Twentieth Chapter: Revenge

1214 Words
Dahil maaga pa naman, napagpasyahan kong maglakad na lang papuntang school. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw dahil quarter to six pa lang naman ng umaga. Pinilit ako kanina ni Sir Michael na magpahatid kay Earl. Pero tumanggi ako. Gusto ko kasing maglakad sa umaga. Exercise na rin. Napipilitan lang naman ako magpahatid pag late na ako. After twenty minutes, nasa street na ako kung nasaan ang school ko. Ilang metro na lang ay malapit na ako sa school. Mayamaya’y napahinto ako dahil may grupo ng mga lalaki na humarang sa’kin.  “Hoy, ikaw,” tawag sa’kin ng isang lalaki. “Ikaw ‘yong kaibigan ni Morgenstern, ‘di ba?” maangas niyang tanong. Napakunot ang noo ko. “Oo, bakit? Sino ba kayo?” maangas ko namang sagot. Tumawa nang pagak ang lalaki. “Hindi mo ‘ko naaalala?” tanong niya. Tapos ay lumapit siya sa’kin. “Ako lang naman at ang grupo ko ang binugbog niyo ni Morgenstern noon sa loob ng campus!” sambit niya habang pinandidilatan ako ng mata. Napaisip ako sandali habang tinititigan ang mukha niya. “Ikaw si Marco? ‘Yong bumastos kay Kiara?” tanong ko. Ngumisi siya. “Mabuti naman at naaalala mo pa ‘ko,” sambit niya. “O, anong kailangan niyo?” maangas kong tanong. “Huh. Ang angas mo talagang babae ka, ‘no?” Marahas niyang hinablot ang braso ko at hinawakan ‘yon ng mahigpit. “Ano ba?!” angil ko naman. “Ikaw muna ang gagantihan namin bago ang Morgenstern na ‘yon!” sigaw niya. Tapos ay napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo. Ngumisi siya. “Hindi na rin masama. Maganda ka rin naman. Makinig ka. Hindi kita sasaktan. Kung papayag kang sumama sa’kin. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka,” sambit niya nang may nang-aakit na boses na siyang nakapagpatindig ng mga balahibo ko. Anong pinagsasasabi ng lalaking ‘to?! “Huh. Anong tingin mo sa sarili mo? Sa tingin mo sasama ako sa lalaking bastos at aroganteng tulad mo? Manigas ka!” maangas kong sagot. “Mas gusto mo pang masaktan, ha? Sige, lulumpuhin ka muna namin para hindi ka na makapalag pa,” sambit niya sabay tumawa na parang nang-aasar. Marahas niyang binitiwan ang braso ko at parang sinenyasan niya ang limang lalaki na kasama niya. Pinalibutan nila ako kaya naman ibinaba ko muna ang bag ko para handa na akong lumaban kung sakaling sugurin nila ako. “Anong ginagawa niyo sa Vice Captain ko?” Napatingin kami sa nagsalita. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. “Captain Steve!” Ang Captain ng Group 11 na kinabibilangan ko sa grupong Jutsu.  “Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Anim kayong naglalakihang mga lalaki tapos pagtutulungan niyo ang isang babae? Mga bakla pala kayo, eh!” pang-aasar ni Captain. Sabay tumawa naman ang buong member ng Jutsu na kasama niya ngayon. Ano nga palang ginagawa nila rito? “Sinong bakla ang tinatawag niyo, ha?!” maangas naman na tugon ni Marco. Tapos ay nagsugudan na ang magkabilang grupo. May bigla namang humablot ng pulso ko. “Evan!” “Halika na, Roma. Hayaan mo na sila. Mga ka-Jutsu na natin ang bahala sa kanila,” sambit ni Evan habang hila-hila ako sa pulso at itinatakbo papalayo sa g**o. Tama, oo nga pala. Ang Jutsu Organization ay hindi lang samahan ng mga halimaw sa DOTA. Mga sanay din sila sa basag-ulo. Napangiti ako sabay iling. Nakapasok na kami ni Evan sa gate ng school. Huminto kami sa waiting area. Hingal na hingal si Evan na halos habulin na niya ang hininga niya. “Relax, pre. Hindi naman gano’n kalayo ang tinakbo natin,” sambit ko. “Yabang mo talaga. Porket malakas ang katawan mo kaysa sa’kin,” sambit niya habang hinihinga pa.  “Exercise din kasi pag may time, brad,” kantyaw ko pa. “Buti na lang on time kami,” sambit niya. Napakunot ang noo ko. “On time?” usisa ko. “Ako ang tumawag kay Captain para humingi ng tulong. Ang sabi ko nasa panganib ka at kailangan mo ng back-up. Hindi ko naman inaasahan na buong Jutsu pala ang dadalhin niya. Pero mabuti na rin ‘yon,” sambit niya. “Paano mo nalaman na nandoon ako?” tanong ko. “Tinawagan ako ng fiancé mong hilaw,” sambit niya. Napataas ang kilay ko. “Si Caden?”  “Oo. Sabi niya papunta rito ang grupo ng Marco na ‘yon para resbakan ka. Hindi siya makaalis ng university dahil may klase siya at mahalaga ang gagawin nila ngayon. Buti na lang talaga on time kami,” sabi niya. Alam ni Caden na pupuntahan ako nila Marco? Paano kaya niya nalaman? --- Uwian na. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang may tumawag sa’kin. “Roma!” Pagtingin ko sa gawing pintuan ay naroon si Caden. Sinakbit ko ang bag ko at pinuntahan siya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. “Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo? Anong ginawa sa’yo ni Marco?” sunod-sunod niyang tanong at bakas ang labis na pag-aalala niya. Napakunot ang noo ko dahil sa pag-aalala niyang pinapakita sa’kin ngayon. “Wala. Okay lang ako,” sagot ko. Bigla namang may tumulak kay Caden kaya’t napaatras ito.  “Hoy ikaw. Kung gagawa ka ng g**o, ‘wag ka nang mandadamay pa,” inis na sambit ni Evan. “Paano kung wala akong nahingan ng tulong at napahamak si Roma ng tuluyan? Anong gagawin mo, ha?” dagdag pa niya. “A-ano ka ba, Evan? Okay lang ‘yon. Kung tutuusin kayang-kaya ko naman ‘yong mga lalaking ‘yon, eh,” pagsingit ko. Tumingin sa’kin si Evan at bakas ang inis sa mukha nito. “Kahit na ba, Roma. Oo, malakas ka, pero babae ka pa rin,” sambit ni Evan saka binaling muli ang tingin kay Caden. Niyuko ni Caden ang ulo niya. “I’m sorry. Hindi ko sinasadyang idamay si Roma sa gulong pinasok ko. I assure you na hindi na ito mauulit pa kahit kailan,” sambit niya. “Siguraduhin mo lang. Malapit kong kaibigan si Roma sa loob ng tatlong taon. At kapag napahamak pa siya dahil sa’yo, wala na akong pakialam kahit maimpluwensya pa ang pamilya mo,” sambit ni Evan at umalis na ito. --- Nagda-drive ngayon si Caden para ihatid ako sa kanila. Tahimik lang siya at parang malalim ang iniisip kaya hindi ko siya inimik.  “Mabuti na lang at hiningi ko ang number ng mga kaibigan mo,” sambit niya habang nakatingin sa pa rin sa daan. “Huh?” “Si AJ, si Jeyra, si Josephine, at si Evan. Hiningi ko ang number nila two days ago. Hamak mo nagamit ko ‘yon ngayon,” sambit niya tapos ay tumawa siya ng pagak. “Nakarating sa’kin ang plano nila Marco na resbakan ka ngayon. Kaya tinawagan ko agad si Evan para iligtas ka. Hindi naman niya ako binigo,” sambit pa niya. Tapos ay tumingin siya sa’kin, “I’m sorry. From now on, I’ll always keep you safe, Roma. Promise,” sambit niya nang may pilit na ngiti.  Napakunot ang noo ko kasi parang may something weird dito kay Caden. Pero nagkibit-balikat na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD