Thirty-second Chapter: Torn in Between

1576 Words
Gabi-gabi na lang ako binabangungot. Dahil sa halik na 'yon, lagi ko na lang 'yon napapaginipan. Tapos kapag nagigising ako, pakiramdam ko nagigising ako mula sa isang bangungot. Mula no'n, iniiwasan ko palagi si Caden. Palagi akong maagang umaalis ng bahay para hindi ko siya maabutan. Sa kuwarto naman ako nakain palagi. Nagpapasuyo ako ng pagkain kay Manang Rosa para dalhan niya ako sa kuwarto. Mabuti na lang at mabait siya kaya pinagbibigyan niya ako. Lagi ko na ring nila-lock ang kuwarto ko para hindi na makapasok basta-basta si Caden. Tapos tuwing uuwi ako, lagi akong natakas para makauwi mag-isa. Minsan kasi pinupuntahan niya ako sa school tuwing vacant niya para ihatid ako pauwi. Naiilang kasi ako. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Ah basta! Hindi ko alam kung napapansin ba niya o ano. Pero tingin ko, nagtataka na 'yon. Kasi kapag tinatawag niya ako, hindi ko siya pinapansin. Lagi akong nagmamadaling lumayo. Kapag naman kinakatok niya ko rito sa kuwarto, hindi ko siya pinagbubuksan. Papasok na ako sa school at medyo tinanghali ako ng gising. Ala sais na ng umaga at paalis pa lang ako. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para walang makapansin. "Roma." Napahinto ako sa tumawag sa'kin at dahan-dahan akong lumingon. "Po?" sambit ko. Si Sir Michael 'yong tumawag sa'kin. "Let's have some breakfast," aya niya sa'kin. Nakaupo siya sa dining area at nag-aalmusal. "Pero, ala sais na po kasi," katwiran ko. "It's okay. I know na maaga ang pasok mo. Don't worry and just join me. Ipapahatid na lang kita kay Earl," hikayat niya sa'kin. Tumango siya at ngumiti. Nahiya na naman ako kaya't wala na akong nagawa. Lumapit na ako sa dining area at naupo. "Oh, what do you want? Egg? Bacon? Bread? O baka gusto mo ng kanin? Coffee, hot chocolate, or fruit juice?" alok sa'kin ni Sir Michael. Dahil may mga kubyertos na sa harap ko, kumuha na lang ako ng pagkain at nilagay sa plato ko. Kumuha ako ng tig-iisang tinapay, itlog, at bacon. Tapos ay nagmadali akong kumain. "Hey, young lady. Just slow down. Baka mabulunan ka niyan," sambit ni Sir Michael sabay tawa nang kaunti. Medyo napahiya naman ako kaya't binagalan ko nang kaunti ang pagkain ko. Nagmamadali ako kasi baka maabutan ko si Caden. Ayaw kong magpang-abot kami. "Good morning." "Oh good morning, Chester." Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ng tatay niya. "Roma, sinong maghahatid sa'yo?" tanong naman sa'kin ni Chester. "Si Earl ang maghahatid sa kanya," sagot naman ng tatay niya. "Good morning, Caden." "Good morning, Dad." Nang magtama ang paningin namin ni Caden ay bigla akong nataranta. Napatayo tuloy ako ng hindi oras. "Oh, aalis ka na? Hindi ka pa tapos kumain," tanong ni Sir Michael. "O-opo, okay lang. Salamat sa pagkain," sambit ko sabay karipas ng alis. Tumakbo ako palabas ng bahay. Naiilang ako na nahihiya kapag nandyan si Caden. --- Nasa school na ako at break time namin. Nakatayo ako sa tabi ng classroom namin kasama ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko sila pinapansin. Halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil parang wala ako sa sarili ko ngayon. "Roma?" Napatingin ako kay AJ nang tawagin niya ako sabay tapik sa balikat ko. "Okay ka lang?" pag-aalala niya. "O-oo naman," sagot ko. "Ilang araw ka nang ganyan, ah. Okay ka lang ba talaga?" usisa naman ni Evan. "O-oo nga. Okay lang talaga ako," sambit ko sabay ngiti nang kunwari. "Ano bang iniisip mo?" tanong ni Jeyra. "Ano? O baka naman, sino? Sabihin mo, Roma. Sinong iniisip mo? Si Chester o si Caden?" usisa naman ni Josephine. Lumukso bigla ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Caden. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman ko. "Hoy, namumula ka, Roma," sambit ni AJ. Napahawak tuloy ako sa mukha ko at nakapa kong mainit nga ang mga pisngi ko. "Sabi na eh. Si Chester lang 'yan o 'di kaya si Caden. Chika ka naman diyan, Roma. Parang hindi mo kami friends," sambit ni Josephine nang nakanguso. Hindi ako makatingin sa kanila ng deretso at napapakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Umiling ako, "W-wala lang 'to," sambit ko. "Ang daya talaga nito! Kailan ka kaya magkukuwento?" sambit ni Josephine na parang batang nagtatampo. --- Pagsapit ng uwian ay lumabas kaagad ako ng gate ng school. "Roma!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita kong si Caden 'yon. Nakatayo siya habang nakasandal sa kotse niya tapos ay kinawayan niya ako. Para naman akong naestatwa sa kinatatayuan ko at para akong kinapos ng hininga nang lumapit siya sa'kin. "Halika. Ihatid na kita," sambit niya sabay hablot niya sa pulso ko. Agad namang nataranta ang katawan ko kaya't marahas akong bumitaw sa kanya. "Roma? May problema ba?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Patuloy lang akong nakatitig sa kanya. "May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" pag-aalala niya. Hahawakan na niya sana ang mukha ko nang bigla ako napaatras at pinigilan siya. "H-huwag mo 'kong hawakan," sambit ko. Nabakas ang pagtataka sa mukha ni Caden. "Okay. Sige, halika na," sambit niya. Umuna na siya sa sasakyan niya at sumunod naman ako. Pagsakay namin ay pinatakbo na niya ito. Buong biyahe kaming hindi nag-iimikan hanggang makarating kami sa mansyon. Pagbaba ko ay dumeretso kaagad ako sa kuwarto ko. At nakasunod din pala sa'kin si Caden. "Puwede ka nang umalis. Magpapahinga na kasi ako. Salamat sa paghatid," sambit ko. Nakatalikod lang ako sa kanya. Hindi ko siya magawang tingnan. Naiilang kasi ako. Bigla niya 'kong hinawakan sa magkabilang balikat. Nanginig ang katawan ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Napapikit ako bigla, "B-bitiwan mo 'ko, please..." "Roma..." Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay niya sa balikat ko. "Napapansin kong ilang araw ka nang ganyan sa'kin. Tell me, have I done something wrong to you?" Hindi naman ako makaimik. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Pasensya na. Hindi ko rin kasi maintindihan kung ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon. "Is it because of that kiss?" Natinag ako sa kanyang tanong. "So, I hit it. You're avoiding me because of that, right?" sambit niya. Natuon na naman ang mga mata ko sa sahig at napahimas ako sa braso ko. "I guess I'm right. That kiss brought confusion to you." Tapos ay humakbang siya para lalong lumapit sa'kin. Naramdaman ko na lang na nasa ibabaw na ng ulo ko ang kamay niya. "I'm sorry. I'm sorry for being so reckless, for causing you confusion. I just-" Bumuntonghininga siya, "Just forget about that. Hindi ko sinasadya. I don't want you to avoid and hate me because of that." "I'm leaving," sambit niya. Tapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto ko at umalis. Napaupo na lang ako sa kama ko. Napabuntonghininga ako nang malalim. Bakit gano'n? Bakit parang nahahabag naman yata ako? Para siyang maamong tupa. Pero kung tutuusin, parang ginusto ko rin naman 'yong halik na 'yon. Padabog kong pinaghahampas ang kama ko at nagpapadyak sa inis. Baliw ka talaga, Roma! --- Gabi na at nasa labas pa ako. Nandito ulit ako sa garden at nakaupo sa may bench nagpapahangin bago matulog. Mayamaya'y may nag-abot sa'kin ng tasa kaya't tiningala ko ito. "For you." Iniabot ko naman ang tasa mula sa kanya. "Careful. It's hot," bilin ni Chester sabay upo sa tabi ko. Hot chocolate na may marshmallows sa ibabaw ang laman ng tasa. "Salamat," sambit ko. "It's seems like you're avoiding Caden." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Tell me. Is there something wrong? Nag-away ba kayo?" usisa niya. "Ah, hindi naman." "May kasalanan ba siya sa'yo?" "O-oo. Pasok kasi siya nang pasok sa kuwarto ko nang walang paalam eh. Kaya ayun," palusot ko sabay tawa nang pilit. "Oh, okay." Mukhang bumenta naman sa kanya ang palusot ko. "Roma." "Hmm?" "Why it seems you're old for your grade level? You're already seventeen. Dapat nasa grade eleven ka na," sambit ni Chester. "Ah 'yon ba? Late na kasi ako pumasok noon sa grade one. Nagkasakit kasi si Mama, tapos bata pa sina Reine at Ryler. Walang mag-aasikaso sa'kin kapag pumasok ako sa school," sagot ko. "Oh, that's sad." Kailangan noong magpahinga ni Mama at ayaw kong maging dagdag pa sa aasikasuhin niya. "Ikaw? Mukhang hindi ka na inabot ng bagong education curriculum, ah," sambit ko. "Oo. I graduated at the age of twenty. After that, sinabak na 'ko agad ni Dad sa company. At first, I'm only a part-timer. Hanggang sa maging regular employee ako after three months," sagot niya. "Si Caden naman, galing na sa batch na bunga ng bagong education curriculum," dagdag pa niya. "Pero parang ang bata pa niya para sa first year college. Eighteen pa lang siya, 'di ba? Hindi ba 'yong edad na 'yon ay grade twelve lang?" "Oo. Pero maaga kasi siya pumasok sa school. At the age of three, he already knows how to count to ten, recite the alphabet, and identify colors and shapes. Kaya naman, ipinasok na siya sa school at the age of four." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Matalinong bata naman pala si kumag. "He's an achiever since pre-school. Top of the class, batch valedictorian," sambit niya. Napaawang naman ang bibig ko at bumigkas ng 'wow' nang walang boses. "One of the reasons why he was the chosen successor." Tapos tumingin siya sa'kin, "And not me." Kahit nakangiti siya sa'kin ay may nakikita akong bahid ng lungkot sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD