Valentina NAWALAN ako ng gana matapos umalis ni Vladimir. Iyong mga nangyari nitong nakaraan na akala ko ay nagpapalapit sa aming dalawa, biglang gumunaw. Napakapit ako sa dibdib ko at ipinikit ang aking mga mata. Ikinalma ko ang aking sarili bago pumasok sa bahay nina Dmitry. Nakasalubong ko siya kaya hindi ko na siya kinailangan pang hanapin. “Uuwi na ako,” sabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa akin dahil sa sinabi ko. “Aren’t you going to eat dinner here?” Umiling ako sa kanya. Wala na akong ganang kumain. “Hindi na. Uuwi na ako. Okay na ba ang damit ko?” Pinaningkitan ako ng mata ni Dmitry. Alam ko na may ideya na siya na kaya ako nagkaganito ay dahil kay Vladimir. Inaasahan ko na aasarin niya ako, pero mukhang nakaramdam siya kaya nanahimik na lang. “You can borrow my s