So, pag alam nilang kasama namin ang isa’t isa, kampante sila,” sambit niya. Napanganga naman ako ro’n sa Brent school. ‘Di ba school ng mayayaman ‘yon? “So, kung magkababata pala kayo. Tanong ko lang,” sambit ko. “Yes? Ano ‘yon?” tanong naman niya. “Kung sakaling manligaw sa’yo si Caden, may pag-asa ba siya?” Parang natigilan si Kiara sa naging tanong ko. Mayamaya ay ngumiti siya. “Well, honestly he’s not bad. Guwapo siya, mabait, matalino, at marangal ang pamilya niya. So, yes. Kung sakaling manligaw siya sa’kin, may chance. Depende na lang din kung paano niya ako liligawan,” sambit niya. Napangiti ako. Yes! May chance naman pala si kumag sa love interest niya! May chance din na maging malaya na ako sa engagement namin at mawala na ang utang namin! Hayss, bilisan niyo na kasi. Sana maging kayo na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD