Nineteenth Chapter: The Secret

1536 Words
Kararating ko lang sa school. Pagpasok ko ng classroom, dumeretso na ako sa upuan ko. Tapos ay nangalumbaba ako sabay buntonghininga nang malalim. “Roma-bells!” Napatingin ako sa tumawag sa’kin. “Oh, Cheska,” sambit ko. Nakasandal siya sa tabi ng pintuan ng room namin na akala mo’y guwardya ro’n. Nakaupo kasi ako sa row na pinakaunahan. Dito ko talaga napili kasi kapag nasa likod ako, hindi ako gaanong makarinig at hindi ko rin masyadong makita ang mga nakasulat sa board. “Nakasimangot ka na naman. Ang aga-aga,” kantyaw niya. “Sus, parang ‘di ka naman nasanay. Palagi naman talagang nakasimangot ‘yang si Roma. Once in a blue moon mo lang ‘yan makikitang nakangiti,” sambit ni Jacob sabay tawa. Katabi ko lang kasi siya. Inikutan ko lang sila ng mata saka yumuko sa desk ko. --- Recess na sa wakas. Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang biglang may tumawag sa’kin. “Roma!” Tumingin ako sa gawing pintuan. Nakita ko sila Josephine at kinawayan nila ako. Tumayo naman ako para lapitan sila. “May long quiz tayo bukas sa Filipino,” sambit ni Josephine. “Ah oo. Kami rin,” sambit ko. Pareho lang kami ng Filipino teacher, si Mrs. Maranan na adviser din namin. “May naisip ako!” sambit naman ni Jeyra na kinagulat namin. “Ano ‘yon?” tanong ni AJ. “Mag-review tayo kila Roma,” suhestiyon niya. Nagtinginan naman kaming lahat. Silang tatlo naman ay tinititigan ako na parang nagpapaawa na pumayag ako. “Okay. Fine. Sa’min tayo mamaya,” sagot ko. Ngumiti naman sila. “Yes! May review na, may gala pa!” sambit nila. Natawa na lang ako sabay kamot sa batok ko. “Roma!” Napalingon kami sa tumawag sa’kin. Napataas ang kilay ko habang siya naman ay nakangiti habang kumakaway sa’kin. “Sino naman ‘yang pogi na ‘yan, Roma?” usisa ni Josephine. “Si Chester, kuya ni Caden,” sagot ko. Pinandilatan nilang lahat ako ng mata. “Hi,” bati niya sa’kin nang makalapit siya. Nabaling naman ang atensyon ng mga kaibigan ko sa kanya. “Oh, Chester. Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “I’m here because I wanna see you. Can we talk?” tanong niya. Napaisip naman ako sandali. “Sige,” sagot ko. Napangiti naman siya. “Great! Let’s go?” aya niya. Tumingin ako sa mga kasama ko. “Sandali lang ha?” sambit ko. Tapos ay sumunod na ako kay Chester palabas ng gate ng school. Paglabas namin ay umupo ako sa bench na katabi ng school. Habang si Chester naman ay nagpaalam na may kukunin lang daw sa kotse niya. Pinagsu-sway ko ang mga paa ko na hindi nakalapat sa lupa habang nakatingin din dito. “Coffee?” Napaangat ako sa nagsalita. Ngumiti ako at tumango sabay tinanggap ang inaabot niyang kape na nasa disposable cup. “Be careful. It’s still hot,” sambit niya matapos niyang umupo sa tabi ko. “So, anong pag-uusapan natin?” tanong ko. “Actually, wala naman talaga. Gusto ko lang talaga kitang makita,” sambit niya tapos ay humigop siya ng kape. “Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong ko. “Meron. I just took a break,” sagot niya. “Nagtatrabaho ka ba sa company ng dad mo?” tanong ko. “Yeah. After kong mag-graduate several months ago, nagtrabaho na ‘ko ro’n,” sambit niya. Tumawa ako ng bahagya. “Ang taas siguro agad ng posisyon mo. Kasi anak ka ng boss ng kumpanya,” sambit ko. “Hindi rin. I chose a slightly low position para magawa ko pa rin ang mga gusto ko. Kasi the higher position, mas mabigat na responsibility. Kaya mas gusto kong maging ordinary office worker lang kahit pa Daddy ko mismo ang boss,” sambit niya. “Ah okay.” “Also, Caden is the chosen successor of our family. Kaya less pressure sa’kin,” sambit pa niya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa’min nang magsalita siya ulit. “So, let’s talk about your arranged marriage with my brother. Willing ka ba talagang magpakasal sa kanya?” tanong niya. Ibinaba ko ang kapeng iniinom ko pagkatapos ay huminga ako nang malalim. “Wala talaga akong plano mag-asawa. Lalo na’t bata pa ako. Ang motto ko ngayon ay study and career first. Alam mo naman siguro ‘yong dahilan kung bakit kami magpapakasal, ‘di ba?” sambit ko. “Ah yeah. I know,” sambit niya. “Kung eto lang ‘yong paraan para iligtas ang pamilya ko, gagawin ko. Gusto ko man o hindi. Wala na akong pake kung hindi namin mahal ang isa’t isa,” sambit ko. Tumango siya. “You’re like Caden.” Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang ‘yon. “Gagawin din niya ang lahat ng gusto ng pamilya namin. Ayaw man niya o hindi,” dagdag niya. Napabuntonghininga ako sabay lagok ng kape.  --- Awas na kami galing school at gaya ng napagkasunduan kanina, dito kami sa bahay ko magre-review.  Hindi ko naman sila matanggihan. At ayaw ko silang dalhin sa mansyon ng mga Morgenstern. Ayaw kong malaman nila na do’n na ako nakatira. Kaya naman dito ko na lang sila sa bahay ko dinala. Ako lang ang tao sa bahay dahil ako ang may pinakamaagang oras ng uwi. Buti na lang may spare key ako nito. Dumeretso naman ang mga loka sa kuwarto ko at nagtampisaw sa kama ko. “Diyan muna kayo. Kukuha ko kayo ng meryenda at maiinom,” sambit ko pagkalagay ko ng bag ko sa gilid. “Sige lang, Roma,” sambit nila. Nagpunta ako ng kusina at nagsalang ng tubig sa kaserola. Pinakulo ko ito tapos ay nilagay ko ang tatlong buo ng noodles. Pinakuluan ko ito hanggang lumambot. Nang malambot na ito ay pinatay ko na ang kalan at din-rain sa lababo ang noodles sa strainer. Tapos ay nilagay ko na ang noodles sa plato na may seasonings at hinalo hanggang sa malagyan lahat ng seasoning ang noodles. Nilagay ko ito sa tray kasama ang isang pitsel ng juice at tinapay. Dadalhin ko na ito sa kuwarto ko kung nasaan ang mga bruha. “O eto na ang pagkain niyo,” sambit ko pagpasok ko sa kuwarto at nilapag ang tray sa study table ko. Napansin ko naman na may binabasa silang papel at nagtaka ako dahil nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sa papel. “Roma, ano ‘to? May kasunduan kayo ni Caden?” usisa ni Josephine . “Mag-fiance kayo ni Caden at plano niyong i-cancel ang engagement?” tanong naman ni AJ na may hawak mismo ng papel. Tila natulala na ako sa kinatatayuan ko. Paano nila nakuha ang treaty namin ni Caden? Naiwan ko pala ‘yan dito? “Sumagot ka, Roma. Ano ‘to?” sambit naman ni Jeyra. Hindi ako makaimik. Iginala ko muna ang tingin ko sa buong kuwarto. Suminghap ako at saka nagsalita. “Totoo ‘yang nabasa niyo. Fiance ko talaga si Caden. Hindi ko siya boyfriend. At gumagawa kami ng paraan para ma-broke ang engagement,” sambit ko. Halos malaglag naman ang mga panga nila sa sinabi ko. Tapos ay kinuwento ko sa kanilang lahat ang totoong nangyayari. Detail by detail. Maliban sa pagtira ko sa mga Morgenstern. “Grabe naman pala, Roma. Ganyan pala ang sitwasyon niyo ngayon. Kailangan niyong ma-cancel ang engagement bago pa kayo magpakasal. Pero dapat maging girlfriend muna ni Caden ‘yong Kiara at kailangan mo siyang tulungan para mangyari ‘yon,” sambit ni AJ. “Oo. Kaso nuknukan naman ng torpe ang kumag na ‘yon. Bakit ba kasi gano’n siya?” reklamo ko. “Roma, intindihin mo rin si Caden. Oo, gusto niya si Kiara. Pero siguro naninigurado pa ‘yon sa feelings niya. Magkababata sila, ‘di ba? Iniisip pa niya kung crush lang o love ba talaga ‘yong nararamdaman niya para kay Kiara,” paliwanag naman ni Josephine. “Gaano niya katagal balak manigurado? Isang taon lang ang meron kami para i-cancel ang engagement!” sambit ko. “Chill lang, Roma. Tutal, kilala mo na rin si Kiara, stepping stone na ‘yon para matulungan mo siyang ma-realize ‘yong feelings niya,” sambit ni Jeyra. Napabuntonghininga naman ako nang may ingay. --- Gabi na at ang langit ay puno ng bituin at ang buwan ay kalahati. Nakaupo ako sa bench nila sa garden. Nagpasya akong magpahangin muna pagkatapos namin maghapunan. Huminga ako nang malalim para damhin ang sariwang hangin tapos ay dahan-dahan ko itong binuga. Mayamaya’y may naramdaman akong umupo sa tabi ko. “I heard that Kuya Chester visited you on your school lately. Is it true?” usisa ni Caden. Tumango lang ako bilang sagot. Tumawa siya nang pagak, “Kina-career ba niya ang pagiging fake boyfriend mo? Baka nakakalimutan niya na…” Tapos ay tumingin ako kay Caden. Umiwas naman siya ng tingin na animo’y naiilang. “Na…sa harap lang ni Kiara kayo magpapanggap.” Sumagi bigla sa isip ko ang mga sinabi sa’kin ng mga kaibigan ko kanina. “Caden.” “Ano?” “Mahal mo ba talaga si Kiara?” Mukhang nabigla siya sa naging tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD