Eleventh Chapter: Kidnapped!

1287 Words
Nasa klase ako ngayon pero lumilipad ang isip ko. Paano ba naman kasi? Hindi ko makalimutan ‘yong araw na ‘yon. Ang araw na binasa ni Caden ang mga manga na ginagawa ko. Alam ko namang nagustuhan niya. At dahil nga doon, halos araw-araw naman niya akong kinukulit kung may na-update na ba raw ako sa mga manga ko. Medyo nakakairita na kaya. Hindi ko pa tapos gawin ‘yong isang chapter ng isang manga na binasa niya. Kaya paano ko naman ‘yon ipapabasa sa kanya? Haay nako. Makalipas ang ilang oras ay recess na. Nandito kami ngayon sa likod ng library kasama ang mga kaibigan ko. Dito kami ngayon kumakain na parang nasa isang picnic. --- Nang uwian na ay sumabay ako sa mga kaibigan ko palabas ng school. Sa gate pa lang ay may tumawag na sa’kin. “Cassandra!” Napakunot ang noo ko sa nakita ko. “Caden?” “Uyy! Sinusundo siya ni boyfie!” pang-aasar ni Phine sabay hagikhik. Tumakbo sa Caden papalapit sa’min. Pero bakit parang may kakaiba? “Cassandra…” sambit niya pagkalapit niya sa’min at hinihingal pa. “Sumama ka sa’kin, please,” sambit niya. Para talagang may kakaiba rito, eh. ‘Yong reaksyon kasi ng mukha ni Caden… “Sige na. Kunin mo na ang kaibigan namin. Alam naming na-miss ninyo ang isa’t isa,” sambit ni Phine. Tinanguan lamang ni Caden ang mga kaibigan ko tapos ay bigla niya kong hinila sa braso papunta sa sasakyan niya. “Ano ba ‘yon, ha?” usisa ko. Mukhang takot si Caden at nag-aalala. “Cassandra, please help me. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” sambit niya na mukhang natataranta. “Caden, kalma lang. Sabihin mo muna sa’kin ang lahat, okay?” sambit ko. “Ganito kasi ‘yon. Kaninang lunch break, may tumawag sa’kin. Makipagkita raw ako sa kanya sa café na katapat ng university. May sasabihin raw siya tungkol kay Kiara. And so I did. Isa siya sa close friends ni Kiara at kasamahan sa dance org ng university. Nag-sleep over sila last night sa bahay nila kasama ang mga girl friends nila. Pero, may nangyari,” kuwento niya. “O anong nangyari?” tanong ko. “Pinasok sila bigla ng tatlong hindi kilalang mga lalaki. Puro babae lang sila do’n kaya wala na silang nagawa dahil sa takot. At sa kanilang lahat, si Kiara lang ang tinangay ng mga lalaki!” patuloy niya. Nanlaki ang mga mata ko. “Ano? Pero bakit? Paano? Nag-report na ba kayo sa mga pulis?” usisa ko. “’Yon na nga rin ang isa pang problema. Binalaan silang huwag magsusumbong kahit kanino, sa pulis o kahit sa pamilya ni Kiara. Kasi papatayin daw nila si Kiara pag nagkataon. Dahil hindi na nila alam ang gagawin, sa akin sila nagsabi para na rin humingi ng tulong,” paliwanag niya. “E paano ‘yan? Hindi ba hinahanap si Kiara ng parents niya?” usisa ko. “Hindi. Ako na ang kumausap sa parents niya. Sabi ko okay lang si Kiara. After ng sleep over, dumeretso na siya ng pasok sa school,” sagot niya. Napabuntonghininga ako. “O paano ‘yan? Kilala niyo ba kung sino ang kidnapper?” tanong ko. “Oo. Siya ang kinatatakutang delinquent ng university. Anak kasi siya ng isang Yakuza boss. Si Resty Yamamura,” sambit niya. “Teka, Resty?” kunot-noo kong tanong. “Short for Restituto. Half Pinoy, half Japanese kasi siya,” sagot niya. “Ah, gano’n ba. Pero teka, paano naman kita matutulungan dito, ha?” tanong ko. Bumuntonghininga muna siya. “Kailangan mo ‘kong tulungang makapasok sa hideout nila,” sagot niya. “Ano?” pagkagulat ko. “Willing ka namang tumulong, ‘di ba?” pagmamakaawa niya. Nag-isip muna ako sandali. Gusto ko pero paano kung mahuli kami? E ‘di wala na, finish na. “At paano naman tayo eeskapo ro’n, aber?” tanong ko. “Naipahanda ko na kay Earl ang lahat ng gagamitin natin para sa pagliligtas natin kay Kiara mamayang gabi,” sambit niya. “Teka, mamayang gabi?!” pagkagulat ko. “Yes, Cassandra. Mamayang seven ng gabi,” sambit niya. “Seven? Mamaya na talaga?” tanong ko na tila hindi pa makapaniwala. “Yes. Don’t worry. I’ll take care for you,” sambit pa niya. Napabuntonghininga na lang ako nang may ingay. Bahala na. --- Habang nandito ako ngayon sa kuwarto ko, hindi ako mapakali kaya pabalik-balik ako ng lakad. Tingin ako ng tingin sa orasan bawat sandali. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano. Anak ng tokwa. Mag-a-ala siyete na! Mayamaya lang, may kumatok sa pintuan ko at agad ko naman ‘yong pinagbuksan. “Ready ka na?” tanong ni Caden. “Paanong ready? Ready na mapahamak?” sambit ko. “Don’t worry. I’ll take the lead. You’ll just assist me for saving Kiara. That’s it.” “Ewan. Bahala na.” Napagkikiskis ko ang mga palad ko dahil sa kaba. Pagbaba namin sa sala ay napahinto kami sa tumawag sa’min. “Where are you guys going?” usisa ni Michael. Nagtinginan muna kami ni Caden bago sumagot. “Uhm. May pupuntahan lang kami, Dad,” sagot ni Caden. “Oh, is that a date? Okay, I’ll just let you enjoy the night. Anong oras kayo uuwi?” sambit niya. “Uhm, bago mag-eleven siguro nandito na kami,” sagot ni Caden sa tatay niya. “Okay, ingat kayo,” sambit sa’min ni Michael bago kami umalis. Paglabas namin ay agad na kaming sumakay ng kotse niya. --- Nag-drive siya hanggang i-park niya ang kotse niya sa parking lot ng school ko. “Teka, bakit tayo nandito?” pagtataka ko. May inabot si Caden mula sa backseat na isang malaking paperbag at ibinigay ito sa’kin. Kahit nagtataka ay tiningnan ko na lang ang laman nito at inilabas mula sa paperbag. “Teka, panlalaking formal wear?” pagtataka ko. Isang pares ng slacks, long sleeve na white, coat, at necktie. Meron ding wig na kasama. “Magpapanggap tayong mga tauhan ng yakuza gamit ‘yan, okay?” sambit niya. “Ha? Seryoso ka?” tanong ko. “Yep. That’s the only way. Kaya bilisan mo at magbihis ka na diyan,” utos niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. “Bakit?” tanong niya. “Magbibihis ako nang nandyan ka, gano’n?” sarkastikong tanong ko. “Oh, sorry,” sambit niya tapos ay lumabas na siya. Nakatayo lang siya sa tabi ng sasakyan habang nakasandal din dito. Tinted naman ang mga salamin ng bintana. Tinakpan ko ang windshield ng nakita kong dyaryo sa gilid ng upuan ko. Mabuti na lang din at walang kahit sinong tao rito ngayon. Kahit mahirap magbihis dahil masikip sa puwesto ko ay nagawa ko pa rin. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng sasakyan. “Kasya sa’kin, ah. Paano mo nalaman ang size ko?” tanong ko. Lumapit sa’kin si Caden tapos ay natawa siya. “Madali lang namang malaman ang size mo. Pang dose anyos na batang lalaki ang size na ‘yan,” sambit niya. “E ikaw? Nakaganyan ka na lang?” tanong ko. “Of course not,” sabi niya. Tapos ay binuksan niya ang sasakyan niya at may kinuha siya. Kinuha niya ang coat niya at kurbata sa backseat at sinuot ang mga ito. Kinuha naman niya ang wax niya sa isang drawer sa front seat at ginawa niyang brush-up ang style ng buhok niya. At ang huli, nagsuot siya ng eyeglasses na may kakapalan ang kulay itim na frame nito. Pagkatapos ay sumakay na ulit kami at pinatakbo na niya ang sasakyan niya. “Nandyan na kami, Kiara. Maghintay ka lang,” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD