Valentina PARA bang literal na naririnig ko ang puso ko na dahan-dahang nadudurog. HIndi ako makalaunok nang maayos dahil tila ba may nakabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga dahil para bang may nakasakal sa akin. Kung marunong lang akong umiyak, baka nga ngayon ay umiiyak na ako. Hindi ko napansin na lumalapit na pala sa amin sina Vladimir. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang batiin siya nina Papa. Bukod sa babaeng katabi niya ay naandito rin ang kanyang ina. “Greetings, Pakhan.” Sabay-sabay ang naging pagbati ng mga kasama ko habang ako ay hindi man lang makapagsalita nang maayos. Nakatingin ako kay Vladimir kanina, subalit nang mapansin ko rin ang paninitig niya sa akin ay agad akong yumuko. “Good evening, Seraphine Vasilieva and Alena Romanova,” pagbati naman nila sa